Ngayong 2022, maghanda na para sa isang girl to girl romance!
Mula sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, inihahandog ng Vivamax ang girl love series na “Lulu”, simula January 7, 2022. Dito makikilala ang unang pagsasama ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate) bilang Abi.
Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie. Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito. Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta. Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo. Ngunit nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama.
Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado ang buhay niya maliban ngayon. Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano. Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.
Ang “Lulu” ay may walong episodes na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax. Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.
Sa isang panayam, ibinahagi ni direk Sigrid Andrea Bernardo na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng “Lulu”. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.
Salamat sa Viva na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.
Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen Escaño, malayo sa mga nakaraang roles niya. Ayon kay direk, ang “Lulu” ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories. Aniya, “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.” Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila”.
Parehong excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi. Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig. Masaya si Rita na ang kanyang papel na si Abi ay maraming pagkakapareho sa kanya. Bukod sa pagiging tomboy, mahusay na chef rin si Rita at tumutugtog rin sa isang banda.
Para mapanood ang “Lulu”, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.
Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Mapapanood rin ang “Lulu” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.
Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ang Vivamax.