KIT THOMPSON KINUMPIRMA SA KANYANG INSTAGRAM POST ANG RELASYON NILA NGAYON NI ANA JALANDONI

JUST IN: KUMPIRMADO! Sa instagram post ng aktor na si Kit Thompson nitong gabi ay may nakalagay sa caption na  " our first date " at ito nga ang larawang yun! Kumpirmadong mag-jowa na nga sina Ana Jalandoni, ang maganda at seksing lead star ng pelikulang MANIPULA ng A Flix Media Productions na ipapalabas ngayong January 2022! 

Inurirat ko noon si Ana about sa kanyang lovelife pero pinagdiinan nitong dating palang sila ng kanyang showbiz guy. Wala siyang inamin sa lahat. 

Hanggang nitong gabi lang, kuha sa kanilang first date na sa pagkakaalam ko ay 2 months na siyang nililigawan ay mismong si Kit Thompson na ang nagkumpirma nito sa kanyang instagram account! 

Tama nga ang hula ko! Si Kit Thompson nga ang sinasabi niya noon na ayaw pa niyang aminin! Wishing you the best!

No comments:

Post a Comment