JANNO GIBBS, DENNIS PADILLA AT ANDREW E. MULING MAGPAPATAWA SA SANGGANOT, SANGGAGO, SANGGUWAPO NGAYONG DECEMBER 31 NA SA VIVAMAX

Inihahandog ng Vivamax ang sequel sa hit na comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, sa panulat at direksyon pa rin ng nag-iisang Al Tantay, pinagbibidahan ng mga lodi ng Pinoy Comedy: Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. At dahil sa patok na theme song nito na Aussie! Aussie! O sige! ni Andrew E., na ngayon ay hit Tiktok trend na, siguradong mapapasige ka nang sige ngayong December 31, sa Vivamax.

Sa SANGGANO, SANGGAGO’T SANGGWAPO 2: AUSSIE! AUSSIE! O SIGE!, susundan natin ang mga kwelang adventures nina Johnny (Janno), Dondon (Dennis) at Andy (Andrew) bilang mga managers sa bagong bukas na resort ng kanilang long-time friend na si Rico (Julianna Parizcova Segovia).

Ngayong namamasukan na sila sa Bonggacious Resort, masosorpresa ang tatlo sa pagdating ng kanilang mga dating katrabaho (Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena) bilang mga una nilang kliyente. Ayos na sana ang lahat kasama ang mga nagseseksihan nilang mga bisita. Kaso si Sir Gustavo (Pepe Herrera), ang pilyong boss, ay present din. Kakailangan muna nilang harapin siya bago sila maka-score sa mga ladies.

Saksihan ang ating mga bidang lalaki sa kanilang panggo-good time kasama ang kanilang special resort guests dito sa Vivamax Orignal movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! sa Vivamax simula December 31, 2021.

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

Maaaring magbayad gamit ang website, pumili lamang mula sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, o PayMaya. Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng app, pumili lamang mula sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, o Mastercard. O kaya naman, pwede rin sa Ecommerce, pumili lamang mula sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, o Paymaya. O kaya naman sa pamamagitan ng mga authorized outlets,  pumili lang mula sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, at Load Central.

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA. Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment