HANGGANG DULO KAYA ANG PAG-IIBIGANG BARBIE IMPERIAL AT DIEGO LOYZAGA SA PELIKULANG DULO?

Matindi ang salitang love kapag tinamaan ka. Either it will help you grow as a person or it will lead you to a pain na malulugmok ka lang bilang tao. Sa pelikulang DULO na pinagbibidahan ng real couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na mapapanood na natin ngayong December 10 sa Vivamax ay tila bibiyahe pa sila ng pagkalayo-layo sa pamamagitan ng isang road trip kung kakayanin pa nila o makakakuha pa sila ng sagot sa kanilang mga tanong hanggang sa dulo. 

Actually, inspiring ang film para sa mga lovers out there because the movie tackles love, patience and determination. Parang kasama nila ang hope sa biyaheng dulo na ito. 

Personally, i love them both lalo na nung malaman kong gagawa sila together ng isang pelikula. Acting wise naman, given na ang pagiging magaling nilang dalawa na pareho naman silang nakagawa na ng maraming projects lalo na sa telebsiyon. 

During the virtual mediacon, may mga isyu mang kinasasangkutan especially Barbie, hindi kami natinag sa sweetness ng dalawa the whole time. Well, it shows na mukhang deadma sila sa intriga and sa kanila na mismo galing ang salitang mas marami pa silang mas bibigyang pansin sa kanilang buhay like tutukan ang mga parating nilang projects at plano nila sa kanilang personal na buhay.

What excites me ay yung magiging dulo ng pelikula sa totoo lang. Kasi kung si Barbie ang tatanungin, she's willing to travel hanggang dulo pagdating sa isang relasyon. Aminado siyang minsan sa pagmamahal, nakakapagod din pero she said, that's life and walang makakapagsabi what will it run sa parating na araw sa buhay.

Also Diego exclaimed na wala sa isip niya mga ganoong bagay like hiwalayan. Basta't ang alam niya now ay nagmamahalan sila ni Barbie at marami silang plano together na 5 years from now daw ay baka magpakasal na sila at bubuo na rin ng sariling pamilya. Sobrang positive ni Diego, diba?

Hay naku! Basta! Let's all wish them luck at panoorin natin ang pelikulang idinerehe ni Fifth Solomon! Promise! Beautiful ang film kaya papanporin ko siya talaga! Inlove kasi ako noh! 

No comments:

Post a Comment