RHEN ESCANO AT RITA MARTINEZ NAGKAGAANAN NG LOOB HABANG GINAGAWA ANG PELIKULANG " LULU " NI DIREK SINGRID ANDREA BERNARDO

Kung tinangkilik ang mga pelikulang BL series, this  time, isang GL o Girl Love movie series titled LULU naman ang matapang na ipapalabas sa Vivamax simula January 7, 2022 na magkakaroon ng 8 series. 

Matapang ang tema ng movie about lesbianism or lesbians kung paano sila magmahal sa isang sitwasyon na sinulat at idinerek mismo ng award-winning scriptwriter-director ng pelikulang Kita Kita na si direk Sigrid Andrea Bernardo. Ayon mismo kay Direk Singrid when asked kung may mapapanood na intimate sexy scenes ang dalawang bida na sina Rhen Escano at Rita Martinez, naging deretsahan si Direk sa pagsasabing may love sa movie at may mga scenes ang love na aabangan daw talaga natin sa pelikula. 

Actually, nung pinapanood namin ang official trailer ng movie, mukhang lalake talaga si Rita Martinez. Para siyang korean actor na super naman talaga ang kaguwapohan huh! Sa trailer palang, kitang-kita na naming maromansa ito na medyo may komedya ayun pa sa dalawang bida.

During the virtual presscon naman, naku, halatang kinikilig naman si Rhen sa tuwing kinukulit ng entertainment media ang kanilang naging working relationship while doing the film huh!

Kunsabagay, pareho namang loveless ang dalawa at kahit si Rhen Escano na mismo ang umaming walang pinipili ang pag-ibig. Tomboy man o lalake ang manligaw sa kanya, wala diumanong prpblema at bukas siya kahit kanino. Ang kondisyon ni Rhen, basta't mamahin siya at maging loyal ito sa kanya.

In fairness sa Lulu, kaabang-abang siyang panoorin! May hatak ang tandem nina Rhen at Rita na for sure, hindi lang lesbians kundi pati mga bakla at kalalakihan ay mai-inlove sa movie! 

No comments:

Post a Comment