CHRISTINE BERMAS AT VINCE RILLON PAREHONG PINURI NI DIREK ROMAN PEREZ SA PELIKULANG SIKLO

Making waves na rin ngayon si Christine Bermas. Mula sa pagiging one of those ay ilulunsad na siya sa pelikulang Moonlight Butterfly ni Joel Lamamgan kung saan tatlong kalalakihan ang mahuhumaling sa kanyang pagiging paru-paru na sina Albie Casino, Ivan Carapiet at Kit Thompson. Tapos niya na ring gawin ang mga pelikulang Ang Huling Baklang Birhen, The Policeman, Sisid at ngayon naman ay ang pagpapalabas ng pelikulang Siklo sa Vivamax ngayong January 7, 2022 kung saan siya naman ang bidang babae kasama si Vince Rillon sa direksiyon ng napakahusay na film director na si Roman Perez Jr.

Sa katatapos lang na digital presscon ng nasabing pelikula ng Viva Films ay tinanong si Christine kung ano ang kanyang pakiramdam dahil mas mauuna pang ipalabas ang Siklo keysa sa launching movie niyang Moonlight Butterfly.

" Oo nga po eh! Ha! Ha! Ha! Feeling ko nga po baka naipalabas na lahat nung iba pang movies na ginawa ko at panghuli na yung launching ko. " tugon pa ni Christine.

Nagsunod-sunod kasi ang paggawa ni Christine ng pelikula pero okey lang naman daw sa kanya kung ano nalang ang maunang ipapalabas dahil mas mahalaga parin diumano para sa kanya ay ang pagdagsa ng blessing sa kanyang career.

Bakit ganoon nalang ka-pursigido si Christine? Ayon sa star in the making na produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo, ginagawa niya ang lahat ng ito hindi lang daw para sa kanyang sarili kundi lalo na diumano para sa kanyang pamilya.

Kung hindi natin alam, nanggaling lamang sa isang simpleng pamilya si Christine sa Palawan. Isang pamilyang salat sa lahat kaya naman sa kanyang murang edad ay natuto na siyang magbalat ng buto o maghanapbuhay para makatulong sa kanyang pamilya. Laking lola si Christine kaya nung makakita siya ng chance mula Palawan ay pumunta na siyang Maynila at the age of 15 at heto na siya ngayon at nilalakbay na ang daan tungo sa kanyang pangarap.

Kahit si Direk Roman ay hindi maiwasang purihin si Christine sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa pelikulang Siklo. Hindi lang daw pagpapaseksi ang alam gawin ni Christine kundi mahusay din itong umarte. Tulad ni Direk Joel Lamangan ay pinuri din siya while shooting her launching movie.

Nagpasalamat din si Tin kay Direk Roman Perez Jr. sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya bilang si Samara sa pelikula. Seksi man daw ang pelikula, malalim din daw ang aral na mapupulot dito lalo na't istorya ito ng mga delivery boys! 

No comments:

Post a Comment