MANG JOSE NI JANNO GIBBS NGAYONG DECEMBER 24 NA SA VIVAMAX

Handa nang magpakitang-gilas si “Mang Jose” sa Vivamax ngayong Nobyembre.  Ang superhero na ito na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang awitin noong 2005 ay isa nang pelikula na maihahanay sa mga extraordinary films na hatid ng Vivamax.

Si Janno Gibbs ay si Mang Jose na ang superpowers ay energy absorption and redirection.  Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong, ngunit dapat ay may kakayahan silang magbayad.  Hindi libre ang serbisyo ni Mang Jose, at umaabot pa nga ito ng ilang libong piso.  

Samantala, ang dating kapareha ni Janno na si Manilyn Reynes ay gumaganap bilang King Ina na gumagamit ng milk tea upang kontrolin ang pag-iisip ng mga tao.  Ang mga kampon ni King Ina ay tinatawag na Turborats.  

Nang gawing bihag ng mga Turborats si Tina (Bing Loyzaga), agad kinuha ng anak niyang si Tope (Mikoy Morales) ang serbisyo ni Mang Jose upang sagipin ito.

Inaasahan nang mahal ang magagastos ni Tope sa rescue mission na ito, ngunit ang isang mahalagang bagay na madidiskubre nila ni Mang Jose ay walang katapat na presyo.  

“Mang Jose” also serves as the big screen reunion of Janno and Manilyn after over two decades.  The JannoLyn tandem was one of the biggest love teams in the ‘80s, so even if they play rivals in this comedy-fantasy film, avid fans will be delighted about this reunion project.  Bing Loyzaga’s participation in her husband’s movie is an added bonus.

Siksik ang pelikula sa mga bakbakan at tawanan. Kaya sinisiguro ni Mang Jose at ng kanyang wacky sidekick na si Charlemagne (Jerald Napoles) na bibigyan nila tayo ng out of this world experience. Una nang nagkasama sina Janno at Jerald sa comedy movie na Pakboys na box office hit sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Ito ang pinaka-unang pelikulang pinagsamahan nina Janno at Manilyn makalipas ang lampas sa dalawang dekada. Isa sa pinaka-malaking love teams ang JannoLyn noong ‘80s, kaya naman kahit magkalaban sila sa pelikulang ito, ang mga avid fans ay tiyak na matutuwa sa reunion project na ito.  Bonus pa ang partisipasyon ni Bing Loyzaga, ang real-life Mrs. Gibbs.  

Ang “Mang Jose” ay simula ng malaking oportunidad para kay Mikoy Morales na nakatakdang makasama sa inaabangang superhero series sa telebisyon. 

Mula sa direksyon ni Rayn F. Brizuela, ang “Mang Jose” ay nakalahok sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea noong July.  Hindi ito ang unang pagkakataon na mapasama ang pelikula ni direk Brizuela sa isang international film festival.  Ang kanyang first feature film na “Memory Channel” (2016) ay nakapasok sa World Premiere Film Festival. 

Maunang saksihan ang kapangyarihan ni “Mang Jose” sa Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Viva, sa halagang 299 pesos ngayong November 17, 2021 at sa December 24 naman sa Vivamax.

Para mag-stream, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang “Mang Jose” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada  na rin ang Vivamax. 

Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment