BEYOND ZERO STAR-STUDDED ANG FIRST MAJOR DIGITAL CONCERT

Beyond Zero pinatunayang hindi lang silal pang-Tiktok sa kanilang digital concert.

Successful at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero na pinamagatang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa biggest indoor beach club ng bansa -- Cove Manila – ng luxurious Okada Manila noong December 3, 7 p.m. na napanood din sa Ktx.ph.

Ang Beyond Zero ay ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstars na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ang Beyond Zero ay mina-manage ng House of Mentorque at ang production house naman nilang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

Ayon sa management team ng P-Pop group inihanda nilang mabuti ang Beyond Zero bago ito  sumalang sa kanilang  debut concert. Dumaan din ang Beyond Zero sa matinding training sa dancing, singing at maging sa personality development para masiguradong handa sila sa concert scene.

Kahit nagsimula lang sa paggawa ng mga Tiktok videos from the comforts of their homes, the boys faced the pressure of performing on a grand stage for the first time.  The boys shone bright as they performed their first ever single, "Reach the Top” written by the award-winning singer-songwriter, Quest.

Their dance numbers were made exceptional with the beat of the two leading DJs in the Philippines -- Ace Ramos and Mars Miranda.

At bilang pagpupugay sa TikTok kung saan sila nagsimula, nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang fellow TikTokers na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco, and JM Yrreverre. Sinayaw nila dito ang mga viral TikTok dance challenges.

Nag-perform din sa concert as special guests at para sumuporta sa Beyond Zero  ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, at si  Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng mga susunod pang magagandang mangyayari sa kanilang career sa entertainment world. Obstacles and mistakes will be encountered along the way, but rest assured that these stumbling blocks will be treated as experiences to be learned from.

Anyway, Beyond Zero: The Reboot Digital Concert is directed by the award-winning director GB Sampedro.

No comments:

Post a Comment