Sumakay na sa mga kapanapanabik na tagpo ng buhay at umangkas kay Ringo at Samara sa pagdating ng Siklo sa Vivamax ngayong January7.
Ang unang Vivamax Original movie ng 2022, ang Siklo ay isang sexy-action-thrillerna pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas. Kwento itmulti-awarded director na si Brillante Mendozao ni Ringo (Vince Rillon), isang delivery rider na mahuhulog sa pinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara. Si Samara ay isa ring kabit ni Pastor Boy (Joko Diaz), na isang lider ng religious group na mandarambong at ginagamit ang mga nananampalataya nito upang lokohin at kuhanan ng pera. Matutuklasan ni Pastor Boy ang namamagitan kay Ringo at Samara at susubukan niyang sirain ang mga buhay nito sa pagdawit ng pangalan ni Ringo sa kanyang mga iligal na transaksyon, at sa pananakit nito kay Samara.
Sasakay sina Ringo at Samara sa motor ni Ringo at tatakas upang subukang magsimula ulit ng bagong buhay, lingid sa kaalaman nila ay natangay pala nila ang mga perang ninakaw ni Pastor Boy mula sa relihiyon nito. Tutugisin at hahanapin ang magkasintahan at mas manganganib pa ang kanilang buhay dahil kay Amang Pablo, ama ni Pastor Boy at ang pinaka lider ng kanilang pekeng relihiyon.
Ang pelikulang ito ang unang lead role ni Vince at Christine para sa Vivamax, at pinatunayan nilang dalawa na may ibubuga sila pagdating sa pag-arte para sa mga intense at maaksyon na eksena. Siguradong mas makikita pa ang husay nila sa pag-arte sa pagbida nila sa iba pang Vivamax Original Movies at mga pelikula mula sa mga award-winning directors. Una nang nagkasama sa isang BL (Boys’ Love) movie sina Vince at Christine. Ito ay sa direction ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza at pinagbibidahan din ni Paolo Gumabao - ang Sisd na malapit na ring ipalabas sa Vivamax. Magpapasiklab din dito si Ayanna Misola, fresh sa success ng Pornstar 2 at artist-vlogger na si Rob Guinto.
Mula sa Viva Films, ang Siklo at pelikula ni Roman Perez Jr., direktor ng ibang pang kilala at trending na mga Vivamax Original Movies na Taya at The Housemaid. Siya rin ang direktor ng 2019 erotic thriller movie na Adan.
Ituloy ang pag-celebrate ng bagong at kumapit ng mahigpit at sumama na sa kakaibang byahe ng Siklo, mapapanood na sa Vivamax sa darating na January 7, 2021.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Mapapanood rin ang Siklo sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.
Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!
No comments:
Post a Comment