ANGELINE QUINTO 5 MONTHS PREGGY! WHAT A BLESSING TO CELEBRATE HER 10 YEARS IN SHOWBUSINESS!

Nitong gabi lang, araw ng biyernes, ganap na ika-6 ng gabi, December 10 ay tuluyan na nga'ng inamin ni Angeline Quinto sa The Purple Chair interview ni Boy Abunda sa youtube channel nitong siya ay 5 months pregnant. 

Sinabi ni Angge na September this year niya lang nalamang buntis siya na magiging panganay nila ng kanyang di-pinangalanang soon to be Daddy ng kanyang dinadala. Biniro pa nga ni Angge si Boy Abunda na itetext niya nalang daw si Boy sa pangalan ng guy.

Aniya, new chapter ito ng kanyang buhay after her Mama Bob left her kung saan nakita ito sa isa sa kanyang naging instagram post. New chapter kung saan isa na diumano siyang Ina at punong-puno na rin siya ngayon ng excitement lalo na diumano sa ipapangalan niya sa kanilang magiging anak.

Malumanay lang ang naturang interview ni Boy Abunda. Just like Angeline who answered everything in malumanay na halatang pinaghandaan talaga ni Angeline ang naturang pag-amin dahil ayun na rin mismo sa sikat na kapamilya actress-singer ay karapatan diumano ng kanyang mga fans and followers ang malaman ang totoo at estado ng kanyang buhay na naging bukas naman daw sa publiko simulang makilala siya sa showbiz.

What a blessing to celebrate Angeline Quinto's 10 years sa showbiz. Blessing ang magkaroon siya ng baby at blessing ang ayon sa kanya'y pagkakaroon nito ng major concert this December 25 titled 10Q araw ng pasko! Hindi vaaah!

Bagamat may anak na sa ibang babae ang lalakeng nagbigay sa kanya ng blessing ngayon, minahal niya raw ito dahil sa pagiging honest nito sa kanya sa loob ng halos isang taong pagmamahalan nila na ngayon ag nagbunga na rin ng isang anghel!

Deserve ni Angeline ang kasiyahang ito dahil hindi naman naging lingid sa ating kaalaman kung gaano niya minahal ang kanyang Mama Bob at kung gaano niya sinuportahan ang mga taong naging katuwang niya sa anumang meron siya ngayon sa buhay.

Mapapanood anv kabuuan ng interview kay Angeline sa youtube channel ni Boy Abunda na The Purple Chair. 

No comments:

Post a Comment