ALEX AT TONI PATOK ANG SISTERRIFIC TANDEM SA THE EXORSIS NA MAPAPANOOD NA NGAYONG DECEMBER 25

Malakas ang kutob kong this movie The Exorsis na pinagbibidahan ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ang tatabo ngayong taon sa takilya ng Metro Manila Film Festival. Ako personally ay gusto kong makapanood ng pelikulang magaan lang na matatawa ako, maiyak konti at matatakot and this movie fits my inaasam-asam na pamaskong pelikula bilang treat ko sa sarili ko after being jailed ng pandemic noh!

Sa trailer palang na aming napanood bago mag-umpisa ang virtual mediacon, tawang-tawa na kami at alam na naming kakabagin ka sa kakatawa sa movie. Idagdag mo pa diyan ang nakakatawang si Melai Cantiveros who's playing the name of Jessamae ( kalokang pangalan ) sa movie! Bakit kaya wala si Maritess? Kidding aside, beautiful itong film na minaneho naman ng isang fresh movie director na si Direk Fifth Solomon na minsan na rin naming binigyang puri noon sa kanyang debut film na Nakalimutan Ko Ng Kalimutan Ka na pinagbidahan ni Alex Gonzaga huh! 

Istorya ng dalawang magkapatid na magkaiba ang pag-uugali. Kumbaga si Toni ay matino at ito namang si Alex sa movie ay pasaway kaya siya ang dinikitan ng masamang espiritu kaya nasapian siya na ikinawindang naman ng kanyang Ate Toni sa film. Basta. Kakaloka ang mga eksenang mapapanood natin. 

Well, acting wise, natural kung umarte ang magkapatid huh! Parang sila lang sa totoong buhay. Na si Toni ay seryosong tipo at si Alex naman ay kikay na minsan daw o kadalasan ay walang preno ang bibig na kahit yung ibang bagay na hindi dapat sinasabi ay nasasabi ni Alex dahil nga sa pagiging kudaera nito! 

Ang nakakatuwa sa dalawa, as they grow older at kahit may kanya-kanya na silang pamilya, maintained pa rin diumano ang kanilang closeness bilang sissies in real life at yun diumano ang mahalaga sa kanila. 

Hay naku! Basta! Positive akong this MMFF Official entry ng Viva Films at Tincan na The Exorsis will make it to the box-office talaga. Kumpleto na kasi ang sangkap ng pelikula plus galing pa ng direktor nila! 

No comments:

Post a Comment