MALAKI MAN O MALIIT ANG CHRISTMAS TREE BASTA BUO KAYO NG PAMILYA MO NGAYONG PASKO AY MASAYA NA AKO --SETH FEDELIN

Umaariba na sa pelikula at telebisyon ang showbiz career ng Newest Teen Sensation na si Seth Fedelin after PBB. Honestly, naga-gandahang break sa pelikula like Abandoned and Wild Little Love for IWant ang ipinagkatiwala sa kanya kasama na rin ang pagganap niya bilang si Macoy sa araw-araw na inaabangang teleseryeng Kadenang Ginto ng Dreamscape. Ratsada rin ang bagets sa kanyang out of town shows at kung anu-ano pa. Blessed talaga si Seth kaya naman ngayong parating na Pasko ay may munting hiling si Seth.
" Sana po, tuloy-tuloy lang, kasi, hiningi ko ito eh. Saka ngayong pasko ay gusto ko rin magpasalamat talaga sa blessings na dumating sa akin sa lahat ng taong nagtiwala sa akin, sa fans, sa lahat-lahat. Na ang hiling ko lang kay Papa GOD na sana hindi niya ako iiwan sa lahat ng gagawin ko pa sa buhay ko lalo na sa career ko. " aniyang mahabang bungad pa sa aking huling interview.
Aminado si Seth na ngayong taong ito ay mas naging makulay at masaya ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Mga puntong nakabili na siya ng kanyang sariling sasakyan na nagagamit niya sa kanyang mga taping, isang motorsiklo para sa kanyang Ama at mga regalong iba pa para sa kanyang Ina at kapatid. 
" Ang wish ko lang ngayong pasko ay yung buo pa rin kaming pamilya. Yung sama-sama kaming lahat ngayong pasko tulad dati. Mas masaya lang lalo siguro ngayong paskong parating dahil mas marami na kaming pagsasaluhang pagkain at sama-samang kumain, yun naman ang mahalaga eh, yung kasama mo ang buong pamilya mo kapag pasko at sama sama kayo, yun naman ang pasko. " aniyang muli.
Mas malaki na rin kaya ang kanyang X-mas tree sa bahay ngayon kumpara noong mga nakaraang taon sa kanyang buhay?
" Hahahaha! Oo nga po eh. Hindi, yung xmas tree na pinost ko po, naaliw lang ako, naalala ko po kasi ang xmas tree namin sa bahay tuwing pasko na maliit lang. Binili namin yun ay grade 4 or 5 palang yata ako at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang xmas tree na yun na tuwing pasko yun yung xmas tree namin. Hindi naman mahalaga sa akin ang xmas tree eh, mahalaga po sa akin na buo po kami. Maliit man o malaki ang xmas tree natin, ang mahalaga ay buo kayong pamilya na sumasalubong sa pasko dahil yun ang totoong spirit of xmas para sa akin. " aniya.
Mukhang ngayong 2020 ay maraming plano si Seth na gusto niyang magkaroon ng katuparan. Isa na rin ba rito ang pagbili niya ng bagong bahay para sa kanyang pamilya?
" Tingnan po natin. Ayoko papo magsalita dahil wala pa naman po Mama Doms. Basta ang ginagawa ko ngayon, ayoko po kasing iwanan ang bahay namin sa Cavite eh. Doon po ako ipinanganak at bahay na namin yun. Pakonti-konti po muna, dahan-dahan, ayoko po talagang alisin ang bahay na yun. Sa ngayon po ay pinapaganda namin, para sa pagpasok ng pasko, pinapaayos ko ang loob ng bahay, yun lang po muna. " aniyang paglalahad pa sa akin.
May mga naiisip na rin daw siyang papasuking negosyo sa ngayon kahit maliit lang. 
Ginagawa niya diumano ang lahatb ng ito para sa kanyang pangarap at para sa kanyang pamailya an hinding-hindi niya diumano pakakawalan ang pagkakataong ipinagkatiwala sa kanya. 

MACOY DE LEON THANKFUL MAKATRABAHO SINA JANELLA AT MARICEL SA THE HEIRESS

Hindi biro ang makatrabaho sa isang proyekto ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa horror movie na The Heiress ay napabilang si MCcoy De Leon bilang isa sa tatlong bida nito with Janella Salvador. Sa isang baguhang aktor tulad niya ay isang karangalan ito at dapat mong i-treasure bilang nag-uumpisang aktor sa larangan ng pag-arte. Yes. Aminado si Macoy na hindi lahat ng kabataang naghahangad makasama sa isang pelikula si Maricel Soriano ay napagbibigyan. At para sa binata, biggest break ito para sa kanya. Masayang nagkuwento sa amin ang binata during the presscon about his role na para sa kanya, hindi naman masyadong naging mabigat para sa kanya dahil nakaalalay naman daw sa kanya si Marya. Aminado siyang ilang na ilang siya noong una silang magkita sa set ng movie hanggang sa naging malambot na sa kanya ang tadhana at comfortness naman ang ibinigay sa kanya ng Taray Queen at naging okey na ang lahat. Burado na ang taray image ni Marya sa binata at very thankful diumano si Macoy na binigyan siya ng ganitonmg proyekto ng Regal Films lalo na kay Mother Lily Monteverde. Actually, first time kong papanoorin si Macoy sa isang horror movie. May excitement dahil kahit hindi pa man ganoon ka-galing umarte ang binata, love na love kasi ito ng camera eh. Guwapo at yummy ika nga nila! Well deserved ni Macoy ang mga biyayang dumarating sa kanya ngayon dahil napakasipag ni Macoy at makapamilya naman talaga. Showing napo ang pelikulang The Heiress ngayong Miyerkules, November 27 in cinemas nationwide. Presented by Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Frasco Mortiz.

THE HEIRESS MOVIE ENDS YOUR DECADE WITH A SCREAM

This is the horror movie that will topple all the others that have come out earlier this year. It's the newest terror movie that will end your decade with a scream. Sureness na mapapasigaw at kikilabutan ka pero safe pa rin sa bagets ang year-ender horror movie na ito. Yes na yes dahil hindi nanatin kailangang maghintay pa ng December 25 para makapanood ng isang horror movie. Dahil ngayong November 27 ay ipapalabas na ang pinaka-bonggang pelikula ng katatakutan. Ang pelikulang nilikha ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Frasco Mortiz na pinagbibidahan nina Janella Salvador, Maccoy De Leon at Maricel Soriano. Ang pelikulang The Heiress kung saan garantisadong mapapasigaw ka ng bonggang-bongga dahil sa kakatakutang handog nito. Huwag manood ng mag-isa. Dapat may kasama ka. Dahil di-bale nang mahampas mo sa takot ang kaibigang kasama mo keysa si Mamalarang na tatabi sa iyo kapag ikaw lang manood mag-isa huh! Hindi ako mahilig sa horror movie pero ang pelikulang ito ang nagpabago sa aking panlasa. Sabi ko sa sarili ko, para siyang Hollywood movie na hindi lang basta-bastang nilagyan ng katatakutan kundi pinag-isipang mabuti kung kelan aatake ang pambulagang eksena para takutin ka! Ang mahalaga, hinbdi pa rin tinanggal ni Direk Frasco Mortiz ang tatak Regal ng pelikula at level-up na rin ito huh! Sa cast ng pelikula, ibang klaseng atake ang ginawa ng nag-iisang Diamond Star sa kanyang karakter sa pelikula. Parang hindi si Marya. Kinagat niya ang kanyang portrayal at sigurado akong kakatakutan natin siya sa movie na ito na talaga namang pakahusay niya naman talaga bilang isang aktres mula noon hanggang ngayon. Si Janella Salvador naman, well-acted at mahusay rin siya huh! Malayo-layo na rin ang kanyang narating bilang isa sa pinaka-mahusay na aktres sa kanyang henerasyon huh. Si Mccoy De Leon naman ay halatang palaban na rin ang hashtag member na in-fairness ay naga-gandahang role naman ang nabibingwit niya! Bawal po kumurap sa pelikulang ito. Hampasin mo ang katabi mo kapag nagulat ka! Excited na akong panoorin ang pelikulang ito na magso-showing napo ngayong Miyerkules, November 27 in Cinemas nationwide na magkakaroon ng red carpet premiere bukas, martes, 6pm sa SM Cinema & ng Megamall! Presented by Regal Films.

PRESIDENT DUTERTE MAY APPEARANCE SA PELIKULANG KINGS OF REALITY SHOWS NI ARIEL VILLASANTA

Bilib kami sa dedikasyon ni Ariel Villasanta sa kanyang propesyon. Dumating siya sa puntong isinangla ang kanyang bahay para lang mabili sa isang network ang naumpisahang pelikula at tinapos ito at ipapalabas na ngayong November 27 in cinemas nationwide. Ito ay ang pelikulang KINGS OF REALITY SHOWS--THE UNTOLD STORY na siya mismo ang nagsulat, nag-produce at nag-direhe. Ayon kay Ariel, napakarami niyang nilapitang tao para lang makalikom siya ng sapat na halaga upang tapusin ang pelikulang ito. Naglalakihang personalidad ang walang kiyeme niyang hinaplos at heto na nga, tapos na ang movie. Sa isang private / intimate screening ng movie last friday evening na ginanap sa UP Film Center kung saan naimbitahan kami, naiyak kami sa pelikula. Don't know why dahil sa kabila ng kabaliwang pinaga-gawa nila ni Maverick, may kurot sa puso ito. Makikita niyo at mararamdaman niyo sa pelikulang ito ang kanilang struggles para lang sa kanilang career at tanging pangarap. Ayon, hindi namin namalayan, umiiyak na kami. Saludo ako personally kay Ariel. I love this guy. Punong-puno ng passion ang taong ito at sana ay makabangon siyang muli mula sa pelikulang ito na napaka-realistic ang pagkakagawa. Dito lang din sa pelikulang ito ay nalaman naming pinsan niya pala si Joey De Leon. Kaya pala todo-suporta sina Cheenee De Leon at Keempee De Leon that night sa kanilang Tito Ariel. Naglalakihang appearances ng naglalakihang tao sa mundo ng showbiz at politics ang mapapanood natin dito. Higit sa lahat ay ang paglabas ng Pangulong Duterte sa movie na maaaliw ka! Basta! This is something new sa ating mga moviegoers and you should watch this film. Matatawa ka pero kukurutin ka sa puso ni Direk Ariel Villasanta.

THE HEIRESS NG REGAL FILMS PANALO SA KATATAKUTAN

Prepare to meet the Mamalarang, the newest horror icon in the horror movie, The Heiress!
Get ready to meet a new character that is sure to be included in the roster of Filipino classic horror movie creatures: The Mamalarang!
Prepare the scare of your life and meet the Mamalarang in the upcoming horror flick.
The film is produced by Regal Entertainment...the company that has introduced Filipino iconic creatures in numerous movies such as SHAKE, RATTLE AND ROLL franchise movies, REGAL SHOCKER, TIYANAK, ASAWANG, IMPAKTO, VAMPIRA, HAUNTED MANSION AND HAUNTED FOREST to name a few.
A Malalarang is a powerful dark spirit that intends to use it's evil powers through a human medium, a Mambabarang.
In Filipino folklore, a Mambabarang is described as an evil sorceress who can male and put a powerful evil spell-even-death on a person.
The Heiress also takes pride in putting together a powerhouse cast from different generations: Maricel Soriano, Sunshine Cruz, McCoy De Leon and Janella Salvador.
The Diamond Star plays Luna, the aunt and surrogate mother od Guia ( Janella ).
Luna devotes her life to protect Guia, and shield her from those who want to harm and hurt her.
Luna is a powerful " Mambabarang " ( Demon Sorceress) who'd ruthlessly punish or kill anyone who would steal from her Guia's love and attention, including her biological Mother Carmen ( Sunshine ) and her boyfriend RENZ ( McCoy ).
Unbeknownst to Guia, she is the next heiress and the only one who can stop the evil spirit Malalarang that controls Luna.
But at the same time since she is the heir, Guia is also capable of inheriting the powers of her aunt and can also be a threat to those who will belittle her.
While shooting the movie, Maricel recounts an eerie story that she experienced.
She relates..
" Nakaramdam kami sa set ng nilalang na nakikialam. Pinapakialaman niya ang audio namin at para bang pinipigilan niya kami matapos sa shoot. May isang araw na pareho kami ni Direk Frasco, bigla nalang sumakit ang tuhod at di-makalakad ng maayos. Sabi ko, baka tinatakot tayo ng nilalang na ito. Gusto ko lalong maniwala sa Barang after this experience. " aniya.
Regal Entertainment which has been reputed for coming up with unforgettable movies in horror genrePhilippine cinema, promises that The Heiress will be full of intense horror, suspense, elicits fear of reality, with familial story about an OFW and the kids that are left behind.
The movie boasts a very well thought of story and promises to exceed in visuals and production value, which are evident in the previous movies of Regal Entertainment such as Shake, Rattle And Roll franchise movies, Haunted Mansion ( MMFF 2016 ) and Haunted Forest ( MMFF 2017 ).
The Film is directed by Frasco Moryiz, who proved his mettle in horror genre with his exceptional work in Pagpag which was an MMFF blockbuster in 2013.
The Heiress will surely be the newest scare which will end 2019 in extreme horror and is sure to Haunt you wherever you are!
So let the scream begin with The Heiress opening in cinemas this November 27.
Experience the house of Barang at Asylum Manila until November 27.

MCCOY DE LEON RATSADA ANG CAREER

Natutuwa kami personally sa nangyayari ngayon sa showbiz career nitong si Macoy De Leon. Mukhang naging maganda ang takbo ng kanyang karera simulang mabuwag ang tambalan nilang dalawa ni Elisse Joson o McLisse. Actually, balikan ko lang, marami ang nanghinayang nang magdesisyon mismo ang dalawa na buwagin na ang kanilang loveteam dahil napakarami nilang supporters. Pero talagang ganoon naman sa showbiz, kung hindi puwedeng mag-workout ang isang bagay o imposibleng mag-grow, kailangan lang talaga ang matinding desisyon. Kaya when we heard about it, nasabi kong mas maganda na rin upang maka-alagwa na ang bawat isa sa kanila at magkaroon sila ng kanya-kanyang path sa showbiz. Well, as of presstime ay kitang-kita naman ang pagiging busy ni Macoy hindi lang sa kanyang daily noontime appearance sa It's Showtime bilang Hashtags kundi lalo na sa paggawa ng pelikula huh! Deserving naman ang binata and in-fairness ay magaling na rin siyang umarte kumpara noong nagsisimula palang siya. Kilala kasi namin ang bagets na ito. Isang magalang at alam naming tutok sa kanyang pamilya at trabaho kaya nasabi naming malayo ang kanyang mararating. This time ay masasabi naming tama lang ang kanyang naging desisyong kumalas na sa loveteam at bumiyaheng mag-isa sa kanyang career. 
Sa presscon naman ng kanyang latest movie sa bakuran ng Regal Films para sa pelikulang The Heiress ay naging deretsahan ang sikat na binata sa pagsasabing isang karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Kinabahan daw siya nang makita niya in-person ang beteranang aktres sa shooting ng pelikula. Kinabahan daw siya lalo na sa kanyang mga eksena kasama ang isang Marya. Pero thankful si Macoy dahil maling-mali daw siya sa kanyang impresyon dito. Napakabait daw ni Marya at hindi naman dapat katakutan. 
Masaya diumano si Macoy na nabibigyan siya ng mga ganitopng proyekto at nakakatrabaho ang naglalakihang artista sa industriya. 
Sa pagratsada niya sa kanyang showbiz career, wala na diumanong mahihiling pa si Macoy kundi ang pagtuloy-tuloy ng mga biyayang natatanggap niya ngayon. 
Ang The Heiress ay pinagbibidahan nina Janella Salvador, Maricel Soriano at Macoy De Leon. Mula naman ito sa direksyon ni Frasco Mortiz handog sa atin ng Regal Films. Showing napo ang movie simula ngayong November 27 in cinemas nationwide.

MOTHER LILY MONTEVERDE TAKOT NA TAKOT PALA SA ASWANG

Just this afternoon. Ako ang kauna-unahang dumating sa Valencia Events Hall ng Regal Entertainment para sa The Grand Reveal ng inaabangang horror movie titled The Heiress na pinagbibidahan nina Maricel Soariano, Janella Salvador at Macoy De Leon. Biglang dumating si Mother Lily to check the production design inside the venue with Ms. Aiz Domingo. Binati ko siya ng magandang hapon at sa kinauupuan kong mesa ay doon din siya umupo. 
Habang nagso-social media ako ay narinig ko si Mother Lily.
" Katakot naman yan! " aniya.
Sinagot ko naman siya.
" Yes Mother. Sound effects palang nakakatakot na! " sabi ko.
Dito na siya nagkuwento sa akin, exclusive na at her age at sa pagiging reyna niya sa paggawa ng horror films ay takot na takot daw talaga siya sa multo.
" You know what, kasi when i was young, may yaya akong mataba, ayaw niya akong maingay. Kapag maingay na ako, sasabihin niya sa akin na ayan na ang pusa. O multo. Kaya tumatak yun sa akin until now. Takot talaga ako sa aswang o multo. " aniyang kuwento pa sa akin.
Natuwa ako kay Mother Lily kaya agad-agad ay sinulat ko ang article na ito.
At take note, sa kasalukuyan, heto pa ang kuwento niya kapag umuuwi siya ng kanyang bahay.
" Kahit sa house ko, kasi malaki ang house ko, kasi may kanya-kanyang family naman mga anak ko kaya ako lang sa bahay ko, sabi ko sa kasama ko, turn all the lights on! " natawang pagkukuwento pa ni Mother Lily.
I truly admire and love her. She's truly a gem in this industry that's why tinitingala siya at nirerespeto sa industriyang ito ng showbiz. We lobe you Mother Lily.
Showing napo ngayong November 27 ang pelikulang The Heiress mula sa dirsksyon ni Direk Frasco Mortiz. 
Kasama rin po sa pelikula sina Sunshine Cruz at may espesyal na partisipasyon ang bagong Darna na si Jane De Leon!
Katakot ang movie sa totoo lang!

JURIS MULING HUHUGOT NGAYONG DECEMBER 14 SA RESORTS WORLD MANILA

Bilang isang singer ay halos nasa 20 years na palang umaariba sa music industry si Juris Fernandez. Nakilala siya noon bilang female lead vocalist ng bandang MYMP na nagmula sa Davao City. Aminin natin, doon naman talaga umariba ang kanyang karera sa banda niya hanggang sa nagdesisyon siyang makilala bilang Sessionistas ng ASAP at dito na nga umpisang tahakin ni Juris ang kanyang karera bilang solo artist. In-all-fairness to her, she nailed it huh! Nakagawa rin siya ng pangalan at lahat ng kanta niya ay tumatak sa tao at kinakanta kahit saan. Sa pocket presscon ng kanyang JURIS Concert na gaganapin sa Resorts World Manila ngayong December 14 ay walang kiyemeng sinabi sa amin ni Juris na naging fruitful ang kanyang journey bilang isang singer. Wala diumanong dapat sayangin sa naturang paglalakbay. Kung may mga hindi diumano siyang makakalimutang ganap sa kanyang career ito ay noong mag-release siya ng kanyang NOW PLAYING album under Star Music na all-original compositions ang nakapaloob. Kasama na rin daw ang pagkakataong nakapag-release siya ng kanyang album sa Singapore at South Korea na napakalaking achievement diumano sa kanyang career bilang isang singer. Higit sa lahat diumano ay ang magkaroon siya ng asawa at mga anak! 
About her upcoming concert sa Resorts, medyo iniba naman daw ngayon ni Juris ang line-up o may mga changes daw ngayon ang kanyang paganap sa Resorts kumpara noong June kung saan nagkaroon na rin siya ng comecback concert. Makakasama ni Juris ang magaling din na singer-composer na si Ice Seguerra sa entablado at siya ring magdidirek ng kanyang concert. 
" We did some changes sa line-up of songs and guest. Kailangan yun eh. Excited naman ako everytime nagko-concert ako especially now that am working with Ice and nakakatuwa because it all started lang sa Sessionistas namin sa ASAP. " aniyang bulalas pang tsika sa amin.
Kanya ring pinasalamatan ang kanyang fans and followers dahil kung hindi raw sa kanila ay hindi rin naman daw siya makikilala.
Natawa nalang si Juris nang sinabihan namin itong siya naman talaga ang original hugot queen bago pa man nagsulputan ang iba pang pilit ginagaya ang kanyang estilo na hindi naman nila kinakaya!
Kanya rin sinabing masaya siya sa mga baguhang singers ngayon na may kanya-kanyang estilo sa pagkanta dahil wala naman daw talagang ibang gusto sa buhay ang mga ito kundi ang mai-share lang din daw ang kanilang mga talento. 
Naku! Panoorin natin si Juris this coming December 14 sa Resorts World Manila dahil naga-gandahang songs ang alam naming line-up niya from yesterday and today! She's just the one and only JURIS!

MILLENIAL POP PRINCESS JANAH ZAPLAN RELEASES FIRST CHRISTMAS SINGLE UNDER STAR MUSIC

MILLENIAL POP PRINCESS JANAH ZAPLAN RELEASES FIRST CHRISTMAS SINGLE UNDER STAR MUSIC
Janah Zaplan finds a new home. After signing an exclusive digital distribution deal with the country’s leading record label, Star Music, Janah is set to conquer new heights with the release of her very first Christmas single, “Sana Lagi Ay Pasko”, produced by the award-winning SonicState Audio Services helmed by songwriter/producer Brian Lotho. This is a big leap for Janah as she is now joining the star-studded line-up of artists distributed by Star, ABS-CBN’s music label arm. 
“Sana Lagi Ay Pasko” is a mid-tempo pop track penned by Brian Lotho, a young songwriter who has worked with big-named artists such as Christian Bautista, Maja Salvador, Jennylyn Mercado, among others. The song reflects the sentiments of our overseas workers who endure the loneliness of being away from their families, but look forward to the Christmas season to spend it with them.
Being an official Kapamilya excites the young singer. She hopes to be given the chance to work and collaborate not just with Star Music artists but with the network’s superstars as well like her idol, Sarah Geronimo. 
With “Sana Lagi Ay Pasko” Janah hopes to finally be recognized as one of OPM’s next big thing, a title she rightfully deserves.

TAGOS SA PUSO ANG PELIKULANG THE ANNULMENT NINA JOEM AT LOVI

Naimbitahan kami sa red carpet grand premiere ng pelikulang The Annulment ng Regal Entertainment na ginanap sa SM Megamall Cinema 7. Pinagbibidahan ito nina Joem Bascom at Lovi Poe sa direksyon ni Mac Alejandre. While watching the said film na magso-showing na bukas, nakita ko ang sincerity ng pagkakalatag ng istorya sa pelikula. It's a movie about love na sinasabing walang boundary. Meaning, sa pagmamahal, walang limitasyon at puwedeng makalimutan ang ating sarili dahil lang sa pag-ibig. Na kapag nagmahal tayo, napakarami nating nasasakripisyo at nagigising nalang tayo sa katotohanang bulag na tayo. The movie also tackles about betrayal of trust. Na kapag nawala na yun, parang ang hirap ng magtiwala ulit sa iyong asawa kahit gaano mo pa ito kamahal. Yung alam mong durog na durog ka na at kailangan mong magdesisyon para lang masabi mong you're done at no more trust and better to be alone and love yourself. Gustong-gusto ko yung istorya ng film na ito. It's all about winning the love or losing it. Istoryang napapanahon. Kung bakit tinatanong ka pa rin kung mahal mo pa ba siya o hindi na? Kung magiging masaya kaba sa gagawin mong desisyon o hindi. Kung tama ba ang desisyon mo o hindi? O wala na bang pag-asang maayos ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali? O sagad na sagad kana at gusto mo ng kumawala! Medyo malalim ang istorya ng pelikulang The Annulment pero napakaraming mapupulot na aral may asawa ka man o wala. Muli, sa pelikulang ito, minahal ko ang karakter nina Lovi at Joem at aminado akong in some parts ay naka-relate ako. Muli ring pinatunayan ng dalawang bida ang kanilang kahusayan bilang mga aktor sa industriyang ito. Na sa kabila ng kanyang angking ganda at seksing katawan ay umariba sa galing si Lovi at ramdam na ramdam ko siya. Especially the character of Joem, my gosh, pinaiyak niya ako sa film. Hindi ko namalayang lumuluha na ako because truly, Joem portrayed his character very well sa movie at no question naman talaga sa pagiging mahusay niya. Yayakapin mo ang karakter ng dalawa sa film na ito. After watching it, nandun yung realization na dapat pag-aralang mabuti ang mga desisyong gagawin lalo na sa isang marriage. Isipin ang makakabuti, ang makakasama at kung ano ang tama sa mali. Kung dapat ba o hindi. Basta! Na-inlove ako sa movie and better watch it! Bukas na sa mga sinehan nationwide! Handog po sa atin ito ng Regal Entertainment.

KINGS OF REALITY SHOWS NI ARIEL VILLASANTA SHOWING NA NGAYONG NOVEMBER 27

KINGS OF REALITY SHOWS: The First Reality Movie of Ariel and Maverick with Mommy Elvie.
What doest it take to fulfill your dream?
This is a question that Ariel Villasanta, half of the now defunct reality comedy tandem, Maverick and Ariel, asks himself one night as he was hounded by his own regret and career frustrations. This sets him off on an impossible journey of producing a nearly forgotten and unreleased movie he and his partner Maverick shot in the U>S 10 years ago. Armed only with his charmand undeniable guts, he seeks help from everyone and anyone he knows that made it big in their industries, but even that is not enough so Ariel tales a leap of faith and sacrifices more than just his smooth talking to finally get the movie out. 
We are taken back to 2008 when at the height of their careers, Ariel and Maeverick feeling stifled by the local showbiz industry, they seek greener pasture in Hollywood USA where they get a shot at the big leagues. Both then and now, blurring the line that separates ambition and disillusion, they have gone through misadvantures just for that shot at fame. Through their journeys, we see the real cost of making it big in this industry, but will it all be worth it?
Sometime ago, Maverick and Ariel shoot the first reality movie in the Philippines about their journey in Hollywood to conquer American Idol.
After 10 years...Ariel as a struggling artist did not stop at nothing and seek help ftrom several personalities to complete the movie and pursue his dream of sharing it to the Filipino people. 
Sobrang pagsisikap nga ang nakita namin kay Ariel para lang mairaos ang pelikulang ito. Humantong sa pagsasangla ng bahay at nakahanda na diumano siyang tanggapin kung anuman ang magiging resulta ng pelikula sa showing nito sa November 27 sa mga sinehan nationwide. Produced, Written and Directed by Ariel Villasanta ang pelikulang ito under his own company na Lion's Faith Production. 
Napakaraming kasama sa pelikulang ito. Nandiyan si President Duterte, Mayor Sara, Senator Trillanes, Oacquiao, Bato dela Rosa, Isko Moreno, Strike Revilla, Raffy Tulfo, Mocha Uson, Joey De Leon, Coco Martin, Regine Tolentino, Jose Manalo, Emppoy, Jasmine Trias, Suzette Ranillo, Cristina Decena and the late Eddie Garcia and German Moreno. 

BIDAMAN 2ND RUNNER-UP JIRO CUSTODIO MAY CONCERT NA SA CUNETA ASTRODOME

Jiro Custodio Batongbacal was born to proud parents Jimmy and Nancy in Malolos, Bulacan. The second born of 4 siblings-their eldest being twins, Jiro began life like any typical child. Life was not easy for Jiro and his family. Many times they would be caught in such dire financial constraints that they would have to move from one place to place-not being able to call a space " home " . Eventually they would relocate to Gapan, Nueva Ecija-the hometown of Jiro's grandfather. It was there in Gapan where his father found work as a care-taker for a farm. His mother stayed at home to make sure everything was in order. With the small income that his father made, they all had to make do with the little resources they had. This way of life instilled in Jiro a strong sense of family. It would provide him the drive to stay focused on earninga place in the entertainment industry. It was imperative that he established himself in order for him to financially ease his family's situation. He truly wanted to make things more comfortable for his parents who have worked so hard to sustain them all these years. 
Ang naging humble beginnings ni Jiro ang nagtulak sa kanya upang tuluyang pasukin ang showbiz industry hanggang sa maging regular siya noon sa Walang Tulugan show ng namayapang si Kuya Germs Moreno sa GMA Channel 7. Tumakbo ang kanyang karera at nagkaroon din naman ng ilang break sa mukha ng telebisyon hanggang sa nitong taon lang ay nanalo siya bilang 2nd runner-up sa BidaMan contest ng It's Showtime ng ABS-CBN 2. Dito na tuluyang nakilala ngayon si Jiro at nang magpunta nga siya sa HongKong recently after ng grand finals ng It's Showtime ay nagulat din siya sa mga taong nakakakilala na sa kanya at nagpa-picture. 
" Nagulat po ako. Hindi ko po alam na ganoon po pala kalawak ang Showtime. Na pinapanood po pala siya hanggang sa HongKong na first time ko pong mag-out of the country. Nakakataba po ng puso sa totoo lang po. " aniyang tsika pa sa amin nang makausap namin ang papasikat na ring Bidaman.
Balita namin ay tribute niya diumano sa namayapang mentor na si Kuya Germs Moreno ang kanyang nalalapit na The Greatest Show Concert na magaganap sa Cuneta Astrodome. Isang napakalaking venue na marami naman ang nagtaasan ang kilay?
" Yes po. Bale charity show rin po kasi ito para sa mga batang may cancer at nakakataba po ng puso ang tiwala sa akin ng mga taong nagbukas na naman ng pinto sa akin sa field na ito. Ang pag-kanta. Medyo malaki po talaga ang venue. Hindi naman po ako nagi=expect na pupunuin ko po ito, marami po kasing sponsor at yung mga supporters ko rin po at mga taong nagmamahal sa akin. Basta gagalingan ko po ang show na yan. " aniya. 
Kasama sa concert sina Dulce at Bugoy Carino at iba pang mga kaibigang nasa showbiz ni Jin tulad ng kanmyang mga kapatid sa BidaMan at ilang kaibigang kumakanta rin!

BIDAMAN GRAND CHAMPION JIN MACAPAGAL PAKAHUSAY SA MUSICAL FILM NA DAMASO

Napanood namin in-advance ang musical film na Damaso ni Direk Joven Tan kasama ang ilang main lead stars ng pelikula ng Regis Films at Reality Entertainment na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong November 20. Una ay nasabi ko talaga kay Direk Joven na sa dinami-rami ng kanyang nagawang pelikula, mas hinangaan ko ang pagkakagawa niya this time ng pelikulang Damaso. Bihira akong pumuri ng isang pelikula na kadalasan kapag ayaw ko ay nilalait ko talaga. But this film, hayaan niyo akong puruin muna ang script nito. Naisalaysay ng bonggang-bongga ng writer ng movie ang nilalaman nito mula umpisa hanggang sa huli. Napagtagpi-tagping maayos ang mga eksena sa maka-una at maka-lumang panahon. Nabigyan lalo ng buhay ang bawat eksena ayon na rin sa magandang pagkakalapat ng musika. Higit sa lahat ay ang napakagagaling na napiling aktor ng produksiyon na siyang bumuo rito. Kaiinisan mo ang karakter ni Arnel Ignacio sa movie bilang si Padre Damaso who delivered to it's finest ang kanyang role which is given naman talaga ang pagiging mahusay niyang aktor just like Aiko Melendez na bagay na bagay sa kanya ang role niya sa pelikula. Lahat sila ay magagaling talaga sa movie. Pero ang bumuluga sa akin ay ang kahusayang ipinamalas ni Jin Macapagal na recently lang ay nanalong BidaMan ng It's Showtime. Pakahusay niya sa movie. Ang ganda ng screen registration niya. Pati sa binibitawang linya ay mapapabilib ka niya who's playing Crisostomo Ibarra. Sabi nga namin, parang kapag saklaw na ni Jin ang screen, parang si Joel Torre ang aming nakikita sa kanya. Most of his scenes ay long lines siya at sa totoo lang, para siyang beteranong artista na! Kahit si Arnel Ignacio ay napabilib sa kanya. Isang baguhang ayon pa sa nakasaksi sa kanyang profesaionalism at pagiging tutok sa kanyang trabaho ay sisikat din itong si Jin at magtatagal sa industriya. Nang ipinarating ko kay Jin ang mga papuring ito, Jin Macapagal humbly admitted that mahal na mahal niya ang kanyang pinasok na mundo at habang nagsisimula palang daw sa showbiz at ratsada sa trabaho ay pinagsisikapan niyang maipakita ang kanyang galing at determinasyon dahil ayaw niya diumanong mapapahiya siya sa mga taong nagbigay at magbibigay tiwala sa kanya. 
Pansin din namin during the panel interview na napaka-smart niyang sumagot sa mga tanong na naibabato sa kanya. Intelehente ang baguhang aktor huh! Napag-alaman ko rin na eskolar pala siya sa kanyang pinanggalingang eskuwelahan sa Cebu. Bongga. Introducing si Jin sa pelikulang Damaso na any moment from now ay uumpisahan niya na naman ang kanyang pelikula under Regal Films kung saan niya makakatrabaho ang magagaling ding aktor na sina Jane Oineza at RK Bagatsing! Ang bongga ni Jin huh! Tapos kasama rin siya sa SethDrea's IWant movie na Wild, Little, Love huh! Panalo! Waging-wagi ka Jin! Sabi ko nga sa kanya, stay humble!

MORISETTE AMON INUNTOG ANG ULO SAKA LUMAYAS SA AKO NAMAN CONCERT NI KIEL ALO SA MUSIC MUSEUM

Kung si Chocoleit nga, hinihingal na sa entablado habang nagpi-perform at namatay after, ikaw pa kaya Morisette Amon na tinanong lang patungkol sa iyong pribadong buhay ay nag-ngawa na, inuntog ang ulo sa pader at feeling mo devastated ka at attacked by the press at siyang idinahilan mo para iwanan sa ere ang birthday concert ni Kiel Alo at ang mga taong nagbayad ng ticket para manood sa Music Museum? Anong nangyari sa iyo Iha? Nasa venue ka na dahil hapon palang ay nag-rehearsal ka pa kasama si Kiel tapos nakabihis ka na at waiting nalang sa finale number mo with Kiel saka ka mang-iiwan sa ere? Inisip mo ba kung kaninong mukha ang nakabalandra sa ticket selling? Inisip mo ba kung anong kahihinatnan ng lahat lalong-lalo na ang producer ng concert na si Jobert Sucaldito? Inisip mo ba kung ano ang magiging epekto ng ginawa mo after mong hindi itinuloy ang iyong number at nilayasan ang venue ng walang kaabog-abog? Unang-una, maging ako ay tagahanga mo Morisette Amon. Bilib na bilib ako sa husay mo bilang isang singer. Simula nga nung magka-career ka ay tuwang-tuwa kami sa narating mong kahit papano ay tagumpay sa iyong singing career sa industriyang ito. Pero sa ginawa mo, nawala lahat ng iyon. Nawala ang aming respeto sa iyo dahil wala kang ipinakitang respeto sa amin lalong-lalo na kay Kiel Alo. Nawala ang aming paghanga sa iyo dahil sa kabastusang ipinakita mo! Madaling kausap ang producer ng show. Tinanggap niya ang paliwanag ninyong dalawa ni David something na manager mo. Kapalit nung pagtanggap na iyon na may kasamang kahihiyan ay ang pabor lang na magpakita ka sa tao sa entablado kasama ang manager mo at humingi lang ng dispensa. Pero hindi mo ginawa kundu umaripas kang lumayas ng venue at nakabusangot pa raw ayon sa mga nakakita sa iyo habang palabas ka ng concert hall.
Kung may problema ka, iniwan mo nalang sana muna sa bahay mo at ginawa ang trabaho mo bilang isang public property kasabay ng pag-ako sa kasabihan sa showbiz na the show must go on at hindi yung sinunod mo ang bugso ng damdamin mo at ginawa ang kung sa alam mo ay tama ngunit napakalaking pagkakamali girl! Bilang isang singer, bilang tao kang kausap, bilang nirerespeto ka namin at ipinagmamalaki, dapat sana, kahit doon nalang sa pabor na hinihingi sa iyo ni Jobert Sucaldito ay ginawa mo nalang maibsan man lang ang sakit at disappointment ng buong music museum na sabik kang makita at marinig! Tandaan mo Morisette Amon na ang kabastusan ay hindi kailanman nababalikan ng kabutihan girl! Yes. You're a star but not a Superstar! Sinisi mo pa ang press that you're being attacked that caused you devastation na ang epekto sa iyo ay nawalan kaagad ng boses, hindi na makakanta at mag-walk-out na? Maling hakbang yun na kung pakiramdam mo ay sikat na sikat kana at untouchable kana, NOPE! Hindi ko pa kayang sabihin ang salitang YOU CANNOT ARGUE WITH SUCCESS sa iyo Morisette Amon. Sabi pa nga ni Jobert Sucaldito sa aming panayam sa kanya, kung ayaw mo na tinatanong ka o ini-interview ka, the, get out of this business! Sabi pa nga ni Daisy Romualdez, hindi ikaw si Sarah Geronimo! Sabi pa ni Annabelle Rama, hindi ka pa sikat! Veterans from this business na nakaramdam ng pambabastos mo nung gabing iyon at hindi mo sila masisi! Yung iuntog mo sa wall ang ulo mo habang gigil at umiiyak, Morisette, take life easier! Because taking life easier, mas magaan ang takbo ng buhay! Nag-uumpisa ka palang sana akyatin ang rurok ng iyong tagumpay pero nangingibabaw na sa iyo ang ka-NEGAHAN MORISETTE AMON!

TAWAG NG TANGHALAN'S MYKO MANAGO RELEASES HIS FIRST DIGITAL SINGLE ENTITLED STUCK

Myko Mañago is a jaw-dropping vocal sensation. Myko’s vocal performance is captivating to the soul and soothing to the heart. A three-time defending champion of ABS-CBN’s highly rated Tawag Ng Tanghalan show (an amateur singing competition in the Philippines that airs daily in Its Showtime), he easily became a household favorite in every Filipino home both in the Philippines and abroad. A gifted singer since childhood, Myko cites the Filipino Pop and R&B band, South Border, as his major influence. His musical influence also includes Ne-Yo, Chris Brown, Sam Smith, and Michael Buble.

San Francisco, CA Executive Producer Discovers the Golden Voice

In between TV and radio appearances, Myko also produces his own YouTube vlogs by singing internationally inspired Pop and R&B musical covers and posts them on his personal channel.  

As fate has it, these YouTube videos caught the attention of SF based RJA Productions LLC, and immediately called their local team in the Philippines to get in touch with the hottest new singing sensation. To the words of CEO Rosabella Jao-Arribas:

 “Myko has a golden voice… it’s very, very soothing… gave me goosebumps when I first heard him sing. I just knew I found a real gem. The world needs to applaud such talent.” 

Myko Launches His First Digital Single, “Stuck” 

In search for his debut album’s carrier song, RJA Productions LLC chanced upon an incredible song called “Stuck” from Robster Evangelista, a famous young composer who has a string of hit songs under his sleeve. Arranged by seasoned guitarist and musical director Jun “JT” Tamayo and produced by veteran label executive Reck Cardinales, “Stuck” got its final nod for its commercial release just recently. The music video is now also available in YouTube. 

“Stuck” is a nice, easy-listening type of song reminiscent of the coolness of Bruno Mars’ “Just The Way You Are”.  It is about how true love works in mysterious ways, leading you to someone who is destined for you… with whom you will be happily “stuck” with for the rest of your life. If you are one of those people who’s having a hard time expressing your true feelings, this song will resonate with you! This is the best song to get “stuck” with…especially on a traffic jam!  Your destiny might be listening to the same song, somehow, somewhere!  

Stuck is published by RJA Productions LLC and  distributed in all digital platforms by Curve Entertainment. 


A Regular Guy with an Extraordinary Voice and Dream

Just like anyone else, Myko enjoys various sports including badminton, swimming, basketball, and volleyball. He also loves eSports using Moba games, first person shooting games, and MMORPG games. 

He grew up with very supportive parents. His Dad is from Iloilo and his Mom is from his current hometown, Cavite City. He grew up loving music and started to explore his newfound love for singing at an early age of 9. 

His jaw-dropping performance at ABS-CBN’s Tawag Ng Tanghalan show is not his only celebrity stint. He also starred in the following TV and radio appearances:
Diz Iz It daily contestant - singing competition (GMA 7)
Wowowin Wil to Win - semi-finalist (GMA 7)
Unang Hirit - viral guest performer of the day segment (GMA 7)
Tee Radio Station - online radio guest

Myko dreams to become a global sensation someday. With his incredible talent, perseverance, and the support of many people - this dream is definitely not that far off… especially with an extraordinary voice like his. As one would say, “It’s just a matter of time…” Looks like we are (gladly) “stuck” with this hottest new Pop and R&B singer from Cavite City. We can’t seem to have enough of his golden voice!

JESSAMAE GABON RELEASES DIGITAL SINGLE ENTITLED ENSAYADO

JESSAMAE GABON
Jessamae’s authentic voice, style, and musicality conveys the strength and force that makes every Filipino proud… her influences cross between the likes of Carole King, Nina Simone, Lady Gaga, and local ballad singers like Lani Misalucha and Ebe Dancel. Listening to Jessamae’s songs is like listening to the legends and to contemporary poetry. As a singer and songwriter, her passion and love for her Filipino legacy and heritage is strongly interwoven into her soul as a musician. Her songs will simply grip your heart and nourish your soul – there’s nothing like it.
Encouraged by fans and loved ones, Jessamae has released her originally written and composed song entitled “Ensayado” in October of this year. Crafted by musical arranger Jun “JT” Tamayo and produced by label executive Reck Cardinales, this masterpiece was released and published by executive producer RJA Productions LLC and now being distributed on all streaming sites by Curve Entertainment.
The song is a mix of pop-rock and retro style, utilizing fast rhythm and electronic music. Ensayado is a fresh, upbeat, original Filipino song that talks about a common but very personal process of facing one’s reservations. Faced with too many missed chances to speak one’s heart and mind, one can only imagine different ways of what might have been or could have been. Ensayado harbors longing and loneliness submerged under the colorful rhythm and contemporary synths that expresses authentic (siguro puwede pong ‘her personal influences across artists and genres', authenticity is debatable kasi) artistry. 

Like a Phoenix Rising, Stronger than Ever… 

Starting out as an amateur singer (colloquially known as kontesera), vocal coach, and back-up singer, she began her singing career behind multiple cover albums and as the voice behind many karaoke VCDs. In time, Jessamae grew her experience and began to spread her contemporary influence across various platforms through her voice and the power of her lyrics:
Recipient of South East Asian Region Award for the show “Search for Unsigned Talents in Asia” (SUTASI), produced by Asia Sounds (a Melbourne based music entertainment company, 2007)
Released a contemporary Filipino music entitled “Bagong Henerasyon” under StarMusic (formerly known as Star Records Inc., 2009)
Finalist of the Annual Multi-awarded Gospel Song Writing Competition (Song of Praise Music Festival, 2012)
Song Interpreter of Grand Finalists for Two Seasons (Song of Praise Music Festival, 2012, 2014)
Released her first digital showcase under a channel called DISRUPT, a program featuring Asian performing artists, produced by MediaCorp in Singapore (2014) 
Jessamae’s love for Filipino music and instruments grew even deeper in time as she delved into her musical training and as she opened herself to her local culture.
A True Lover of Local Languages, Poetry, and Filipino Sensibilities
Jessamae’s songs are known for the heart-wrenching lyrics and the deeper meaning it conveys to every listener. 
As the writer of her songs, Jessamae shares that her songs reflect her personal experiences, the inner workings of her thoughts, and the depth of her soul.  It reflects her love for the local languages, poetry, and Filipino sensibilities.
Spreading her wings further, she started to also expand her songwriting gift and love for theater both abroad and locally. 
Her most memorable experience was co-writing, co-producing, and singing a number of children’s songs for a popular Singaporean children’s show entitled “Junction Tree”. She also remained as an active member of Teatrong Mulat ng Pilipinas, a puppet theatre group whose works cater to children’s literature and Asian puppet theatre touring around Asia and the world. 
To sum up Jessamae and her music, here’s a famous quote from Roy Ayers, “The true beauty of music is that it connects people. It carries a message, and we, the musicians, are the messengers.”

" AKO NAMAN " KIEL ALO'S BIGGEST BREAK AT THE MUSIC MUSEUM


"AKO NAMAN", KIEL ALO'S BIGGEST BREAK AT THE MUSIC MUSEUM!

Kiel Alo is tagged as the HUGOT KING of the new generation - a balladeer par excellance indeed! Everytime he sings his favorite love songs, he makes heads turn. Maybe because his voice has so much sincerity and sweetness. 

"Palagi na lang sila. AKO NAMAN! AKO NAMAN!" he jokes during a tsikahan which indeed up with a pre-birthday concert entitled "AKO NAMAN" this coming Wednesday, November 6 at 9PM.

Hinog na hinog na si Kiel for a major concert. He's done many shows in the past - solo shows, a lot of major guestings and all. Pero this time, he dreamt of coming up with a major break and it's coming his way at the Music Museum on November 6, 2019. The line-up is great. Special guests are Mr. Janno Gibbs and Ms. Morissette Amon plus the very special participation of Mr. Jun Polistico, Ms. Aira Bermudez and Ms. Eva Eugenio. It also features bagets performers like LA Santos, Carlo Mendoza, Kyle Matthew Manalo, Orville, The MK University Models and the famous Holograms. Musical director is Mr. Butch Miraflor.

"Ito na ang pinaka-kinakabahan kong show. Dami kong inaaral na songs - solo songs, duets, production numbers at may mga sayaw pa. Hindi pa naman ako dancer kaya wala akong choice kungdi subukan. Baka talakan ako ng manager kong si nanay Jobert Sucaldito pag di ko hinusayan. Since ginusto ko 'to, dapat ngang galingan ko at paninidigan ko.

"Super exciting ang mga segments sa concert. May showdown kami ng novelty songs ni Tita Eva (Eugenio). Ganda ng duet namin nina Tito Jun (Polistico) and Ms. Morissette. Yung parang Small Brothers namin ni Kuya Janno (Gibbs).Take note, may ala-Magic Mike act ako - ma-imagine mo ba akong nagma-macho dancing with the MK University Models na naka-topless? Parang nandito na lahat yata ng elements ng show.   

"I am very thankful dahil finally I am stepping at the Music Museum sa sarili kong major concert. Nakakakaba pero super-exciting. God help me please. Help me na maitawid ito. Ha! Ha! Ha!" Kiel shared with us.

Kaya come early because "AKO NAMAN" starts promptly. Don't miss the fun. For tickets, there are still some and are available at the gate.

"AKO NAMAN" is presented to us by Aficionado Germany Perfume, Mang Inasal, Club Mankind, Club Adonis, Karaoke Republic, Megasoft, Fasclean, Beautederm and Xentro Malls. Major sponsors include Isabela Vice-Governor Bojie Dy, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Mr. Boy Abunda, Mr. Joed Serrano, Ms. Marian Rivera, Mr. Alden Richards, Ms. Jodi Santamaria, Mommy Rosie Cruz, Atty. Vince Tanada, Dr. Percival de Leon, Mr. Zaldy Aquino, Ms. Jen Legaspi, Ms. Jennifer Pingree, Mr. Manny Garcia, Mr. Zaldy Aquino, Mr. Jubal Ayo, Sen. Bong Revilla, Jr., Ms. Daisy Romualdez and Mr. Joel Cruz.