TAGOS SA PUSO ANG PELIKULANG THE ANNULMENT NINA JOEM AT LOVI
Naimbitahan kami sa red carpet grand premiere ng pelikulang The Annulment ng Regal Entertainment na ginanap sa SM Megamall Cinema 7. Pinagbibidahan ito nina Joem Bascom at Lovi Poe sa direksyon ni Mac Alejandre. While watching the said film na magso-showing na bukas, nakita ko ang sincerity ng pagkakalatag ng istorya sa pelikula. It's a movie about love na sinasabing walang boundary. Meaning, sa pagmamahal, walang limitasyon at puwedeng makalimutan ang ating sarili dahil lang sa pag-ibig. Na kapag nagmahal tayo, napakarami nating nasasakripisyo at nagigising nalang tayo sa katotohanang bulag na tayo. The movie also tackles about betrayal of trust. Na kapag nawala na yun, parang ang hirap ng magtiwala ulit sa iyong asawa kahit gaano mo pa ito kamahal. Yung alam mong durog na durog ka na at kailangan mong magdesisyon para lang masabi mong you're done at no more trust and better to be alone and love yourself. Gustong-gusto ko yung istorya ng film na ito. It's all about winning the love or losing it. Istoryang napapanahon. Kung bakit tinatanong ka pa rin kung mahal mo pa ba siya o hindi na? Kung magiging masaya kaba sa gagawin mong desisyon o hindi. Kung tama ba ang desisyon mo o hindi? O wala na bang pag-asang maayos ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali? O sagad na sagad kana at gusto mo ng kumawala! Medyo malalim ang istorya ng pelikulang The Annulment pero napakaraming mapupulot na aral may asawa ka man o wala. Muli, sa pelikulang ito, minahal ko ang karakter nina Lovi at Joem at aminado akong in some parts ay naka-relate ako. Muli ring pinatunayan ng dalawang bida ang kanilang kahusayan bilang mga aktor sa industriyang ito. Na sa kabila ng kanyang angking ganda at seksing katawan ay umariba sa galing si Lovi at ramdam na ramdam ko siya. Especially the character of Joem, my gosh, pinaiyak niya ako sa film. Hindi ko namalayang lumuluha na ako because truly, Joem portrayed his character very well sa movie at no question naman talaga sa pagiging mahusay niya. Yayakapin mo ang karakter ng dalawa sa film na ito. After watching it, nandun yung realization na dapat pag-aralang mabuti ang mga desisyong gagawin lalo na sa isang marriage. Isipin ang makakabuti, ang makakasama at kung ano ang tama sa mali. Kung dapat ba o hindi. Basta! Na-inlove ako sa movie and better watch it! Bukas na sa mga sinehan nationwide! Handog po sa atin ito ng Regal Entertainment.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment