BIDAMAN GRAND CHAMPION JIN MACAPAGAL PAKAHUSAY SA MUSICAL FILM NA DAMASO

Napanood namin in-advance ang musical film na Damaso ni Direk Joven Tan kasama ang ilang main lead stars ng pelikula ng Regis Films at Reality Entertainment na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong November 20. Una ay nasabi ko talaga kay Direk Joven na sa dinami-rami ng kanyang nagawang pelikula, mas hinangaan ko ang pagkakagawa niya this time ng pelikulang Damaso. Bihira akong pumuri ng isang pelikula na kadalasan kapag ayaw ko ay nilalait ko talaga. But this film, hayaan niyo akong puruin muna ang script nito. Naisalaysay ng bonggang-bongga ng writer ng movie ang nilalaman nito mula umpisa hanggang sa huli. Napagtagpi-tagping maayos ang mga eksena sa maka-una at maka-lumang panahon. Nabigyan lalo ng buhay ang bawat eksena ayon na rin sa magandang pagkakalapat ng musika. Higit sa lahat ay ang napakagagaling na napiling aktor ng produksiyon na siyang bumuo rito. Kaiinisan mo ang karakter ni Arnel Ignacio sa movie bilang si Padre Damaso who delivered to it's finest ang kanyang role which is given naman talaga ang pagiging mahusay niyang aktor just like Aiko Melendez na bagay na bagay sa kanya ang role niya sa pelikula. Lahat sila ay magagaling talaga sa movie. Pero ang bumuluga sa akin ay ang kahusayang ipinamalas ni Jin Macapagal na recently lang ay nanalong BidaMan ng It's Showtime. Pakahusay niya sa movie. Ang ganda ng screen registration niya. Pati sa binibitawang linya ay mapapabilib ka niya who's playing Crisostomo Ibarra. Sabi nga namin, parang kapag saklaw na ni Jin ang screen, parang si Joel Torre ang aming nakikita sa kanya. Most of his scenes ay long lines siya at sa totoo lang, para siyang beteranong artista na! Kahit si Arnel Ignacio ay napabilib sa kanya. Isang baguhang ayon pa sa nakasaksi sa kanyang profesaionalism at pagiging tutok sa kanyang trabaho ay sisikat din itong si Jin at magtatagal sa industriya. Nang ipinarating ko kay Jin ang mga papuring ito, Jin Macapagal humbly admitted that mahal na mahal niya ang kanyang pinasok na mundo at habang nagsisimula palang daw sa showbiz at ratsada sa trabaho ay pinagsisikapan niyang maipakita ang kanyang galing at determinasyon dahil ayaw niya diumanong mapapahiya siya sa mga taong nagbigay at magbibigay tiwala sa kanya. 
Pansin din namin during the panel interview na napaka-smart niyang sumagot sa mga tanong na naibabato sa kanya. Intelehente ang baguhang aktor huh! Napag-alaman ko rin na eskolar pala siya sa kanyang pinanggalingang eskuwelahan sa Cebu. Bongga. Introducing si Jin sa pelikulang Damaso na any moment from now ay uumpisahan niya na naman ang kanyang pelikula under Regal Films kung saan niya makakatrabaho ang magagaling ding aktor na sina Jane Oineza at RK Bagatsing! Ang bongga ni Jin huh! Tapos kasama rin siya sa SethDrea's IWant movie na Wild, Little, Love huh! Panalo! Waging-wagi ka Jin! Sabi ko nga sa kanya, stay humble!

No comments:

Post a Comment