Kung si Chocoleit nga, hinihingal na sa entablado habang nagpi-perform at namatay after, ikaw pa kaya Morisette Amon na tinanong lang patungkol sa iyong pribadong buhay ay nag-ngawa na, inuntog ang ulo sa pader at feeling mo devastated ka at attacked by the press at siyang idinahilan mo para iwanan sa ere ang birthday concert ni Kiel Alo at ang mga taong nagbayad ng ticket para manood sa Music Museum? Anong nangyari sa iyo Iha? Nasa venue ka na dahil hapon palang ay nag-rehearsal ka pa kasama si Kiel tapos nakabihis ka na at waiting nalang sa finale number mo with Kiel saka ka mang-iiwan sa ere? Inisip mo ba kung kaninong mukha ang nakabalandra sa ticket selling? Inisip mo ba kung anong kahihinatnan ng lahat lalong-lalo na ang producer ng concert na si Jobert Sucaldito? Inisip mo ba kung ano ang magiging epekto ng ginawa mo after mong hindi itinuloy ang iyong number at nilayasan ang venue ng walang kaabog-abog? Unang-una, maging ako ay tagahanga mo Morisette Amon. Bilib na bilib ako sa husay mo bilang isang singer. Simula nga nung magka-career ka ay tuwang-tuwa kami sa narating mong kahit papano ay tagumpay sa iyong singing career sa industriyang ito. Pero sa ginawa mo, nawala lahat ng iyon. Nawala ang aming respeto sa iyo dahil wala kang ipinakitang respeto sa amin lalong-lalo na kay Kiel Alo. Nawala ang aming paghanga sa iyo dahil sa kabastusang ipinakita mo! Madaling kausap ang producer ng show. Tinanggap niya ang paliwanag ninyong dalawa ni David something na manager mo. Kapalit nung pagtanggap na iyon na may kasamang kahihiyan ay ang pabor lang na magpakita ka sa tao sa entablado kasama ang manager mo at humingi lang ng dispensa. Pero hindi mo ginawa kundu umaripas kang lumayas ng venue at nakabusangot pa raw ayon sa mga nakakita sa iyo habang palabas ka ng concert hall.
Kung may problema ka, iniwan mo nalang sana muna sa bahay mo at ginawa ang trabaho mo bilang isang public property kasabay ng pag-ako sa kasabihan sa showbiz na the show must go on at hindi yung sinunod mo ang bugso ng damdamin mo at ginawa ang kung sa alam mo ay tama ngunit napakalaking pagkakamali girl! Bilang isang singer, bilang tao kang kausap, bilang nirerespeto ka namin at ipinagmamalaki, dapat sana, kahit doon nalang sa pabor na hinihingi sa iyo ni Jobert Sucaldito ay ginawa mo nalang maibsan man lang ang sakit at disappointment ng buong music museum na sabik kang makita at marinig! Tandaan mo Morisette Amon na ang kabastusan ay hindi kailanman nababalikan ng kabutihan girl! Yes. You're a star but not a Superstar! Sinisi mo pa ang press that you're being attacked that caused you devastation na ang epekto sa iyo ay nawalan kaagad ng boses, hindi na makakanta at mag-walk-out na? Maling hakbang yun na kung pakiramdam mo ay sikat na sikat kana at untouchable kana, NOPE! Hindi ko pa kayang sabihin ang salitang YOU CANNOT ARGUE WITH SUCCESS sa iyo Morisette Amon. Sabi pa nga ni Jobert Sucaldito sa aming panayam sa kanya, kung ayaw mo na tinatanong ka o ini-interview ka, the, get out of this business! Sabi pa nga ni Daisy Romualdez, hindi ikaw si Sarah Geronimo! Sabi pa ni Annabelle Rama, hindi ka pa sikat! Veterans from this business na nakaramdam ng pambabastos mo nung gabing iyon at hindi mo sila masisi! Yung iuntog mo sa wall ang ulo mo habang gigil at umiiyak, Morisette, take life easier! Because taking life easier, mas magaan ang takbo ng buhay! Nag-uumpisa ka palang sana akyatin ang rurok ng iyong tagumpay pero nangingibabaw na sa iyo ang ka-NEGAHAN MORISETTE AMON!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment