NEWEST TEEN SENSATION SETH FEDELIN INUULAN NG PROJECTS

Maganda ang reviews about Abandoned. Ang kauna-unahang pelikulang ginawa ni Seth Fedelin, ang dating PBB Teen Housemate at ngayo'y binansagang Newest Teen Sensation sa showbiz industry. Kasama niya sa pelikula ay si Beauty Gonzales na umaaribang api-apihan naman ngayon sa Kadenang Ginto ng Dreamscape. Most of the reviews ay nagsasabing hindi pa hinog si Seth sa kanyang pag-arte pero nandun yung pag-asang one day ay magiging isang malaking dramatic actor ito sa industry. Malaking bagay ang daily afternoon soap nitong Kadenang Ginto upang lalong mahasa pa ang husay niya bilang isang baguhang aktor. Wala namang bukambibig si Seth kundi ang lalo pa raw nitong gagalingan at mamahalin ang kanyang trabaho bilang isang artista at yayakapin ang mga taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Simpleng bagets ng Cavite na sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon ay mismong siya ay nabibigla at hindi parin makapaniwala. Pagkatapos niyang makuha 2 months ago ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling sasakyan para may magamit siya sa kanyang mga shooting at taping ay isang motor naman ang binili ni Seth para sa kanyang Ama upang may magamit daw ito. Sorpresang ibinigay ni Seth ang motor sa kanyang Ama na ikinatuwa naman nito ng labis-labis. Hindi rin nawawalan ng raket out of town ang bagets. Kahit sa akin na publicist niya ay napakaraming inquiries kaso lang nakadepende talaga ito sa sked niya dahil tuesdays, thursdays at saturdays ang taping niya. Kamakailan lang din ay nagkaroon na ng storycon para naman sa isang movie project si Seth with Andrea Brillantes, Jin Macapagal at Alfred Vargas under Dreamscape para sa IWant. Well, who can argue with success! Ganoon talaga! Basta ang lagi lang namin sinasabi kay Seth na huwag lumaki ang ulo at laging magpakumbaba at magpasalamat! More blessings Nak!

13TH INTERNATIONAL SILENT FILM FESTIVAL

From Professor Nick Deocampo on the premiere of the 106 YEAR OLD documentary "NATIVE LIFE IN THE PHILIPPINES:

"So grateful FDCP--through your ardent support--is making this film exhibition possible. (Thanks too to the Silent Film Festival organizers.) 

As early as 2014, I have submitted my proposal to various film and government agencies to screen the film in the Philippines as I was aware the film did not have a theatrical exhibition over the past 100 years. It is a very important film not to take notice of it--the film being the first full-length documentary ever produced in the country. It is an important landmark in PH cinema. But more than that--as a documentary, not a fiction film--Dean C. Worcester's Native Life in the Philippines documented a part of our native history and the controversial historical context it stirred up that is valuable for our historical memory. Nobody took interest in this film before until your support came along. 

This is why I want to express my sincere "thank You!" for supporting its screening and allowing a lecture to be made to frame the significance of this film in our Filipino context.

Together with Zamboanga, Darna and Dyesebel, I am extremely happy naiuuwi ko ang mga "lost and orphaned films" na ito. Imagine I found them in places as far away as Washington DC (actually originally found in Finland) for Zamboanga and Bangkok (originally found in Cambodia) for Darna and Dyesebel. 

I can locate more films stashed in various sources abroad.We need to bring them home!"

13TH INTERNATIONAL SILENT FILM FESTIVAL
OPENING NIGHT
SM AURA, AUGUST 30, 8:30PM

2018 X-FACTOR UK FINALIST MARIA LAROCO LAUNCHES INTERNATIONAL ALBUM

Labis ang pasasalamat ngayon ng singer na si Maria Laroco dahil sa paglabas ng kanyang album na may titulong " Just Maria " sa ilalim ng Odic Records. Ang album na ito ang itinuturing ni Maria na breakthrough niya sa kaniyang career sa music industry dahil ito na talaga ang kanyang pangarap simula nang siya ay bata pa. 
Sampung mga bagong awitin ang laman ng kanyang album at ang pinaka-carrier single nito ay ang " Imagine " na isang love song at tinutukoy ang " Magic Of Love " na nararamdaman at nararanasan ng isang kabataan na tulad niya. 
Inspirasyon umano ni Maria sa lahat ng kaniyang pagsksikap ay ang kaniyang pangarap gayundin ang kaniyang mga magulang at mga taong patuloy na naniniwala sa kaniyang talento. Nagsimula ang hilig ni Maria sa pagkanta ngbsiya ay tatlong taong gulang lamang. Mahilig siyang makinig ng mga kanta nina Sarah Geronimo, Yeng Constantino at iba pa! Ang kanyang kauna,-unahang singing competition ay nang siya ay limang taong gulang sa kanyang naging eskwelahan. Ang The Voice Kids Season 1 ang kauna-unahang national singing reality contest na nasalihan at napabilang sa team ni Coach Lea Salonga. Nagsimula ang career ni Maria sa recording scene ng naging bahagi siya ng Universal Records Philippines at ini-released ang mga rendisyon niya ng kantang Beauty And The Beast . Ini-released din ni Maria ang revival single niya na Hindi Ko Kaya na pinasikat noon ni Geneva Cruz at ginamit ng isang Korean novela sa GMA na All About My Mom. Naging  kinatawan din si Maria sa Child Aid Asia concert na ginanap sa Tokyo, Japan. 
Naging grand finalist din si Maria ng The Will To Win ng Wowowin at naging Grand Champion siya sa Great British Festival na ginanap sa Makati City na pinangunahan ni Ambassador Daniel Pruce. 
Taong 2018 nang mapabilang si Maria sa finalist ng X Factor UK bilang top 6 ni Simon Cowell. 
Maari nang makuha ang kopya ng kanyang buong album na Just Maria sa mga digital music platforms online tulad ng Spotify, Deezer, Spinner, ITunes at marami pang iba! 

THE ULTIMATE BIDAMAN JIN MACAPAGAL HARDWORK AT SACRIFICE ANG NAGING PUHUNAN

Ratsada ngayon si Jin Macapagal! Pagkatapos manalo bilang The Ultimate BidaMan sa daily noontime show na It's Showtime ng Kapamilya Network ay halos wala pang pahinga si Jin sa kanyang showbiz commitments from tv guestings and everything. Biglang sikat ang binata after bagging the said title at wala ring pahinga ang kanyang Primetime Events & Talent Management sa pagi-entertain ng inquiries sa papasikat na movie and television star! Galing Cebu si Jin at halos isang taon din mahigit ang kanyang hinintay bago nito nakuha ang isang tagumpay. Akala daw ni Jin ay puro nalang pangarap ang lahat pero hindi diumano siya nawalan ng pag-asa at pinaghandaang mabuti itong BidaMan! Nitong nakaraang araw lang ay nakuha na rin ni Jin Macapagal ang napanalunan nitong Pick-Up Car mula sa Ssangyong Motor Philippines. 
" I can still remember just writing down goals on a piece of paper last year and wrote down " Car 2019 " on a sky lantern. Never thought all my hardwork and sacrifices would lead to this outcome. This is just the beginning and I'am proud to face this new journey. I'am ready to face the new goals headstrong. " paglalahad pa ni Jin sa kanyang instagram account. 
Wala pang kumpirmasyon mula sa manager ni Jin na si Mario Colmenares kung anu-ano na ang naka-line-up nitong projects para sa binata! Abang! Abang!

BNAKED 2019 NGAYONG SEPTEMBER 23 NA SA OKADA MANILA

Ang BNaked   (Secrets Revealed)  ay gaganapin sa The Cove , Okada Manila sa September 23.
Be fit, Be Sexy, Be Healthy, Be Free BNaked  ang tema nito.
ito ay prodyus ni Joed Serrano. Casting Director ,Publicity & Promotions RoIdan Castro. 
Ang BNaked ay sa ilalim ng direksyon ni Joane Laygo. Production Manager si Monica Montalbo, Creative Producers sina David Fabros, Noel Maximo, Supervising Producer si Myra Pastrana, Associate Producer, John Geslani,Writer Yuri Lunca,  Official designer Bing Cristobal. Production Asst: Joseph Solis,Anne Tejano.

OKADA MANILA TO HOST BNAKED 2019

 Ang BNaked   (Secrets Revealed)  ay gaganapin sa The Cove , Okada Manila sa September 23.
Be fit, Be Sexy, Be Healthy, Be Free BNaked  ang tema nito.
ito ay prodyus ni Joed Serrano. Casting Director ,Publicity & Promotions RoIdan Castro. 
Ang BNaked ay sa ilalim ng direksyon ni Joane Laygo. Production Manager si Monica Montalbo, Creative Producers sina David Fabros, Noel Maximo, Supervising Producer si Myra Pastrana, Associate Producer, John Geslani,Writer Yuri Lunca,  Official designer Bing Cristobal. Production Asst: Joseph Solis,Anne Tejano.

HELLO LOVE GOODBYE AAKYAT KAYA SA 1 BILLION?

Mukhang hahabulin ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kinita ng The How's Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla. As of today ay almost 900 Million na ang kinikita  ng HLG. Bumenta talaga ang freshness ng tambalan nina Kath at Alden. Isama mo pa ang napakagandang script nito at pagkakadirehe ni Direk Cathy Garcia-Molina. Yung word of mouth talaga ay malaking factor o tulong para sugurin sa mga sinehan ang isang movie noh! At saka kahit ako mismo, inabangan ko talaga ang freshness ng kanilang tandem. Pero ang ikinagulat ko sa pelikula, ibang klaseng Kathryn Bernardo na ang napanood ko. Mas mature at pakahusay na rin niya talaga. Tapos hindi rin nagpakabog si Alden. Napansin ko rin na minsan sa mga eksena niya ay para siyang John Lloyd Cruz at Joshua Garcia na boses Piolo Pascual! Anyways, ilang araw pa ay parang aabot na sa 1 Billion ang ilalabas na resulta ng Star Cinema huh! Well, why not! Maganda naman talaga ang pelikula at magagaling ang bida! Pak na pak!

SETH FEDELIN MASAYA SA KANYANG CAREER

For the past days ay ratsada ang newest teen sensation na si Seth Fedelin taping for Kadenang Ginto kasabay ng kanyang mga out of town shows lalo na sa promo ngayon ng kanyang kauna-unahang movie with Beauty Gonzales ang Abandoned na mapapanood na simula ngayong August 28 sa IWant. Naikuwento sa amin ni Seth before na masarap ka-trabaho si Ate Beauty niya at nakita niya ito sa ilang araw na magkasama sila while doing the film. Ibinalita rin sa amin ni Seth nang huli kong makausap ito na excited na rin siya sa gaganaping Star Magic Ball lalo na't makakasama niya mismo ang Kadenang Ginto at The Gold Squad loveteam niyang si Andrea Brillantes na busy rin ngayon promoting her movie titled The Ghosting ng Reality Entertainment with Khalil Ramos. Napakasuwerte nga ni Seth dahil bagong-bago palang siya sa showbizlandia ay ratsada naman ang kanyang karera at kilalang-kilala na! Si Seth ay under the management of Primetime Events And Talent Management ni Mario Colmenares with Mark Coleta. 
" Napakasaya ko po sa lahat ng blessings na dumarating po sa akin. Sa lahat po ng fans na sumusuporta po sa akin, na kahit saang show po ay nandun sila, hindi kopo kayo tagaganga, tandaan niyo po yan, pamilya ko po kayo. Sa mga bossing po natin, salamat po sa pagtitiwala po sa akin. " paglalahad pa ni Seth Fedelin.
Napakarami pang aabangan sa SethDrea for the coming days dahil sa pagkakaalam ko ay hanggang next year pa tatakbo sa ere ang Kadenang Ginto ng Dreamscape PH!

SUE RAMIREZ PAKAHUSAY SA CUDDLE WEATHER

Naobserbahan na nitong mga nakaraang buwan ay rumatsada sa paggawa ng pelikula o naging busy ang magaling na aktres na si Sue Ramirez sa kanyang showbiz career. Halos walang pahinga ang dalaga para lang magawa niya ang mga proyektong tinanguan. Tulad nalang ngayong buwan ng Setyembre ay ipapalabas na ang kontrobersyal na pelikula ni Sue Ramirez with RK Bagatsing titled Cuddle Weather ng Regal Entertainment na opisyal na kasama para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino ngayong taon. Sa grand launch ng movie, walang takot na pinagsasagot ni Sue ang mga maseselang tanong ng entertainment media sa kanya. Pero ang hindi niya nasagot ay ang tanong patungkol sa kanyang long time boyfriend na si Joao Constancia kung sila pa ba! 
" Owww! Hahahaha! Tingnan niyo nalang reaksiyon ko. " aniyang kaagad namang tugon sa Press. Kaya naman nag-iwan ng konklusyon sa amin ang kanyang reaksiyon na maaring cool-off sila o break na! Well, sa showbiz pa ba? Usong-uso ang palitan ng boyfriend at girlfriend diba? Personal kong opinyon, naku Sue, hayaan mo na ang lovelife. Kung cool-off kayo ni Joao, ayusin niyo! Kung break na kayo, well, okey na rin yun! Tutukan mo nalang career mo! In-fairness, isa sa pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon si Sue noh! 
Ang Cuddle Weather ay produced ng Regal Entertainment at Project 8 San Joaquin mula sa Direksyon ni Rod Marmol.

ADORABLE TWINS " UPIN & IPIN " EMBARK ON NEW MYSTICAL ADVENTURE IN LATEST FULL-LENGHT FILM

Adorable twins “Upin & Ipin” embark on new mystical adventure in latest full-length film

If you have kids and have a Disney channel on TV at home, most probably you already stumbled on one of the daily episodes of "Upin & Ipin." Well, there is a good news for you and your kids as "Upin & Ipin: The Lone Gibbon Kris" is set to be screened this August 28 in Philippine cinemas.
Watch the trailer here: https://www.facebook.com/cinemabravo/videos/1204386263102027/

"Upin & Ipin: The Lone Gibbon Kris" is tagged as the most expensive Malaysian film in history reaching almost RM 20 million ($4.84 million USD) and roughly took five years for the entire production crew to finish this animated sequel. Executive producer Burhanuddin Radzi ensures that their latest masterpiece could follow the same quality of the international animated films and also elevate the standards of Malaysia's animation industry.

The original Malay-language version is simultaneously released last March in Malaysia, Singapore and Brunei. It was well received by the fans, especially in its own country as it grossed around RM25 million in just three weeks.
It now stands as the highest-grossing local animated film in Malaysian cinema. The previous holder of the record was "Incredibles 2," which made approximately RM21.7 million in local cinemas. However, the Disney•Pixar film accomplished the milestone in a span of three months where Upin & Ipin only needed three weeks to take over such record.
Synopsis:
"It all begins when Upin, Ipin, and their friends stumble upon a mystical keris in Tok Dalang’s storeroom that opens a portal and leads them straight into the heart of the kingdom. While trying to find their way back home to Kampung Durian Runtuh, the disoriented kids are suddenly burdened with the task of restoring the kingdom back to its former glory. With help from characters from Malaysian tales and folklore, Mat Jenin and Belalang, Upin, Ipin and their friends must overcome a series of challenging obstacles in this action-packed, magical and humorous adventure film."
The adventure starts this August 28 when "Upin & Ipin: The Lone Gibbon Kris" arrives in PH cinemas.

SB19 TO " GO UP " WITH NEWEST SINGLE

SB19 TO “GO UP” WITH NEWEST SINGLE

SB19, the first 5-member all Filipino idol boy group trained and managed under Korean entertainment company, ShowBT Philippines Corp., has dreams of breaking into the Philippine music scene. Armed with more than three years of intensive training under K-Pop system, Sejun, Stell, Josh, Ken, and Justin are confident that they can take the industry by storm with their newest single, “Go Up”.
“Go Up” is considered to be SB19’s breakthrough single following their debut track “Tilaluha,” which was released October 2018. The song talks about the hardships and overall journey in reaching one’s goals. Through this, they wish to inspire other people - especially the younger generation - to never give up on their dreams.
The boys worked with music producer group RealBros, the team behind numerous K-Pop hits: “It’s You (너란 말야)” by Shinee’s Taemin, “November with Love (11월...그리고) ” by TVXQ, “Good Morning Night” by JYJ’s Jaejoong, “Always (이 자리에)” from Mnet’s Produce 101 Season 2 (Later on officially released by the group Wanna One), “4419” by Stray Kids, and many more. . “Go Up” specifically was composed and produced by Mr. Oh-won Lee who also goes by the name 진짜사나이 (Jinjja Sanai).
As for their music video, it was directed by JC Gellidon, who has worked with local and international brands and celebrities like Donnalyn Bartolome, Brian Puspos, and more.
Released last July 19, the group wants to show to the public that even though they are trained in the Korean system, they still have that Filipino flare that we are all familiar with.
The song is currently out on Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon Music, Google Play Music, and many more digital platforms.
Follow SB19 on their Social Media Accounts:
Facebook: www.facebook.com/SB19Official
Twitter: www.twitter.com/SB19Official
Instagram: www.instagram.com/OfficialSB19
YouTube: www.youtube.com/SB19Official
For more information, promo requests or to arrange an interview, please contact:
Lendl Raiza B. Bunagan (Music Marketing Specialist)- sb19.showbt@gmail.com| 0995 392 2529

CLIQUE V KARL AQUINO MASAYA SA NAGING STARSTRUCK EXPERIENCE

Pagkatapos maging busy nina Karl Aquino, Gelo Alagban at Kyle Lucasan sa papatapos ng Starstruck Search ng Kapuso Network ay isang bonggang Japan trip naman kasama ang ilang miyembro ng Clique V at Belladonnas ang naging treat ni Ma'am Len Carillo sa kanyang mga anak-anakan! Yes! Halos 1 week sa Japan ang Clique V at Belladonnas kasama mismo ang manager nila. Ayon kay Karl Aquino, masaya ang kanilang naging bakasyon dahil halos ikutin na nila ang Japan kasama ang shopping galore with Ma'am Len Carillo. Hindi man daw siya pinalad manalo sa naturang reality search ng Kapuso Network, naging deretsahan naman ang binata sa pagsasabing tuloy parin ang kanyang buhay sa Clique V. Kamakailan lang ay naimbitahan naman ang kanilang grupong Clique V at Belladonnas bilang guest performer sa Mister And Miss STI 2019 nitong hapon ng Martes at sa Circle Of 10 naman kinagabihan sa Music Museum. Isa si Karl Aquino sa may pinakamagandang mukha among the top 12 ng Starstruck batch 2019. Pero ganoon daw talaga ayon pa sa binata. May kanya-kanyang suwerte raw ang bawat isa sa atin. Hindi naman daw iyon anv katapusan ng mundo para sa kanya. Nagpasalamat naman si Karl Aquino sa lahat ng sumusuporta sa kanya sa Starstruck ganoon narin sa grupo nilang Clique V na making waves na rin ngayon sa showbiz industry!
" Masaya po ako sa opportunity Tito, kami nila Kyle at Gelo. Sobrang saya namin na maging finalist sa Starstruck. Isang experience po yun sa buhay namin na hinding-hindi po namin pare-parehong makakalimutan. Dahil din po yun sa 316 management namin na todo-suporta po sa amin. " aniyang habol pang tsika sa aming panayan.

SUE RAMIREZ AT RK BAGATSING MGA POKPOK SA CUDDLE WEATHER


Isang romantic comedy movie about prostitutes o pokpok ang tatahaking storyline ng pinag-uusapang pelikula ng Regal Entertainment ang CUDDLE WEATHER na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing mula sa direksiyon ni Rob Marmol. Actually, sa trailer palang ng movie na official entry sa paparating na Pista Ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines ay kitang-kita na ang pagiging hubad ng istorya nito kung anong klaseng buhay ang tatahakin nina Adela at Ram sa pelikula. Amina si Sue na ito na ang pinaka-walang takot niyang pagganap sa isang role bilang isang sex worker ganoon din si RK Bagatsing na parehong masasahi kong mahuhusay na aktor ng kanilang henerasyon. 
Kamakailan lang, the movie released a very intriguing poster and teaser kung saan naging trending topic ito. The poster shows Sue and RK in a very suggestive and daring position which immediately gives us the idea of what the movie is all about. Hindi lang po magpapakita ng isang sensitibong istorya ang pelikulang ito kundi magpapakita rin ito ng kung anong totoong nangyayari ngayon sa ating lipunan. 
" Nag-aral kami ng buhay nila. Paano sila magmahal sa kabila ng panghuhusga ng mga tao sa paligid nila. Nakausap namin yung mga totoong tao at respeto ang maibibigay namin sa kanila. At ito rin ang ihahatid namin sa mga tao sa pamamagitan ng pelikulang ito. My first reason in making this film is to examine sex, it's beauty and tragedy, through a love story of two sex workers who don't make love until the latter part of the film. " pagkukuwento pa ni Direk Rod Marmol. 
Cuddle Weather is produced by Regal Entertainment and line-produced by Project 8 San Joaquin for this year's Pista Ng Pelikulang Pilipino. 

GOODBYE JOSHLIA AND WELCOME JOSHNELLA NA BA?

Mukhang papatok sa fans ang nabuong tambalan nina Joshua Garcia at Janella Salvador nang gawin nila ang umeereng serye ngayong The Killer Bride sa Kapamilya Network. Hindi na kami nagtaka kung bakit dahil kahit kami mismo ay naramdaman namin ang kanilang chemistry at bagay din sila! Kung ganoon, paalam JoshLia at welcome JoshNella na ba? Well, let's see! Basta! Panoorin mula lunes hanggang biyernes ang The Killer Bride ha! Sa kapamilya primetime bida!

KHALIL RAMOS AMINADONG NAPABAYAAN ANG SINGING CAREER

Nilinaw mismo ni Khalil Ramos na hindi sila loveteam o walang romance na mamamagitan sa kanilang dalawa ni Andrea Brillantes sa pelikulang The Ghosting ng Reality Entertainment na ipapalabas na ngayong August 28 in cinemas nationwide. Magtutulungan pala silang dalawa sa istorya ng pelikula para sugpuin ang isang curse. Meaning, magkikita sila sa isang punto ng movie at magsasanib-puwersa na sila. Speaking of romance, inamin rin ni Khalil na masaya siya ngayon sa kanyang lovelife. Kanyang sinabi na may isang business siya na mismong ang girldfriend pa nito ang kanyang katuwang. Sa pagpapatuloy ng aming kuwentuhan with him, mukhang hindi na natututukan ni Khalil ang kanyang pagkanta. Maganda ang boses ng aktor at nakilala naman talaga siya muna bilang singer nung pinasok niya ang showbiz! Aminado siyang nawalan talaga siya ng concentration sa kanyang singing career na inaayos niya na rin daw sa ngayon. Napag-alaman din namin na years from now, isa na rin siyang ganap na direktor.
" Yes. Malay po natin. One day. I like it also. Maybe years from now. Let's see. " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.

DENNIS TRILLO NAPAKAHUSAY SA MINA-ANUD

Naimbitahan ako ng Regal Entertainment last monday para sa celebrity sceeening ng pelikulang MINA-ANUD na pinagbibidahan nina Jerald Napoles, Matteo Guidecelli at Dennis Trillo na ginanap sa Cinema 2 ng Theatre Mall sa Greenhills. Bago ko napanood ang buong movie, i wrote papuri already about the film mula sa palakpakang tinanggap nito sa Cebu screening lalo na sa mas masigabong palakpakan sa CCP Complex. Good words ang lumabas sa bibig ng mga nakapanood nito. Hanggang sa nitong lunes lang ay ako na mismo ang pupuri sa pelikulang ito ni Direk Kerwin Go. Yes. Sobrang ganda ng movie. Para siyang mainstream movie. I love the shots, the screenplay, the editing and the musical scoring of the film lalong-lalo na ang ipinakitang galing sa pag-arte ng tatlong bidang sina Matteo, Jerald at Dennis. Napa-wow ako dahil hindi ko sukat akalaing Matteo can really act well na compared sa mga nakaraang projects nito at ang seksi niya sa pelikula huh! No wonder why hindi nauubusan ng projects itong si Jerald Napoles. He's truly good sa movie and magaling siyang bumato ng lines. Pero ang higit kong hinangaan sa kanyang ipinakitang galing ay si Dennis Trillo! Wow! Napaka-naturalesang umarte talaga ni Dennis. Wala kang makikitang deep force of acting para lang lumabas na maganda ang pagganap niya kundi titigan mo lang siya sa kanyang mga mata at bigkas ng salita, sapat na yun para sabihin mong napakahusay na niyang aktor talaga plus the fact na ang sarap niyang pinapanood sa screen! Bet ko talaga ang film na merong funny and dark side. Actually eye-opener din ito at socially relevant and worthwhile!  One of the praises that the movie received is that it succeeds in being funny while tackling a serious topic huh! Showing napo ang Mina-Anud ng Regal, Hooq and Epicmedia starting August 21 in cinemas nationwide. Guys, deserve po nating mapanood ang pelikulang ito. Kapano-panood talaga! Promise yan!

DANIEL AT SARAH MOVIE KASADO NA NGA BA?

Umariba nga sa takilya ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema na pinagbibidahan together for the first time nina Kathryn Bernardo at Alden Richards! Almost 600 Million na ang kinita nito. Sa pagratsada ng HLG ay rumatsada naman ang tanong ng bayan kung ano naman daw ang bago kay Daniel Padilla? Nitong umaga lang ng biyernes, August 16, 2019 ay isang text message ang aming natanggap mula sa isang kaibigan. Kinumpirma nitong isang malaking pelikula rin ang gagawin ni Daniel Padilla not with Kathryn Bernardo. Kinumpirma nitong isang malaking artista sa Viva Films na si Sarah Geronimo ang makakatrabaho ni Daniel Padilla. Ibinalita rin sa akin ng isang kaibigan na posibleng makatrabaho rin daw ni Daniel Padilla si Catriona Gray!O ayan! Bonggang-bongga na yan huh! It's either Sarah Geronimo or Catriona Gray ang magiging leading-lady ni Daniel Padilla sa gagawin nitong pelikula na gugulong na anytime! Panalo yan! But before that ay magaganap muna ngayong August 25 sa Araneta ang Star Magic Ball Games! 

NEIL COLETA MASAYA SA KANYANG LOVELIFE AT BUSINESS

Sipag at tiyaga ang naging puhunan ni Neil Coleta kung bakit nabuo niyang itayo dahan-dahan ang kanyang napakagandang bahay ngayon sa Cavite. Hindi nawalan ng pag-asa si Neil nang lumamlam last year ang kanyang career. Gumawa siya ng paraan para mabuhay at maitayo ang kanyang dream family house.
" Halos wala akong regular show, ang ginawa ko, sa mga naipon ko, rumaraket ako, ayon, nabuo siya dahil sa mga raket ko. Hindi ko nga alam eh. Basta nakita ko nalang, buo na ang bahay namin. Ang sarap sa 
pakiramdam. " aniyang bulalas pa sa akin nang makausap ko mismo si Neil sa SM City Dasmarinas sa opening ng kanyang bagong business na Tikka Tikka Taco Wraps.
Naging malaking bagay rin daw sa kay Neil ang todo-suportang natatanggap niya mula sa kanyang 4 years girlfriend na pamangkin ni Dina Bounnevie.
" Sobra To Doms! Like sa business naming ito, sosyo kami niyan tapos halos siya talaga ang nag-aasikaso niyan. Napaka-supportive niya sa akin. " aniya.
Ano na nangyari sa unang business nitong bulaluhan? 
" Pinasara na muna namin. Puwede naman po buksan ulit. Kasi ang naging problema po doon, dahil busy po ako that time, pati sila Mama, hindi talaga siya natutukan. Napabayaan siya, kasi wala rin akong masyadong tao. Pero okey lang naman. " aniya.
Nitong lunes lang ay namayagpag naman sa ere ang teleseryeng The Killer Bride kung saan ginagampanan naman ni Neil Coleta ang role ng isang kaibigan ni Joshua Garcia. Partners in crime daw sila ni Joshua sa serye.
" Opo! Maganda po talaga ang story nito. Thankful din ako sa RSB unit sa pagkuha nila sa akin para sa role. First time ko sa RSB. Saya! Ibang tao naman mga katrabaho ko. Hopefully mataas ratings namin araw-araw! " paglalahad pa ni Neil Coleta.

SB19 LAUNCHES LATEST SINGLE TITLED GO UP

Ang SB19 ang kauna-unahang 5 member all filipino idol boy group na binuo at hinasa ng sa ilalim ng Korean Entertainment Company, ang ShowBT Philippines Corp. Sila ay sina Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin! Sa mahigit na tatlong taon ng kanilang pagsasanay sa K-POP system ay malugod nilang inihahandog ang kanilang bagong single na may titulong GO UP. Ang awiting GU ay siyang itinuturing ng SB19 na kanilang breakthrough single pagkatapos ng una single na TITALUHA na inilabas noong October 2018. Tinutukoy sa GU ang ibat ibang hirap at ang pag-abot ng pangarap. Layunin din ng nasabing kanta ang makapag-inspire ng ibang tao lalong-lalo na ang kabataan. Kasabay sa pagkamit ng kanilang pangarap ang RealBros, ang grupo sa likod ng mga kilalang K-Pop hits tulad ng ITS YOU ni Shinees Taemin, NOVEMBER WITH LOVE ng TVXQ, GOODMORNING NIGHT ni JYJ's Jaejoong at marami pang iba! Ang kanilang music video ay pinamahalaan ni JC Gellidon na nakatrabaho na din ang maraming local at international brands, gayundin ang maraming celebrities like Donnalyn Bartolome, Brian Puspos at marami pang iba. Layunin ng SB19 na gunawa ng sariling imahe bilang isang Pinoy Pop Group. Maari nang makakuha ng kopya ng TILALUHA at GO UP sa Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon Music, Google Play Music at sa marami pang ibang digital platforms! 

PPP3 GRAND FANCON NGAYONG AUGUST 31 NA!


May chance ka nang makasama ng personal ang mga paboritong artista! Puwede ka nang maki-selfie, maki-jam, at maki-sayaw kasama ng top celebrities sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 (PPP3) Grand Fancon sa SMX Convention Center sa Pasay ngayong darating na Agosto 31, 2019 simula 9:00 AM hanggang 10:00 PM.

Ang PPP3 Grand Fancon na in-organisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay isang interactive at one-of-a-kind experience na magbibigay sa’yo ng pagkakataong magkaroon ng memorable time kasama ang mga paborito mong artista’t mga bigating pangalan sa industriya.

Ang event venue ay mapupuno ng interactive booths at mockup sets ng bawat pelikula ng PPP 2019. Magkakaroon ka ng chance na pasukin ang mundo ng bawat pelikula at ng mga character ng mga paborito mong artista.

Ang PPP 2019 Grand Fancon ay may activities at live performances na gaganapin buong araw, kasama na rito ang live music performances mula sa PPP 2019 movie theme songs. Magkakaroon din ng sari-saring talks, makeup 101s, meet-and-greets, Q and As, at karaoke singing sessions.

Ang star-studded event na ito ay magtatampok ng celebrities at artists ng PPP 2019 films na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing ng “Cuddle Weather” ni Rod Marmol; Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at Ben & Ben ng “LSS (Last Song Syndrome)” ni Jade Castro; Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario ng “The Panti Sisters” ni Jun Robles Lana; McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, at Mark Oblea ng “G!” ni Dondon Santos; Maris Racal at Iñigo Pascual ng “I’m Ellenya L.” ni Boy 2 Quizon; JC Santos at Arci Muñoz ng “Open” ni Andoy Ranay; Jean Garcia, Jay Manalo, at Junyka Santarin ng “Watch Me Kill” ni Tyrone Acierto; Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacyln Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao, at Enchong Dee ng “Circa” ni Adolfo Alix, Jr.; Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano, at Maria Isabel Lopez ng “Lola Igna” ni Eduardo Roy, Jr.; at Gloria Sevilla, Vince Ranillo, Suzette Ranillo, at Alora Sasam ng “Pagbalik” ni Hubert Tibi at Maria Ranillo.

Jowa-less ka man o happily in love, siguradong kikiligin ka sa romantic concert ng “LSS (Last Song Syndrome)” lead stars na sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at ng indie folk-pop band na Ben&Ben.

May chance din ang fans na manalo ng cool freebies at merchandise ng PPP 2019 films. Meron ding exciting games at special performances ng surprise guest artists.

But wait, there’s more! In line sa pagdiriwang ng Sandaan: ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino, ang unang 100 attendees na makakakumpleto ng activities ay automatic na mananalo ng festival passes!

Puwede mo ring mapanood lahat ng 10 PPP 2019 films nang libre dahil may ipamimigay ding up to 500 na PPP festival tickets na puwedeng mapanalunan sa bingo, hourly raffle, o iba pang fun activities sa PPP3 Grand Fancon.

Ang admission price ay nasa P99 lang, at magkakaroon ka na ng all-day access sa activities ng event at ng chance na manalo ng PPP festival passes, freebies, at merchandise. 

Mabibili ang tickets sa SM Ticket outlets. Ang admission guidelines ay i-aannounce sa lalong madaling panahon.

MATTEO, DENNIS AT JERALD BAGONG KUMBINASYON SA MINA-ANUD

Umani ng magandang review ang pelikulang Mina-Anud na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidecelli sa ginanap nitong advance screening sa Cebu ganoon din sa katatapos nitong special screening na ginanap sa CCP para sa CineMalaya 2019. Kakaibang pelikula daw ito na hindi lang basta nagkukuwento kundi maraming aral daw ang mapupulot dito. In-fairness daw sa tatlong bida ng movie, magagaling sila at halatang hindi potcho-potcho ang pelikula mula sa direksiyon ni Kerwin Go! Mukhang bago ito sa panlasa natin dahil tila kakaiba ang kumbinasyon ng nga bida huh! Parehong magagaling na aktor especially Jerald Napoles na kapansin-pansin naman talaga ang galing niya! Yung tema ein kaei ng movie, the shots, the story itself, maganda talaga! Mapapanood na ang pelikula simula August 21 in cinemas nationwide handog sa atin ng Regal Entertainment!

THE KILLER BRIDE STARS, MAGAGALING TALAGA! HUMATAW KAAGAD SA RATINGS!

Humataw kaagad sa 23.1 ratings ang pilot episode ng teleseryeng The Killer Bride ng Kapamilya Network. Patunay lang na gusto ng televiewers ang timpla at konsepto ng latest tv series na pinagbibidahan nina Geoff Eigenman, Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia sa direksiyon ni Dado Lumibao! In fairness, napanood ko ang pilot nito and to be fair, magaling si Direk Dado! In-fairness! Galing din ng editing! Bongga! Para kang nanonood ng Mexican serye na napaka-glossy rin! Actually, parang hindi siya serye, para kang nanonood ng movie. Purihin ko lang ang lahat ng artistang nasa serye, ang gagaling! Agad-agad ay tumatak sa akin ang papel ni Chris Villanueva, James Blanco. Higit sa lahat, magaling ka talaga Maja Salvador. Mukhang nasa establishing week palang ang serye. Baka this weekend ay lalabas na sina Joshua Garcia at Janella Salvador! Love the serye talaga! 

NEWEST TEEN SENSATION SETH FEDELIN UMAMING ESPESYAL SI ANDREA BRILLANTES SA KANYA

Sinadya ko last Sunday ng hapon dated August 10, 2019 ang SM City Dasmarinas, Cavite para saksihan ang Grand Opening ng bagong business ni Neil Coleta ang Tikka Tikka Taco Wraps kung saan niya naging bisita ang Newest Teen Senasation ngayon at Kadenang Ginto male star Na si Seth Fedelin. Pinagkaguluhan sina Neil at Seth kasama si Fourth Solomon nang dumating sila sa Tikka Tikka Taco Wraps sa ground floor ng SM City Dasmarinas. Halos hindi magkanda-umayaw sina Seth at Neil sa dami ng taong nag-abang sa kanilang pagdating. After the said event ay nagpunta naman kami sa isang resto along Aguinaldo Highway para kumain ng late lunch kasama na ang meryenda at dito ko na nga nakausap exclusively ang binansagang Newest Teen Sensation na anak-anakan naming si Seth Fedelin.
Kaagad kong kinamusta ang bagets sa kanyang naging experience sa Amerika? 
" Ito po yung kauna-unahang out of the country ko po! Sobrang saya nung experience. Sobrang thankful po ako sa mga taong nagbigay sa akin ng chance na mapabilang ako sa ganoong show abroad na ke bago-bago ko palang po sa showbiz kaya maraming salamat po sa mga Bossing! " bulalas pa ni Seth sa akin na halatang pagod na ang bagets.
Naikuwento rin nito na tumatak sa kanya ang isang lugar doon na kanyang pinuntahan.
" Sobrang tumatak po sa akin ang Golden Gate po! Saya ko nung makita kopo siya. Yung bridge, ang ganda! Kasi nakikita ko lang siya noon sa TV. Saya ko po! " aniyang masayang kuwento sa akin.
Paglabas ni Seth ng PBB ay kaagad siyang nabigyang ng magandang break ng DreamscapePH nang kunin siyang isa sa mga bidang aktor sa tumatakbong teleserye ngayong Kadenang Ginto with Francine Diaz, Kyle Echarri at Andrea Brillantes. Simula naman noon ay marami na anh kinilig sa tambalang SethDrea lalo na nung mabuo ang loveteam nila sa serye at mabuo ang The Gold Squad!
" Masaya po kami ni Andrea together. May usapan po kaming lahat na lalo papo naming gagalingan sa Kadenang Ginto at naku may aabangan papo sila sa aming dalawa ni Andrea. Hindi papo puwedeng sabihin.  Basta po! Abangab nila yun! At Tito Dom, gusto ko narin pong magpasalamat sa mga sumusuporta po sa amin ni Andrea, na sa mga event namin, nandoon sila lagi, naglalaan talaga sila palagi ng oras nila para lang puntahan kami, maraming salamat po talaga sa inyong lahat! " aniya.
Sa estado ng pagkakakilala nila sa isa't isa ni Andrea kasama na ang mga post nilang kulitan at sweetness sa kanilang social media accounts ay maraming fans ang kinilig sa kanilang tambalan. Mukhang papunta na nga ba sa isang matinding pag-iibigan o baka raw nagkahulugan na  ang hottest teen sensations ngayon?
" Hahaha! " natawang tugon pa ni Seth.
" Kasi po, si Andrea po, kinikilala papo namin ang isa't isa.  Basta sa ngayon ay espesyal po siyang tao para sa akin. Espesyal na kaibigan at masaya ako at siya kapag magkasama kami. Hindi ko ma-explain eh! Basta! Totoong kaibigan siya para sa akin! Makulit lang talaga si Andrea. As in mapang-asar na kapag ako naman ang nang-asar sa kanya, ayon, pikunin! Ewan ko dun! Naghahanap lang talaga siguro ng makukulit! Basta magkaibigan po kami at espesyal po siya sa akin. " paglalahad pa ni Seth.
Aside from napakaraming aabangan sa Kadenang Ginto serye nila na palagay ko ay next year pa magtatapos ito, ipapalabas na rin ngayong August ang pelikulang Abandoned na ginawa ni Seth with Beauty Gonzales sa IWant TV! 

JULIANA PARISCOVA SEGOVIA...RARAMPA NA SA AND AI THANK YOU!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ko in-person ang kauna-unahang Miss Q & A Grand Winner na si Juliana Pariscova Segovia sa media launch ng pelikulang AND AI THANK YOU! Masarap kausap si Juliana o Tyrone James Ortega sa totoong buhay. Bungad nito, tagumpay daw ng buong LGBT community ang naging tagumpay niya noon sa naturang patimpalak ng daily noontime show ng Kapamilya Network na It's Showtime! Naging tagumpay din daw ito sa kanyang personal na buhay dahil after winning last year ng Isang Milyong Piso ay magdulot diumano ito ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
" Nakapagbukod na kami ng Mama ko ng bahay. Hindi pa kasi ako nakabili ng sarili naming bahay. Sinigurado ko rin talaga ang kanyang happiness dahil kaming dalawa naman lang talaga sa buhay ang magkasama. Hindi pa rin ako bumili ng sasakyan kasi naisip ko lang noon na what if walang raket and eveeything, sayang naman ang mga ihuhulog sa sasakyan, diba? So okey na ako sa grab muna. Saka nalang kapag dere-deretso na ang kitaan! Keri pa naman ngayon ang ganoon lang muna." Aniya sa amin. 
Kamusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa nag-iisang Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas sa movie?
" Naku! Dream come true ito para sa akin. Hindi ko ma-imagine na katrabaho at kaeksena ko na ngayon sa isang pelikula ang nagpaiyak sa akin noon sa pelikula niyang Tanging Ina. Sobrang happy ako sa blessing lalo na sa opportunity na ito na binigay sa akin ni Direk Joven Tan. Ang saya! " aniyang bulalas pa sa aming tsikahan.
Masuwerte talaga siya dahil sa puntong ito ay naglalakihang artista natin sa industriya ang nakatrabaho na niya. 
" Opo! Si Ate Vice Ganda, si Tita Susan Roces, Si Coco tapos ngayon si Mommy Ai! Sobrang saya lang! Kaya nga sabi ko, work lang ng work! "Aniya.
Mukhang bongga rin ang role niya sa pelikulang ito?
" Yessss! Isa akong writer dito ni Miss Ai sa kanyang mga shows sa movie. Tapos nalaos siya kaya lumipat naman ako kay Rufa Mae! Nakakaloka kasi isa akong balimbing na bakla diro sa movie na kung saan ang pera ay doon ako! Wala akong loyalty! Kasi ang rason ko, marami akong binubuhay sa movie. Kaya saya! Panoorin nila! Bongga ang pelikulang ito. " pagtatapos pa ni Juliana sa aming panayam. 12 years old palang pala si Juliana nang mamatay ang kanyang ama! 

" THREE'S A COMPANY " CONCERT NGAYONG AUGUST 10 NA SA MUSIC HALL

THREE'S A COMPANY" AT THE MUSIC HALL!!!

It's groovin' time this Saturday, August 10 at the Music Hall (Metrowalk, Ortigas Ave., Pasig City) as three of the most handsome young men in the music industry croon you with your favorite ballads and bring you back memory lane with old-time favorites.

Kiel Alo, Carlo Mendoza and LA Santos promise to give you jaw-dropping performances in "THREE's A COMPANY" concert under the musical direction of Mr. Butch Miraflor.

"This is my very first time in a real concert. The last performance I did was when I guested in Macoy Mendoza's birthday concert also at the Music Hall months back. Ngayon, isa na ako sa main performers kaya abot-leeg ang kaba ko. Ha! Ha! Ha! Sabi nga ng manager namin ni Kuya Kiel na si Nanay Jobert Sucaldito, since ginusto ko 'to, panindigan ko 'to dapat and I agree. Whew! I am praying to God na gabayan ako with this," Carlo Mendoza humbly shared.

"I've done a lot of shows already pero this one looks very exciting for me kasi three boys kami rito and kaniya-kaniya kami ng style and genre. And I am very excited to work with Tito Butch Miraflor again. Strict siya pero nasa lugar. Talagang mapipilitan kang ilabas ang husay mo pag siya ang musical director mo kasi nga, he doesn't settle for less. He wants to bring out the best in you," LA Santos said.

"I've been singing for many years already and I just so love it. Singing is my life - it's my ultimate passion. I love doing hugot songs kasi nakaka-relate talaga ako. Ha! Ha! Ha! Dito sa THREE's A COMPANY" namin nila unang maririnig ang first single namin ni Carlo (Mendoza) na parehong composed ni Tito Vehnee Saturno. Mine is AASA KA BA? while yung kay Carlo ay BITUIN. Ganda ng mga songs naming ito. And excited na rin akong makasama ulit sa concert ang napakahusay na si Ms. Laarni Lozada and first time naming makaka-jam si LA Santos. Bait niya. Saya namin sa rehearsal. Kasi nga puro boys kaya mas madali," ani Kiel Alo naman whose voice is incomparable.

Joining the concert are special guests like gay icon/impersonator Dulce Viado and the most sought-after comic duo AJ Tamiza and Le Chazz.

THREE's A COMPANY is being presented by Xentro Malls, Karaoke Republic, TAG Media Group and Aficionado Germany Perfume. This is also brought to us by Reyes Haircutters, Zoomanity, Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Mr. Boy Abunda, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Sen. Tito Sotto 111, Ms. Jen Legaspi and Ms. Laarni Enriquez.  

See you all at the Music Hall (Metrowalk, Ortigas) on Saturday, August 10, 2019. Show starts at 9PM. 

" WALA NA AKONG KAILANGANG PATUNAYAN PA " AND AI THANK YOU NGAYONG AUGUST 14 NA!

Sa isang pocket presscon para sa promo ng kanyang latest film na AND AI THANK YOU mula sa direksyon ni Joven Tan na magso-showing na ngayong August 14 in cinemas nationwide ay naging deretsahan ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas sa pagsasabing wala siyang pakialam kung ratsada siya sa paggawa ng pelikula. Ayon sa sikat na komedyante, basta't maganda ang materyales na ino-offer sa kanya, wala siyang pipiliin! Iba na diumano ang panahon ngayon at wala na yung mga drama tsu tsu di-tulad noon! Sinabi pa nitong sa tinagal-tagal niya na sa industriya ng pelikula at telebisyon, wala na siyang kailangang patunayan pa! Naabot niya na diumano ang tugatog ng kanyang karera at nagpapasalamat siya sa mga taong nagmahal at yumakap sa kanyang kakayahan bilang isang artista. Sa latest film nito, inamin nitong sa wakas ay naka-make-up siya sa buong shooting ng pelikula. Isa pala siyang aktres o artista rin sa movie na kakainggitan ni Rufa Mae Quinto. Aniya, kaaliw ang pelikula at nakakatawa talaga dahil ibang klaseng artista naman daw ang pinagagawa niya sa pelikulang ito ni Joven Tan. Nang kamustahin namin kung paano naman katrabaho si Direk Joven, naging maboka si Ai Ai sa pagsasabing magaan itong katrabaho at magaling na rin bilang isang direktor! Nanawagan naman ang comedy concert queen na suportahan natin ang pelikulang pilipino! And Ai Thank You! Handog po ng Horseshoe Studios at Reality Entertainment ang movie na ito! Let's support local films!

LIDO COCINA TSINA SA SHAW BOULEVARD BUKAS NA!

Sa isang proyektong hinahawakan ko ngayon, ang Lido Cocina Tsina sa tulong ng kaibigang si Baby De Guzman ay nakilala ko ang President nitong si Ma'am Annie Wong at ang Marketing Head nitong si Sir Dave Antonio nang masaksihan ko mismo ang grand opening ng kanilang bagong branch sa may Shaw Boulevard, Mandaluyong. Sa utos ng management, we invited 3 major broadsheets like Manila Bulletin, Manila Standard and The Philippine Star who just did beautiful releases about the restaurant. Honestly, fan talaga ako ng mga Chinese restaurants pero iba ang pagkaing ilalapag sa iyo ng Lido Cocina Tsina. Iba yung lasa o timpla nila! Malinamnam at higit sa lahat ay mura pa! 
Isa sa dumating na celebrity ay si Epy Quizon. Alam kong responsable siya sa ilalabas na TVC ng Lido Cocina Tsina this September. Pinaupo namin sa isang table sina Ma'am Annie Wong at Epy Quizon sabay interview habang kumakain kami ng lunch. Very accomodating si Ma'am Annie Wong at puring-puri nito ang aktor lalo na sa kinalabasan ng kanilang ginawang TVC!
" He is open to ideas and easy to work with. Very talented. Comedy talaga ang bagay sa kanya. Kahit na seryoso yung story, napapagaan niya. It is his expertise. He is so passionate and very creative. Happy ako! " paglalahad pa ni Ma'am Annie Wong.
According to Actor / Director Epy Quizon, hindi rin naging madali para sa kanya ang gawin ang TVC ng Lido Cocina Tsina. Pero it's the passion and love diumano sa trabaho ang namutawi sa kanya. 
" When i got the script from the ad agency, sabi ko, why not! Para siyang short film and i love it! The TVC is about a young man as a son and hardworking employee. I added my own flavor to the storytelling that highlights the heritage of the restaurant in 1936! Excited na rin ako to see my work kapag nailabas na namin ito sa TV! " paglalahad naman ni Epy Quizon na may ginawa na rin palang product tvc noon ng isang petroleum company! 
Ngayong mid-August ay isang product na naman ang ilulunsad namin exclusive from Lido Cocina Tsina ayon na rin sa ipinarating sa akin ng kaibigang Dave Antonio, ang Marketing Head ng Lido Cocina Tsina! 

SUGAR MERCADO MAY MALALIM NGA BANG DAHILAN KUNG BAKIT NAG-RESIGN SA WOWOWIN?

Misteryoso ang biglaang pagre-resign ni Sugar Mercado sa daily evening game show ng Kapuso Network na Wowowin hosted by Willie Revillame.
Sa Ara's Colours PH media launch ay hindi namin pinakawalan si Sugar. Kinulit namin ito hanggang sa nagbigay na nga ito ng paliwanag patungkol sa kanyang resignation.
" Lumalaki na ang dalawang anak ko. Isang 4 and 6 years old. Feeling ko mas kailangan na nila ako ngayon bilang Nanay. Kaya nagdesisyon akong mag-resign sa show. " kaagad nitong tugon sa amin.
Paano na ang kanyang hanapbuhay? Malaking pera rin kung tutuusin ang kinikita niya sa naturang show bilang co-host ni Willie Revillame?
" Marami pa namang work. Marami diyan. Obcourse, like sa mga anak ko, hindi rin naman sila pinababayaan ng Tatay nila eversince. Balik hosting sa comedy bars, raket-raket. Nami-miss ko rin umarte. Basta. Mga ganoon na muna. Happy ako sa desisyon ko. Alam ko namang may magandang trabaho pang darating sa akin. Sipag-sipag lang naman. " sagot nito.
Si Hipon Girl daw ngayon ang flavor of the month ni Willie Revillame. Si Hipon Girl din daw ang dahilan kung bakit nag-resign siya?
" Hindi totoo yan! Naabutan kopa siya sa show. Okey siya. Okey kami. Basta. Okey na ako! " aniyang depensa naman sa amin.
After namin siyang makausap ay hindi parin ako personally kumbinsido sa ibinigay nitong dahilan sa kanyang resignation. Sa pagkakaalam kasi namin, ayon na rin sa mga bali-balita, malalim ang dahilan ng kanyang resignation! Hindi naman kaya totoo ang tsismis?