DENNIS TRILLO NAPAKAHUSAY SA MINA-ANUD
Naimbitahan ako ng Regal Entertainment last monday para sa celebrity sceeening ng pelikulang MINA-ANUD na pinagbibidahan nina Jerald Napoles, Matteo Guidecelli at Dennis Trillo na ginanap sa Cinema 2 ng Theatre Mall sa Greenhills. Bago ko napanood ang buong movie, i wrote papuri already about the film mula sa palakpakang tinanggap nito sa Cebu screening lalo na sa mas masigabong palakpakan sa CCP Complex. Good words ang lumabas sa bibig ng mga nakapanood nito. Hanggang sa nitong lunes lang ay ako na mismo ang pupuri sa pelikulang ito ni Direk Kerwin Go. Yes. Sobrang ganda ng movie. Para siyang mainstream movie. I love the shots, the screenplay, the editing and the musical scoring of the film lalong-lalo na ang ipinakitang galing sa pag-arte ng tatlong bidang sina Matteo, Jerald at Dennis. Napa-wow ako dahil hindi ko sukat akalaing Matteo can really act well na compared sa mga nakaraang projects nito at ang seksi niya sa pelikula huh! No wonder why hindi nauubusan ng projects itong si Jerald Napoles. He's truly good sa movie and magaling siyang bumato ng lines. Pero ang higit kong hinangaan sa kanyang ipinakitang galing ay si Dennis Trillo! Wow! Napaka-naturalesang umarte talaga ni Dennis. Wala kang makikitang deep force of acting para lang lumabas na maganda ang pagganap niya kundi titigan mo lang siya sa kanyang mga mata at bigkas ng salita, sapat na yun para sabihin mong napakahusay na niyang aktor talaga plus the fact na ang sarap niyang pinapanood sa screen! Bet ko talaga ang film na merong funny and dark side. Actually eye-opener din ito at socially relevant and worthwhile! One of the praises that the movie received is that it succeeds in being funny while tackling a serious topic huh! Showing napo ang Mina-Anud ng Regal, Hooq and Epicmedia starting August 21 in cinemas nationwide. Guys, deserve po nating mapanood ang pelikulang ito. Kapano-panood talaga! Promise yan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment