Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ko in-person ang kauna-unahang Miss Q & A Grand Winner na si Juliana Pariscova Segovia sa media launch ng pelikulang AND AI THANK YOU! Masarap kausap si Juliana o Tyrone James Ortega sa totoong buhay. Bungad nito, tagumpay daw ng buong LGBT community ang naging tagumpay niya noon sa naturang patimpalak ng daily noontime show ng Kapamilya Network na It's Showtime! Naging tagumpay din daw ito sa kanyang personal na buhay dahil after winning last year ng Isang Milyong Piso ay magdulot diumano ito ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
" Nakapagbukod na kami ng Mama ko ng bahay. Hindi pa kasi ako nakabili ng sarili naming bahay. Sinigurado ko rin talaga ang kanyang happiness dahil kaming dalawa naman lang talaga sa buhay ang magkasama. Hindi pa rin ako bumili ng sasakyan kasi naisip ko lang noon na what if walang raket and eveeything, sayang naman ang mga ihuhulog sa sasakyan, diba? So okey na ako sa grab muna. Saka nalang kapag dere-deretso na ang kitaan! Keri pa naman ngayon ang ganoon lang muna." Aniya sa amin.
Kamusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa nag-iisang Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas sa movie?
" Naku! Dream come true ito para sa akin. Hindi ko ma-imagine na katrabaho at kaeksena ko na ngayon sa isang pelikula ang nagpaiyak sa akin noon sa pelikula niyang Tanging Ina. Sobrang happy ako sa blessing lalo na sa opportunity na ito na binigay sa akin ni Direk Joven Tan. Ang saya! " aniyang bulalas pa sa aming tsikahan.
Masuwerte talaga siya dahil sa puntong ito ay naglalakihang artista natin sa industriya ang nakatrabaho na niya.
" Opo! Si Ate Vice Ganda, si Tita Susan Roces, Si Coco tapos ngayon si Mommy Ai! Sobrang saya lang! Kaya nga sabi ko, work lang ng work! "Aniya.
Mukhang bongga rin ang role niya sa pelikulang ito?
" Yessss! Isa akong writer dito ni Miss Ai sa kanyang mga shows sa movie. Tapos nalaos siya kaya lumipat naman ako kay Rufa Mae! Nakakaloka kasi isa akong balimbing na bakla diro sa movie na kung saan ang pera ay doon ako! Wala akong loyalty! Kasi ang rason ko, marami akong binubuhay sa movie. Kaya saya! Panoorin nila! Bongga ang pelikulang ito. " pagtatapos pa ni Juliana sa aming panayam. 12 years old palang pala si Juliana nang mamatay ang kanyang ama!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment