Sipag at tiyaga ang naging puhunan ni Neil Coleta kung bakit nabuo niyang itayo dahan-dahan ang kanyang napakagandang bahay ngayon sa Cavite. Hindi nawalan ng pag-asa si Neil nang lumamlam last year ang kanyang career. Gumawa siya ng paraan para mabuhay at maitayo ang kanyang dream family house.
" Halos wala akong regular show, ang ginawa ko, sa mga naipon ko, rumaraket ako, ayon, nabuo siya dahil sa mga raket ko. Hindi ko nga alam eh. Basta nakita ko nalang, buo na ang bahay namin. Ang sarap sa
pakiramdam. " aniyang bulalas pa sa akin nang makausap ko mismo si Neil sa SM City Dasmarinas sa opening ng kanyang bagong business na Tikka Tikka Taco Wraps.
Naging malaking bagay rin daw sa kay Neil ang todo-suportang natatanggap niya mula sa kanyang 4 years girlfriend na pamangkin ni Dina Bounnevie.
" Sobra To Doms! Like sa business naming ito, sosyo kami niyan tapos halos siya talaga ang nag-aasikaso niyan. Napaka-supportive niya sa akin. " aniya.
Ano na nangyari sa unang business nitong bulaluhan?
" Pinasara na muna namin. Puwede naman po buksan ulit. Kasi ang naging problema po doon, dahil busy po ako that time, pati sila Mama, hindi talaga siya natutukan. Napabayaan siya, kasi wala rin akong masyadong tao. Pero okey lang naman. " aniya.
Nitong lunes lang ay namayagpag naman sa ere ang teleseryeng The Killer Bride kung saan ginagampanan naman ni Neil Coleta ang role ng isang kaibigan ni Joshua Garcia. Partners in crime daw sila ni Joshua sa serye.
" Opo! Maganda po talaga ang story nito. Thankful din ako sa RSB unit sa pagkuha nila sa akin para sa role. First time ko sa RSB. Saya! Ibang tao naman mga katrabaho ko. Hopefully mataas ratings namin araw-araw! " paglalahad pa ni Neil Coleta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment