ACTOR AND SINGER KELVIN MIRANDA THE NEXT BIG STAR

Agree ako sa sinasabi nilang si Kelvin Miranda na ang newest Kapuso leading man. Tama lang at napapanahon na para umariba ng husto ang karera ni Kelvin. Sobrang blessed ni Kelvin dahil halos lahat ng hahanapin mong kaguwapuhan ng isang leading man material ay nasa kanya na. Higit sa lahat ay ang pagiging mahusay nitong aktor anong role man ang ibigay mo sa kanya na minsan na nitong ipinamalas last year sa teleseryeng ' The Lost Recipe ' ganoon din ang ipinamalas nitong husay sa isang limited series with Beauty Gonzales na ' Loving Miss Bridgette ' na waging-wagi rin sa pagpapakilig.

Dalawang proyekto lang yan ni Kelvin sa Kapuso network pero naramdaman ng buong mundo ang kanyang pagbulusong bilang isang aktor na maipagmamalaki mo. And that Kelvin's boyish good looks and outstanding skills certainly made a mark that earned him awards and brand endorsements. 

Sa ' Gusto Kita ' single launch nina Kelvin Miranda at Ally Gonzales ay masasabi kong nagwagi na naman ang Kelvin sa puso ng kanyang mga fans and followers. Dahil patunay lang ito na may boses talaga si Kelvin at ang sarap niyang panoorin habang nagduduet sila ni Ally huh!

For the record lang ay si Kelvin rin ang kumanta ng The Lost Recipe OST titled Di Mawawala. Ganoon din ang OST ng Wish Ko Lang, o diba? At kamakailan lang, Kelvin recently released two singles ang Sumayaw at Slow Dance na parehong nasa digital platforms na like sa Spotify at ITunes placing number 8 and number 2!

Ako personally ay masaya sa nangyayari ngayon sa showbiz career ni Kelvin and he'll go places talaga! May ibubuga eh! He will be the next big star sa totoo lang! Panatag ako!

Basta! Support natin ang pagi-spread ng love and good vibes nina Kelvin at Ally through their song collaborations, ang GUSTO KITA at ATING KABANATA! 

Si Kelvin Miranda ay nasa pangangalaga po ng kaibigang Tyronne James Escalante ng TEAM with Jane De Leon, Polo Ravales, Andrew Gan, Chanel Morales and many others!

VIVAMAX KING SEAN DE GUZMAN MASAYANG NAKATRABAHO SINA JAKE CUENCA AT DIMPLES ROMANA SA MY FATHER, MYSELF

Joel Lamangan’s My Father, Myself explores a ‘different kind of love’

Kakaibang pag-ibig sa My Father,  Myself

Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman  para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?

Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 Metro Manila Film Festival. 

Ang My Father, Myself ay  pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at  ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa  Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na  Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.  Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.

Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,

The film is produced by Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz,  Nicanor Abad and Bryan Dy.

MY FATHER, MYSELF EXPLORES A DIFFERENT KIND OF LOVE

Joel Lamangan’s My Father, Myself 

explores a ‘different kind of love’


Kakaibang pag-ibig sa My Father,  Myself

Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman  para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?

Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 Metro Manila Film Festival. 

Ang My Father, Myself ay  pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at  ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa  Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na  Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.  Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.

Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,

The film is produced by Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz,  Nicanor Abad and Bryan Dy.

LA SANTOS MASAYA SA PAGIGING AKTIBO NGAYON SA TELEBISYON BILANG RICHARD MISCALA SA TELESERYENG DARNA NI JANE DE LEON

Sa pakikipag-kuwentuhan namin kamakailan mismo kay LA Santos sa Mesa Restaurant, Tomas Morato ay halatang sobrang proud ang binata sa nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career. 

Malaking blessing diumano ang tiwalang binibigay ngayon ng ABS-CBN sa kanya. Tinutukoy niya ay ang paglabas niya una sa ' Ang Iyo Ay Akin ' with Jodi Sta. Maria at ngayon naman ay isang importanteng role naman ang kanyang ginagampanan sa action-fantaseryeng ' Darna ' with Jane De Leon bilang si Richard Miscala.

" Masaya po ako sa blessings na ito. Gusto kp rin po itong ginagawa ko ngayon aside from singing. Maraming salamat po sa ABS at sa JRB Creative Production. " aniya pa sa amin. 

Hindi diumano totoong iiwanan na nito ang pagiging isang singer sa pagtutok niya ngayon  sa pag-arte. 

" Hindi po! Kaya naman po pagsabayin. Time management lang. At saka kinanta ko rin po ang isa sa themesong po ng 'Darna ' yung ' Di Maghihiwalay ' po. " aniyang hayag pa sa amin.

Si LA Santos ay nakilala noong 2017 bilang Star Music recording artist at naging frontman ng grupong 7K Sounds naman noong 2020.

Malaki rin ang development sa katawan ng binata. Kung dati ay mataba siya, ngayon naman ay pumayat na siya at binatang-binata na talaga. 

" Kailangan po eh. At saka diet ako. Lumalabas napo tayo sa tv kaya, kailangan po. " aniyang tsika pa sa amin. 

Nakahilera na sa ngayon palang ang mga gagawing proyekto ni LA Santos sa Kapamilya Network! Posible lahat yan dahil si Ms. Tang Adriano na pala ang kanyang manager! Bongga! 

HINDI MAN INAMIN SA PRESSCON, KING OF TALK BOY ABUNDA, GMA 7 NARAW ANG BAGONG TAHANAN SA 2023

Sa katatapos lang na pa-presscon ng King Of Talk na si Boy Abunda nitong araw na hindi tayo imbitado, mariin nitong sinabing may mga pag-uusap ang mga tao mula sa kanyang kampo at mula sa iba't ibang network para sa kanyang pagbabalik telebisyon. 

May mga offer sa kanya at mariin din nitong sinabing wala pa siyang pinipirmahan at tinatanguan dahil ayaw niya diumanong mag-burn ng bridges.

Mariin din nitong sinabing miss na miss na niya ang telebisyon at kailangan na niyang mag-move-on. 

Halos dalawang taon din kasi siyang nagpatuloy ng kanyang pagiging talk show host pero hindi sa free tv kundi sa digital platform.

Sa kabila ng kanyang mga naging pahayag today, sa mga pag-amin at pagsagot ng deretsahan sa mga tanong na ibinato ng press sa kanya, isang reliable source ang nagkumpirmang sa pagpasok ng bagong taong 2023 ay mapapanood na rin daw sa wakas si Boy Abunda sa free tv.

Very reliable ang nakapagsabi sa akin na isang talk show na raw ang kinakasa para kay Boy Abunda sa bakuran ng GMA Channel 7!

Hindi man daw ito inamin ng King Of Talk, kinumpirma ng very reliable source na may hagdan na para sa kanyang gavawing talk show sa Kapuso.

Kakaiba raw ito sa mga nakagawian na niyang talk show pero very Boy Abunda parin daw ang sistema ng programa. 

Hintayin nalang daw nating GMA Channel 7 nalang ang magkukumpirma nito.

Kunsabagay, wala naman talagang makakapantay sa King of Talk! Sa totoo lang! 

' MAGTULUNGAN NALANG TAYO PARA SA INDUSTRIYA " PANAWAGAN PA NI DIREK LOUIE IGNACIO KEYSA MAGSIRAAN

Pagkatapos mag-last shooting day ni Direk Louie Ignacio para sa pelikulang ' Papa Mascot ' na pinagbibidahan ni Ken Chan na produced ng Wide International at Aromagicare nina April Martin at Pauline Publico ay kaagad naman itong nag-first shooting day para sa pelikulang ' Affair To Forget ' na produced naman ng 316 Media Network ni Len Carrillo.

Pinagbibidahan ito nina Sunshine Cruz, Allen Dizon, Angelica Cervantes at Karl Aquino na sinulat naman ni Quinn Carrillo na siya ring nagsulat ng kontrobersiyal na MMFF 2022 official entry na ' My Father, Myself ' ng 316 Media Network at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Sa pagdalaw ko sa shoot today ay hindi ko maiwasang tanungin si Direk Louie Ignacio bilang isang direktor kung ano ang kanyang masasabi sa naging kuda ng kanyang kapwa film director na si Jay Altajeros patungkol sa pelikulang ' My Father, Myself ' ni Direk Joel Lamangan.

" Jusko! Alam mo, magtulungan nalang tayo to promote a film. Magtulungan para kumita ang pelikula at para maibalik na ang sigla ng industriya. Ganoon lang. " walang kiyemeng paglalahad pa ni Direk Louie.

Isa si Direk Louie Ignacio sa mga hinahangaan kong may magagandang nagawang pelikula. Iba ang kanyang estilo at paghimay sa bawat pelikulang kanyang ginagawa. 

Ika nga nila, iba kapag isang Louie Ignacio ang gumawa. Maganda at swabe. Pangalawang movie na ito ni Direk Louie under 316 Media Network after ' The Influencer ' na pinagbidahan nina Sean De Guzman at Cloe Barreto.

ALLEN DIZON FROM SEXY STUD TO MULTI-AWARDED ACTOR OF HIS GENERATIONI

Isang pasasalamat na tsikahan ang ipinatawag kamakailan ng kaibigang Dennis Evangelista para sa multi-awarded actor na si Allen Dizon.

Ito ay may kinalaman sa kanyang 25 years showbiz anniversary at para na rin sa walang humpay na pagapasok ng mga proyekto sa kanyang career. 

His film “Walker” which premiered at Moscow International Film Festival, “Abenida” whom he considered his most difficult role to date, “Pamilya Sa Dilim” which he gave another sterling performance together with Laurice Guillen,Ligalig” with National Artist Nora Aunor, the recently ended afternoon soap in GMA 7 “Return To Paradise” where he was paired  with Eula Valdez, the ongoing shooting of  a very powerful film “Oras de Peligro” with Cherry Pie Picache  the forthcoming film “Acetylene Love” with Jaclyn Jose. 

From sexy stud, the former Viva Hotmen Dizon is now considered to be one of most awarded actor of his generation . 

With 48 acting awards to date including 11 international Best Actor awards ( one of them is from Warsaw Film Festival which is considered to be an A-Lister film festival accredited by FIAP), Gawad URIAN Best Actor Awardee, Gawad Pasado Best Actor Hall of Famer, FAMAS Best Actor Hall of Famer, Most Outstanding Kapampangan Awardee in the Fields of Cinema and  FDCP Camera Obscura Awardee. 

JERIC GONZALES GOT 4 ACTING AWARDS PARA SA PELIKULANG BROKEN BLOOMS NI DIREK LOUIE IGNACIO

Matagal ko ng naririnig ang kanyang pangalan.  Aminado rin akong hindi ko napanood ang mga naging television projects niya sa GMA Kapuso Network simulang pasukin niya ang pag-aartista. 

Hanggang sa magkaroon siya ng magandang break via Start-Up with Alden Richards and Bea Alonzo na napansin ko na siya. 

And finally ay nakita ko rin siya in-person sa intimate solo pocket presscon niya para sa kauna-unahan niyang solo starrer film na Broken Blooms produced by Sir Benjie Austria ng BenTria Productions directed by Louie Ignacio.

Sabi ko nga, tindig palang ni Jeric, the way na magdamit siya, mukha and everything follows na ay mapapalingon ka sa kanya. Class ang dating niya at hindi chararat tulad ng ibang naga-artista diyan. 

Anyways, sinugalan nga ng BenTria Productions sa totoo lang si Jeric for this film na ipapalabas na ngayong December 14 in selected cinemas nationwide na bago yon ay magkakaroon muna ito ng celebrity premiere night on December 3 sa SM North Edsa.

Goal niya rin ba talagang magkaroon ng solo starring role sa isang pelikula?

" Goal ko talaga na ipakita dito yung acting skills ko. Kasi siyempre, wala pa akong napapatunayan, e, in terms of films. It’s my first lead role. So, nung sinabi po sa akin ito, talagang sinabi ko, paghahandaan ko talaga ito. Sabi ko, gagalingan ko talaga dito sa film na ito." paglalahad pa ni Jeric.

Masuwerte si Jeric dahil sa pelikulang ito ay nabigyan siya ng pagkilala sa apat ng International Film Festivals. Like Harlem, Mokho, Tagore at Montelupo at competing rin ang Broken Blooms sa Saskathewan International Film Festival sa Canada kung saan nominated naman si Jeric sa Best Actor category.

Kanyang sinabi na kakapit daw muna siya ngayon sa naga-gandahang nangyayari sa kanyang showbiz career at deadma na muna sa kanyang lovelife. Hindi naman daw sinasarado ni Jeric ang kanyang puso pero makakapaghintay naman daw ang lovelife.

 Kasama ni Jeric sa pelikula sina Therese Malvar, Boobay, Royce Cabrera, Lou Veloso at Jaclyn Jose.

Initial venture po ito ng BenTria Productions. Showing napo ang beautiful film na ito ni Jeric ngayong December 14 in cinemas nationwide. 




 

 

HALIKANG JAKE CUENCA AT SEAN DE GUZMAN SA MY FATHER, MYSELF PINAG-UUSAPAN NA

2 days ago nung makipag-meeting ang production / film producer and director ng controversial film ng 316 Media Network at Mentorque Productions na ' My Father, Myself ' sa MTRCB. 

We're expecting na magandang ratings ang ibibigay ng MTRCB for the film starring Jake Cuenca, Sean De Guzman, Dimples Romana and Tiffany Grey sa direksiyon ni Joel Lamangan at script ni Quinn Carrillo.

Hindi naman sad to say but glad to say parin na R-18 pa rin ang ibinigay nila for the film na noong inilabas ang trailer ay marami na ang nag-react at karapatan yun ng bawat isa sa atin once posted or out na ang isang trailer.

" Kapag lumabas na ang isang trailer, posted na yan, hindi natin maiwasang may mga magre-react o maglalabas ng kanilang opinyon sa movie at karapatan yun nila at wala tayong magagawa doon. " bulalas pa ni Direk Joel Lamangan nung kunan siya ng reaksiyon sa story conference ng latest film niya under 316 Media at Mentorque na ' Sa Kanto Ng Langit At Lupa '.

Sabi ko nga sa nangunang kumuda na direktor ng kanyang opinyon at pananaw sa pelikulang ' My Father, Myself ' ay salamat parin dahil lalo pang pinag-usapan ang aming pelikula sa social media na tumatabo na ngayon sa almost 1.4 million views.

Yesterday lang, sa location shoot ng pelikulang ' Sa Kanto Ng Langit At Lupa ' sa Cavite City ay nagbigay narin ng kanyang sariling posisyon ang kaibigang film producer nitong si Len Carrillo na wala na siyang magagawa sa lumabas na ratings.

" Nandiyan na yan! Wala na tayong magagawa. Okey na sa akin ang R-18 Direk! Okey na ba sayo? Okey na. " aniyang bitiw pang salita kay Direk Joel.

" Okey na? Sige. Inilaban ko sa R-16 man lang, pero okey na sayo, okey na rin sa akin. " tugon naman ni Direk Joel. 

Yun nga lang, mukhang sa R-18 na ratings ng MTRCB ay hindi maipapalabas sa lahat ng SM Cinemas ang movie. Nakapanghihinayang but still nandoon naman tayo sa hoping stage na kahit saang sinehan o piling sinehan lang ito mapapanood ay papanoorin parin ito at hahanapin ng gustong manood nito.

Aminado naman ang film producers na medyo hindi naman talaga pang-bata ang tema ng MFMS movie. Maselan naman talaga ang kuwento nitong may kuwenta! Kung tatanggalin naman kasi ang mga eksenang maseselan sa movie ay mawawalan naman talaga ng kuwenta ang inilatag na kuwento ng manunulat nitong si Quinn Carrillo. 

Kumbaga mawawalan na ng sustansiya ang movie at papano mo nga naman mailalatag ang justification sa bawat character kung bakit nagkaganoon ang kuwento? Hindi ba?

Well, mamahalin mo, sinoman ang pelikulang ito kapag napanood mo. Para siyang Star Cinema film. The script, the direction, napaka-glossy ng film, mahuhusay na aktor at higit sa lahat ay aabangan mo ang bawat eksena lalo na ang ending nito. 

Sabi nga nila, paano nalang kung hindi mo napagwagian ang isang laban? Tuluyan mo nalang ba itong isusuko o wawakasan mo nalang? 

Interesting ang film, hindi ba? Panoorin muna ang film bago kumuda! Beautiful movie! 

ALLEN DIZON A MULTI-AWARDED ACTOR WITH 48 ACTING AWARDS IN 25 YEARS SA PHILIPPINE SHOWBIZ INDUSTRY

Sa isang lunch sa Pandan Asian Cafe  ay naimbitahan ako ni Dennis Evangelista para sa isang pasasalamat na simpleng pocket presscon / intimate interview with the multi-awarded movie and television actor Allen Dizon.

May connection ang pa-lunch treat sa ika-25 year showbiz anniversary ni Allen Dizon. 

" Masaya ako na inabot ko ang 25 years sa showbiz industry na until now ay nandito parin tayo, masaya pa rin tayo sa ginagawa natin, work lang ng work. Happy. " paglalahad pa ni Allen Dizon that noon.

Yes. Hindi rin biro ang 25 years sa showbiz ni Allen na ayon sa kanya ay sobrang blessed at thankful siya.

" Marami rin naman tayong mga naging sakripisyo, marami rin naman akong naging ups and down sa showbiz, pero naging motibasyon ko yun na magsikap pa ako lalo para makuha ko ang gusto ko. Nagsikap din naman tayong maging maayos ang buhay natin and as of now, kahit ang dami kong trabaho, nagi-enjoy ako dahil may sariling pamilya na rin tayo, may anak na. So, deretso lang. " paglalahad ulit ni Allen. 

Dahil sa pagsisikap niya ay nakapagpundar narin siya ng magandang bahay, nakakuha ng franchise para magkaroon siya ng Gerry's Grill at car selling na lahat ay nasa Pampanga.

Napaka-humble parin ni Allen despite of everything. Kaya naitanong namin kung anong pakiramdam niya na almost 48 acting awards na ang titulong hawak niya bilang isang mahusay na aktor? 

" Wala sa akin yun. Hindi ako yung tipo ng artistang porke't marami ka ng award ay mag-iiba kana, magbabago ka? Hindi ako ganoon. Yung mga award na yan, naging inspirasyon ko pa lalo para pagbutihin pa ang aking trabaho at mahalin ko pa lalo. Kaya nga sabi ko, sa office ko, magpapagawa akong parang shelf, patungan o doon ko ilalagay mga trophies ko. " aniya. 

Ilan sa mga bagong gawang naga-gandahang pelikula ni Allen Dizon na aabangan ay ang Walker ni Joel Lamangan, Avenida ni Louie Ignacio, Pamilya Sa Dilim ni Jay Altajeros, Oras De Peligro ni Joel Lamangan at Ligalig! Kaabang-abang din ang pelikulang pagsasamahan nilang dalaw ni Jaclyn Jose sa direksiyon naman ni Adolf Alix Jr.

So proud of your achievements Allen Dizon lalong-lalo na ang manager mong si Dennis Evangelista na hindi namin maipinta ang tuwang nararamdaman sa bawat naga-gandahang pangyayari da iyong personal na buhay at career. Hindi lahat ng aktor ay nabibigyan ng ganitong parangal at pagkilala! 

" SANA SA PAMAMAGITAN NG PELIKULANG ITO, I CAN GIVE JUSTICE SA SAF 44 " -- ATTORNEY FERDINAND TOPACIO

Naka-dalawang movie presscon na ang pelikulang ' Mamasapano ' Now It Can Be Told ng Borracho Films ni Attorney Ferdinand Topacio na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Claudine Barretto, Paolo Gumabao at Aljur Abrenica. Kailangan talagang paingayin ang movie na sana ay panoorin natin ngayong December 25 in cinemas nationwide dahil kasama ito sa walong finalist ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. 

Ayon kay Attorney Topacio, ang pelikulang ito ay hindi gawa-gawa lang kundi isang makatotohanang pangyayari na ikinagulantang ng buong mundo. Ang pelikula ay hango sa totoong kuwento at pangyayari ng pinaslang na SAF 44 ng walang awa noong 2015 sa Mamasapano. 

Hindi maiwasang puntiryahin ng tanong si Attorney dahil medyo sensitibo ang pagsasapelikula nito at may mga legal na proseso silang ginawa maisapelikula lamang ito. Ayon kay Attorney Topacio, sana raw ay panoorin natin ang pelikula dahil hindi lamang daw ito pelikula kundi naglalaman ito ng kuwentong kapupulutan din ng aral at maisaliwalat man lang ang katotohan kung bakit at ano ang totoong nangyari noong January 25, 2015.

Nakiusap siyang sana suportahan natin ang kanyang pelikulang ito at sana raw ay kumita. Hindi raw biro ang nailabas nilang financial para lang mabuo ang movie. Kanyang sinabi na dapat ay wala ng tatanggaling pelikula o ipu-pull-out na pelikula sa mga sinehan sabihin man daw nating hindi ito kumikita sa day of showing.

" Sana wala ng ganoon. Dapat baguhin na yung sistema. Kaya nga festival eh. Hayaan mo yang pelikulang nandiyan sa sinehan na yan. Huwag mong tanggalin kung hindi man pinapanood. " aniyang paglalahad.

Pero bakit nga ba sinugalan ni Attorney Topacio ang pelikulang ito?

" Actually ako po yung abogado nung mga magulang ng SAF 44. At kami po yung nagdemanda kay dating Pangulong Aquino, General Purisima. At hanggang ngayon po, nagpabalik-balik na sa korte suprema, nasa ombudsman parin po, wala pang for closure. So sabi ko, i'll give justice for the SAF 44 is so slow. So sabi ko, baka sa pamamagitan ng pelikulang ito the story which is very close to my heart, kasi nakita ko ang paghihinagpis at pagdadalamhati ng mga magulang somehow ay mabigyan ng katarungan ang SAF 44. Kaya ayan, nabubuhay tayo, kaya ayan ang ating tribute sa SAF 44. " paghahayag pa ni Attorney Topacio. 

" I was touched. Iniyakan ko. Even before the parents came to me lalo na nung makita ko pa kung paano trinato yung mga patay na sinisi pa, hindi pa pinahalagahan, hindi sinalubong nung pagdating and then pinalalabas pa na sila ang may kasalanan, at dinepensa pa yung mga rebeldeng pumatay sa kanila, i said this is too much that is why i was so happy to accept the case nung lumapit sa akin yung mga parents. " aniyang tugon pa sa isang tanong. 

Interesting ang pelikula mula sa script ni Eric Ramos at direksiyon ni Lester Dimaranan. 


MAMASAPANO : NOW IT CAN BE TOLD HINANGO SA TOTOONG KUWENTO AT PANGYAYARI

This movie, based on the rwports of the Board of Inquiry of the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group, the Senate Committee on Public Order, and actual interviews with eyewitnesses, tells the tragic story of the so-called Mamasapano Massacre on January 25, 2015, when members of the PNP Special Action Force the PNP's elite team. 

While executing a Law Enforcement Order in Mamasapano against two of the world's most wanted Islamic terrorists Usman and Marwan who carried a bounty of 1 million and 5 million US dollars respectively, the SAF were surrounded by heavily armed Muslim extremists after the government failed to send reinforcements and air and artillery support during the extraction. While Marwan was confirmed to have been killed, Usman eacaped and forty-four members of the SAF now called the SAF 44 were mercilessly killed by the rebels.

Told in non-linear fashion and alternating between battle scenes and proceedings of the PNP-CIDG Board of Inquiry headed by then General Benjamin Magalong, it gives a unique perspective of that disastrous incident from the point of view of the investigators, the survivors and even the Muslim themselves.

With an all-star cast and supporting cast of hundreds, Mamasapano reveals heretofore untold stories straight from the mouths of those who were actually in the middle of the conflict. 

The cast are Edu Manzano, Paolo Gumabao, Aljur Abrenica, Allan Paule, Rey Abellana, Gerald Santos, Ritz Azul, Myrtelle Sarroza, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jervic Cajarop and Claudine Barretto.

Directed by Lester Dimaranan plus the script of Eric Ramos. This is produced by Borracho Films and this year's official entry to the Metro Manila Film Festival showing on Decembet 25 in cinemas nationwide! 

' TERA ' PHILIPPINE'S LATEST POP ARTIST READY TO BE SOMEONE DIFFERENT

Muli na namang nagsama ang Merlion Events Production at Tyronne Escalante Artist Management para mag-produce ng isang entertainment powerhouse artist sa pangalang TERA.

TERA which means Earth in Latin is ready to break new ground in the country's entertainment industry with her latest single ' Higher Dosage '. The self-composed alternative pop single deals with darker themes such as alcohol and illegal substances and moreover how people deal with their problems.

" Sinulat ko po siya noong 2019 pa. No matter what your age, gender or nationality, everyone has a struggle that they're enduring. This song reflects that darkness. " paglalahad pa ni Tera.

The triple-threat songwriter, singer and dancer is aware that her music is going to be very unique from what Philippine Pop Fans are used to but she believes it is what makes her music necessary. 

" There are already a lot of songs about love, finding it and losing it. What i offer to the audience is real. Some would say deeper, take on emotions, life events, humanity. My debut single is definitely different from what people are used to. But i think anyone could relate to it. " kuwento pa ni Tera.

But Tera is definitely not settling for the shock factor. With her upcoming music video for the single, she had to undergo tons of preparations and meetings to make sure that her vision aligns with that of Director Elena Virata who Tera praises was very open minded and kind with the whole process. 

With her dance preparations, choreographers Douglas Nierras, Chrisy Sawada and Froi Dabalus helped bringing her songs meaning to life through their artistic, meaningful choreography. She also underwent piano training in the Yupangco Music Academy, Voice Masterclass with Monet Sikvestre and most recently in The Madz Studio coached by Alfred Samonte.

Produced by Merlion Events Production and Tyronne Escalante Artist Management, Tera was officially launched as an artist noong October 25 na ginawa sa Seda Vertis North Hotel sa Quezon City. Napanood din namin siyang kinanta pa ang dalawa pang single niyang ' Facade ' at ' Sa Dilim ' na pinalakpakan ng entertainment media. 

" This is a dream come true for me. I grew up watching live concert CD's of Michael Jackson and Beyonce who both shaped me as a performer. Even as a child, i would perform for people and ever since then, i just never got tired of sharing my craft. Ultimately, i hope that people would relate to my songs and be blown away by my performances. " Tera ends. 

TEAM Manager Tyronne Escalante shares that...

" Tera writes her own songs ansmd she is a natural born performer. We can't wait for everyone to know her and be just as amazed with her talent as we are. She brings something distinct to the country's music scene and we're supoorting her all the way. " Tyronne exclaimed.