' MAGTULUNGAN NALANG TAYO PARA SA INDUSTRIYA " PANAWAGAN PA NI DIREK LOUIE IGNACIO KEYSA MAGSIRAAN

Pagkatapos mag-last shooting day ni Direk Louie Ignacio para sa pelikulang ' Papa Mascot ' na pinagbibidahan ni Ken Chan na produced ng Wide International at Aromagicare nina April Martin at Pauline Publico ay kaagad naman itong nag-first shooting day para sa pelikulang ' Affair To Forget ' na produced naman ng 316 Media Network ni Len Carrillo.

Pinagbibidahan ito nina Sunshine Cruz, Allen Dizon, Angelica Cervantes at Karl Aquino na sinulat naman ni Quinn Carrillo na siya ring nagsulat ng kontrobersiyal na MMFF 2022 official entry na ' My Father, Myself ' ng 316 Media Network at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Sa pagdalaw ko sa shoot today ay hindi ko maiwasang tanungin si Direk Louie Ignacio bilang isang direktor kung ano ang kanyang masasabi sa naging kuda ng kanyang kapwa film director na si Jay Altajeros patungkol sa pelikulang ' My Father, Myself ' ni Direk Joel Lamangan.

" Jusko! Alam mo, magtulungan nalang tayo to promote a film. Magtulungan para kumita ang pelikula at para maibalik na ang sigla ng industriya. Ganoon lang. " walang kiyemeng paglalahad pa ni Direk Louie.

Isa si Direk Louie Ignacio sa mga hinahangaan kong may magagandang nagawang pelikula. Iba ang kanyang estilo at paghimay sa bawat pelikulang kanyang ginagawa. 

Ika nga nila, iba kapag isang Louie Ignacio ang gumawa. Maganda at swabe. Pangalawang movie na ito ni Direk Louie under 316 Media Network after ' The Influencer ' na pinagbidahan nina Sean De Guzman at Cloe Barreto.

No comments:

Post a Comment