Joel Lamangan’s My Father, Myself
explores a ‘different kind of love’
Kakaibang pag-ibig sa My Father, Myself
Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?
Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang My Father, Myself ay pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at ipinakikilala si Tiffany Grey.
Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.
Si Sean na tinawag na Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula. Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.
Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.
Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.
“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.
Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”
Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,
The film is produced by Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz, Nicanor Abad and Bryan Dy.
No comments:
Post a Comment