" SANA SA PAMAMAGITAN NG PELIKULANG ITO, I CAN GIVE JUSTICE SA SAF 44 " -- ATTORNEY FERDINAND TOPACIO

Naka-dalawang movie presscon na ang pelikulang ' Mamasapano ' Now It Can Be Told ng Borracho Films ni Attorney Ferdinand Topacio na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Claudine Barretto, Paolo Gumabao at Aljur Abrenica. Kailangan talagang paingayin ang movie na sana ay panoorin natin ngayong December 25 in cinemas nationwide dahil kasama ito sa walong finalist ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. 

Ayon kay Attorney Topacio, ang pelikulang ito ay hindi gawa-gawa lang kundi isang makatotohanang pangyayari na ikinagulantang ng buong mundo. Ang pelikula ay hango sa totoong kuwento at pangyayari ng pinaslang na SAF 44 ng walang awa noong 2015 sa Mamasapano. 

Hindi maiwasang puntiryahin ng tanong si Attorney dahil medyo sensitibo ang pagsasapelikula nito at may mga legal na proseso silang ginawa maisapelikula lamang ito. Ayon kay Attorney Topacio, sana raw ay panoorin natin ang pelikula dahil hindi lamang daw ito pelikula kundi naglalaman ito ng kuwentong kapupulutan din ng aral at maisaliwalat man lang ang katotohan kung bakit at ano ang totoong nangyari noong January 25, 2015.

Nakiusap siyang sana suportahan natin ang kanyang pelikulang ito at sana raw ay kumita. Hindi raw biro ang nailabas nilang financial para lang mabuo ang movie. Kanyang sinabi na dapat ay wala ng tatanggaling pelikula o ipu-pull-out na pelikula sa mga sinehan sabihin man daw nating hindi ito kumikita sa day of showing.

" Sana wala ng ganoon. Dapat baguhin na yung sistema. Kaya nga festival eh. Hayaan mo yang pelikulang nandiyan sa sinehan na yan. Huwag mong tanggalin kung hindi man pinapanood. " aniyang paglalahad.

Pero bakit nga ba sinugalan ni Attorney Topacio ang pelikulang ito?

" Actually ako po yung abogado nung mga magulang ng SAF 44. At kami po yung nagdemanda kay dating Pangulong Aquino, General Purisima. At hanggang ngayon po, nagpabalik-balik na sa korte suprema, nasa ombudsman parin po, wala pang for closure. So sabi ko, i'll give justice for the SAF 44 is so slow. So sabi ko, baka sa pamamagitan ng pelikulang ito the story which is very close to my heart, kasi nakita ko ang paghihinagpis at pagdadalamhati ng mga magulang somehow ay mabigyan ng katarungan ang SAF 44. Kaya ayan, nabubuhay tayo, kaya ayan ang ating tribute sa SAF 44. " paghahayag pa ni Attorney Topacio. 

" I was touched. Iniyakan ko. Even before the parents came to me lalo na nung makita ko pa kung paano trinato yung mga patay na sinisi pa, hindi pa pinahalagahan, hindi sinalubong nung pagdating and then pinalalabas pa na sila ang may kasalanan, at dinepensa pa yung mga rebeldeng pumatay sa kanila, i said this is too much that is why i was so happy to accept the case nung lumapit sa akin yung mga parents. " aniyang tugon pa sa isang tanong. 

Interesting ang pelikula mula sa script ni Eric Ramos at direksiyon ni Lester Dimaranan. 


No comments:

Post a Comment