ALLEN DIZON A MULTI-AWARDED ACTOR WITH 48 ACTING AWARDS IN 25 YEARS SA PHILIPPINE SHOWBIZ INDUSTRY

Sa isang lunch sa Pandan Asian Cafe  ay naimbitahan ako ni Dennis Evangelista para sa isang pasasalamat na simpleng pocket presscon / intimate interview with the multi-awarded movie and television actor Allen Dizon.

May connection ang pa-lunch treat sa ika-25 year showbiz anniversary ni Allen Dizon. 

" Masaya ako na inabot ko ang 25 years sa showbiz industry na until now ay nandito parin tayo, masaya pa rin tayo sa ginagawa natin, work lang ng work. Happy. " paglalahad pa ni Allen Dizon that noon.

Yes. Hindi rin biro ang 25 years sa showbiz ni Allen na ayon sa kanya ay sobrang blessed at thankful siya.

" Marami rin naman tayong mga naging sakripisyo, marami rin naman akong naging ups and down sa showbiz, pero naging motibasyon ko yun na magsikap pa ako lalo para makuha ko ang gusto ko. Nagsikap din naman tayong maging maayos ang buhay natin and as of now, kahit ang dami kong trabaho, nagi-enjoy ako dahil may sariling pamilya na rin tayo, may anak na. So, deretso lang. " paglalahad ulit ni Allen. 

Dahil sa pagsisikap niya ay nakapagpundar narin siya ng magandang bahay, nakakuha ng franchise para magkaroon siya ng Gerry's Grill at car selling na lahat ay nasa Pampanga.

Napaka-humble parin ni Allen despite of everything. Kaya naitanong namin kung anong pakiramdam niya na almost 48 acting awards na ang titulong hawak niya bilang isang mahusay na aktor? 

" Wala sa akin yun. Hindi ako yung tipo ng artistang porke't marami ka ng award ay mag-iiba kana, magbabago ka? Hindi ako ganoon. Yung mga award na yan, naging inspirasyon ko pa lalo para pagbutihin pa ang aking trabaho at mahalin ko pa lalo. Kaya nga sabi ko, sa office ko, magpapagawa akong parang shelf, patungan o doon ko ilalagay mga trophies ko. " aniya. 

Ilan sa mga bagong gawang naga-gandahang pelikula ni Allen Dizon na aabangan ay ang Walker ni Joel Lamangan, Avenida ni Louie Ignacio, Pamilya Sa Dilim ni Jay Altajeros, Oras De Peligro ni Joel Lamangan at Ligalig! Kaabang-abang din ang pelikulang pagsasamahan nilang dalaw ni Jaclyn Jose sa direksiyon naman ni Adolf Alix Jr.

So proud of your achievements Allen Dizon lalong-lalo na ang manager mong si Dennis Evangelista na hindi namin maipinta ang tuwang nararamdaman sa bawat naga-gandahang pangyayari da iyong personal na buhay at career. Hindi lahat ng aktor ay nabibigyan ng ganitong parangal at pagkilala! 

No comments:

Post a Comment