We're expecting na magandang ratings ang ibibigay ng MTRCB for the film starring Jake Cuenca, Sean De Guzman, Dimples Romana and Tiffany Grey sa direksiyon ni Joel Lamangan at script ni Quinn Carrillo.
Hindi naman sad to say but glad to say parin na R-18 pa rin ang ibinigay nila for the film na noong inilabas ang trailer ay marami na ang nag-react at karapatan yun ng bawat isa sa atin once posted or out na ang isang trailer.
" Kapag lumabas na ang isang trailer, posted na yan, hindi natin maiwasang may mga magre-react o maglalabas ng kanilang opinyon sa movie at karapatan yun nila at wala tayong magagawa doon. " bulalas pa ni Direk Joel Lamangan nung kunan siya ng reaksiyon sa story conference ng latest film niya under 316 Media at Mentorque na ' Sa Kanto Ng Langit At Lupa '.
Sabi ko nga sa nangunang kumuda na direktor ng kanyang opinyon at pananaw sa pelikulang ' My Father, Myself ' ay salamat parin dahil lalo pang pinag-usapan ang aming pelikula sa social media na tumatabo na ngayon sa almost 1.4 million views.
Yesterday lang, sa location shoot ng pelikulang ' Sa Kanto Ng Langit At Lupa ' sa Cavite City ay nagbigay narin ng kanyang sariling posisyon ang kaibigang film producer nitong si Len Carrillo na wala na siyang magagawa sa lumabas na ratings.
" Nandiyan na yan! Wala na tayong magagawa. Okey na sa akin ang R-18 Direk! Okey na ba sayo? Okey na. " aniyang bitiw pang salita kay Direk Joel.
" Okey na? Sige. Inilaban ko sa R-16 man lang, pero okey na sayo, okey na rin sa akin. " tugon naman ni Direk Joel.
Yun nga lang, mukhang sa R-18 na ratings ng MTRCB ay hindi maipapalabas sa lahat ng SM Cinemas ang movie. Nakapanghihinayang but still nandoon naman tayo sa hoping stage na kahit saang sinehan o piling sinehan lang ito mapapanood ay papanoorin parin ito at hahanapin ng gustong manood nito.
Aminado naman ang film producers na medyo hindi naman talaga pang-bata ang tema ng MFMS movie. Maselan naman talaga ang kuwento nitong may kuwenta! Kung tatanggalin naman kasi ang mga eksenang maseselan sa movie ay mawawalan naman talaga ng kuwenta ang inilatag na kuwento ng manunulat nitong si Quinn Carrillo.
Kumbaga mawawalan na ng sustansiya ang movie at papano mo nga naman mailalatag ang justification sa bawat character kung bakit nagkaganoon ang kuwento? Hindi ba?
Well, mamahalin mo, sinoman ang pelikulang ito kapag napanood mo. Para siyang Star Cinema film. The script, the direction, napaka-glossy ng film, mahuhusay na aktor at higit sa lahat ay aabangan mo ang bawat eksena lalo na ang ending nito.
Sabi nga nila, paano nalang kung hindi mo napagwagian ang isang laban? Tuluyan mo nalang ba itong isusuko o wawakasan mo nalang?
Interesting ang film, hindi ba? Panoorin muna ang film bago kumuda! Beautiful movie!
No comments:
Post a Comment