ARA MINA NANLAMIG NUNG IPINASOK SA CABINET SA LATEST AQ PRIME MOVIE NITONG ' KATOK ' NI DIREK JOVEN TAN

Malagim ang kuwento ng pelikulang ' Katok ' ni Direk Joven Tan na pinagbibidahan nina Ara Mina, Ynigo Delen at Joyce Javier na kasalukuyan ng streaming sa AQ Prime.

Balot ng katatakutan ang kuwento ng isang caregiver played by Ara kung saan isang matandang lalake ang kanyang aalagaan. 

" Isa akong caregiver. May inaalagaan akong matanda na wala palang nagtatagal na caregiver doon sa haunted house na yun. " kuwento pa ni Ara Mina during the pocket presscon.

Nagkuwento rin si Ara tungkol sa mga naramdaman nitong kakaiba while shooting the said original AQ Prime movie.

" Meron kasing isang eksena na parang may-gumanon na kamay, eh, wala namang tao dun. Kasi lahat ng production ay nasa likod ni Direk sa monitor area, pati staff ay nandoon. " kuwento pa ni Ara.

" Tapos one time, sa unang scene ko, yung frame, bumagsak, naka-steady lang naman siya. Pero nag-pray naman tayo Direk diba bago nag-start? Siguro, nabulabog lang. " paglalahad pa ni Ara Mina. 

Dapat sana ay bibisitahin din siya ng kanyang anak sa shooting. Kaso lang?

" Actually, pinapa-visit ko yung daughter ko. Tapos pinagbawalan yung daughter ko doon sa area at sinabihan akong huwag na. Sabi ko, ano ba 'tong bahay na 'to? " takot pang kuwento ni Ara.

Kinunan ang mga eksenang ito sa isang lumang bahay o itinuring ng haunted house sa Bulakan, Bulakan. 

Pero saang eksena ba siya talaga nakaramdam ng labis na takot while shooting the film?

" May pinagawa sa akin si Direk Joven na pinapasok niya ako sa cabinet. Ang creepy! Kasi it's an old house tapos yung cabinet na yun pala ay isang panic room. " aniya.

" Cabinet ang hitsura niya pero kapag pumasok ka pala, stair pala yun pa-kisame! Paakyat! Tapos pagpasok ko, ang lamig-lamig tapos isasarado ko yung cabinet! Halos minadali ko yung eksena ko na kahit hindi pa ako lalabas, lumabas na ako! " nakakatakot pang kuwento ni Hazel.

Naku! Kung wala pa kayong AQ Prime App, download niyo na at mag-subscribe na para mapanood niyo ang pelikulang KATOK na streaming na ngayon! 

JACLYN JOSE AT ALLEN DIZON AABANGAN SA PELIKULANG ' ACETYLENE LOVE ' NI DIREK ADOLFO ALIX JR.

Magsasama sa pelikulang "Acetylene Love' as lead actors sina Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose and Warsaw Film Festival  Best Actor Allen Dizon. Both Cannes and Warsaw considered to be A Lister Film Festival approved by FIAP. 

Mula sa panulat ni Ralston Jover sa direksyon ng Gawad Urian Best director awardee Adolfo Borinaga Alix Jr. that will start filming soon!

Hindi naman talaga matatawaran ang husay ng parehong aktor lalo na si Allen Dizon na nag-umpisang magpaseksi noon sa kanyang mga naging pelikula sa showbizlandia. 

Sinamahan ito ni Allen ng pagyakap sa kanyang pagiging aktor at determinasyong mas lalo pang makilala sa industriyang kanyang ginagalawan.

Hanggang sa makaalagwa siya at ngayon ay award-winning actor na. Husay at pagmamahal sa trabaho ang alam kong naging bala ni Allen upang lalo pang mapabuti ang kanyang trabaho.

Kahit ang matagal na nitong manager na si Dennis Evangelista ay hindi rin maipinta ang tuwa sa mga nagagandahang proyekto ni Allen mula noon.

" Grabe si Allen Dizon puro acting greats kasama niya lately. " mensahe pa sa akin ni Dennis.

" Si Gina Pareno sa Abenida, Laurice Guillen sa Pamilya sa Dilim, National Artist Nora Aunor with Snooky Serna sa Ligalig, Eula Valdez sa Return To Paradise, Cherry Pie Picache sa Oras de Peligro and now Jaclyn Jose sa Acetylene Love. " kuwento pa ni Dennis.

Iilan lamang sa mga naga-artista ang nabibigyan ng magandang pagkakataon sa showbiz. Hindi lahat ay nagtatagal. 

Longebity ang pinag-uusapan dito at dedication kaya naman siguro humahataw parin ang isang Allen Dizon. 

Sa totoo lang ha. Maraming naga-artista ngayon na ang bilis ng kanilang pagsikat at kapag waley akting, naku, ligwak na sa showbiz after ng ilang taon lang. 

Aminin din natin na ang bilis sumikat ngayon. Sikat lang sa social media, abay, artista na! Nag-tiktok lang at umariba ang views, artista na rin. Mabilis na pagsikat pero mabilis din maglaho.

Iba talaga ang mga artista noong 50's 60's 70's 80's at 90's! Mga de-kaledad at iba talaga ang pagpapalaki ng showbiz sa kanila! Nahuhulma sila! Ngayon kasi, naku, basta't kumikita, sige, hataw na! Kung anu-ano! Tapos ang ending, ngangelya! Blagadag! 

Basta! Happy for this new project nina Jacklyn Jose at Allen Dizon! Kaka-excite sa totoo lang. 

INTRIGANG KORINA SANCHEZ AT KAREN DAVILA MATUTULDUKAN NA NGAYONG LINGGO 5PM SA KORINA INTERVIEWS SA NET25

The real deal behind the ‘feud rumors’ between Korina Sanchez and Karen Davila

Two of the most successful women in the Philippine broadcast industry will be seen on one screen in a very rare occasion.

Multi- awarded broadcast journalist Karen Davila is the next guest of Korina Sanchez in her newest show, Korina Interviews. Both Korina and Karen are two of the most trusted news bearers in the country. Their dedication, hard work and vast experience has led them in the frontlines of the industry.

In this week’s teaser of Korina Interviews, the two can be seen having a good time in each other’s company. But mind you, these two strong women didn’t beat around the bush in their statements and when asking hard questions. Karen said that she was  once afraid of Korina while Korina  asked Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”

Know Karen’s answer this Sunday, October 30 at 5 PM only on NET25.         

Ang katotohanan sa likod ng ‘iringan’ nina Korina Sanchez at Karen Davila

Sa isang bihirang pagkakataon, magsasama sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatagumpay na kababaihan sa media industry.

Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang susunod na panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews. Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid- balita sa bansa. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang  dedikasyon, pagsusumikap at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko

Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straight forward’ na mga pahayag at tanong. Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”

Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, alas singko ng hapon sa NET25.

CHERRY PIE PICACHE HINDI NAGDALAWANG-ISIP TANGGAPIN ANG ROLE BILANG BIDA SA PELIKULANG ORAS DE PELIGRO NI DIREK JOEL LAMANGAN

Nag-first shooting day na ang magiging kontrobersiyal na pelikula ng multi-awarded director Joel Lamangan. Ito ay ang pelikulang ' Oras De Peligro ' produced by Atty. Howie Calleja ng Bagong Siklab Productions.

Pagbibidahan ito nina Allen Dizon at Cherry Pie Picache sa script nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos.

" I like the whole film. I like the way that it was written. Hindi ma-drama. As is where is. Very factual, very sincere, very real, true! " paglalahad pa ni Cherry Pie kung bakit niya tinanggap ang naturang project.

Maganda naman talaga ang script nito kung saan ipapakita ang 4 days nangyari sa kasadsaran ng Edsa Peoples Power Revolution. 

It's a documentary movie na ipapakita ang ilang actual videos, photos, audio at newspaper clippings ng mga pangyayari noong 1986. 

Ginagampanan ni Cherry Pie Picache ang role ni Beatriz na isang kasambahay ng isang matrona sa Forbes Park na aktibo sa mga kilos protesta. 

Balak ipalabas ng Bagong Siklab Productions ang pelikulang Oras De Peligro sa buwan ng February 2023 para itaon naman ito sa 37th Anniversary ng Edsa Peoples Power.


MARC CUBALES IS BACK BILANG PRODUCER NG COSMO MANILA KING & QUEEN 2022 AT PELIKULA!

BIG BANG ang katatapos lang na press launch ng Cosmo Manila King & Queen 2022 last Sunday evening na ginanap sa Le Reve, Quezon City. Hindi lang bumaha ng raffle prizes at cash kundi bumulaga rin ang mga nagu-guwapuhan at naga-gandahang contenders na sinala mismo ng MC Productions bago tuluyang ipinakilala sa Press.

Well-orgabized ang naturang event produced by our dearest friend Marc Cubales na mamimigay ng 200 thousand pesos each para sa mananalong Cosmo Manila King & Queen 2022 ngayong taon na gaganapin ngayong November 5 sa SM Skydome.

Bago pa man nagsimula sa showbiz si Marc ay dati na siyang  fashion model when he was in UK and he just want to give back.

Marc is also a film producer at katatapos lang ng shooting ng kanyang movie na Finding Daddy Blake, directed by Jay Altarejos.

“Working na rin tayo sa isa pang movie na susubukan naming ilaban sa mga International film festival,” sabi pa ni Marc.

Sina Michael Bristol, Joy Barcoma at John Nite ang host nito. Special guests sina Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen at Batang Mama. Available ang tiket sa SM Tickets

ORAS DE PELIGRO MOVIE NI CHERRY PIE PICACHE NA ANG PINAKAMATAPANG NA PELIKULA NI JOEL LAMANGAN

Just yesterday, Sunday, 5pm ay tuluyang ipinakilala ni Atty. Howie Calleja ng Bagong Siklab Productions ang buong cast ng pelikulang ' Oras De Peligro ' na sinulat nina Eric Ramos at Bonifacio Ilagan sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ito ay sina Cherry Pie Picache, Allen Dizon, Mae Paner, Gerald Santos at Marcus Madrigal at marami pang iba.

Isa itong documentary drama na magpapakita ng mga totoong drama ayon sa salaysay ng isang pamilya noong panahon ng Edsa Revolution. Totoong kuwento diumano ito ng katotohanan at hindi fake news lang.

Mukhang sa aming pagkakaalam, ito na yata ang pinaka-matapang na gagawing pelikula ng Multi-Awarded Director na si Joel Lamangan sa puntong ito ng kanyang karera bilang isang mahusay na movie director.

Ayon pa kay Direk Joel, walang kulay ang pelikulang ito at tanging totoo lamang ang ilalahad nito sa manonood.

" Hindi po ito pink, hindi ito dilaw, hindi ito pula. Ito ay kayumanggi. Hindi ito nagsasabi ng anumang masama laban sa kasalukuyang administrasyon, wala! " paglalahad pa ni Direk Joel sa katatapos lang na story conference ng pelikula na anytime soon ay magso-shoot na.

" Ang sasabihin lamang ng pelikulang ito ay kung ano ang totoong nangyare noong 1986 sa punto de vista ng isang simpleng pamilya. Wala kaming kulay-kulay! Ako, rainbow! " walang kiyemeng paglalahad pa nito sa entertainment media.

Excited na rin ang bidang aktres nitong si Cherry Pie Picache na naging mabusisi rin daw sa pagtanggap sa kanyang role. Pero halatang naniniwala si Cherry Pie sa husay at galing ni Direk Joel lalo na diumano sa tatahaking kuwento ng pelikula.

Ayon naman kay Atty. Howie Calleja, paunang proyekto pa lamang ito ng Bagong Siklab Productions at marami pa siyang nakahilerang gagawin. 

Saganang akin lang, thankful tayo dapat sa mga katulad nilang independent producers dahil marami silang natutulungang taga-showbizlandia'ng nabibigyan ng trabaho. 

Mabuhay po ang Bagong Siklab Productions. Aasahan po namin ang mas marami pang pelikulang makabuluhang ilalatag ninyo sa silverscreen! 

The film will start filming soon!

INAABANGAN NA! COSMO MANILA KING & QUEEN 2022 NGAYONG NOVEMBER 5 NA SA SM SKYDOME!

𝗖𝗢𝗦𝗠𝗢 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗚 & 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟮


Face-to-face event is back!

Event organizer/producer Marc Cubales would like to be the first to set a trend and come up with an exciting, memorable event for wannabe models and beauty pageant contestants.

Thus, Cosmo Manila King & Queen 2022 is born.

"We're back to normal. As a producer, I would like to be the first to produce a sexy pageant competition, a bikini pageant in a very nice venue…

"Higit sa lahat, para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show," Marc said.

"Yung feeling  na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work. So deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila," he added.

So who will he hailed Cosmo Manila 2022 King and Queen on November 5, 2022 at SM Skydome North Edsa?

Cosmo Manila Queen 2022 official candidates are Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara  Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne  Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra  Aguilar, Morena Carlos, and Deberly Bangcore.

Meanwhile, the male official candidates are the following: Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David  Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud, Allen Ong Molina, and Chadd Solano.

Find out who will wear the crowns on the coronation night on November 5.

To be hosted by Michael Bristol, Joy Barcoma, and John Nite, special guests include Paul Salas, Kris Lawrence,  Sex Bomb New Gen and Batang Mama. Show starts at 7 PM.

Tickets are available at SM Tickets. For more details, call CP#s 09667088434 and 09602533903. 

Part of the proceeds of the show goes to Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation. 

Cosmo Manila Queen 2022 is produced by Marc Cubales with Ms.Edz Galindez as supervising producer, Leklek Tumalad as casting director, and Bembem Espanto as over-all director.

Cosmo Manila Queen 2022 would like to thank the following sponsors: Beautederm, Dr. Ramon Ramos (President and Chief Executive Officer , Imus Institute Inc and Imus Institute of Science and Technology Cavite), Erase Beauty Care, Bioessence Skin Care Services, Frontrow, Parcero Salon By Master Jun, Cubales Water Supply Co., AQ Prime, 90210 BeautyLab QQ, MC Productions, Shai's D Light Beauty Care, Itel, Edwin Lisa Brows & Aesthetics, Sony Boy Mindo, Dermaworld Center for Age Management, Inc., Calcium Cee, Lueur Lauren International Corp., I-Top View Café & Restaurant, Minas Brokers Logistics, Inc.,TD & Co. Coffee Shop, Victory Central Mall, Alpha Massage & Wellness

Theraphy, JM Cubales, and PV Pageant Vote.

FAMILY DRAMA MOVIE NA ' MY FATHER, MYSELF ' NINA SEAN DE GUZMAN, JAKE CUENCA AT DIMPLES ROMANA PASOK SA MMFF 2022

The biggest, most popular and the widely supported and anticipated 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) completes its eight official entries with the selection of the four finished films from a record high of 22 film submissions. 


The esteemed members of the Selection Committee headed by the multi-awarded and much respected leader of the film industry Boots Anson-Rodrigo chose the Top 8 based on the following criteria - Artistic Excellence - 40%, Commercial Appeal - 40%, Filipino Cultural Values - 10% and Global Appeal - 10%. 


  


The Official 8 entries to the MMFF 2022 are: 


 (FINISHED FILM FORMATS) 


1.DELETER by Viva Communications, Inc. 


2. FAMILY MATTERS by Cineko Productions, Inc. 


3. MAMASAPANO NOW IT CAN BE TOLD by Borracho Film Production 


4. MY FATHER, MYSELF by 3:16 Media Network  


In July, the first 4 official entries based on script submissions were announced: 


5. LABYU WITH AN ACCENT by ABS-CBN Film Productions 


6. NANANAHIMIK ANG GABI by Rein Entertainment Productions 


7. PARTNERS IN CRIME by ABS-CBN Film Productions 


8. THE TEACHER by TEN17P 


Rodrigo said members of the selection committee heavily deliberated on all of the entries, following the rules and judging them as films. 


"It is a collegial decision of a deliberative body," said Rodrigo. 


With this year's message "Balik Saya sa MMFF 2022” the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and MMFF Concurrent Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III urged moviegoers to support the festival, which has been part of the Filipinos’ Christmas tradition over the years. 


“Let us watch the MMFF in theaters once more. We are happy with the list of entries, which has a wide mix of genres. We are excited and looking forward to MMFF 2022 becoming a success," said Dimayuga. 


Hereon, the production can now start their promotional efforts which will be highlighted by the Parade of Stars to be hosted by Quezon City. 


The 48th MMFF will run from December 25, 2022- January 7, 2023 back into theaters nationwide observing the required health protocols. 


The Gabi Ng Parangal will be on December 27.

WIDE INTERNATIONAL AT AROMAGICARE PINAGHANDAAN ANG PELIKULANG ' PAPA MASCOT ' NINA KEN CHAN AT MILES OCAMPO

Bukas, araw ng biyernes ay gugulong na ang kamera para sa kauna-unahang movie project venture ng Wide International. Ito ay ang pelikulang ' Papa Mascot ' na pinagbibidahan nina Ken Chan at Miles Ocampo. Mula sa panulat ni Ralston Jover at ididirek ni Louie Ignacio.

Maganda ang kuwento ng pelikula ayon na rin sa aming nakitang presentation sa katatapos lang na story conference ng pelikula. Isa itong drama movie kung saan gagawin lahat ng isang Ama para lang sa kanyang Anak.

During the storycon at sa mga past interviews sa dalawang producers nitong sina Ms. April Martin at Ms. Pauline Publico, sobrang excited na sila para sa movie project na ito ng kanilang company na Wide International Strategic Expert at Aromagicare Corporation.

" Waking up knowing that the new major goals you set are already simultaneously happening. " paglalahad pa ni Ms. April sa isa nitong Facebook post.

Itong ' Papa Mascot ' movie ay isa lamang sa 4 major projects or goals na naisakatupan na. Kinuha rin ng Wide International ang Korean Star na si Park Eun-Bin bilang Korean endorser nila para sa Aromagicare kung saan si Ken Chan naman ang Filipino endorser nito.

Nasa rush process naman ang Wide Wellness Resort nina April at Pauline na gagamitin rin o ipapakita rin sa pelikulang ' Papa Mascot ' ganoon din ang aabangang Wide Global Streaming Channel.

Ayon pa sa dalawang producer, sa pagpasok nila sa industriya ng showbizlandia, magse-set diumano sila ng bagong trend at maninindigang sa pamamagitan nila ay mas maraming film workers pa ang kanilang mabibigyang trabaho.

Ibinalita rin nilang sunod-sunod na nagagandahang pelikula ang kanilang ipo-produce. Tulad na lamang ng isang OFW movie kung saan napili na nilang si Mamang Pokwang ang bibida rito with Ken Chan na iso-shoot pa sa bansang France.

Ayon kay Mamang Pokwang, sa ipinadala nitong viber message sa akin, sinabi nitong...

" Naku! Naku! Naku! Napakaganda ng istorya. Maraming iiyak sa pelikula. Promise yan! " mensahe pa ni Mamang Pokwang sa akin.

Nang tanungin namin kung bukas rin ba ang Wide TV sa paggawa ng sexy films, kaagad naman itong sinagot ng kaibigang Line Producer na si Dennis Evangelista.

" Difinitely yes! Pero hindi naman sobrang sexy tulad nung napapanood natin sa Vivamax. Sexy lang na puwedeng mangyari dahil soon ay ila-launch na rin ng Wide International ang Wide TV na isang application. Let's see. Paplanuhin naman everything and let's hope for the best! " tugon pa ni Dennis Evangelista.

Sa ngayon palang ay masasabi nating, grabe ang eagerness ng Wide International sa mga goals nila at alam nating kapag may gustong patunayan at pinagsisikapan ay nagtatagumpay sa anumang larangan!

Mabuhay kayo Ms. April Martin at Ms. Pauline Publico. Mabuhay ang Wide International Strategic Expert at Aromagicare Corporation!

HERSHIE DE LEON PALABAN SA PAGPAPASEKSI SA PELIKULANG BUGSO

Isa si Hershie De Leon sa mga baguhang 316 baby na gumagawa ng ingay ngayon sa pagpapaseksi sa pelikula. Isang baguhang palaban at walang uurungan. Hindi pa man ganoon kahusay umarte, sa puntong ito, sa pagiging baguhan ay masasabi kong ilang pelikula pa ay lalo pang mahahasa ang natural niyang pag-arte sa ngayon palang.

Nitong sabado lang ay nag-last shooting day na ang latest film niyang ' Bugso ' kasama sina Ayana Misola at Sid Lucero. Isang seksi film na produced ng 316 Media Network ni Len Carrillo intended for Vivamax ng Viva Films.

Naglalagablab na mga eksena ang mapapanood natin sa pelikulang ito kung saan walang kiyemeng umariba si Hershie sa pagpapaseksi ganoon din sa pag-arte huh! Tama lang naman na umariba siya dahil kung hindi ay lalamunin siya ng mahusay na aktor na si Sid Lucero noh!

Ayon kay Hershie, she's actually happy now sa mga proyektong kanyang natatanggap. Ipinakilala si Hershie sa pelikulang 'Moonlight Butterfly ' noon ni Christine Bermas bilang isang pole dancer at sa pelikulang ito rin siya unang nakatikim ng talak kay Direk Joel Lamangan.

" Naloka po talaga ako noon Tito. Nandun ka ba? Diba? Kinabahan ako, natakot ako, nanlambot ako, diko na alam ang pakiramdam ko that time. " aniyang bulalas pa sa akin nung makatsikahan ko siya while shooting the film ' Bugso '.

" Pero natuto ako Tito. Malaking bagay po yun sa akin Tito. Galing. I love Direk Joel. Saka proud ako na tinalakan niya ako! " bungisngis pa nitong dugtong sa aming tsikahan.

Paanong hindi siya kabahan, una ay dalawang lalake ang manga-gang rape sa kanya sa isang hotel at unang eksena pa niya itong kukunan. Prepared naman daw siya. Yun nga lang, lalo daw siyang kinabahan at nataranta nung kumakanta na si Direk Joel.

Anyways, maganda rin itong istorya ng ' Bugso ' sa aking pagkakaalam huh! Plus the fact na isang Adolf Alix Jr. ang direktor nito! 

TARA GAME AGAD AGAD OCTOBER 16 NA SA NET25

Tara Game, Agad Agad Level Up, mapapanood na simula October 16

 

Ngayong October 16, abangan ang mas pinabongga at pinagandang season ng pinaka Tara Game, Agad Agad. Magbabalik bilang game master si Aga Muhlach. Anya, excited na siya sa bagong season na ito.

 

 

Sa isang video, sinabi ni Aga, ““I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad agad. It’s been my favorite since we started the show’.             

 

 

Maglalaban laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang makarating sa final round. Mag-uunahan sila na magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong. Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may pagkakataon silang sagutin ito o ipasa sa kalaban. At ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.

 

Dagdag pa ni Aga, ‘We’re also excited, kasi mas malaki yung pa-premyo namin. So yung P20, 000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”

 

Hindi nagtatapos ang surpresa para sa TGAA Season 3. Dalawang co-host ang makakasama ni Aga– ang Filipino- Japanese social media star, Yukii Takahashi at ang ating favorite Brazilian actress and host, Daiana Menezes. Sila ang magbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA LEVEL UP games.  

 

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko”.

 

Excited din siya na maging parte na “Tara Game, Agad agad: Level Up” lalo na at makakasama nya si Aga at Yukii “sobrang natutuwa talaga ako, because passion ko talaga yan. I’m really happy that NET25 is giving us this opportunity especially kasama ko dun si Aga Muhlach and i- welcome na din natin (sa NET25) si Yukii na very talented”.

 

Nagpapasalamat naman si Yukii para sa oportunidad na ibinigay sa kanya. ‘I feel so happy and honored na part at pinagkatiwalaan ako ng NET25 to co- host with the one and only Aga Muhlach! It’s a Dream Come true to finally be part of a show,  na naconsider ako na mag co- host at  Regular Show sa NET25’

 

Dagdag pa ni Daiana, “This new season, abangan nila because it’s more fun, more pa-premyo,humanda sila sa physical challenges at yung segment ko na “Tara Fun”.

 

Sabi nga, ‘Agad-agad ang kasiyahan, Agad-agad ang papremyo” kaya naman siguruhin na manood ng TGAA Level Up tuwing linggo, 7PM.

SEAN DE GUZMAN MAITUTURING NG MAHUSAY NA AKTOR NG KANYANG HENERASYON

Hindi siya tumigil sa kanyang hangaring maging maganda kahit papano ang kanyang buhay kasama ang kanyang buong pamilya. Niyakap niya ang mundong ginagalawan niya ngayon at pinatunayang mahal niya ang kanyang ginagawa. Masasabi kong malayo-layo na rin ang nilakbay ng karera ni Sean. Maituturing na rin siyang isang magaling at mahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Nagkamit lang naman siya ng dalawang International Best Actor trophy sa India at Turkey. Pero hindi niya ipinagyayabang yun. Kundi, mas inspirado paraw siyang lalong galingan at ipakita ang kanyang husay bilang isang aktor sa bawat pelikulang kanyang gagawin pa sa mga susunod na araw. Inspirasyon niya diumano ito upang lalo pang makamit ang anumang gusto niya pang patunayan sa buhay at career. Sa ngayon palang ay marami na ang nakaabang sa pelikulang ' Fall Guy ' at ' My Father, Myself ' niya na parehong idinirek ni Joel Lamangan. Mismong si Direk Joel na ang nagsabing papalakpakan at mabibigyang parangal talaga si Sean sa mga pelikulang ito. Kahit ako mismo, kakaibang Sean ang makikita mo sa dalawang pelikulang ito. Aktor na nga siya! Nakaka-proud siya! Mas nakaka-proud din naman talaga ang manager nitong si Ollirrac Nylinaj dahil sa tiyaga nitong maisakatuparan ni Sean ang hangarin nito sa buhay hindi lang kay Sean kundi sa lahat ng kanyang mga anak-anakan sa pamilya LEN!

MGA NAGWAGI SA 13TH STAR AWARDS FOR MUSIC

13TH STAR AWARDS FOR MUSIC LIST OF WINNERS

ALBUM OF THE YEAR

Patawad | Moira Dela Torre – Star Music

SONG OF THE YEAR

Paubaya | Moira Dela Torre- Star Music

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Moira Dela Torre |Paubaya 

Star Music

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Christian Bautista | Bukas Wala Nang Ulan- Universal Records

CONCERT OF THE YEAR

Unified | Viva Live Inc.

MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR  

Daniel Padilla | Apollo- Star Events

and Ogie Alcasid | Kilabotitos - A Team and Frontrow International

FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR   

Regine Velasquez | Unified - Viva Live, Inc.

DUO/GROUP ARTIST OF THE YEAR

Ben& Ben | Di Ka Sayang- Sony Music Philippines

MUSIC VIDEO OF THE YEAR

Paubaya |  Moira Dela Torre - Star Music 

Director: Niq Ablao

COLLABORATION OF THE YEAR

Ogie Alcasid and Moira |  Beautiful- Star Music

NEW GROUP ARTIST OF THE YEAR

Bandang Lapis |  Kabilang Buhay- Viva Records

DANCE RECORDING OF THE YEAR

Sana All | Ivana Alawi- Star Music and Juan and Caoile | Marikit - Viva Records

POP ALBUM OF THE YEAR

Wildest Dreams | Nadine Lustre - Careless Music

MALE POP ARTIST OF THE YEAR

Iñigo Pascual |  Lost - Star Music

and Sam Concepcion | Loved You Better- Star Music

FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR

Jayda Avanzado |  Sana Tayo Na- Star Music

NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Jeremiah Tiangco | Titulo- GMA Music

NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR 

Christi Fider | Teka Teka Teka- Star Music

ROCK ALBUM OF THE YEAR

Kaimerah | Kaimerah - Ivory Music

ROCK ARTIST OF THE YEAR

Agsunta |  Sa Huling Pagkikita- Star Music

and Cool Cat Ash | Diyosa ng Kaseksihan - Viva Records

RAP ALBUM OF THE YEAR

Heartbreak Szn 2 /Because | Viva Records

RAP ARTIST OF THE YEAR

Juan Caoile | Marikit- Viva Records

FOLK/COUNTRY RECORDING OF THE YEAR

Davey Langit |  Dungo- Star Music

R AND B ALBUM OF THE YEAR

Better Weather |  Leila Alcasid- Star Music

MALE R AND B ARTIST OF THE YEAR

Garth Garcia |  Kick It- Ivory Music

and JV Decena | Paano Ba?- Believe Music Media Sync Production

FEMALE R AND B ARTIST OF THE YEAR

Kiana Valenciano | Corners- Star Music

REVIVAL RECORDING OF THE YEAR

Malaya |Noel Cabangon- Universal Records

COMPILATION ALBUM OF THE YEAR

Unplugged | Imago - Universal Records

NOVELTY SONG OF THE YEAR

Bawal Lumabas | Kim Chiu- Star Music

NOVELTY ARTIST OF THE YEAR

Kim Chui | Bawal Lumabas- Star Music

FEMALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

Jos Garcia |  Nagpapanggap- Viva Records

MALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR 

Marlo Mortel |  Blue- Marlowe Music

INSPIRATIONAL SONG OF THE YEAR

Ihip ng Hangin Sarah Javier

PILITA CORRALES LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Martin Nievera

PARANGAL LEVI CELERIO

Vehnee Saturno

PEOPLE'S CHOICE AWARDS

Dance Recording of the Year

Kyle Echarri | Im Serious- Star Music 

Music video of the year

Love You Still | Morisette Amon – Underdog Music Philippines-Director: Jason Max

Male R&B artist of the year

JV Decena | Paano Ba?- Media Sync Production

Duo/group artist of the year

Sandiwa | Tulong – Ivory Music

New Group Artist of the year

The Knobs Paalam – Universal Records

New female recording artist of the year

Hannah Precillas | Sabi Ko Na Nga Ba-GMA Music

New Male recording artist of the year

Kokoy De Santos |  Lagi Lagi – Star Music

Rap artist of the year

Matthaios | Binibini- Midas Records

Female R&B artist of the year

Kyrill | Gunita- GMA Music

Song of the Year 

Binibini |  Matthaios feat. Calvin de Leon- Midas Records

SPECIAL AWARDS

Hitmaker of the Year Award

Maymay Entrata 

All-Around Artist and Frontman Recognition  Award -JK Labajo 

Gold Recognition for Musical Theater 

Gerald Santos

International Chartbusting Music 

SB19 

Exemplary Milestone 20 Yrs 

Christian Bautista 

Exemplary Milestone 35 Yrs 

Dingdong Avanzado 

SPONSORED AWARD

AQ Music Royalty

Regine Velasquez-Alcasid

Aura Male Celebrity of the Night

Martin Nievera

Aura Female Celebrity of the Night

Tessa Prieto

Asia Prime Philippines Celebrity of the Night

Maymay Entrata

ABANTE TELETABLOID MOVES FORWARD. PILOTS NEWSCAST AND PUBLIC SERVICE PROGRAMS

Abante Teletabloid moves forward, pilots newscast, public service programs.

 In a bid to continuously inform the public in a changing media landscape, Abante Teletabloid, a digital evolution of the Philippines’ leading tabloid, is once more setting the stage for print media by launching its morning newscast and public service programs on its online platforms come Monday, Oct. 10, 2022.

 The two programs are the first in a series of shows Abante is offering as it beefs up its digital programming content and bats for global reach.

 The morning newscast, called Abante Teletabloid, is the country’s pioneer tabloid newscast.

 It is a one-hour broadcast from Mondays thru Fridays, 6 a.m. to 7 a.m., livestreamed on Abante’s website, Facebook, YouTube, Instagram, Twitter and Tiktok accounts.

 Anchored by multimedia icon Mr. Fu, whose equally unique persona is expected to complement the show’s unconventional format, Abante Teletabloid will feature the latest news from around-the-nation and overseas, including political, provincial, business and sports happenings, as well as crimes, entertainment and other human interest stories.

 The newscast is followed by Abante’s public service program called i-Abante Mo!, also a one-hour show from Mondays thru Fridays, 7 a.m. to 8 a.m.

 Hosted by veteran broadcast journalist Sol Aragones and Jigo Postolero, i-Abante Mo! seeks to address recurring concerns such as petty crimes, traffic woes, physical and sexual abuses, local conflicts and modes of operation of crime syndicates.

 It will also tackle national issues such as corruption, security threats and health problems in a determined effort to speed up their resolution.

 The launching of Abante’s two digital shows coincides with the fifth anniversary of the long-running tabloid under its new owner, Prage Management Corporation (PMC).

ABANTE TELETABLOID MAY BAGONG NEWSCAST AT PUBLIC SERVICE PROGRAMS

REINVENT PA MORE!

Abante Teletabloid may bagong newscast, public service programs.

Patuloy sa pagsulong ang Abante Teletabloid, ang digital evolution ng nangungunang tabloid sa Pilipinas, upang higit pang makapaghatid ng balita sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.

 Sa Lunes, Oct. 10, 2022, dalawang programa ang ilulunsad ng trailblazer na tabloid sa online platforms nito.

 Isa dito ang Abante Teletabloid, ang pinaka-unang tabloid newscast sa bansa.

 Mapapanood ito ng 6 a.m. – 7 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa Abante website, Facebook, YouTube, Instagram, Twitter at Tiktok accounts.

 Ang multimedia icon na si Mr. Fu ang tatayong anchor ng programa, at inaasahang ang kanyang unique na personalidad ay lalong magpapatingkad sa unconventional format ng show.

 Mapapanood sa Abante Teletabloid ang mga pinakahuling kaganapan sa bansa at sa buong mundo kabilang na ang mga balitang pulitikal, pang-probinsya, business at sports, pati na rin ang mga crime, entertainment at iba pang human interest stories.

 Samantala, ang newscast ay susundan naman ng public service program na i-Abante Mo!, isang oras na programa mula Lunes hanggang Biyernes, 7 a.m. - 8 a.m.

Ang beteranong broadcast journalist na si Sol Aragones at si Jigo Postolero naman ang mga host ng i-Abante Mo!, na naglalayong tulungan ang publiko sa kanilang mga hinaing at problema sa trapik, physical at sexual abuse, gusot sa barangay at iba’t ibang modus ng mga sindikato.

 Tatalakayin din dito ang mga national issues tulad ng korapsyon, security threats at problemang pang-kalusugan sa layuning mapabilis ang pag-resolba sa mga ito.

Ang Abante Teletabloid at i-Abante Mo! ang unang batch ng mga ilulunsad na programa ng Abante upang palakasin ang digital programming content nito.

 Ang launching ng dalawang programa ay kasabay ng ikalimang anibersaryo ng long-running tabloid sa bago nitong may-ari, ang Prage Management Corporation (PMC).

SEAN DE GUZMAN WAGI BILANG BEST ACTOR SA CHITHIRAM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL NG INDIA AT ANATOLIAN FILM AWARDS SA TURKEY

Masaya ngayon si Sean De Guzman sa tinatakbo ng kanyang showbiz career. Malayo-layong biyahe na rin ang kanyang nilakbay simulang pasukin nito ang pag-arte sa kamera. Simulang mailunsad siya sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ni Direk Joel Lamangan na produced naman ng GodFather Productions ay nagtuloy-tuloy na talaga ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang buhay. 

Aminado tayong pagpapakita ng katawan ang naging puhunan ni Sean De Guzman lalo na nung pumirma siya ng co-management contract kasama ang kanyang manager ng 316 Events And Talent Management na si Len Carrillo para sa Viva Artist Agency.

Pero hindi naging sagabal ang pagiging sexy star niya dahil from day one ng kanyang pagiging artista na tinagurian pa nga'ng Pandemic Actor ay hindi rin masusukat ang ipinamalas nitong galing o husay sa pag-arte sa bawat pelikulang ginawa niya kaya tumatak talaga siya!

Kaya naman nitong dalawang buwang magkakasunod ay dalawang naglalakihang parangal ang kanyang nabingwit. Dalawang tropeyo bilang Best Actor sa Chithiram International Film Festival-India at sa Anatolian Film Awards-Turkey para sa pelikulang Fall Guy ni Direk Joel Lamangan na produced naman ng 316 Media Network at Mentorque Productions. 

" Grabe Tito. Pati ako nagulat din eh! Hindi ko rin po inaasahan ang mga nangyayaring ito sa career ko ngayon. Sobrang nakakagulat at nagpapasalamat po ako sa Chithiram at Anatolian sa napakalaking bagay na pagkilala po nilang ito sa akin bilang isang baguhang aktor. Salamat din sa kay Nanay Len, sa lahat ng nagtitiwala sa akin, sumusuporta, lahat po. " paglalahad pa ng aktor sa aming tsikahan kamakailan.

Napanood namin sa isang private screening sa grupo naming publicist ng 316 Familen ang buong pelikulang Fall Guy na naging entry ni Sean at hindi ko pinalagpas personally ang mayakap siya, purihin siya at palakpakan sa husay nito sa pelikula. Honestly, totoo talaga. Pakahusay ni Sean sa movie at ang lalim ng characterization niyang napakabilis kaya siguro nasungkit niya ang pinaka-mahusay na aktor!

" Sana magtuloy-tuloy lang po ang lahat ng ito. Dami kopa po gustong gawin. Yung sa career ko. Tapos sa mga taong nakapaligid po sa akin, sa amin sa Familen, dami pa. " aniya.

Nakapag-pundar na rin si Sean ng kanyang sarili sasakyan, lupa at bahay. Pinagsikapan niya naman ang lahat ng ito at kanya ring ipinagdasal. 

Ngayong October ay aalis si Sean for Barcelona para naman sa isang festival doon. Happy for you Sean! Soar high Nak!