CHERRY PIE PICACHE HINDI NAGDALAWANG-ISIP TANGGAPIN ANG ROLE BILANG BIDA SA PELIKULANG ORAS DE PELIGRO NI DIREK JOEL LAMANGAN

Nag-first shooting day na ang magiging kontrobersiyal na pelikula ng multi-awarded director Joel Lamangan. Ito ay ang pelikulang ' Oras De Peligro ' produced by Atty. Howie Calleja ng Bagong Siklab Productions.

Pagbibidahan ito nina Allen Dizon at Cherry Pie Picache sa script nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos.

" I like the whole film. I like the way that it was written. Hindi ma-drama. As is where is. Very factual, very sincere, very real, true! " paglalahad pa ni Cherry Pie kung bakit niya tinanggap ang naturang project.

Maganda naman talaga ang script nito kung saan ipapakita ang 4 days nangyari sa kasadsaran ng Edsa Peoples Power Revolution. 

It's a documentary movie na ipapakita ang ilang actual videos, photos, audio at newspaper clippings ng mga pangyayari noong 1986. 

Ginagampanan ni Cherry Pie Picache ang role ni Beatriz na isang kasambahay ng isang matrona sa Forbes Park na aktibo sa mga kilos protesta. 

Balak ipalabas ng Bagong Siklab Productions ang pelikulang Oras De Peligro sa buwan ng February 2023 para itaon naman ito sa 37th Anniversary ng Edsa Peoples Power.


No comments:

Post a Comment