Maganda ang kuwento ng pelikula ayon na rin sa aming nakitang presentation sa katatapos lang na story conference ng pelikula. Isa itong drama movie kung saan gagawin lahat ng isang Ama para lang sa kanyang Anak.
During the storycon at sa mga past interviews sa dalawang producers nitong sina Ms. April Martin at Ms. Pauline Publico, sobrang excited na sila para sa movie project na ito ng kanilang company na Wide International Strategic Expert at Aromagicare Corporation.
" Waking up knowing that the new major goals you set are already simultaneously happening. " paglalahad pa ni Ms. April sa isa nitong Facebook post.
Itong ' Papa Mascot ' movie ay isa lamang sa 4 major projects or goals na naisakatupan na. Kinuha rin ng Wide International ang Korean Star na si Park Eun-Bin bilang Korean endorser nila para sa Aromagicare kung saan si Ken Chan naman ang Filipino endorser nito.
Nasa rush process naman ang Wide Wellness Resort nina April at Pauline na gagamitin rin o ipapakita rin sa pelikulang ' Papa Mascot ' ganoon din ang aabangang Wide Global Streaming Channel.
Ayon pa sa dalawang producer, sa pagpasok nila sa industriya ng showbizlandia, magse-set diumano sila ng bagong trend at maninindigang sa pamamagitan nila ay mas maraming film workers pa ang kanilang mabibigyang trabaho.
Ibinalita rin nilang sunod-sunod na nagagandahang pelikula ang kanilang ipo-produce. Tulad na lamang ng isang OFW movie kung saan napili na nilang si Mamang Pokwang ang bibida rito with Ken Chan na iso-shoot pa sa bansang France.
Ayon kay Mamang Pokwang, sa ipinadala nitong viber message sa akin, sinabi nitong...
" Naku! Naku! Naku! Napakaganda ng istorya. Maraming iiyak sa pelikula. Promise yan! " mensahe pa ni Mamang Pokwang sa akin.
Nang tanungin namin kung bukas rin ba ang Wide TV sa paggawa ng sexy films, kaagad naman itong sinagot ng kaibigang Line Producer na si Dennis Evangelista.
" Difinitely yes! Pero hindi naman sobrang sexy tulad nung napapanood natin sa Vivamax. Sexy lang na puwedeng mangyari dahil soon ay ila-launch na rin ng Wide International ang Wide TV na isang application. Let's see. Paplanuhin naman everything and let's hope for the best! " tugon pa ni Dennis Evangelista.
Sa ngayon palang ay masasabi nating, grabe ang eagerness ng Wide International sa mga goals nila at alam nating kapag may gustong patunayan at pinagsisikapan ay nagtatagumpay sa anumang larangan!
Mabuhay kayo Ms. April Martin at Ms. Pauline Publico. Mabuhay ang Wide International Strategic Expert at Aromagicare Corporation!
No comments:
Post a Comment