JACLYN JOSE AT ALLEN DIZON AABANGAN SA PELIKULANG ' ACETYLENE LOVE ' NI DIREK ADOLFO ALIX JR.

Magsasama sa pelikulang "Acetylene Love' as lead actors sina Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose and Warsaw Film Festival  Best Actor Allen Dizon. Both Cannes and Warsaw considered to be A Lister Film Festival approved by FIAP. 

Mula sa panulat ni Ralston Jover sa direksyon ng Gawad Urian Best director awardee Adolfo Borinaga Alix Jr. that will start filming soon!

Hindi naman talaga matatawaran ang husay ng parehong aktor lalo na si Allen Dizon na nag-umpisang magpaseksi noon sa kanyang mga naging pelikula sa showbizlandia. 

Sinamahan ito ni Allen ng pagyakap sa kanyang pagiging aktor at determinasyong mas lalo pang makilala sa industriyang kanyang ginagalawan.

Hanggang sa makaalagwa siya at ngayon ay award-winning actor na. Husay at pagmamahal sa trabaho ang alam kong naging bala ni Allen upang lalo pang mapabuti ang kanyang trabaho.

Kahit ang matagal na nitong manager na si Dennis Evangelista ay hindi rin maipinta ang tuwa sa mga nagagandahang proyekto ni Allen mula noon.

" Grabe si Allen Dizon puro acting greats kasama niya lately. " mensahe pa sa akin ni Dennis.

" Si Gina Pareno sa Abenida, Laurice Guillen sa Pamilya sa Dilim, National Artist Nora Aunor with Snooky Serna sa Ligalig, Eula Valdez sa Return To Paradise, Cherry Pie Picache sa Oras de Peligro and now Jaclyn Jose sa Acetylene Love. " kuwento pa ni Dennis.

Iilan lamang sa mga naga-artista ang nabibigyan ng magandang pagkakataon sa showbiz. Hindi lahat ay nagtatagal. 

Longebity ang pinag-uusapan dito at dedication kaya naman siguro humahataw parin ang isang Allen Dizon. 

Sa totoo lang ha. Maraming naga-artista ngayon na ang bilis ng kanilang pagsikat at kapag waley akting, naku, ligwak na sa showbiz after ng ilang taon lang. 

Aminin din natin na ang bilis sumikat ngayon. Sikat lang sa social media, abay, artista na! Nag-tiktok lang at umariba ang views, artista na rin. Mabilis na pagsikat pero mabilis din maglaho.

Iba talaga ang mga artista noong 50's 60's 70's 80's at 90's! Mga de-kaledad at iba talaga ang pagpapalaki ng showbiz sa kanila! Nahuhulma sila! Ngayon kasi, naku, basta't kumikita, sige, hataw na! Kung anu-ano! Tapos ang ending, ngangelya! Blagadag! 

Basta! Happy for this new project nina Jacklyn Jose at Allen Dizon! Kaka-excite sa totoo lang. 

No comments:

Post a Comment