ORAS DE PELIGRO MOVIE NI CHERRY PIE PICACHE NA ANG PINAKAMATAPANG NA PELIKULA NI JOEL LAMANGAN

Just yesterday, Sunday, 5pm ay tuluyang ipinakilala ni Atty. Howie Calleja ng Bagong Siklab Productions ang buong cast ng pelikulang ' Oras De Peligro ' na sinulat nina Eric Ramos at Bonifacio Ilagan sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ito ay sina Cherry Pie Picache, Allen Dizon, Mae Paner, Gerald Santos at Marcus Madrigal at marami pang iba.

Isa itong documentary drama na magpapakita ng mga totoong drama ayon sa salaysay ng isang pamilya noong panahon ng Edsa Revolution. Totoong kuwento diumano ito ng katotohanan at hindi fake news lang.

Mukhang sa aming pagkakaalam, ito na yata ang pinaka-matapang na gagawing pelikula ng Multi-Awarded Director na si Joel Lamangan sa puntong ito ng kanyang karera bilang isang mahusay na movie director.

Ayon pa kay Direk Joel, walang kulay ang pelikulang ito at tanging totoo lamang ang ilalahad nito sa manonood.

" Hindi po ito pink, hindi ito dilaw, hindi ito pula. Ito ay kayumanggi. Hindi ito nagsasabi ng anumang masama laban sa kasalukuyang administrasyon, wala! " paglalahad pa ni Direk Joel sa katatapos lang na story conference ng pelikula na anytime soon ay magso-shoot na.

" Ang sasabihin lamang ng pelikulang ito ay kung ano ang totoong nangyare noong 1986 sa punto de vista ng isang simpleng pamilya. Wala kaming kulay-kulay! Ako, rainbow! " walang kiyemeng paglalahad pa nito sa entertainment media.

Excited na rin ang bidang aktres nitong si Cherry Pie Picache na naging mabusisi rin daw sa pagtanggap sa kanyang role. Pero halatang naniniwala si Cherry Pie sa husay at galing ni Direk Joel lalo na diumano sa tatahaking kuwento ng pelikula.

Ayon naman kay Atty. Howie Calleja, paunang proyekto pa lamang ito ng Bagong Siklab Productions at marami pa siyang nakahilerang gagawin. 

Saganang akin lang, thankful tayo dapat sa mga katulad nilang independent producers dahil marami silang natutulungang taga-showbizlandia'ng nabibigyan ng trabaho. 

Mabuhay po ang Bagong Siklab Productions. Aasahan po namin ang mas marami pang pelikulang makabuluhang ilalatag ninyo sa silverscreen! 

The film will start filming soon!

No comments:

Post a Comment