SEAN DE GUZMAN MAITUTURING NG MAHUSAY NA AKTOR NG KANYANG HENERASYON
Hindi siya tumigil sa kanyang hangaring maging maganda kahit papano ang kanyang buhay kasama ang kanyang buong pamilya. Niyakap niya ang mundong ginagalawan niya ngayon at pinatunayang mahal niya ang kanyang ginagawa. Masasabi kong malayo-layo na rin ang nilakbay ng karera ni Sean. Maituturing na rin siyang isang magaling at mahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Nagkamit lang naman siya ng dalawang International Best Actor trophy sa India at Turkey. Pero hindi niya ipinagyayabang yun. Kundi, mas inspirado paraw siyang lalong galingan at ipakita ang kanyang husay bilang isang aktor sa bawat pelikulang kanyang gagawin pa sa mga susunod na araw. Inspirasyon niya diumano ito upang lalo pang makamit ang anumang gusto niya pang patunayan sa buhay at career. Sa ngayon palang ay marami na ang nakaabang sa pelikulang ' Fall Guy ' at ' My Father, Myself ' niya na parehong idinirek ni Joel Lamangan. Mismong si Direk Joel na ang nagsabing papalakpakan at mabibigyang parangal talaga si Sean sa mga pelikulang ito. Kahit ako mismo, kakaibang Sean ang makikita mo sa dalawang pelikulang ito. Aktor na nga siya! Nakaka-proud siya! Mas nakaka-proud din naman talaga ang manager nitong si Ollirrac Nylinaj dahil sa tiyaga nitong maisakatuparan ni Sean ang hangarin nito sa buhay hindi lang kay Sean kundi sa lahat ng kanyang mga anak-anakan sa pamilya LEN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment