EX-WIFE NI DARYL ONG, NAG-INGAY DAHIL KAY DEA FORMELIZA!


Makinig ka Daryl Ong at Dea Formelliza.
" Makasali na nga sa Idol Philippines para malaman na! " 
Base ito sa facebook post ni Hazel Velasco, the EX-WIFE of Daryl Ong.
Sakto ang term na EX-WIFE para kay Hazel dahil unang-una ay anulled na ang kasal nito kay Daryl. 
Unang pumasok sa isip ko, ano kayang problema nitong si Hazel Velasco sa buhay at kung anong nakain niya at napaka-HARSH nung litanya niya sa kanyang facebook post?
May kinalaman kaya ang facebook post niya sa recent activity ni Dea Formelliza na napa-wow ang judges ng Idol Philippines nang mag-audition ito kamakailan lang at inamin mismo on television  worldwide na boyfriend niya si Daryl Ong?
Sa isang facebook thread ng conversation ni Hazel Velasco sa manager ni Daryl Ong na si Vehnee Saturno ay may sinabi pa itong si Hazel na siya raw ang EX at ORIGINAL? Anong ibig niyang sabihin? Hindi pa rin ba nakakapag-move-on si Hazel kay Daryl? Hindi pa ba tapos si Hazel sa kanyang dating asawa?
Halatang insecured to the highest level itong si Hazel Velasco sa napakagandang Dea Formelliza na current jowa ni Daryl? Kung may pinanghahawakan ka man ngayon Hazel ay tatay ng anak mo si Daryl na as far as we know ay hindi pumalya si Daryl sa obligasyon niya sa anak niya at hindi deserve ni Daryl ang ganyang treatment mo sa current girlfriend niya or shall we say sa babaeng ipinagpalit niya sa iyo! Out of the blue ay umeeksena ka sa papasikat na career ni Dea? Para mapag-usapan ka? Frustrated singer ka ba?
What's ironic ay pati itong manager ni Daryl Ong na si Vehnee Saturno base sa conversation nito kay Hazel Velasco sa facebook ay halatang sumasang-ayon pa ito sa ginagawang eksena ni Hazel na supposedly bilang manager ni Daryl Ong na alaga niya naman at nakakatulong naman sa kanya at napapakinabangan niya ay pinapalago pa nito ang isang hindi magandang sitwasyon. 
So what's the connection and point also Mr. Saturno na until now ay pilit pa rin naming inaalam huh!
Another thing for Hazel Velasco, hindi ka ba nag-isip before posting it or before creating a fire para sa kapakanan ng iyong anak na si Dwight? Inisip mo nalang sana ang katahimikan ng anak mo at hindi yung pan-sarili mo lang?
Hindi naman kaya in-love ka parin Hazel Velasco kay Daryl Ong for you to claim na ikaw pa rin ang ORIGINAL? Eh ano naman ngayon kung ikaw ang naka-una at original kay Daryl? May award ba yun?
Nakakalungkot lang dahil kilala namin si Daryl na walang ibang ginawa kundi ang alagaan ang kanyang career at pagsikapang umangat sa buhay tapos sa kabila ng pananahimik nito ay eeksena ang dalawang taong yung isa ay wala ng konek sa kanya dahil annulled na ang kasal at yung isang tao namang manager pa niya?
Naku Daryl Ong! Kung ako sa iyo, mag-isip-isip ka dahil mismong manager mo pa ang gumagawa ng move para mang-provoke ng tao na dapat bilang manager mo ay pino-protektahan ka sa anumang bagay o isyu! Hanggang ngayon ay pilit naming inaalam naman ang side ni Daryl Ong about this thing!

EX-BATALLION WALANG UTANG NA LOOB

TAMA lang ang pagbibitiw ng komedyanteng si Ai Ai Delas Alas bilang manager ng Ex-Batallion. Dapat noon niya pa ito ginawa at hindi na pinalawig pa. Hindi dapat wina-walanghiya ng sinumang talent ang tumatayong manager nila. Dahil ang pagwalang-respeto sa kapwa ay isang simbolo ng kawalanghiyaan sa lipunan. Hindi deserve ni Ai Ai Delas Alas ang stress sa buhay lalo na't alam naman nating masaya ito sa kanyang pribadong buhay. Ayon pa raw sa kampo ng Ex-Batallion, huwag nalang daw silang makipagpalitan ng salita at kung anu pa man sa sikat na komedyante. Aba'y dapat lang na tanggapin ninyo ang mga pagkakamali ninyo at tigilan na ninyo ang pagiging pasaway ninyo dahil walang patutunguhan yan kundi ang tuluyan ninyong paglubog sa industriyang ginagalawan ninyo. Walang puwang sa showbusiness ang mga talentong dusa at pasakit sa manager ang ibinibigay kaya magbago na kayo kung gusto niyo pang humaba ang karera ninyo! Wala na kayong mahahanap pang hahawak sa career ninyo na kasingbait ni Ai Ai! Dapat nga, noon pa kayo binitiwan ng sikat na komedyante eh! Pasalamat kayo't ngayon niya lang ginawa! Dahil sa kanegahan na pinaggagawa ninyo, ayan, pati latest film ninyo ay apektado at nilangaw na sa takilya! Gugustuhin ba kayo ng tao kung ganyan ang mga attitude ninyo? Nakakaloka lang dahil binigyan na nga kayo ng talento, hindi pa ninyo ginamit ng maayos at di-sana ay mapapakinabangan niyo pa ng ilang taon ang kasikatan ninyo! Kainis lang! Hindi ako galit sa Ex-Batallion, dahil unang-una ay hindi naman ako close sa inyo, galit ako sa ginagawa ninyo! Umayos kayo kung gusto niyo ng suwerte sa bawat buhay ninyo! Bow!

" KADENANG GINTO " HATAW SA RATINGS, 800 MILLION YOUTUBE VIEWS NA

Patuloy ang walang sawang suporta ng mga manonood sa mga nakakagigil na eksena nina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brillantes at Dimples Romana ng Kadenang Ginto kaya naman nananatili ito sa trono bilang pinakapinapanood na serye sa hapon at mainit na pinag-uusapan sa social media.
Hindi natinag sa national TV ratings ang programa at kamakailan lang ay humataw ito sa all-time high rating na 27.3% at araw-araw na nananatili sa 20%-mark ayon sa datos ng Kantar Media.
Bukod sa telebisyon, malaking tagumpay din ang natatamasa ng serye sa online world dahil umabot na sa higit 800 million ang total views ng daily highlights nito sa Youtube kung saanhalos bawat video ay pumapalo sa higit isang milyong views.
Marami rin ang pilit na humabol sa past episodes ng serye dahil ito ang most-watched program ng IWant para sa buong buwan ng Abril kung saan pumapalo naman sa 1.5 million ang daily views nito araw-araw.
Walang humpay din ang pagsulpot ng sari-saring memes tungkol sa serye na lubos na kinatutuwaan ng netizens. Marami rin ang gumagaya sa tarayan ng mga eksena ng palabas tulad na lamang ng vlogger na si Kyo Quijano sa pag-upload niya ng parody series na " Kadenang Tanso " na tumabo na ng higit isang milyong views ang dalawang episodes.
Isang pagkilala naman ang natanggap ng Kadenang Ginto matapos itong gawaran bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines-Batangas dahil sa pamamayagpag ng serye at mahusay na pagganap ng mga karakter nito.
Samantala, mas marami pang pasabog ang serye na gugulat at lalong magpapakapit sa mga manonood tuwing hapon sa mas makapigil-hiningang eksena ng mga mag-ina. Nagbibigay naman ng bagong timpla sa palabas ang pagpasok ng dating PBB Otso housemate na si Seth Fedelin sa serye.
Mula naman sa tagumpay ng Kadenang Ginto, inilunsad din ng Dreamscape Entertainment ang The Gold Squad na sina Francine, Kyle, Seth at Andrea--apat na teenagers na masayahin, responsable, masipag at mapagmahal sa pamilya na iba't iba ang pinagmulan, kinalakihan at pinagdaanan sa buhay. Maglulunsad ang The Gold Squad ng sari-saring proyekto na magdadala ng saya at makaka-relate sa kanilang batang fans, kabilang na ang sarili nilang album sa ilalim ng Star Music.
Bukod sa The Gold Squad, marami pang pasabog at bangayang hatid ang palabas ngayong tuluyan na ngang ibinasura ang isinampang kaso kay Romina at maaari niya nang mabawi lahat ng iniwan sa kanya ni Robert. Pero hindi naman papayag si Daniela dahil gagawin niya ang lahat upang mawala na sa landas niya ang mortal niyang kaaway.
Ang away nila ay lubos na nagdudulot ng galit kay Marga kaya naman ibubuhos niya ito kay Cassie at pilit na ipapamukha na wala siyang karapatan sa kahit na anong yaman ng mga Mondragon!
Panoorin ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN!

NAPAPANAHON ANG PELIKULANG QUEZON'S GAME

Hidden chapter of our history unravels with QUEZON'S GAME this May 29 in cinemas nationwide. Helmed by Matthew Rosen, who has been directing for 36 years and winning 50 awards for his work on commercials and music videos, Quezon's Game stars Raymond Bagatsing as former president Manuel L. Quezon and Rachel Alaejandro as his wife, Aurora Quezon.
The film revolves on hidden chapter of Quezon's life. it explores the time when he, rogether with his comrades, rescued Jewish refugees from the ghettos of Germany and Austria in 1938.
What seems within their power at first, turns out to be fraught with astronimical obstacles. On top of this, Quezon must battle a relapse of tuberculosis. In his final days, before recollecting one of the least known but most uplifting stories in Philippine history, Quezon asks the question, could i have done more?
Since December last year, Quezon's Game has won 23 awards, including Best Director, Best Actor, Best Producer, Best Foreign Film and Best cinematography from several film festivals such as World Fest, IndieFeast Film Awards, Accolade Global Film Competition, Maryland International Film Festival, Ramstage International Film & TV Festival and REMI Awards.
In the World Fest alone, the film bagged the following awards: Excellence in Acting for Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro, Excellence in Supporting Actor for Billy Ray Gallon, Excellence in Directing, Excellence in Produced Screenplay, Excellence in Lighting, Excellence in Costume Design, Merit Drama Feature, Merit Color Treatment, Excellence in Original Score, Excellence in Sound Design and Excellence in Production Design. 
Beautiful ang movie na may kinalaman sa ating history. Something deep pero beautiful ang pagkakalahad ng istorya ng pelikula lalo na ang mga ginawang shots! Panalo rin ang acting nina Rachel at Raymond ganoon din ang iba pang kasamahan nilang aktor sa pelikulang ito. Showing napo ngayong May 29 sa lahat ng sinehan nationwide ang Quezon's Game ng Star Cinema at Kinetek!

HATCH PH--A CENTER FOR KIDS WITH SPECIAL NEEDS BUKAS NA!

Last sunday ay binuksan na sa publiko ang kauna-unahang center for kids with special needs called HATCH na matatagpuan sa 4th floor ng The Podium sa Ortigas Center. Isang mass muna ang naganap at sinundan ito ng ribbon cutting. Saludo kami sa mag-kumareng Tootsie Caharian at Grace Zapata-Cruz---owners ng Hatch dahil sa kanilang advocacy in putting-up this kind of place lalo na't para ito sa mga batang nangangailangan ng atensiyon. They opened a world of options for kids with special needs. Nandiyan ang open gym, open play, open space, classes out in the open and open to all abilities. Hatch is a 300 square meter center whose beating heart is a Multisensory gym, custom designed to target the sensory needs of kids with special needs. Proud na proud ang dalawang may-ari ng center because of the fact na this is something new and nasa loob mismo ng mall ang area. Oo nga naman. Safer and accesible ang location for the kids to to things they wanted to. Visit the place at the 4th flooe of The Podium, Ortigas with mobile numbers 0928.5067821/ 0908.8863261 or follow them sa kanilang social media accounts sa facebook, twitter at instagram hello@hatchopen.ph 

SETH FEDELIN MAY FUTURE SA SHOWBIZ

" Pangalawang beses ko palang po itong Kadenang Ginto presscon. Pero kinakabahan pa rin po ako. " ssgot ni Seth Fedelin nang tanungin ito kung kinakabahan siya habang kaharap ang entertainment press. Sa ipinatawag na thanksgiving presscon ng DreamscapePH ay naging deretsahan ang apat na bidang aktor sa teleserye sa pagsasabing nagi-enjoy sila while taping. Masaya lang daw sa set ng series at gamay na gamay na nila ang ugali ng bawat isa. Pero sa nasabing presscon, mukhang tuwang-tuwa ang entertainment media kay Seth Fedelin na bagong pasok lang sa serye bilang si Mikoy na umaalagwang ka-triangle ni Kyle Echarri kay Andrea Brillantes. Yes. Isang batang kalye ang role ni Seth sa serye at mismong mga kasamahan na rin nito ang nagsabing masaya sila sa pagpasok ni Seth lalo na raw ang karakter nito. 
" Nakakapanibago parin po. Pero ine-enjoy ko po bawat araw na nagtatrabaho ako. Masaya po ako." Sez Seth.
Sa serye ay mukhang aagawin na ni Seth bilang Mikoy si Andrea bilang Marga sa puso ni Kyle!
" Basta po. Abangan nila ang lalo pang gumagandang kuwento ng Kadenang Ginto namin. Abangan po nila ang kakulitan ni Mikoy at kung anong mga mangyayari sa amin ni Marga. " aniyang kuwento pa sa amin.
Marami sa entertainment media ang nagsabing kahit baguhan si Seth bilang isang artista, nakikita na raw sa aura ng binata na sisikat ito at lalabong bilang isang magaling na aktor. Maamo raw ang mukha at lovable. 
" Thank you po! Basta ako po, ayan, magtatrabaho po ako para sa pamilya. Para magkaroon pang maraming blessings." Aniya. 
Abangan pa ang mas malalaking kaganapan sa Kadenang Ginto na pinagbibidahan ng The Gold Squad. Ganoon din ang pelikulang Abandoned na tinatapos ni Seth lalo na ang mga kaganapan kay Seth.
Sa presscon ay sinabi rin mismo ni Sir Deo Endrinal na tatakbo ang istorya ng Kadenang Ginto hanggang 2020!
Mabuhay ang buong production staff, cast and crew ng Kadenang Ginto! Bongga talaga ng DreamscapePH! 

KADENANG GINTO HANGGANG 2020 PA!

JUST IN: Magtatagal pa hanggang 2020 ang tatakbuhin ng Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto na pinagbibidahan ng kabubuong The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin under DreamscapePH. Mismong si Sir Deo Endrinal ang nagkumpirma nito sa katatapos lang na Thanksgiving Presscon ng serye na ginanap sa 9501 Restaurant ng ELJ Building. Congratulations sa buong production staff, cast and crew! 

JANELLA SALVADOR BOMOTO SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas ng kanyang bahay si Janella Salvador upang pumunta sa kanyang presinto sa 2nd District ng Quezon City upang bomoto. Nakita ko si Janella na pumila upang hanapin ang kanyang pangalan sa kanyang presinto. Naka-pambahay lang ang sikat na female celebrity at nagkaroon ako ng pagkakataong makatsikahan ito.
Anong pakiramdam ng isang baguhang botante? Kamusta ang karanasan?
" Yes! Early po akong nagising. Pinaghalong excited po na kinakabahan! Hahahahaha! Siguro po dahil first time kong bomoto, yung ganoong feeling! Kasi, parang this time po, am doing something new and hindi kopa po talaga alam ang proseso. Pumila po ako. " bulalas pa sa akin ni Janella na halatang naka-lipstick lang at lutang ang kanyang ganda!
Bilang baguhang botante, gaano naman kahalaga sa kanya ang isang halalan? Gaano ito ka-importante para sa kanya bilang isang kabataang bomoboto na ngayon para sa bayan?
" For me, it's a big responsibility. This is something na you're doing para sa ating bansa. Fulfilling po siya para sa akin kasi feeling ko, nitong pagboto ko ay may nagawa akong importante sa buhay ko bilang isang Pilipino, hindi lang po para sa sarili ko kundi para po sa ating lahat. Kaya ko po nasabi kanina na kinakabahan ako, because, nandun ying feeling na sana mapunta po sa tama ang boto nating lahat. So far, since it's my first time po, smooth naman po lahat. Happy and fulfilling po sa pakiramdam because just today, may nagawa ako para sa bayan. " pagtatapos pa ni Janella Salvador sa aking ekslusibong panayam ngayong araw! Mabuhay ang kabataang tulad mo Janella! 

FILIPINO FILMSPANALO SA WORLDFEST-HOUSTON INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

FILIPINO FILMS, PANALO SA WORLDFEST-HOUSTON INT’L FILM FESTIVAL

Apat (4) na Filipino films ang nagkamit ng international recognition sa ika-52 na Worldfest-Houston International Film Festival na ginanap noong Abril 13 sa WorldFest Remi Awards Gala sa HQ Westin Hotel sa Houston, Texas.

Ang period film ng ABS-CBN na “Quezon’s Game” ni Matthew Rosen ay nag-uwi ng Best International Feature at ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 Best Picture na “Rainbow’s Sunset” ni Joel Lamangan ay tumanggap ng Special Jury Prize. Ang Cinemalaya 2018 film naman na “School Service” ni Louie Ignacio at ang award-winning short film na “Judgement” ni Raymund Ribay Guttierez ay nanalo ng Gold Remi Awards.

Nasungkit din ng “Quezon’s Game” ang Special Jury Award at Gold Remi Awards para sa Best Art Direction at Best Director.

Samantala, tumanggap naman ng Gold Remi Award para sa Best Story Innovation ang “Rainbow’s Sunset” screenwriter na si Eric Ramos. Pinarangalan naman sina Eddie Garcia at Tony Mabesa bilang Best Actors para sa kanilang pagganap sa “Rainbow’s Sunset.”

Rainbow's Sunset.png
Tony Mabesa and Eddie Garcia in "Rainbow's Sunset"

Alinsunod sa layunin nitong itaguyod ang mga pelikulang Pilipino at talents nito sa buong mundo, ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang tagumpay ng Filipino films at film personalities na nanalo sa Worldfest-Houston International Film Festival.

“It’s always an honor to see our films being represented and given recognition internationally. The victory of Filipino films, filmmakers, and actors in the recent Worldfest-Houston International Film Festival is a big win for us, and we are truly happy that they continue to bring honor to our country and our local film industry.” (“Isang karangalan na makita ang mga pelikula natin na nare-represent at nabibigyan ng international recognition. Ang tagumpay ng Filipino films, filmmakers, at actors sa Worldfest-Houston International Film Festival ay malaking tagumpay para sa atin, at masayang-masaya kaming tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng karangalan sa ating bansa at sa ating local film industry”), sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.  

Ang Worldfest-Houston International Film Festival ang oldest independent film festival sa mundo at ang pangatlong longest-running international film festival sa North America, kasunod ng San Francisco at New York.

SPY DOCU FILM, WAGI SA WORLD IP DAY PITCHING SHOWCASE


Nasungkit ng genre-bending documentary film project na “Looter” ni Jayson Bernard Santos ang Best Pitch award sa pitching showcase na isinagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa World Intellectual Property Day celebration na ginanap noong Abril 27, 2019 sa Novotel Manila Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Dalawapu’t isang (21) Filipino feature at documentary film projects ang napiling isali sa pitching showcase, at ang “Looter” ang nangibabaw at nanalo. Magkakaroon ng pagkakataon si Director Santos na pumunta sa Los Angeles para lumahok ng isang four-day Film and Television Immersion Course sa tulong ng Motion Picture Association (MPA) sa Los Angeles, California.

Ang “Looter” ay isa sa SineSaysay finalists. Narito ang synopsis ng film project: “Looter is a genre-bending documentary that melds the story of Naomi Flores and the women of the Philippine underground and espionage in World War 2. Straddling the line between different modes, the film employs creative techniques that are interspersed with archival footage, interviews, and unnerving dramatized sequences.”

Samantala, napabilib din ni Director Keith Sicat ang panel sa pitching showcase dahil sa kanyang feature film project na “Unos”, ang sequel sa “Alimuom” ng TOFARM Film Festival, na naging runner-up ng nasabing showcase.

Para mas madagdagan ang kaalaman ng Filipino filmmakers tungkol sa Intellectual Property (IP) rights, nagsagawa ang FDCP ng lecture series sa Film Distribution, Intellectual Property Rights and Pitching Essentials. Nakipag-partner din ang FDCP sa MPA at sinuportahan ng Department of Trade and Industry-Expert Marketing Bureau (DTI-EMB) at ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang event.

“Our films hold a lot of promise and potential to compete in the global market. Having events like these pitching showcase and lecture series is a huge help to our filmmakers for them to learn more about tapping into the international audience and have better chances in penetrating world cinema.” (“Promising at may potential ang mga pelikula natin na makipag-compete sa global market. Malaking tulong ang pagkakaroon ng events gaya nitong pitching showcase at lecture series sa ating filmmakers para mas matuto sila tungkol sa pag-tatap sa international audience at mas magkaroon sila ng chance na maka-penetrate sa world cinema”), sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

CANNES PRODUCERS NETWORK, BINIBIDA ANG PILIPINAS BILANG COUNTRY OF FOCUS

CANNES PRODUCERS NETWORK, BINIBIDA ANG PILIPINAS BILANG COUNTRY OF FOCUS

Muling napili ang Pilipinas bilang Spotlight Country sa prestihiyosong Cannes Producers Network ng Marché du Film na gaganapin mula Mayo 15 hanggang 21, 2019 sa Cannes, France, at pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Philippine film delegation na lalahok dito para mas maipakilala ang Filipino film production companies sa global platform. Tampok sa Producers Network ang diverse na lineup ng film producers mula sa bansa.

Ang Marché du Film ang pinakamalaking film market sa buong mundo na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival. Bahagi ng film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive na producers-only event na tinitipon ang producers mula sa buong mundo. Magkakaroon ng pagkakataong makipag-network ang producers sa international partners at makakuha ng oportunidad para sa international film co-productions.

Sa spotlight event ng Cannes Producers Network para itampok ang Pilipinas sa Mayo 21, itatanghal ng FDCP ang mga sumusunod na spotlight companies sa mahigit sa 300 na international partners, kasama na ang pinakamalalaking film industry players sa bansa: APT Entertainment, Inc., Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring Films, at TEN17P. May special participation din dito ang ABS CBN Films, ang pinakamalaking film production outfit sa Pilipinas, na Guest of Honor ng event.

Susuportahan din ng FDCP ang mga sumusunod na promising producers na kasali sa event, pati na rin ang kanilang latest projects para sa international co-production: Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Dan Villegas ng Project 8 corner San Joaquin Projects, Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema, at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.

“This is our second year as the Spotlight Country at the Producers Network and we are honored to have the opportunity to showcase our voice in the international film scene through the biggest film market and one of the most prestigious film festivals in the world. Cannes is an exceptional platform for our filmmakers and film companies to share our stories to global audiences, and we can’t wait for them to collaborate with filmmakers from all over the globe and help them turn their dream film projects into reality through international co-productions.” (“Pangalawang taon na natin bilang Spotlight Country sa Producers Network, at honored kami na magkaroon ng pagkakataong i-showcase ang boses natin sa international film scene sa pinakamaking film market at sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong film festival sa mundo. Ang Cannes ay isang exceptional platform para sa ating filmmakers at film companies para ibahagi nila ang kuwento nila sa global audiences, at hindi na kami makapaghintay na makipag-collaborate ang filmmakers natin sa filmmakers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at tulungan din silang isabuhay ang dream film projects nila sa tulong ng international co-productions,”) sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Tampok din ang producers at production companies sa Marché du Film Pavilion ng Pilipinas sa Village International Riviera mula Mayo 14 hanggang 23, 2019. Kasama rin dito ang BlackOps Studios Asia, Concept One, Epicmedia, Rocketsheep Studio, Sine Olivia Pilipinas, TBA Studios, Unitel Productions, Inc., at Visioncapture para bumuo ng partnerships at makipag-network sa content buyers at sellers.

Taun-taong lumalahok ang FDCP sa Marché du Film at sinusuportahan ang Philippine delegation ng film market at ng film festival. Ngayong taon, magho-host ang FDCP ng Marché du Film Pavilion kasama ang Singapore Film Commission.

Ang Philippine Pavilion ay nasa Pavilion 114 ng Village International Riviera. Ang Cannes Film Festival ay gaganapin mula Mayo 14 hanggang 25, 2019, samantalang ang Marché du Film naman ay mangyayari mula Mayo 14 hanggang 23, 2019.

HERO BAUTISTA NAIS MAGLINGKOD MULI SA QUEZON CITY 4TH DISTRICT BILANG KONSEHAL

Taon-taon ay hindi nakakalimot ang pamilya Bautista sa Entertainnent Press. Nitong araw ng Miyerkoles, May 8, 2019 ay nagtipon-tipon sa isang function hall ng Annabels Restaurant, Tomas Morato ang January to June Birthday Celebrators ng Entertainment Press para sa isang birthday lunch treat ng pamilya Bautista kung saan dinaluhan ito nina Harlene Bautista at Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista. While waiting kami sa ilang kasamahan ay nagkataon kami ng pagkakataong makatsikahan si Hero Bautista na kasalukuyan palang tumatakbo bilang Councilor sa kanyang ikalawang termino. 
" Kapag pinalad tayo, 2nd term ko na. Sana. Positive naman tayo na nandiyan parin ang mga taga-suporta ko na sumuporta rin sa atin noon. " bulalas pa nito sa amin.
Talagang nasa dugo ng magkakapatid ang public service tulad ng kanilang Kuyang Quezon City Mayor Herbert Bautista na kasalukuyang nasa bakasyon kasama ang kanyang pamilya kaya wala ito sa birthday lunch na kanyang ipinatawag.
" Oo. Napagod din siguro. Kaya pahinga muna siya. Kaya ako muna ngayon, sana manalo parin tayo. Wala naman akong ibang hangad kundi ang makatulog din sa mga kababayan at nasasakupan nating taga-Quezon City lalo na sa distrito ko. Actually, masarap ang magbigay serbisyo sa kapwa. Nakakapagod lang talaga kapag ganitong kampanya. Kulang ka talaga sa tulog. Pero talagang ganoon. Basta't mahal mo ang ginagawa mo, walang pagod na mararamdaman." Aniyang tiktak pa sa amin. 
Dumating din si Harlene sa naturang event. Patunay lang na suportado nila ang isa't isa.
" Ganyan kami eh. Sinusuportahan namin ang isa't isa. Eversince. Yun ang pinakamahalaga! " tsika pa ni Harlene sa amin.
Well, Maraming Salamat Bautista Family! Mahal na mahal kayo ng Entertainment Media! 

" MAGTATRABAHO PO AKO NG MAAYOS PARA PO SA PANGARAP KO --SETH FEDELIN

" Masaya po ako. Oks lang po. Blessed lang po ako kasi after PBB Otso po ay biglang dami po nung nagdatingang blessings." paglalahad pa ni Seth Fedelin sa aking panayam!
Yes! Mapalad talaga kung maituturing si Seth Fedelin. Kahit hindi man siya pumasok sa binansagang PBN Otso's Big Four, as we can see, moving ang career ni Seth. Sa totoo lang, ang lakas ng karisma ni Seth. Kumpolan man ng mga tunay na lalake, babae, tomboy o bakla, iisa lang ang bukambibig nila, ang lakas ng dating ni Seth. May nakapagsabi rin sa aking mabuti ang puso ng bagets dahil maka-pamilya ito at marespeto. Ayon pa sa isang avid fans and follower ni Seth, he'll go places talaga! 
" Kaya po super magta-trabaho po ako para marating ko po ang gusto ko at makuha kopo ang gusto ko. " deretsahang sagot pa ni Seth. 
Aminin natin, ratsada naman talaga sa kanyang career ang binatang Kabitenyo. Like currently ay meron pa siyang 5 remaining shooring days para s pelikulang ABANDONED kung saan niya ka-trabaho si Beauty Gonzales na produkto rin ng PBB.
" Magaling po siya. Anak niya po ako sa movie. Masaya akong naka-work kopo siya. Nakaka-limang shooting days napo ako. Meron pang lima! Maganda ang movie. Kahit ako po, excited na rin mapanood. Shooting muna. " aniya.
Nandiyan din ang pagpasok niya bilang Mikoy sa weekdays Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto ng Dreamscape mula sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin. 
" Gusto kopo yung role ko. Isa po akong pulubi, hindi naman pulubi, makulit, basta. Nakakatuwa po role ko. Ipinakita napo last friday yung teaser. Happy po talaga ako. Salamat po kena Sir Deo ng Dreamscape. Sa Kadenang Ginto family ko po. Sa management ko po, kay Tito Mario ( Colmenares ) at Kuya Mark ( Coleta ) sa pagbibigay tiwala po sa akin. Masaya po ako talaga. " aniyang tsika pa sa akin. 
This coming July 9, 2019 ay turning 17 years old na siya. Ano naman ang gusto niyang bilhin para sa sarili niya?
" Gusto ko po makabili ng sasakyan ko po dahil kailangan ko po sa trabaho ko. Tapos kapag nakaipon napo ako, bibili rin po akong bahay namin. Yun lang po gusto ko. " na habang sumasagot si Seth sa tanong ko ay pinilit kong huwag maluha. 
Honestly, ramdam ko siya. He's a good son with a very good heart para sa kanyang pamilya. Bilib ako sa gigil niya to work hard dahil may pangarap siya. 
Kalog si Seth. Napaka-totoong tao. Kaya siguro makulit pa siya dahil he's only 16. But the most important is, may gusto siyang marating. May pangarap siya. May urge siya to work hard. 
" Oks napo ito. Yung may trabaho napo ako at sumasahod po, masaya napo ako keysa sa walang ginagawa. Blessing po. " paglalahad pa niya sa aking panayam. 

JANJEP CARLOS NANALONG MR. GAY WORLD 2019 SA SOUTH AFRICA

Paalis palang ng bansa ay panay na ang sabi ni Janjep Carlos na iuuwi nito ang titulong Mr. Gay World 2019. Sa mga naging interview sa kanya ay naging deretsahan din siya sa pagsasabing magiging proud tayo sa kanya pagbalik niya ng Pilipinas mula Cape Town, South Africa! Kagabi lang, May 4, 2019 ay walang kaabog-abog na sinungkit ni Janjep Carlos ang titulo. Sa post ni Mama Genesis Gallios na kasama ni Wilbert Tolentino sa enrourage sa South Africa namin unang nakita ang balita. 
" Nakalimutan kona mag-post ng pagkapanalo ni Janjep sa sobrang saya namin ditong lahat! " tiktak pa ni Mama Gen na magpahanggang ngayon daw ay nagu-umapaw parin ang saya nilang nasa South Africa! Wala pang detalye kung anong araw ang balik ni Janjep Carlos sa bansa! Well, Mabuhay ka Janjep Carlos at Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay din ang LGBTQ community sa buong mundo! 

SETH FEDELIN BILANG MIKOY BUKAS NA SA KADENANG GINTO SA KAPAMILYA NETWORK

Sinuwerte talaga si Seth Fedelin! Jackpot kung tawagin ang tinatakbong showbiz career ng binata simulang lumabas ito sa bahay ni Kuya bilang PBB Otso Teen! Daming shows out of town at ratsada sa followers sa buong mundo. Higit sa lahat ay making waves pa siya lalo ngayong nasa main stream na siya tulad nalang ng kanyang pagpasok sa pinag-uusapang afternoon series ng Kapamilya Network na Kadenang Ginto bilang si Mikoy na simula bukas ay masisilayan na ng kanyang fans and followers. Isama mo na rin diyan ang pakikipagtrabaho niya kay Beauty Gonzales via Abandoned movie. As in wow! Marami na akong narinig na nagsasabing maganda ang attitude ng bagets kaya napakadali niyang mahalin at magaan! Naalala ko sa kanya nung nag-uumpisa palang si Daniel Padilla. Ganyan na ganyan. Payatot pero saksakan ng kaguwapohan! Marami rin ang nagsabing sa ngayon palang ay potential dramatic actor ang bagets huh! May ibubuga! Yun na! 

TAMBALANG GERALD ANDERSON AT JULIA BARRETTO MALALASAP NA SA PELIKULANG ' BETWEEN MAYBES ' NG BLACK SHEEP ENTERTAINMENT

Sa trailer palang ng pelikulang " Between Maybes " na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Julia Barretto na handog sa atin ng Black Sheep Entertainment ay turned-on na ako sa mga eksena nilang dalawa. Sigurado akong maganda ang istorya ng pelikula because of the fact that bumagay sa dalawa ang kani-kanilang role sa pelikula that was shot in Saga, Japan na bago personally sa aking pandinig ang kugar. Saw the trailer, i love the shots! Buhay na buhay ang karakter nila sa isang lugar na napakaganda! Malaking bagay din minsan sa isang pelikula ang beautiful settings nito. Well, walang kuwestiyon pagdating sa acting ng dalawa. Julia proved herself already na magaling siya sa napaka-natural niyang umarte. Gerald is a great actor naman talaga. Aminado ang dalawang nag-enjoy sila while shooting the film! Actually, chemistry wise, there's something! Madidiskubre natin sa kapag pinanood natin ang pelikula simula ngayong May 15 in cinemas nationwide! Basta! Mamahalin mo ang mga karakter nina Hazel at Louie sa pelikulang ito! Promise yan! #BetweenMaybes @black_sheepph

DANIEL PADILLA RATSADA SA KAMPANYA NI ROMMEL PADILLA

Talagang tinutukan ni Daniel Padilla ang kandidatura ng kanyang Amang si Rommel Padilla na kasaluyang tumatakbo bilang Congressman sa 1st District ng Nueva Ecija. Napag-alaman naming humingi talaga si Daniel ng ilang linggong bakasyon sa showbiz upang mabigyang pansin nito ang kampanya ng kanyang Ama. Sino pa nga ba ang magtutulungan sa ganitong pagkakataon, siyempre, ang Kapamilya! Makikitang very accomodating si Daniel sa lahat ng taong nakaabang sa kanyang parada kasama ang kanyang Ama. Ayon pa sa post ng mga netizens, masuwerte raw ang taga-Nueva Ecija dahil nasilayan nila ng personal si DJ. May nagsabi pang sigurado na ang panalo ni Omeng basta't huwag lang siyang dadayain! Well! Goodluck sa magiging dakilang kongresista ng Nueva Ecija kapag pinalad. Salamat din DJ sa iyong wagas na pagmamahal sa iyong Ama. Good job Nak!