SPY DOCU FILM, WAGI SA WORLD IP DAY PITCHING SHOWCASE


Nasungkit ng genre-bending documentary film project na “Looter” ni Jayson Bernard Santos ang Best Pitch award sa pitching showcase na isinagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa World Intellectual Property Day celebration na ginanap noong Abril 27, 2019 sa Novotel Manila Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Dalawapu’t isang (21) Filipino feature at documentary film projects ang napiling isali sa pitching showcase, at ang “Looter” ang nangibabaw at nanalo. Magkakaroon ng pagkakataon si Director Santos na pumunta sa Los Angeles para lumahok ng isang four-day Film and Television Immersion Course sa tulong ng Motion Picture Association (MPA) sa Los Angeles, California.

Ang “Looter” ay isa sa SineSaysay finalists. Narito ang synopsis ng film project: “Looter is a genre-bending documentary that melds the story of Naomi Flores and the women of the Philippine underground and espionage in World War 2. Straddling the line between different modes, the film employs creative techniques that are interspersed with archival footage, interviews, and unnerving dramatized sequences.”

Samantala, napabilib din ni Director Keith Sicat ang panel sa pitching showcase dahil sa kanyang feature film project na “Unos”, ang sequel sa “Alimuom” ng TOFARM Film Festival, na naging runner-up ng nasabing showcase.

Para mas madagdagan ang kaalaman ng Filipino filmmakers tungkol sa Intellectual Property (IP) rights, nagsagawa ang FDCP ng lecture series sa Film Distribution, Intellectual Property Rights and Pitching Essentials. Nakipag-partner din ang FDCP sa MPA at sinuportahan ng Department of Trade and Industry-Expert Marketing Bureau (DTI-EMB) at ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang event.

“Our films hold a lot of promise and potential to compete in the global market. Having events like these pitching showcase and lecture series is a huge help to our filmmakers for them to learn more about tapping into the international audience and have better chances in penetrating world cinema.” (“Promising at may potential ang mga pelikula natin na makipag-compete sa global market. Malaking tulong ang pagkakaroon ng events gaya nitong pitching showcase at lecture series sa ating filmmakers para mas matuto sila tungkol sa pag-tatap sa international audience at mas magkaroon sila ng chance na maka-penetrate sa world cinema”), sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

No comments:

Post a Comment