" MAGTATRABAHO PO AKO NG MAAYOS PARA PO SA PANGARAP KO --SETH FEDELIN

" Masaya po ako. Oks lang po. Blessed lang po ako kasi after PBB Otso po ay biglang dami po nung nagdatingang blessings." paglalahad pa ni Seth Fedelin sa aking panayam!
Yes! Mapalad talaga kung maituturing si Seth Fedelin. Kahit hindi man siya pumasok sa binansagang PBN Otso's Big Four, as we can see, moving ang career ni Seth. Sa totoo lang, ang lakas ng karisma ni Seth. Kumpolan man ng mga tunay na lalake, babae, tomboy o bakla, iisa lang ang bukambibig nila, ang lakas ng dating ni Seth. May nakapagsabi rin sa aking mabuti ang puso ng bagets dahil maka-pamilya ito at marespeto. Ayon pa sa isang avid fans and follower ni Seth, he'll go places talaga! 
" Kaya po super magta-trabaho po ako para marating ko po ang gusto ko at makuha kopo ang gusto ko. " deretsahang sagot pa ni Seth. 
Aminin natin, ratsada naman talaga sa kanyang career ang binatang Kabitenyo. Like currently ay meron pa siyang 5 remaining shooring days para s pelikulang ABANDONED kung saan niya ka-trabaho si Beauty Gonzales na produkto rin ng PBB.
" Magaling po siya. Anak niya po ako sa movie. Masaya akong naka-work kopo siya. Nakaka-limang shooting days napo ako. Meron pang lima! Maganda ang movie. Kahit ako po, excited na rin mapanood. Shooting muna. " aniya.
Nandiyan din ang pagpasok niya bilang Mikoy sa weekdays Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto ng Dreamscape mula sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin. 
" Gusto kopo yung role ko. Isa po akong pulubi, hindi naman pulubi, makulit, basta. Nakakatuwa po role ko. Ipinakita napo last friday yung teaser. Happy po talaga ako. Salamat po kena Sir Deo ng Dreamscape. Sa Kadenang Ginto family ko po. Sa management ko po, kay Tito Mario ( Colmenares ) at Kuya Mark ( Coleta ) sa pagbibigay tiwala po sa akin. Masaya po ako talaga. " aniyang tsika pa sa akin. 
This coming July 9, 2019 ay turning 17 years old na siya. Ano naman ang gusto niyang bilhin para sa sarili niya?
" Gusto ko po makabili ng sasakyan ko po dahil kailangan ko po sa trabaho ko. Tapos kapag nakaipon napo ako, bibili rin po akong bahay namin. Yun lang po gusto ko. " na habang sumasagot si Seth sa tanong ko ay pinilit kong huwag maluha. 
Honestly, ramdam ko siya. He's a good son with a very good heart para sa kanyang pamilya. Bilib ako sa gigil niya to work hard dahil may pangarap siya. 
Kalog si Seth. Napaka-totoong tao. Kaya siguro makulit pa siya dahil he's only 16. But the most important is, may gusto siyang marating. May pangarap siya. May urge siya to work hard. 
" Oks napo ito. Yung may trabaho napo ako at sumasahod po, masaya napo ako keysa sa walang ginagawa. Blessing po. " paglalahad pa niya sa aking panayam. 

1 comment:

  1. Thanks po sa pagshare sir dom.. Isa po ako sa Super avid fan ni seth. . Isa po kau sa mga gumgabay sknya ksma po sila sir mark at sir mario sa mundo na pinapasok nya po ngaun. .bagamat marami pden pong humuhusga sa kakayanan po ni seth naniniwala po kame na mabuti syang tao at sobrang gagawin nya po lahat para po sa pamilya nya Sana po magtagumpay po sya sa pangarap po nya andto lng po kameng fans nya. .Godbless po sa inyo

    ReplyDelete