CANNES PRODUCERS NETWORK, BINIBIDA ANG PILIPINAS BILANG COUNTRY OF FOCUS
Muling napili ang Pilipinas bilang Spotlight Country sa prestihiyosong Cannes Producers Network ng Marché du Film na gaganapin mula Mayo 15 hanggang 21, 2019 sa Cannes, France, at pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Philippine film delegation na lalahok dito para mas maipakilala ang Filipino film production companies sa global platform. Tampok sa Producers Network ang diverse na lineup ng film producers mula sa bansa.
Ang Marché du Film ang pinakamalaking film market sa buong mundo na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival. Bahagi ng film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive na producers-only event na tinitipon ang producers mula sa buong mundo. Magkakaroon ng pagkakataong makipag-network ang producers sa international partners at makakuha ng oportunidad para sa international film co-productions.
Sa spotlight event ng Cannes Producers Network para itampok ang Pilipinas sa Mayo 21, itatanghal ng FDCP ang mga sumusunod na spotlight companies sa mahigit sa 300 na international partners, kasama na ang pinakamalalaking film industry players sa bansa: APT Entertainment, Inc., Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring Films, at TEN17P. May special participation din dito ang ABS CBN Films, ang pinakamalaking film production outfit sa Pilipinas, na Guest of Honor ng event.
Susuportahan din ng FDCP ang mga sumusunod na promising producers na kasali sa event, pati na rin ang kanilang latest projects para sa international co-production: Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Dan Villegas ng Project 8 corner San Joaquin Projects, Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema, at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.
“This is our second year as the Spotlight Country at the Producers Network and we are honored to have the opportunity to showcase our voice in the international film scene through the biggest film market and one of the most prestigious film festivals in the world. Cannes is an exceptional platform for our filmmakers and film companies to share our stories to global audiences, and we can’t wait for them to collaborate with filmmakers from all over the globe and help them turn their dream film projects into reality through international co-productions.” (“Pangalawang taon na natin bilang Spotlight Country sa Producers Network, at honored kami na magkaroon ng pagkakataong i-showcase ang boses natin sa international film scene sa pinakamaking film market at sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong film festival sa mundo. Ang Cannes ay isang exceptional platform para sa ating filmmakers at film companies para ibahagi nila ang kuwento nila sa global audiences, at hindi na kami makapaghintay na makipag-collaborate ang filmmakers natin sa filmmakers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at tulungan din silang isabuhay ang dream film projects nila sa tulong ng international co-productions,”) sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.
Tampok din ang producers at production companies sa Marché du Film Pavilion ng Pilipinas sa Village International Riviera mula Mayo 14 hanggang 23, 2019. Kasama rin dito ang BlackOps Studios Asia, Concept One, Epicmedia, Rocketsheep Studio, Sine Olivia Pilipinas, TBA Studios, Unitel Productions, Inc., at Visioncapture para bumuo ng partnerships at makipag-network sa content buyers at sellers.
Taun-taong lumalahok ang FDCP sa Marché du Film at sinusuportahan ang Philippine delegation ng film market at ng film festival. Ngayong taon, magho-host ang FDCP ng Marché du Film Pavilion kasama ang Singapore Film Commission.
Ang Philippine Pavilion ay nasa Pavilion 114 ng Village International Riviera. Ang Cannes Film Festival ay gaganapin mula Mayo 14 hanggang 25, 2019, samantalang ang Marché du Film naman ay mangyayari mula Mayo 14 hanggang 23, 2019.
No comments:
Post a Comment