EX-BATALLION WALANG UTANG NA LOOB

TAMA lang ang pagbibitiw ng komedyanteng si Ai Ai Delas Alas bilang manager ng Ex-Batallion. Dapat noon niya pa ito ginawa at hindi na pinalawig pa. Hindi dapat wina-walanghiya ng sinumang talent ang tumatayong manager nila. Dahil ang pagwalang-respeto sa kapwa ay isang simbolo ng kawalanghiyaan sa lipunan. Hindi deserve ni Ai Ai Delas Alas ang stress sa buhay lalo na't alam naman nating masaya ito sa kanyang pribadong buhay. Ayon pa raw sa kampo ng Ex-Batallion, huwag nalang daw silang makipagpalitan ng salita at kung anu pa man sa sikat na komedyante. Aba'y dapat lang na tanggapin ninyo ang mga pagkakamali ninyo at tigilan na ninyo ang pagiging pasaway ninyo dahil walang patutunguhan yan kundi ang tuluyan ninyong paglubog sa industriyang ginagalawan ninyo. Walang puwang sa showbusiness ang mga talentong dusa at pasakit sa manager ang ibinibigay kaya magbago na kayo kung gusto niyo pang humaba ang karera ninyo! Wala na kayong mahahanap pang hahawak sa career ninyo na kasingbait ni Ai Ai! Dapat nga, noon pa kayo binitiwan ng sikat na komedyante eh! Pasalamat kayo't ngayon niya lang ginawa! Dahil sa kanegahan na pinaggagawa ninyo, ayan, pati latest film ninyo ay apektado at nilangaw na sa takilya! Gugustuhin ba kayo ng tao kung ganyan ang mga attitude ninyo? Nakakaloka lang dahil binigyan na nga kayo ng talento, hindi pa ninyo ginamit ng maayos at di-sana ay mapapakinabangan niyo pa ng ilang taon ang kasikatan ninyo! Kainis lang! Hindi ako galit sa Ex-Batallion, dahil unang-una ay hindi naman ako close sa inyo, galit ako sa ginagawa ninyo! Umayos kayo kung gusto niyo ng suwerte sa bawat buhay ninyo! Bow!

No comments:

Post a Comment