Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas ng kanyang bahay si Janella Salvador upang pumunta sa kanyang presinto sa 2nd District ng Quezon City upang bomoto. Nakita ko si Janella na pumila upang hanapin ang kanyang pangalan sa kanyang presinto. Naka-pambahay lang ang sikat na female celebrity at nagkaroon ako ng pagkakataong makatsikahan ito.
Anong pakiramdam ng isang baguhang botante? Kamusta ang karanasan?
" Yes! Early po akong nagising. Pinaghalong excited po na kinakabahan! Hahahahaha! Siguro po dahil first time kong bomoto, yung ganoong feeling! Kasi, parang this time po, am doing something new and hindi kopa po talaga alam ang proseso. Pumila po ako. " bulalas pa sa akin ni Janella na halatang naka-lipstick lang at lutang ang kanyang ganda!
Bilang baguhang botante, gaano naman kahalaga sa kanya ang isang halalan? Gaano ito ka-importante para sa kanya bilang isang kabataang bomoboto na ngayon para sa bayan?
" For me, it's a big responsibility. This is something na you're doing para sa ating bansa. Fulfilling po siya para sa akin kasi feeling ko, nitong pagboto ko ay may nagawa akong importante sa buhay ko bilang isang Pilipino, hindi lang po para sa sarili ko kundi para po sa ating lahat. Kaya ko po nasabi kanina na kinakabahan ako, because, nandun ying feeling na sana mapunta po sa tama ang boto nating lahat. So far, since it's my first time po, smooth naman po lahat. Happy and fulfilling po sa pakiramdam because just today, may nagawa ako para sa bayan. " pagtatapos pa ni Janella Salvador sa aking ekslusibong panayam ngayong araw! Mabuhay ang kabataang tulad mo Janella!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment