JULIA BARETTO LUMIPAT NA SA VIVA ARTISTS AGENCY

Yan ang larawang pinost ngayong araw ni Julia Baretto sa kanyang instagram account. Isang glamorosang, napakaganda at seksing Julia kung saan mula mismo sa kanya ay ang kumpirmasyong wala na nga siya sa bakuran ng ABS-CBN partikular ang pagiging Star Magic Artist niya. Yes. Nagpaalam na nga sa kanyang kinalakihang network si Julia.

" I'am now officially represented by Viva Artists Agency. Thank you for the warmest welcome, I'am truly looking forward to this new journey. " ayon pa sa kanyang naging instagram post.

Sigurado akong hindi rin ito naging madaling desisyon sa parte ni Julia but she has to work at mahal niya ang kanyang trabaho. 

Unang-una ay magaling siyang umarte, may followers at isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz sa kanyang henerasyon. 

Pinasalamatan din ng lubos ni Julia ang kanyang Star Magic family.

" Thank you to my Star Magic family, especially Tita Cris, Mr. M and Ms. Mariolle for all the guidance, protection and support every step of the way. "

" Thank you for your continous mentorship and supervision. Star Magic is what it is today because of the two of you. Thank you for everything! " sez Julia sa kanyang instagram post.

Well, panibagong yugto nga ito sa kanyang buhay at career kaya kaabang-abang ang kanyang tatahaking daan this time naman sa kanyang bagong pamilya ang Viva Artists Agency.

Goodluck pretty Juls!

NEIL ARCE AT ANGEL LOCSIN HIWALAY NA?

Manghihinayang ako personally kung totoo man ang tsismis na nagkalabuan, naghiwalay o hiwalay na sina Angel Locsin at Neil Arce! Almost a month ng pinag-uusapan ang dalawa na tila tahimik naman sa naturang isyu. Wala nga akong narinig mula sa dalawang kampo kaya malakas ang paniniwala kong still together sila. Pero nitong nakaraang araw lang ay may nakapagsabi sa akin na hiwalay na raw talaga ang dalawa at nanatili silang tahimik lang sa hiwalayan! Malalim daw ang dahilan kung bakit naghiwalay daw ang dalawa. May nagsabi pa sa akin na merong 3rd party involved. 

Hay naku! Sana naman ay tsismis lang ito dahil ang alam ko ay nakatakda ng magpakasal ang dalawa sa susunod na taon! 

Ewan ko nalang! Hay! Yan ang showbiz eh! Walang kasiguruhan! Anyways, sana fake news ito!

JOSHUA GARCIA TAWID KAPUSO NA NGA BA?

Sa pagsasara ng ABS-CBN o Kapamilya Network ay hindi lang empleyado nito ang nawalan ng trabaho kundi ganoon din ang mga artistang sa kanila umaasa naka-kontrata man o hindi. Kawawa sila kung tutuusin dahil nga nga sila ng kung ilang taon man abutin bago magbukas muli ang naturang istasyon. Ang maganda ay inabisohan ng management ang bawat artista nila na pupuwede na silang lumipat o tumanggap ng proyekto outside ABS pero marami pa rin ang ayaw umalis sa network dahil nga siguro sa sukatang loyal sila sa network. 

Maraming artista na rin ang naglipatan huh! Pero ang pinaka-latest, usap-usapan ngayon ang diumano ay paglipat nitong magaling na aktot na si Joshua Garcia sa GMA Channel 7! May nakarating kasing tiktak sa akin na mukhang tatawid na sa Kapuso Network ni Joshua at babu na itey sa Kapamilya? 

Saganang akin lang, kung pinayagan naman na sila at may offer ay bakit naman hindi, diba? Aba! Kailangang maghanapbuhay ng mga ito para mabuhay sila at maitawid ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw sa dami for sure ng umaasa sa kanya! Why not coconut! Usap-usapan palang ito pero for sure malalaman din natin ang totoo! 

Ewan! Basta! Goodluck!

BIONIC MAX QUALIFIES FOR PRODUCTION INCENTIVES DURING 2ND CYCLE OF FILM PHILIPPINES FLIP


 


MANILA, PHILIPPINES, SEPTEMBER 25, 2020 -- The animated TV series Bionic Max has qualified for financial incentives under the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and its FilmPhilippines Office’s (FPO) Film Location Incentive Program (FLIP). 

 

France–based Gaumont has secured the services of Filipino production company Top Draw Animation for Bionic Max, an animated children’s series about the misadventures of a bionic guinea pig named Max and his goldfish friend JC.  Through FLIP, Top Draw Animation is now eligible for a 20% cash rebate of up to PHP 10 Million (approx. US$ 196,000). 

 

Top Draw Animation, founded in 1999, has previously worked for other well-known international productions, including My Little Pony: the Movie (2018), The Hollow (2018), and Penn Zero: Part Time Hero Season 2 (2017).

 

FLIP is FDCP’s financial incentives program that provides cash rebates to Filipino line production companies working on international projects. The program seeks to support such projects by providing financial flexibility for Filipino production companies hired by international productions. It launched its first cycle in January this year.

 

Projects across a range of audiovisual media are eligible for FLIP. A wide variety of audiovisual productions, from animated series’ such as Bionic Max to live-action films and shows, documentary projects, and more may receive cash rebates through the program. To be eligible, international productions must hire Filipino line production companies and have a minimum qualified production spending of PHP 8 million. Like Bionic Max, eligible productions may receive up to PHP 10 Million in cash rebates.

 

Bionic Max qualified for FLIP during the program’s second cycle of applications which was held from May 1st to July 31st. It is now the third project to receive financial incentives under FLIP. During its first cycle, FDCP awarded incentives to the Filipino line producers of the shows Almost Paradise and Survivor Russia

 

In addition to FLIP, FDCP also implements the International Co-Production Fund (ICOF) this year. ICOF is a selective fund for feature-length films of any genre that are internationally co-produced with Filipino production companies. It provides up to PHP 10 Million in cash incentives and requires a minimum projected spending of PHP 5 Million. 

 

During its first cycle, ICOF awarded the projects Nocebo (directed by Lorcan Finnegan and co-produced by Philippines-based Epicmedia and UK-based Wild Swim Films) and Kapag Wala Nang Mga Alon (When the Waves are Gone) (directed by Lav Diaz and co-produced by Epicmedia alongside Danish production company Snowglobe and French production company Films Boutique) with funding. 

 

Both FLIP and ICOF were launched by FDCP’s FilmPhilippines Office to encourage more international productions to hire or co-produce their projects with Philippine production companies.

 

Productions wishing to avail of either FLIP or ICOF incentives may apply now. The third cycle for applications for both financial incentive programs opened on September 1st and will continue through November 27. 

 

FDCP'S PPP4 TO PROMOTE UNITY AND SOLIDARITY THROUGH PPP ONLINE 2020


 


Festival passes (Premium All-Access Pass, Half-Run Pass, and Day Pass) will be sold for PPP Online 2020, and all of the proceeds will be given to producers involved through revenue sharing. The FDCP, even as it will sponsor the exclusive PPP Online platform and provide marketing support for all PPP 2020 films, will not charge fees to producers nor will it get a cut in the sales from the festival passes.

 

“As we face a global pandemic, I believe that the PPP will highlight the importance of coming together to support and keep the film industry alive through the continued appreciation and love of Philippine Cinema by showing classics, indies, and contemporary films,” remarked FDCP Chairperson and CEO Liza DiƱo.

 

“Despite the limited budget, the FDCP is exhausting all efforts to support Filipino filmmakers in these challenging times by holding the PPP as a representation of unity and a solidarity event that gives back to the filmmaking community greatly affected by the COVID-19 crisis,” she added.

 

Meanwhile, the final 12 short films from the CineMarya Women’s Film Festival will have a special premiere in PPP 2020. CineMarya was launched by the FDCP in partnership with the Department of the Interior and Local Government and the Philippine Commission on Women to tell stories of Filipino women, particularly their strength and passion in rising above prejudice and overcoming societal struggles. 

 

As for Sine Kabataan, films from its previous editions will be shown alongside PPP 2020 titles. Sine Kabataan showcases short films from filmmakers aged 18 to 30 on issues relevant to the youth revolving around family values, education, health, and security and peace building. 

 

This year, the 4th Sine Kabataan will have an online film development lab program. Workshops and sessions of the Sine Kabataan Film Lab on script development, pitching, safe filming, and editing will kick off in November during the PPP run. 

 

For more information, visit www.facebook.com/FDCPPPP.

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2020 TULOY NA TULOY

MANILA, PHILIPPINES, SEPTEMBER 23, 2020 — “Tuloy ang Pista 2020!” declared the Film Development Council of the Philippines (FDCP) as it gears for the fourth edition of its flagship event, the Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

 

This declaration comes in the move of FDCP to help sustain the Filipino film industry and support Philippine Cinema in light of the devastating effects of the COVID-19 pandemic to the country.  The PPP, which aims to be a solidarity event, will screen more than 100 films online in an exclusive FDCP-sponsored platform (FDCPchannel.ph) from October 31 to November 15.

 

PPP Online 2020 is an FDCP-led omnibus project featuring a curation of films from local film festivals like the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, QCinema International Film Festival, and Metro Manila Film Festival as well as from various producers and regional film festivals, plus FDCP’s PPP, CineMarya Women’s Film Festival, and Sine Kabataan.

 

“PPP4, Sama All” is the new slogan of the nationwide film festival. It is a play on the famous “sana all” catchphrase to indicate that PPP Online 2020 will host different film festivals in one platform, therefore welcoming a wide range of filmmakers and audiences. It will have a total of 13 curated sections: Premium, Classics, Documentary, Romance, Youth and Family, Genre, Regional Full-Length, Philippine Submissions to the Oscars, PPP Retro, LGBT, and Tributes to departed industry pillars, along with CineMarya and Sine Kabataan.

 

The Premium section will feature films that had limited release or have never been released to the Philippine audience while the Classics section will screen works by National Artists for Cinema or Film from the FDCP’s Philippine Film Archive Collection such as “Genghis Khan” (1950) by Manuel Conde, “Manila by Night” (1980) by Ishmael Bernal, and “White Slavery” (1985) by Lino Brocka.

 

A FUTURE OF ELEVATION, INSPIRATION AND COLLABORATION SEZ FDCP CHAIRPERSON LIZA DINO-SEGUERRA


 FDCP Chairperson and CEO Liza DiƱo stated, “Sine Sandaan: The Next 100 encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema. It is both in the spirit of empowering our local industry and taking those significant steps towards that future that we hope for — a future of elevation, inspiration, and collaboration.”

 

She continued, “This celebratory event also serves as a venue for cooperation in the film industry. Just as we officially close the Philippine Cinema Centennial Celebration, we look forward to the next hundred years wherein the industry will aim to reach greater heights, cross borders, and explore uncharted territories.”

 

Sine Sandaan or Presidential Proclamation No. 622, series of 2018 officially declared September 12, 2019 to September 11, 2020 as the year-long celebration of the Philippine Cinema Centennial to be spearheaded by the FDCP. The beginning of this milestone commemorates the September 12, 1919 release date of the first film directed and produced by a Filipino, “Dalagang Bukid” by Jose Nepomuceno. President Rodrigo Duterte signed the Sine Sandaan Proclamation on November 8, 2018.

LEA, MARTIN, GARY AT LANI MANGUNGUNA SA SEPTEMBER 30 PARA SA 2 HOUR VIRTUAL CONCERT NG SINE SANDAAN CLOSING CEREMONY


 MANILA, PHILIPPINES, SEPTEMBER 23, 2020 — Lani Misalucha, Gary Valenciano, The Company, Isay Alvarez and Robert SeƱa, Martin Nievera, and Lea Salonga with Acapellago are the headliners of “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony,” a two-hour virtual event that will be hosted and streamed by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) on September 30, Wednesday, at 8 p.m.

 

After 12 months of marking milestones, recognizing achievements, and honoring the heritage of the Filipino film industry, the year-long commemoration of One Hundred Years of Philippine Cinema will formally come to a close in a celebration that’s fit for its grandeur and legacy.

 

Aside from the powerhouse lineup of the country’s top performers, viewers can look forward to a magnificent roster of commemorative audiovisual presentations created by various sectors of the film industry such as the Regional Filmmakers Network, Animation Council of the Philippines, Inc., and editors from the Filipino Film Editors

JULIA BARETTO SA ISYUNG PREGGY FAKE NEWS


 Ang larawang ito ay kinuha ko mismo sa instagram account ni Julia Baretto posted yesterday. Nakalagay sa larawan ang caption na fake news. Yes. Kumalat kasi sa socmed yesterday na preggy daw ang sikat na female celebrity at si Gerald Anderson daw ang ama ng kanyang dinadala. May nagparating na mismo sa akin umaga palang yesterday na buntis daw si Julia at si Gerald ang ama. Nung mabasa ko ang naturang text message sa akin, una ay sabi ko, imposible naman ito kasi nasusubaybayan ko naman mga post ni Julia. Pangalawa sabi ko ay imposibleng mangyari dahil feeling ko ay hindi na sila. Sila pa ba? Anyways, muntikan ko na nga'ng i-message si Julia about the said issue because i love this girl so much! Hindi ko ginawa dahil hindi ako naniniwalang mabubuntis siya kay Gerald. O ayan huh! Fake ang news na kumakalat noh! Hindi po buntis si Julia at seksing-seksi siya! Nakakaloka talaga ang mundo, kung anu-ano nalang! Anyways, tantanan na ang pagkakalat ng maling balita! Hindi maganda! Jusko! Marami pang gustong gawin si Julia na magaganda sa kanyang buhay at bata pa rin naman siya plus the fact na hindi siya nagmamadali noh! My gosh! Tantanan niyong mga makakating dila ang tsismis! Buwitit kayo! Ha! Ha! Ha!

JOHN GABRIEL HILIG TALAGA ANG MUSIKA


 Released na sa mga digital platforms tulad ng Spotify, iTunes, Apple Music, TikTok, You Tube music ang debut single ng aspiring singer-actor na si John Gabriel na “Oh, Pilipina.”


Laking tuwa ng 20 year-old na tubong-Marikina ang paglabas ng kanyang single dahil mahilig na sa musika si John kahit nu’ng bata pa siya. Hip-hop ang kanyang genre kaya pinag-aralan niya itong mabuti. Alam ni John na may maganda siyang boses pero hindi pumasok sa kanyang isip ang  sumali sa mga singing contests kahit pa intense ang interest niya sa music at singing.


Unang sumubok sa pagiging bokalista ng isang banda si John. Kasama ang kanyang mga kaibigan sa Heart of Mary College ay binuo nila ang bandang The Jaywalkers. In fairness, tumagal nang tatlong taon ang kanilang banda na lalong nagpaigting sa pangarap ni John na maging kilalang singer katulad ng kanyang mga idolong sina Justin Bieber at Daniel Padilla.


“Ever since na napanood at napakinggan ko sila, I want to be like them. They inspired me to pursue my dreams po,” sabi ni John.

Ngayong nasa showbiz na siya, ang unang gustong ma-achieve ni John ay ang maipakita ang kanyang talent sa mas malaking audience. Bukod sa pagkanta, he can also play musical instruments tulad ng guitar at drums.


But wait, there’s more! Gusto rin niyang subukin ang acting. “Im very happy po and overwhelmed kasi this is my first time na pagkatiwalaan ng isang manager. Kaya lahat po nang ipinapagawa niya sa akin ay ginagawa ko the best way I can. From being a nobody, I want to be somebody. Gusto ko pong makilala bilang isang mahusay na singer at actor,” pahayag ni John na mina-manage ni Daddie Wowie Roxas.


“Gusto ko pong makilala bilang isang hip-hop artist. Alam ko pong marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang pangarap ko pero naniniwala po ako na time and patience is the key of success,” dagdag pa ng loving, caring at malambing na baguhang singer.


Naniniwala siya na right timing ang pagpasok niya sa showbiz. Anim na taon na ang nakararaan ay nagpadala siya ng kanyang bio kay Daddie Wowie para mag-apply as talent pero dahil sa palagay ng manager ay hindi pa hinog si John ay hinayaan muna siyang ma-improve ang kanyang sarili bago ito sumalang. Kaya naman nu’ng nakaraang November, si Daddie Wowie mismo ang nagsabi na puwedeng-puwede na siya. Kaya malaki ang pasasalamat ni John na sa poder ni Daddie Wowie siya napunta.


“I am so grateful to him kaya I am doing my best sa lahat ng mga ipinagagawa niya sa akin kahit pa may lockdown o kahit na gaano pa kahirap ang kailangan kong gawin to prepare myself for a career in showbiz.


“I want to prove to Daddie Wowie that I am worth it. I will strive to be the best that I can be,” sabi ni John na handang-handa na sa kanyang pagpasok sa magulo pero masayang mundo ng showbiz.


“Naniwala po ako sa destiny. If it’s meant to happen, it will happen. Pangarap ko ito and hindi ako titigil to fulfill my dream,” sabi ni John na kasali rin sa pelikulang My First and Forever under Heaven’s Best Entertainment featuring Rita Daniella and Ken Chan.

Check out John Gabriel first single on digital music stores #spotify #itunes #applemusic at naririnig na rin ngayon ang “Oh, Pilipina”  sa Forever Request ng Baranggay LS 97.1 FM.


Kaya sa mga tagahanga at sumusubaybay sa alaga ni Daddie Wowie Roxas, tutok na 4-8PM daily sa Barangay LS 97.1, tumawag sa 8374-8737at i-request ang kanta ng bago ninyong idolong si John Gabriel.

SEAN DE GUZMAN NG CLIQUE V PALABAN

Mukhang palaban daw itong anak-anakan namin sa Clique V na si Sean De Guzman. Sa pagkakaalam ko kasi ay nakaka-2 shooting days na siya para sa isang sexy movie kung saan isa siya sa mga boys mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. Ayon pa sa kuwento ng ilang taga-production, game na game daw si Sean nang gawin nito ang kanyang mga naunang eksena sa pelikula na kinunan pa sa Cavite area. Wala raw pakialam si Sean at halatanh gustong-gusto ni Sean ang kanyang pakikipagtsuktsakan sa movie huh! Nakilala namin si Sean na talagang palaban ito. Palaban sa lahat lalo na pagdating sa trabaho dahil sa Clique V palang ay napaka-professional nito at nakitan namin ng dedikasyon ang bagets sa kanyang craft kung tawagin. Mabait na bagets din ang pagakakakilala namin sa kanya at alam naming gavawin ni Sean ang lahat makilala lang sa mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan ngayon. Sa pamamagitan ng naturang pelikula ay alam naming lalo pang mahahasa si Sean sa kanyang bagong mundong tinatahak ngayon under the management of 316 Events And Talent Management ni Len Carillo. Actually, sa pagkakaalam ko ay pinagsasabay ngayon ni Sean ang pag-arte at study at home huh! Tengga as of presstime ang Clique V at Belladonnas dahil na rin sa pandemya. Pero bago pa man nabigyang pansin si Sean ay pinagkaabalahan din nito ang youtube at tiktok noh! Anyways, cute naman talaga si Sean. Hindi nga lang katangkaran pero kakaiba naman ang kanyang sex appeal. Minsan nga biniro ko ito kung may pinaretoke siya sa kanyang mukhang dahil napakaguwapo niya talaga na kaagad niya namang pinabulaanang walang retoke sa kanyang buong katawan lalo na sa mukha! Hay naku! Maraming beks ang maglalaway lalo kay Sean kapag napanood na siya sa pelikulang kanyanh kinabibilangan ngayon. Abangan natin mga beklas! 

KORINA SANCHEZ NASA TV5 NA?

Nagkagulatan last week nang tuluyang pumirma ng kontrata sa bakuran ng TV5 ang sikat at respetadong male broadcaster ng kapamilya network na si Ted Failon pagkatapos nitong mamaalam sa ere ng TV Patrol. Kasamang pumirma ng kontrata ni Manong Ted si DJ Cha Cha na dati ring DJ ng MOR. Nagkagulatan dahil sa totoo lang ay wala namang naging usap-usapan that time kung saang network lilipat si Manong Ted dahil ang alam lang naman ng lahat ay magpapahinga muna siya. Actually ang naging matunog kaagad noon na lilipat sa DZRH ay sina Gerry Baja at Ka Tunying. Anyways, nitong araw ng lunes lang ay sumabog naman ang balitang pipirma o nakapirma na ng kontrata o lilipat na rin o magiging kapatid na rin ang sikat na female news anchor ng kapamilya network na si Korina Sanchez. Mukhang bitbitin raw ni Korina ang kanyang buong staff sa kanyang paglipat sa bakuran ng TV5 ganoon na rin ang kanyang programang Rated K na kasalukuyan naman nating napapanood lamang sa facebook page nito. Dahil din sa naturang pagpasok daw ni Korina sa bakuran ng TV5 ay lumabas naman ang isyung si Korina daw ang mas pinili ng nasabing network na bigyan ng show o slot kahit naka-blocktime ito keysa kay Kris Aquino. Nung una ay parang feeling ko ganoon nga ang nangyaring desisyon ng TV5 hanggang sa nilinaw naman ng TV5 na walang katotohanan ito. Well, since nasa bakuran na ng nasabing network sina Ted Failon at Korina Sanchez, tanong ng marami ay magiging maganda na raw ba ang kalakaran lalo ng news and current affairs ng naturang network? Mas magiging malakas na rin daw ba ang puwersa ng TV5 News room laban sa GMA7? Well, ganoon talaga! Alangan namang nga nga ang mga ito sa pagkawala ng kapamilya network? Alangan namang hindi na sila magtrabaho? Pero ang tanong ko, bakit blocktimers ang mas gusto ngayong papasukin ng TV5 sa kanilang kuwadra? Nasaan na kaya ang pera ni Sir Manny Pangilinan? Hindi ba't bonggadera sila? Balita rin namin ay wala na ring entertainment room o department ang TV5? So ano na? Anyways, dasal naman nating lahat na sana ay pasukin na ngayon ng mas marami pang TVC's ang naturang network para naman happy lang lahat, hindi ba? Basta, happy naman ako kung totoong Korina is Back sa TV5! Goodluck Ms. Korina Sanchez-Roxas! We love you! I love Rated K!

 

JANELLA SALVADOR PREGGY DAW?

Months ago ay naging laman ng ilang blind items ang isang kapamilya celebrity na buntis diumano. Hanggang sa lumabas nga sa naturang balita ang pangalan ng supet loves naming si Janella Salvador. Maraming friendship ang nagtanong ng personal sa akin kung totoo ang tsismis hanggang sa pinatulan ko rin ito sa aking Keri Pa Ba Facebook Live show. May mga tao akong tinanong sa pamamagitan ng pagtetext sa kanila na malapit na malapit kay Janella kung totoong preggy ito. Yes. I texted Tito Manny Valera bilang ito naman ang manager ni Janella sa DMV. But sad to say na wala akong natanggap na textback mula kay Direk Manny Valera. Deadma na rin ako about the said issue pero nakabantay ako sa mga post ni Janella sa kanyang instagram account. Hanggang sa nitong nakaraanh linggo ay may pinost si Janella habang yakap-yakap siya ni Marcus Paterson and like ko yung caption huh! Hanggang sa may isang matalik na kaibigan ang nagsabi sa akin na buntis daw si Janella! Sabi ko wait, i have to ask this time the managet mismo of Marcus na si Mario Colmenares. I messaged Kuya Mario and asked him kung totoo bang nabuntis ni Marcus si Janella. Mario answered na hindi niya alam at parang nabigla pa sa tsikang buntis si Janella. Ayoko namang mangulit because of the fact na sumagot naman siya ( Mario ) and that's it! Anyways, magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng tanong kung totoo nga bang preggy si Janella o hindi. Saganang akin lang po, why not! Nasa right age naman na yata silang pareho ni Marcus and why not dahil kapag nagmahal naman tayo ay tanggap na natin kung anu-anong mangyayari sa ating buhay at career kapag pinasok na natin ang isang sitwasyon, hindi ba? Kung totoo mang preggy si Janella, Congrats sa kanilang dalawa ni Marcus! Atleast, nagbunga na ng isang anghel ang kanilang pagmamahalan at wala akong nakikitang mali kundi happiness lang! That's life! Reyaledad po ng buhay yun! Happy for them! 



 

BUGOY CARINO AT EJ LAURE MASAYA KASAMA ANG ANAK AT PAMILYA

Ang larawang ito ay nakuha ko mismo sa instagram post ni Bugoy Carino. Lately lang ito lumabas at marami ang nabigla, yung iba ay abot langit ang negatibong reaksiyon na kesyo daw parehong nagsinungaling ang dalawa noon. Sinisi pa ang dalawa na para bang may obligasyon ang dalawa sa mga detractors nito. Aba, yung iba naman ay nagdiwang dahil wala naman daw masama sa ginawa ng couple kung nilihim man nila ito noon at ngayong malaki na ang kanilang baby girl ay saka lang nila nilantad. Sinulat ko rin ito noon sa isang column ko. Kinumpirma ko rin noon dahil inamin mismo sa akin noon ni Bugoy ang tungkol sa isyu at bilang mahal ko si Bugoy at Mommy ay binigay ko sa kanila ang respeto. Ganoon nanan dapat. Hindi ko saklaw ang panghimasukan ang buhay ng may buhay. Anyways, sa post ni Bugoy ay kitang-kita namang napakasaya niya dahil sa biyaya ng pagkakaroon nito ng sariling pamilya, magandang asawa na sikat na volleyball player na si EJ Laure at napakaganda at malusog na anak. Obcourse, sabi ko nga kay Bugoy, huwag na pansinin ang mga negang reaksiyon. Huwag na patulan ang bashing and everything dahil wala rin naman itong patutunguhan. Basta happy na raw si Bugoy sa kanyang life. Blessed na diumano siya at tuloy-tuloy lang ang buhay! Tengga daw muna ang karera at raket this time at hahataw nalang daw muli kapag tapos na ang pandemya! Yun na! 

NAKAKABAGABAG ANG SINAPIT NI JOHN REGALA

Isa ako sa nabagabag nung nakaraang buwan lang ng maglabasan sa social media ang larawan ng aktor na si John Regala. Kaagad akong nakaramdam ng lungkot sa nakita kong kalagayan niya at halos isang linggo ko rin itong ipinanawagan sa aking daily facebook live show na Keri Pa Ba! Nakakaantig kako ang kanyang kalagayan. Naisip ko na hindi talaga lahat ng nag-aartista ay nagkakaroon ng magandang buhay o nagiging maayos ang buhay. Karamihan talaga sa mga showbiz workers katulad ko ay pang-raos lang ang nagiging trabaho. Yun lang, celebrity ka at kilala at sikat pero sa likod nun ay ang isang masaklap pala nitong buhay. Meaning, maaring hindi talaga nakapag-ipon ng maayos itong si John Regala kaya naman nitong panahong siningil na ng karamdaman ang kanyang katawan ay hindi niya ito napaghandaan na humantong ngayon sa kanyang paghingi ng saklolo sa mga kasamahan sa mundo ng showbizlandia! In all fairness, marami na pala ang nagbigay o nagparating ng tulong na financial sa aktor mula pa noon. Lalo na nitong huling insidenteng isinugod na talaga siya sa ospital ay napakarami rin ang dumamay sa kanyang naging gastusin. Praise GOD ika nga nila! Maaring nagkaroon man ng isyu kamakailan lang patungkol sa mga taong sumaklolo sa kanya, hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga ay ang okey na siya ngayon, nakakaluwag-luwag na ang kanyang pakiramdam at alam niya na ang kanyang totoong sakit na nangangailangan talaga ng pang-matagalang gamotan. May mga sentimiyentong inilabas din si John Regala patungkol sa mga taong nagdamot sa kanya pero intindihin natin yun bilang hindi talaga madali ang kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. Wala kaming ibang dasal kundi ang sanay malagpasan ng sikat na aktor ang trahedyang ito na dumapo sa kanyang buhay. Paalala sa lahat, hanggat bata pa at kumikita, lalo na sa mga artista, mag-ipon dahil sabi nga nila, hindi natin alam ang buhay natin bukas dahil hindi natin hawak ang ating mundo. Bilog nga ito ika nga nila! 

 

KATHNIEL MAGPAPAKASAL NA?

Nawindang ako sa isang ilonggo article patungkol sa KathNiel. Ayon sa artikulong naisulat ay tila magpapakasal na raw o lalagay na sa tahimik ang KathNiel next year! Super react ako to the highest level huh! As in napasigaw ako ng why not! Diba? Sabi ko nga, bakit naman hindi? Unang-una ay nasa tamang edad na ang dalawa at may sariling pera na rin na kaya na nilang bumuhay ng isang pamilya. Pangalawa, almost 9 years na rin silang lovers on and off screen, diba? Tapos, may napatunayan naman na silang dalawa sa kanilang career bilang mga artista, diba? Maaring kapag after 3 or 4 years nila planong magpakasal, am sure sasabihin ng iba ay late na. Pero siyempre, nasa tugatog pa rin kasi sila ng kanilang career at sa totoo lang, kahit sabihin nating kaya na nila, hindi ganoon kadali ang nagdesisyong bumuo ng isang pamilya lalo na't heto nga't may kinakaharap pa tayong pandemya. Well, ayon na rin sa ilang fans and followers ng dalawa, why not naman ang tsika pero marami parin ang nagsabing huwag muna at masyado pang maaga, tama nga naman! 
Sa puntong ito ay wala pong katotohanan ang tsikang yan huh! Tuldukan na ang tsikang ikakasal na ang KathNiel next year dahil ang alam kong ikakasal next year ay si Queen Mother Karla Estrada sa kanyang love na si Jam Ignacio! Yun na! 
Until now ay wala parin akong balita kung kelan ulit magso-shoot ang dalawa para sa pelikulang ' After Forever ' ni Cathy Garcia-Molina. Samantalang busy naman ngayon sa kanyang rehearsals si Daniel Padilla para sa nalalapit nitong Apollo October 11 Digital Concert! Yun na!
KATHNIEL