Isa ako sa nabagabag nung nakaraang buwan lang ng maglabasan sa social media ang larawan ng aktor na si John Regala. Kaagad akong nakaramdam ng lungkot sa nakita kong kalagayan niya at halos isang linggo ko rin itong ipinanawagan sa aking daily facebook live show na Keri Pa Ba! Nakakaantig kako ang kanyang kalagayan. Naisip ko na hindi talaga lahat ng nag-aartista ay nagkakaroon ng magandang buhay o nagiging maayos ang buhay. Karamihan talaga sa mga showbiz workers katulad ko ay pang-raos lang ang nagiging trabaho. Yun lang, celebrity ka at kilala at sikat pero sa likod nun ay ang isang masaklap pala nitong buhay. Meaning, maaring hindi talaga nakapag-ipon ng maayos itong si John Regala kaya naman nitong panahong siningil na ng karamdaman ang kanyang katawan ay hindi niya ito napaghandaan na humantong ngayon sa kanyang paghingi ng saklolo sa mga kasamahan sa mundo ng showbizlandia! In all fairness, marami na pala ang nagbigay o nagparating ng tulong na financial sa aktor mula pa noon. Lalo na nitong huling insidenteng isinugod na talaga siya sa ospital ay napakarami rin ang dumamay sa kanyang naging gastusin. Praise GOD ika nga nila! Maaring nagkaroon man ng isyu kamakailan lang patungkol sa mga taong sumaklolo sa kanya, hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga ay ang okey na siya ngayon, nakakaluwag-luwag na ang kanyang pakiramdam at alam niya na ang kanyang totoong sakit na nangangailangan talaga ng pang-matagalang gamotan. May mga sentimiyentong inilabas din si John Regala patungkol sa mga taong nagdamot sa kanya pero intindihin natin yun bilang hindi talaga madali ang kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. Wala kaming ibang dasal kundi ang sanay malagpasan ng sikat na aktor ang trahedyang ito na dumapo sa kanyang buhay. Paalala sa lahat, hanggat bata pa at kumikita, lalo na sa mga artista, mag-ipon dahil sabi nga nila, hindi natin alam ang buhay natin bukas dahil hindi natin hawak ang ating mundo. Bilog nga ito ika nga nila!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment