Released na sa mga digital platforms tulad ng Spotify, iTunes, Apple Music, TikTok, You Tube music ang debut single ng aspiring singer-actor na si John Gabriel na “Oh, Pilipina.”
Laking tuwa ng 20 year-old na tubong-Marikina ang paglabas ng kanyang single dahil mahilig na sa musika si John kahit nu’ng bata pa siya. Hip-hop ang kanyang genre kaya pinag-aralan niya itong mabuti. Alam ni John na may maganda siyang boses pero hindi pumasok sa kanyang isip ang sumali sa mga singing contests kahit pa intense ang interest niya sa music at singing.
Unang sumubok sa pagiging bokalista ng isang banda si John. Kasama ang kanyang mga kaibigan sa Heart of Mary College ay binuo nila ang bandang The Jaywalkers. In fairness, tumagal nang tatlong taon ang kanilang banda na lalong nagpaigting sa pangarap ni John na maging kilalang singer katulad ng kanyang mga idolong sina Justin Bieber at Daniel Padilla.
“Ever since na napanood at napakinggan ko sila, I want to be like them. They inspired me to pursue my dreams po,” sabi ni John.
Ngayong nasa showbiz na siya, ang unang gustong ma-achieve ni John ay ang maipakita ang kanyang talent sa mas malaking audience. Bukod sa pagkanta, he can also play musical instruments tulad ng guitar at drums.
But wait, there’s more! Gusto rin niyang subukin ang acting. “Im very happy po and overwhelmed kasi this is my first time na pagkatiwalaan ng isang manager. Kaya lahat po nang ipinapagawa niya sa akin ay ginagawa ko the best way I can. From being a nobody, I want to be somebody. Gusto ko pong makilala bilang isang mahusay na singer at actor,” pahayag ni John na mina-manage ni Daddie Wowie Roxas.
“Gusto ko pong makilala bilang isang hip-hop artist. Alam ko pong marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang pangarap ko pero naniniwala po ako na time and patience is the key of success,” dagdag pa ng loving, caring at malambing na baguhang singer.
Naniniwala siya na right timing ang pagpasok niya sa showbiz. Anim na taon na ang nakararaan ay nagpadala siya ng kanyang bio kay Daddie Wowie para mag-apply as talent pero dahil sa palagay ng manager ay hindi pa hinog si John ay hinayaan muna siyang ma-improve ang kanyang sarili bago ito sumalang. Kaya naman nu’ng nakaraang November, si Daddie Wowie mismo ang nagsabi na puwedeng-puwede na siya. Kaya malaki ang pasasalamat ni John na sa poder ni Daddie Wowie siya napunta.
“I am so grateful to him kaya I am doing my best sa lahat ng mga ipinagagawa niya sa akin kahit pa may lockdown o kahit na gaano pa kahirap ang kailangan kong gawin to prepare myself for a career in showbiz.
“I want to prove to Daddie Wowie that I am worth it. I will strive to be the best that I can be,” sabi ni John na handang-handa na sa kanyang pagpasok sa magulo pero masayang mundo ng showbiz.
“Naniwala po ako sa destiny. If it’s meant to happen, it will happen. Pangarap ko ito and hindi ako titigil to fulfill my dream,” sabi ni John na kasali rin sa pelikulang My First and Forever under Heaven’s Best Entertainment featuring Rita Daniella and Ken Chan.
Check out John Gabriel first single on digital music stores #spotify #itunes #applemusic at naririnig na rin ngayon ang “Oh, Pilipina” sa Forever Request ng Baranggay LS 97.1 FM.
Kaya sa mga tagahanga at sumusubaybay sa alaga ni Daddie Wowie Roxas, tutok na 4-8PM daily sa Barangay LS 97.1, tumawag sa 8374-8737at i-request ang kanta ng bago ninyong idolong si John Gabriel.
No comments:
Post a Comment