ALAN PETER CAYETANO NAGDIWANG NG KAARAWAN SA CIA WITH BA SINAGOT ANG HARD QUESTIONS


Alan Peter Cayetano, nagdiwang ng kaarawan sa ‘CIA with BA,’ sinagot ang ‘hard’ questions

“Debate sa Senate o debate kay misis?”

Isa ito sa mga tanong na sinagot ni Alan Peter Cayetano sa episode ng CIA with BA noong Oktubre 27, sa isang espesyal na edisyon ng segment na Payong Kapatid bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Ang tanong ay mula kay Angelo Borlongan, isang pulis na minsang itinampok sa segment na Salamat.

“Mas madali sa Senate. Kahit papano may panalo ako do’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” biro ni Kuya Alan.

Isa pang tanong ang nagmula kay Mocha Uson: “Paano ba maging feeling young forever? Anong sikreto mo?”

Sa pagkakataong ito, seryosong sinagot ni Kuya Alan ang tanong: “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline [is] tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”

Nagbigay naman ng mas seryosong tanong ang musikero na si Jimmy Bondoc: “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”

“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” sagot ng Senador.

Bilang pagtatapos, sinabi ni Cayetano, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling din so I hope Ate [Pia], Kuya Boy, myself, the show, our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through ‘CIA with BA.’”

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Boy Abunda kay Kuya Alan habang binabati ito: “Nais kong magpasalamat kay Kuya Alan for all the things you do for us, this country at higit sa lahat, for showing us that you can be a Senator and be childlike at the same time.”

“Continue to be an inspiration to many people,” dagdag ni Pia, kapatid ni Alan at co-host ng programa.

ALAN PETER CAYETANO CELEBRATES BIRTHDAY ON CIA WITH BA ANSWERS HARD QUESTIONS

Alan Peter Cayetano celebrates birthday on ‘CIA with BA,’ answers ‘hard’ questions

“Debate sa Senate o debate kay misis?”

This was one of the questions answered by Alan Peter Cayetano in the October 27 episode of CIA with BA, featuring a special edition of the segment Payong Kapatid to celebrate his birthday.

The question came from Angelo Borlongan, a policeman previously featured in the segment Salamat.

“Mas madali sa Senate. Kahit papano may panalo ako do’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” Kuya Alan joked.

Another question came from Mocha Uson: “Paano ba maging feeling young forever? Anong sikreto mo?”

This time, Kuya Alan answered more seriously: “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline [is] tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”

Musician Jimmy Bondoc, meanwhile, asked a more serious question: “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”

“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” said the Senator.

As he concluded, Cayetano shared, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling, so I hope Ate [Pia], Kuya Boy, myself, the show, and our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through ‘CIA with BA.’”

Boy Abunda then expressed his gratitude to Kuya Alan, saying, “Nais kong magpasalamat kay Kuya Alan for all the things you do for us, this country, at higit sa lahat, for showing us that you can be a Senator and be childlike at the same time.”

“Continue to be an inspiration to many people,” added Alan’s sister and co-host, Pia.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

MALE GROUP NA MAGICVOYZ UMAARANGKADA NA

Hindi na nga paawat ang newbie all-male group na MagicVoyz sa kanilang patuloy na pag-ariba sa showbiz industry. After silang mailunsad last September 10 bilang grupong kumakanta at sumasayaw, nitong October 27 lang ay muli na namang nagpakitang gilas ang grupo sa Viva Cafe - Araneta City.

Mas masaya, malugalig at mas seksing MagicVoyz ang aming napanood this time kung saan halatang may progreso na sila bilang mga performers. Nasa kanila na ang confidence na hahanapin mo sa isang performer habang pinapanood mo sila!

Todo suporta rin sa kanila ang kanilang mga kapatid sa bakuran ng LDG Productions ni Lito De Guzman na sina Marian Saint, Aya Alfonzo, Megan, Yda Manzano at Krista Miller na nagkaroon ng kanya-kanyang spot during the said concert.

Proud na proud ding ipinasilip sa amin ng MagicVoyz ang kanilang ginawang music video para sa kantang ' Bintana ' kung saan nagkaroon naman ng appearance ang seksing aktres na si Robb Guinto.

In-all-fairness, masarap sa tenga ang kantang Bintana ng grupo na sarili nilang komposisyon at Viva Records naman ang nag-released nito.

Halos lahat ng miyembro ng MagicVoyz ay ang ya-yummy, sa totoo lang! Mga guwapo at seseksi! 

Wala namang ibang hilung ang buong grupo kundi ang sana ay patuloy silang makagawa pa ng kanta at makapag-perform pa sa iba't ibang lugar dahil sa totoo lang ay nakakakikug naman sila talaga! 

Ang MagicVoyz ay nasa pangangalaga ni Lito De Guzman ng LDG Productions at Viva Artist Agency!

Goodluck guys! More shows and projects!

DWAYNE GARCIA NEWBIE SINGER NA MALAKAS ANG POTENTIAL MAGING SIKAT

Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven Tan na mula sa mga kantang Anong Nangyari Sa Ating Dalawa noon ni Aiza Seguerra at Pare Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan ay isang napakagandang lyrics at music naman ang kanyang inilapat sa kantang Taym Perst Muna sa boses ng baguhang singer na si Dwayne Garcia.

Yes na yes! Dahil napapanahon ang kantang ito patungkol sa mga kabataan ngayong napapagalitan ng mga magulang at makukulit! Napapanahon din dahil kapag napakinggan niyo ang kanta ni Dwayne, pasok ito sa millennials! Pasok din ang boses ng isang 14 years old na si Dwayne dahil napakaganda ng kanyang boses sa ngayon palang.

Sa aming pakikipagtsikahan kay Dwayne last friday evening sa Gloria Maris sa Gatway Mall sa Araneta City ay naging maboka ito sa pagsasabing excited na ito sa magiging reaponse ng kapwa niya kabataan sa kanyang debit single na idi-distribute naman ng Star Music PH.

Pangarap daw talagang maging isang sikat na singer ni Dwayne at naging vocal ito sa pagsasbaing gusto niyang sundan ang yapak ng sikat na sikat ngayong actor-singer na si Juan Karlos huh!

Laking pasalamat din daw ni Dwayne sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Direk Joven Tan na gawan siya ng napakagandang kanta. Actually, may mga gusto na rin daw siyang gustong gawin pang kanta at nasabi niya narin daw ito kay Direk Joven Tan.

Very lucky daw siya, ayon pa kay Dwayne ang pagkakaroon ng mga magulang na sobrang supportive sa kanyang pangarap. Hindi raw nagkukulang ang kanyang mga magulang sa pagpapaalala sa kanyang patuloy lang sa kanyang pangarap at nasa tabi niya lang daw ang mga ito.

Gusto niya rin daw umarte pa sa harap ng kamera at isa-isa lang daw ayon pa kay Dwayne na hindi ko maiwasang purihin dahil sa super cute ito at guwapo huh!

Total package na ang nakikita ko sa bagets na kapag nagtuloy-tuloy lang sa kanyang pangarap, one day ay mabibigyang pansin din ito at magiging isang sikat na male recording artist! 

Asahang sa mga parating na araw ay mag-iikot na rin ang bagets upang i-promote ang kanyang debut single na atin ng maririnig sa digital platform na Spotify! 

VILMA SANTOS, LUIS MANZANO AT CHRISTIAN TUNAY NA NAGSESERBISYO SA BATANGAS

👉 Mukhang wala ng makakapigil pa sa pagbulusong ng buong pamilya ni Vilma Santos sa mundo ng pulitika! Vilma Santos filed her candidacy bilang Batangas Governor. Si Luis Manzano filed also bilang Vice-Governor. Si Christian Recto naman filed his candidacy bilang Congressman ng Batangas! 

👉 Sabi ng karamihan, hindi paraw ba kuntento ang buong angkan nila sa dami ng kanilang pera at yamang materyal sa mundo? Hindi paraw ba kuntento ang buong lahi lalo na't naka-posisyon naman si Ralph Recto ngayon sa administrasyong Marcos bilang Finance Secretary? 

👉 Hindi paraw ba sapat ang pamumulitika nila at this time ay buong angkan na? 

👉 Birada po ito ng mga ayaw sa salitang political dynasty in this country na pilit inilalaban sa Ongreso at Senado na pag-aralan at dapat na diumanong mahinto. 

👉 Binging-bingi napo ako sa salitang tama na at ihinto na ang political dynasty! Nahinto ba? May solido bang nilalaban ito? Wala, hindi ba?

👉 Huwag po nating sisihin at batikosin ang mga angkang gustong pasukin ang politika. Huwag po nating dikdikin ang mga taong gustong magsilbi sa kanilang kababayan! Dahil wala po tayong magagawa kung tao po mismo ang humihiling sa kanilang tumakbo at sakupin ang isang bayan o probinsiya!

👉 Dahil alam po ng mga tao kung sino ang totoong tumutulong sa kanila. Kung sino po ang i-uupo nilang magseserbisyon sa kanila at madali nilang nalalapitan sa lahat ng oras!

👉 Huwag nating kuwestiyunin ang pamilyang ito dahil simulang maupo si Ate Vi bilang public servant sa Batangas, never siyang nagkaroon ng isyung korupsiyon at never siyang nagkaroon ng isyung nega sa bawat mamamayan ng Batangas!

👉 Hinahanap ng tao ang kalinga ng pamilya ni Ate Vi kaya sila ang gustong iluklok ng Batanguenos! 

👉 Kasi, maaasahan sila! Kaya stop questioning political dynasty. Tao po ang sigurado akong maglulukolok sa kanila sa paparating na mid-term election! Hindi po issue ang political dynasty para sa akin!

👉 Ang isyu sa akin ay kayong mga lumang pulitikong nabuhay sa pangungurakot sa pera ng taong-bayan! Kayong mga politicians na nakahiga sa pera ng bayan. Kayong mga pulitikong galing sa pangungurakot ang ipinapakain ninyo sa inyong pamilya!

👉 Mabuhay ka Ate Vi, Luis, Christian at Finance Secretary Ralph Recto!!!

ION PEREZ PAPASUKIN NARIN ANG PULITIKA

👉 After niyang mag-file ng kanyang candidacy para sa isang local position sa Tarlac, binatikos agad si Ion Perez. Kaagad siyang inakusahan ng hilaw pa sa mundong kanyang papasukin. Popularity wise, kilala daw si Ion at maaring ito ang nagtulak sa kanya upang pasukin ang pulitika at nasa hilera ng salitang paglilingkuran at tutulungan ang kanyang mga constituents! 

👉 Oo nga naman! Isang baguhang artista sa showbizlandia at jowa ni Vice Ganda. Pero teka naman, kung nasa puso naman ni Ion ang pagtulong, bakit naman natin haharangan at husgahan ang kanyang hangaring ito, hindi ba? Bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataong makapaglingkod at malay natin, isang araw ay mismong mga kababayan niya na rin sa Tarlac ang magluklok sa kanya sa mas mataas pang posisyon dahil nga sa napatinayan niyang naglingkod siya! 

👉 Marami nga tayong mga politicians na hindi naman mga celebs pero mga kurakot naman at walang ginawa para sa bansang ito! Realtalk lang!

10 BATAS NI AI AI DELAS ALAS NA NAGPA-LOL KAY BOY ABUNDA SA CIA WITH BA

10 Batas ni Ai Ai delas Alas na nagpa-LOL kay Boy Abunda sa ‘CIA with BA’

Nagkaroon ng masayang twist ang maagang pagdiriwang ng kaarawan ni Boy Abunda sa 'CIA with BA' nitong Linggo, Oktubre 20, nang mag-guest ang kanyang matagal nang kaibigan at talent na si Ai Ai delas Alas sa show upang ibahagi ang kanyang mga nakakatawa at hipotetikong batas na tinawag niyang 'Ai Law.'

Bagama’t legal ang tema ng programa, nagdala ang Comedy Queen ng sampung nakakatuwa at malikhaing "batas," na bawat isa ay may kanya-kanyang humor na nagpatawa hindi lang kay Boy, kundi pati na rin sa mga manonood.

1. Think before you click. Be sure na hindi ka naka-free data.
“Minsan hindi natin nakikita ang kabuuan ng isang content na mga nababasa natin. Dapat tinitignan natin ang mga opinyon na ‘yan by having a reading comprehension,” ani Ai Ai.

2. Huwag makialam sa buhay ng may buhay. Kung ayaw mo ng away ay magbagong buhay.
“Para ito sa mga marites,” pahayag ni Ai Ai, na tumutukoy sa mga mahilig makialam sa buhay ng iba.

3. Kung hindi ka tinatanong, ‘wag kang palasagot. Kung hindi ka kasama sa interview, ‘wag kang umeksena.
Ito daw ay perpektong payo para sa mga mahilig makisawsaw kahit hindi naman kailangan, ayon sa aktres.

4. Kahit mag-overtime, ligo-ligo din ‘pag may time.
“Para naman ito sa mga empleyado na naka-work from home,” pabirong sabi niya, patungkol sa mga remote workers na maaaring napapabayaan na ang pagligo.

5. Face your problem, but if the problem is your face, use a filter.
“Kunwari nagpapa-picture ka tapos hindi ka naman kagandahan. Syempre, sa totoo lang, marami naman tayong app for the filter. Pero minsan ‘wag din masyadong sobra kasi minsan nagiging ano ka na, half filter half human,” nakakatawang paliwanag niya.

6. Every gising is a blessing pero ‘wag ugaliin sa trabaho ang powernapping.
“Pag ikaw ay nagtatrabaho, ‘wag kang matulog dahil hindi ka naman sinuswelduhan para matulog,” paalala ni Ai Ai sa mga empleyado.

7. Kung hindi mo pagmamay-ari ay pwede mong titigan pero ‘wag mong titikman dahil baka malason ka dyan.
“Ito naman ay para do’n sa mga mang-aagaw ng jowa, mga anaconda,” aniya, tumutukoy sa mga nakikihati sa mga may relasyon na.

8. Kapag inano ka, dapat anohin mo rin para kahit paano ay naano mo na siya para ‘di ka anohin uli.
Payo naman daw ito para sa mga nasa sitwasyon kung saan dapat ay marunong kang gumanti nang naaayon.

9. Isasabatas ko ang pag-aaral ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Kumain ka na ba? “Kadalasan ang sagot, ‘Busog ako.’ ‘Di ba dapat, ‘Oo’ o ‘Hindi.’”
  • Nandyan na ba ang nanay mo? “Ang sagot, ‘Bakit po?’ ‘Di ba dapat ang sagot, ‘Wala’ o ‘Nandito po.’”
  • Anong oras na? “Ang sagot, ‘Maaga pa.’ ‘Di ba dapat ang sagot, ‘9:30,’ ‘4:30’…”

10. Love your mother and your father dahil sa 10 Commandments, ito ang may reward.
“Medyo seryoso ‘to, turo mo ‘to sa’kin,” pagtatapos ni Ai Ai, na nagbahagi ng batas na may inspirasyon mula sa Bibliya.

Ipinakita ng episode na kahit seryoso ang usapan tungkol sa batas, may lugar pa rin para sa mga nakakatuwang sandali. Sa "Ai Law" ni Ai Ai delas Alas, hindi makakalimutan ang selebrasyon ng kaarawan ni Boy sa 'CIA with BA' na nagin punong-puno ng saya at good vibes.

Patuloy na itinataguyod ng 'CIA with BA' ang legacy ng yumaong Senador Rene Cayetano at napapanood ito tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

10 HILARIOUS ' AI LAW ' FROM AI AI DELAS ALAS MAKE BOY ABUNDA LOL ON CIA WITH BA

10 hilarious 'Ai Law' from Ai Ai delas Alas make Boy Abunda LOL on 'CIA with BA'

Boy Abunda's early birthday celebration on 'CIA with BA' Sunday, October 20, took an entertaining turn as his longtime talent and friend, Ai Ai delas Alas, joined the show to share a series of comical and hypothetical laws she coined as ‘Ai Law.’

With the usual legal theme of the show, the Comedy Queen shared ten whimsical and imaginative "laws," each with its own humorous touch, delighting the award-winning host as well as the audience.

  1. Think before you click. Be sure na hindi ka naka-free data.
    “Minsan hindi natin nakikita ang kabuuan ng isang content na mga nababasa natin. Dapat tinitignan natin ang mga opinyon na ‘yan by having a reading comprehension,” said Ai Ai.
  2. Huwag makialam sa buhay ng may buhay. Kung ayaw mo ng away ay magbagong buhay.
    “Para ito sa mga marites,” Ai Ai said, aiming at gossipers who often meddle in others' lives.
  3. Kung hindi ka tinatanong, ‘wag kang palasagot. Kung hindi ka kasama sa interview, ‘wag kang umeksena.
    This is the perfect advice for those who tend to butt in where they’re not needed according to the actress.
  4. Kahit mag-overtime, ligo-ligo din ‘pag may time.
    “Para naman ito sa mga empleyado na naka-work from home,” she quipped, poking fun at remote workers who might skip showers.
  5. Face your problem, but if the problem is your face, use a filter.
    “Kunwari nagpapa-picture ka tapos hindi ka naman kagandahan. Syempre, sa totoo lang, marami naman tayong app for the filter. Pero minsan ‘wag din masyadong sobra kasi minsan nagiging ano ka na, half filter half human,” she noted.
  6. Every gising is a blessing pero ‘wag ugaliin sa trabaho ang powernapping.
    “Pag ikaw ay nagtatrabaho, ‘wag kang matulog dahil hindi ka naman sinuswelduhan para matulog,” Ai Ai reminded employees.
  7. Kung hindi mo pagmamay-ari ay pwede mong titigan pero ‘wag mong titikman dahil baka malason ka dyan.
    “Ito naman ay para do’n sa mga mang-aagaw ng jowa, mga anaconda,” she said, referencing those who pursue relationships with taken individuals.
  8. Kapag inano ka, dapat anohin mo rin para kahit paano ay naano mo na siya para ‘di ka anohin uli.
    This, according to Ai Ai, is a law for handling situations where people do things to you that you must also respond to, albeit in a vague way.
  9. Isasabatas ko ang pag-aaral ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:
  • Kumain ka na ba? “Kadalasan ang sagot, ‘Busog ako.’ ‘Di ba dapat, ‘Oo’ o ‘Hindi.’”
  • Nandyan na ba ang nanay mo? “Ang sagot, ‘Bakit po?’ ‘Di ba dapat ang sagot, ‘Wala’ o ‘Nandito po.’”
  • Anong oras na? “Ang sagot, ‘Maaga pa.’ ‘Di ba dapat ang sagot, ‘9:30,’ ‘4:30’…”
  1. Love your mother and your father dahil sa 10 Commandments, ito ang may reward.
    “Medyo seryoso ‘to, turo mo ‘to sa’kin,” Ai Ai noted, concluding with a law inspired by biblical teachings.

The episode showed that even on a show that tackles legal matters, there’s always room for lighthearted moments. Ai Ai delas Alas' "Ai Law" made Boy’s early birthday celebration on 'CIA with BA' one to remember, filled with laughter and good vibes.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

JC SANTOS PINAGDASAL MAKAPAG-SHOOT NG MOVIE SA NEW ZEALAND

📍 JC SANTOS PINAGDASAL MAKAPAG-SHOOT NG MOVIE SA NEW ZEALAND 📍


👉 Sa kabuuan ay halos nakakaapat na film na si JC Santos sa bakuran ng 316 Media Network ni Ma'am Ollirrac Nylinaj 

👉 Ito ay ang mga pelikulang #Tahan #ACupOfFalvor tapos may isa pang ginawa si JC sa Taiwan at heto ngayon ang #SummerRain with Arci Munoz, Itan Rosales at Kelly Day.

👉 The film was shot entirely sa New Zealand na ayon pa kay JC Santos ay ipinagdasal niyang one day ay marating niya rin ang naturang cool and cold country to shoot a film.

" Sobrang saya! Dahil first time kong mag-New Zealand in my life. Bucketlist ko yan eh! Ipinagdasal ko na makapag-shoot ako sa New Zealand, tapos nangyari nga! Kaya sobrang pasalamat ko kay Nay Len for giving me the opportunity. Sobrang mahal ko na ang 316 kasi they always gave me work and beautiful projects. Pamilya na ako kung ituring nila. At sobrang blessed ko lang din to have them, the treatment nila sa akin, sobrang saya at pasalamat ko. " paglalahad pa ni JC Santos nung makatsikahan namin ito sa isang get together dinner na ipinatawag ng 316 Media Network at Vipe Studios.

👉 Like what i said, paiiyakin ka rin nina JC Santos at Arci Munoz sa tema ng pelikulang #SummerRain 

👉 Ayon narin mismo kay JC, it's a heavy drama film na magpapatulo ng iyong luha!

" It'a all about Marco, my character name sa movie. Isa siyang OFW sa New Zealand. Isang IT na Lola's boy. Hanggang sa one day ay nakilala niya ang isang girl, tapos diko alam na gino-ghost na pala ako ni girl. Beautiful amg script na heavy drama siya. " kuwento pa ni JC.

👉 I just love JC Santos. Kasi, isa siya sa maituturing nating pinaka-mahusay na aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon.

👉 Isang award-winning actor na hindi mo naman talaga matatawaran ang husay sa bawat proyektong kanyang ginagawa! 

👉 Ang #SummerRain ay produced po ng 316 Media Network at Vipe Studios.

KELLY DAY INAMING NAPAKA-GENTLEMAN NI PAOLO CONTIS WHILE FILMING ' LOST AND FOUND ' SA NEW ZEALAND

📍 KELLY DAY INAMING GENTLEMAN SI PAOLO CONTIS 📍

👉 Sa katatapos lang na 316 Media Network at Vipe Studios dinner get together ay nakatsikahan namin si Kelly Day. Isa si Kelly sa tatlong bida ng beautiful film ni Louie Ignacio na may titulong #LostAndFound with Paolo Contis and Yuki Sonoda.

👉 Lumipad pa ang grupo papuntang New Zealand para kunan ang naturang pelikula na ayon pa sa kuwento ni Kelly ay paiiyakin ka dahil narin sa magandang kuwento ng film.

👉 Isa rin sa nabanggit ni Kelly during our interview with her ay ang pagiging gentleman ni Paolo not only to her but to everyone na nakasama nila sa shoot abroad.

👉 Pero nanindigan si Kelly na from day 1 magkasama sila abroad while shooting the said film ay hindi niya raw naramdamang nagparamdam sa kanya si Paolo Contis. 


👉 Ayun naman kay Kelly, maaring dahil nga sa alam ni Paolo na may lovelife ngayon ang beauty queen na mina-manage ni Ollirrac Nylinaj 

👉 Umaasa si Kelly na magtuloy-tuloy na ang pagiging aktibo niya sa paggawa ng pelikula after mawala ng ilang taon dahil tinutukan daw nito ang pageant world! 

👉 Goodluck Kelly Day!

LOST AND FOUND, SUMMER RAIN AT HIRAM MGA PELIKULANG PINAGBIBIDAHAN NINA PAOLO CONTIS, JC SANTOS, ARCI MUNOZ, KELLY DAY, YUKI SONODA, ITAN ROSALES AT RICA GONZALES SA BAKURAN NG 316 MEDIA NETWORK AT VIPE STUDIOS

📍 After nilang mag-shoot ng 3 films sa New Zealand for 22 days ay agad namang nagpatawag ng dinner get together si Ma'am Ollirrac Nylinaj ng 316 Media Network at Sir Dave ng Vipe Studios nitong wednesday evening kasama kaming 4 na in-house publicist na ginanap sa Dellingers, Greenbelt, Makati! 

📍 In-fairness, 3 beautiful scripts done in one country that has beautiful movie titles huh! 

📍First, itong #LostAndFound na pinagbibidahan nina Paolo Contis na kilala bilang isang mahusay na aktor at komedyante, Kelly Day at Yuki Sonoda na parehong beauty queens na first time din makatrabaho si Paolo. 

📍Second, itong pelikulang mukhang napakaganda rin ng istorya na pinagbibidahan naman ng parehong mahuhusay na aktor sa movie and television screens na sina JC Santos at Arci Munoz titled #SummerRain 

📍Panghuli ay ang pelikulang #Hiram na pinagbibidahan nina Itan Rosales at Rica Gonzales which is intended naman for Vivamax! 

📍 Nakausap namin sina JC Santos, Kelly Day, Itan Rosales at Rica Gonzales sa katatapos lang na get together dinner at lahat sila, naku, super thankful sa 316 Media Network ni Len Carrillo at Vipe Studios ni Sir Dave.

📍 Dumating din sa naturang pa-dinner ang Wifey ni JC at anak nila, Maco Malo Gomez  and Alyssa Cariño Te Anna Primerose Lucasan-Mati Sir Pancho Carrillo Tiffany Grey Paolo Contis's manager!

📍 Ayon pa kena Ma'am Len at Sir Dave, masusundan pa ang collaboration ng 316 Media Network at Vipe Studios sa pagpo-produce ng magagandang script at pagbibidahan ng ating nga mahuhusay na aktor mula sa local movie and television industry! 

📍 Thank you Maam Len and Sir Dave! Grateful heart always! Thank you sa inyong lahat-lahat sa aking FamiLen!

BOY ABUNDA PINURI SINA ALAN AT PIA CAYETANO SA PAGBABAHAGI NG KAALAMAN TUNGKOL SA BATAS SA CIA WITH BA

Boy Abunda, pinuri sina Alan Peter at Pia Cayetano sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa batas sa ‘CIA with BA’

Ipinahayag ni Boy Abunda ang kanyang paghanga sa mga co-host niyang sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, lalo na ang kanilang pagsusumikap na ipaliwanag ang mga kumplikadong aspeto ng paggawa ng batas.

Sa episode ng public service program na ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Oktubre 13, kinilala ng award-winning na host ang kahalagahan ng mga karanasan at kaalaman ng magkapatid na senador na nagbibigay ng lalim sa mga talakayan sa programa.

“Natutuwa ako ‘pag sinasabi ni Ate Pia, ‘Batas ko ‘yan,’” wika ni Abunda at binigyang diin kung paano nito natutulungan ang mga manonood na maunawaan ang tungkulin ng mga senador sa labas ng mga kilalang Senate investigations. Napansin niya na ang kanilang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng mga batas, kahit pa sa mga tila simpleng isyu tulad ng mga kaso ng pagkagat ng aso, ay nagpapakita ng kanilang malasakit sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

“Pero pag sinasabi nina Kuya Alan, Ate Pia, ‘Alam niyo nung inaaral namin ang batas na ‘yan, pagkagat lamang ng aso,’” pagpapatuloy pa ni Abunda, na binigyang-diin na kahit mukhang maliit na usapin lamang ito sa ilan, ipinapakita ng ganitong detalyadong atensyon ang kanilang malalim na dedikasyon sa pampublikong serbisyo.

Dagdag pa niya, “I’m always delighted ‘pag sinasabi niyo na, ‘Ito ‘yung pinagdaanan namin, ito ‘yung naging debate namin nung ginagawa namin ang batas na ito,’” bilang pagkilala na ang pagbabahagi ng kanilang karanasan sa paggawa ng mga batas ay nagbibigay ng mahalagang dimensyon sa mga talakayan sa programa.

Habang nagbabalik-tanaw sa isa sa mga kasong natalakay sa episode, pinuri ni Abunda ang paalala ni Alan tungkol sa kahalagahan ng agarang pag-aksyon sa maliliit na problema upang hindi ito lumaki at lumala.

Bilang tugon sa repleksyon ni Alan, ibinahagi ni Abunda ang kanyang sariling pananaw: “Ito natutunan ko sa mga pinapanood kong palabas [na] merong mga bagay na hindi tayo komportableng gawin, may mga bagay na hindi tayo komportableng sabihin. Sabi nila, ‘Do the opposite action.’ Labag man sa pride mo kasi ‘yon ang nangingibabaw, do it. Because when you do something that is difficult pero ‘yung dulo no’n ay katahimikan, [do it].”

Ang kanyang repleksyon ay isang makapangyarihang paalala tungkol sa kahalagahan ng pagpapakumbaba at ng paggawa ng mahihirap na hakbang para sa kapayapaan. Ito ay kaakibat ng mensaheng nais iparating ng mga mambabatas sa programa—ang paghikayat sa maagap na solusyon sa mga hamon ng buhay, maliit man o malaki.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at umuere tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replay sa GTV sa susunod na Sabado ng 10:30 p.m.

BOY ABUNDA LAUDS ALAN PETER, PIA CAYETANO FOR SHARING LEGISLATIVE INSIGHTS ON CIA WITH BA

Boy Abunda lauds Alan Peter, Pia Cayetano for sharing legislative insights on ‘CIA with BA’

Boy Abunda expressed his admiration for his co-hosts, Senators Alan Peter and Pia Cayetano, particularly in their efforts to shed light on the intricacies of the legislative process.

In the episode of the public service program ‘CIA with BA’ on Sunday, October 13, the award-winning host acknowledged the significance of sibling senators’ firsthand experiences and knowledge which enrich the discussions on the show.

“Natutuwa ako ‘pag sinasabi ni Ate Pia, ‘Batas ko ‘yan,’” Abunda remarked, highlighting how it helps viewers understand what senators do beyond the highly visible Senate investigations. He noted that their approach to explaining legislation, even down to seemingly minor issues such as cases involving dog bites, demonstrates their sensitivity to the daily lives of Filipinos.

“Pero pag sinasabi nina Kuya Alan, Ate Pia, ‘Alam niyo nung inaaral namin ang batas na ‘yan, pagkagat lamang ng aso,’” Abunda continued, emphasizing that while the matter may seem minor to some, the lawmakers' attention to detail reflects their deep commitment to public service.

He added, “I’m always delighted ‘pag sinasabi niyo na, ‘Ito ‘yung pinagdaanan namin, ito ‘yung naging debate namin nung ginagawa namin ang batas na ito,’” acknowledging how sharing their experiences in crafting laws adds a valuable dimension to the show’s discussions.

Reflecting on one of the cases tackled in the episode, Abunda appreciated Alan's reminder about the importance of addressing small problems early to prevent them from escalating into bigger issues.

In response to Alan's reflection, Abunda shared his own insight: "Ito natutunan ko sa mga pinapanood kong palabas [na] merong mga bagay na hindi tayo komportableng gawin, may mga bagay na hindi tayo komportableng sabihin. Sabi nila, ‘Do the opposite action.’ Labag man sa pride mo kasi ‘yon ang nangingibabaw, do it. Because when you do something that is difficult pero ‘yung dulo no’n ay katahimikan, [do it]."

His reflection resonated as a powerful reminder of the value of humility and the importance of taking difficult actions for the sake of peace. It aligned with the message that both lawmakers convey on the show — advocating for proactive solutions to life's challenges, whether big or small.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

YUKI SONODA GRATEFUL NA MAKATRABAHO SI PAOLO CONTIS SA AABANGANG ' LOST AND FOUND ' MOVIE NG 316 MEDIA NETWORK


THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlong bida ng pelikulang ' Lost And Found ' with Kelly Day and Paolo Contis na kinunan pa sa New Zealand.

The whole production stayed there for almost 22 days para tapusin ang pelikulang dinerehe ni Louie Ignacio. 

Ayon kay Yuki, hindi lahat ng naga-artista ay nabibigyan ng pagpapahalaga at oportunidad tulad ng binigay sa kanya ngayon ng kanyang management. 

Nag-enjoy diumano si Yuki sa New Zealand while shooting the said film that until now ay hindi ko pa alam kung ipapalabas ito sa big screen soon or sa isang paboritong online app!

Hoping that sa kanyang pagiging beauty queen ay magsunod-sunod na ang mga movie projects niya sa bakuran ng 316 Media Network.

Ikinatuwa rin daw ni Yuki ang oportunidad na makatrabaho niya sa big screen si Paolo Contis na bata palang siya ay iniidolo na niya at napapanood na! 

Sabi ko nga, sa 316 Media Network, lahat bago ang istorya at maipagmamalaki mo talaga ang ginagawa nilang pelikula! 

Congrats sa buong team New Zealand!

 

KATHDEN MOVIE NA HELLO LOVE AGAIN SIGURADONG TATABO NA NAMAN SA TAKILYA

Hindi na rin paawat ang fans and followers ni Kathryn Bernardo huh! Sino-shoot palang ang ' Hello, Love, Again ' film nito kasama si Alden Richards ay excited na ang lahat para sa muling pagtatambal ng dalawa! 

Kung ating matatandaan, super blockbuster ang unang pagtatambal ng dalawa sa ' Hello, Love, Goodbye ' nila na nagpasok ng milyon-milyon sa takilya at sa bangko ng Star Cinema noh! 

Aminin natin, iba talaga ang fans and followers nina Kath at Alden noh! Sa ngayon palang ay naka-set na ang maraming block screenings ng movie ng KathDen dito sa Pinas at Abroad! 

Showing napo ngayong November 13 ang HLA ng KathDen! Winner ito!

JED MADELA MAKING WAVES PA RIN SA MGA SOLD-OUT CONCERTS DITO SA PINAS AT ABROAD

Mukhang moved-on na si Jed Madela sa isyu nito sa kanyang dating manager. Mukhang moved-on na rin ang kanyang dating manager. Sana nga. Pero sa totoo lang, mas naging abala si Jed sa kanyang singing career simulang siya na mismo ang nagma-manage sa kanyang sarili. 

Agad-agad noon ay nagkaroon siya ng maraming out of town shows, intimate commitments at higit sa lahat ay ang success ng kanyang ' Welcome To My World ' concert na nag-start sa Music Museum hanggang sa Amerika at lately lang ay sa kanyang hometown sa Iloilo! 

Ayon pa sa aking katsikahan, lahat yun ay sold-out concerts huh! Inaayos paraw ang ilan pang series ng concert ni Jed! 

Bongga naman talaga kapag Jed Madela ang nag-perform. 

Sulit na sulit ka sa ibabayad mo dahil isang world-class performer naman talaga si Jed! Yun na!

CIA WITH BA : DAPAT BANG ANG DESISYON NG AMA ANG LAGING MASUNOD?

‘CIA with BA’: Dapat bang ang desisyon ng ama ang laging masunod?

Sanay tayong mga Pilipino sa kultura kung saan ang ama ang kadalasang may huling salita sa mga desisyon ng pamilya. Mula sa maliliit na bagay hanggang sa malalaking usapin, ang opinyon at pasya ng ama ay madalas na nangingibabaw.

Ngunit sa ‘Yes or No’ segment ng ‘CIA with BA’ episode noong Linggo, Oktubre 6, isang mahalagang tanong ang itinaas: Dapat bang laging masunod ang ama? May legal na batayan ba ito, o mas mahalaga bang itaguyod ang pagkakapantay-pantay at sama-samang pagdedesisyon sa loob ng pamilya?

Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano, isa sa mga host ng programa, “Alam niyo, ‘yung ating batas, maraming pinanggagalingan ‘yan. Mostly, culture — part n’yan religion, part n’yan tradition, part n’yan ‘yung [kung] sinong namumuno, kung ano ang ideology or philosophy nila — then may historical context din.”

Ipinaliwanag din niya na sa ating konteksto, mayroong historical basis at praktikal na dahilan para dito.

Ayon sa kanya, sa mga bansa kung saan ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay at ang mga babae ang nagtatrabaho, maaaring maternal ang kalikasan nito. Ngunit dito sa atin, ito ay paternal. Gayunpaman, binigyang-diin niya na kahit na paternal ito sa ating konteksto, hindi ito dapat ang huling pasya.

“Hindi rin ‘yan dapat ang primary. Ang primary is mag-usap,” sabi niya.

Para sa kanyang bahagi, ibinahagi ni Boy Abunda ang kanyang opinyon: “Ang pagiging ama ay isang matinding responsibilidad. Ngunit kaakibat nito ay karapatang ibinibigay sa kanya ng batas. Dapat lang na gamitin ito ng mga tatay para sa ikabubuti at ikauunlad ng kanyang pamilya.”

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at umuere tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replay sa GTV sa susunod na Sabado ng 10:30 p.m.

CIA WITH BA : SHOULD THE FATHER'S DECISIONS ALWAYS PREVAIL?

CIA with BA’: Should the father’s decisions always prevail?

Filipinos are accustomed to a culture where the father often has the final say in family decisions. From small matters to major issues, the father’s opinions and choices tend to dominate.

However, during the ‘Yes or No’ segment of the ‘CIA with BA’ episode on Sunday, October 6, a critical question was raised: Should the father always have the final say? Is there a legal basis for this, or is it more important to foster equality and shared decision-making within the family?

Senator Alan Peter Cayetano, one of the hosts of the program, remarked, “Alam niyo, ‘yung ating batas, maraming pinanggagalingan ‘yan. Mostly, culture — part n’yan religion, part n’yan tradition, part n’yan ‘yung [kung] sinong namumuno, kung ano ang ideology or philosophy nila — then may historical context din.”

He also explained that in our context, there is both a historical basis and practical reasons for this.

He explained that in countries where men stay home while women work, the dynamic may take on a maternal nature. However, in our context, it is paternal. Still, he emphasized that even though the paternal role is more prominent here, it should not be the final authority.

“Hindi rin ‘yan dapat ang primary. Ang primary is mag-usap,” he said.

For his part, Boy Abunda shared his two cents’ worth: “Ang pagiging ama ay isang matinding responsibilidad. Ngunit kaakibat nito ay karapatang ibinibigay sa kanya ng batas. Dapat lang na gamitin ito ng mga tatay para sa ikabubuti at ikauunlad ng kanyang pamilya.”

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

YES OR NO: HOLIDAY PAY PARA SA MGA GURO HABANG SUMMER BREAK?

Yes or No: Holiday pay para sa mga guro habang summer break?

Bilang pagdiwang ng World Teachers’ Day, tinalakay ng episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Setyembre 29, ang mga katanungan kaugnay sa karapatan at benepisyo ng mga guro.

Isa sa mga isyung inilabas ay ang tungkol sa pagtanggap ng holiday pay sa panahon ng summer break.

“‘Yung kapatid ko po kasi, bagong guro sa isang private school. Nagtataka siya kung bakit hindi siya nakatanggap ng regular holiday pay samantalang naka-summer break lang naman po sila. Tama kaya ‘yung pasahod nung school?” tanong ng isang miyembro ng Mariteam.

Diretsahang sinagot ito ni Senator Alan Peter Cayetano ng “Yes.”

“[During] semestral breaks, hindi kasama sa pagkwenta ng [sweldo ng] teachers ‘yung mga holidays do’n. Pero ‘yung Christmas break, kasama ‘yon,” paliwanag niya.

Nilinaw pa niya na hindi obligasyon ng mga private schools na magbigay ng holiday pay sa panahon ng mga bakasyon tulad ng summer at semestral breaks:

“Walang nagbabawal kung gusto nung private school [pero] marami sa kanila, challenged din sa finances so hindi sila obliged or hindi obligasyon under the law na bayaran nila ng holiday pay [ang teachers] during summer breaks or semestral breaks,” dagdag ni Kuya Alan.

Isa pang isyung binanggit ay tungkol sa pagiging probationary employee kahit na mahigit isang taon nang nagtuturo ang isang guro o college professor.

“Ang general rule [para sa mga empleyado] ay [pagkatapos ng] anim na buwan, kailangan i-regular ka na,” ani Kuya Alan.

Gayunpaman, ipinaliwanag niya ang exemption para sa mga professor: “Ang batas mismo ang nagsasabi na pagka ikaw ay isang professor, three years.”

“Sa teachers kasi, hindi mo basta-basta ma-assess ‘yan ng one year na pagtuturo so ang binibigay ng batas, three years bago ma-regular,” dagdag niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at umere tuwing Linggo ng alas 11:00 ng gabi sa GMA7, na may mga replays sa GTV sa sumunod na Sabado ng alas 10:30 ng gabi.

YES OR NO : HOLIDAY PAY DURING SUMMER BREAK FOR TEACHERS?

Yes or No: Holiday pay during summer break for teachers?

In celebration of World Teachers’ Day, the episode of ‘CIA with BA’ that aired on Sunday, September 29, tackled questions about teachers' rights and benefits.

One concern raised was the entitlement to holiday pay during the summer break.

“‘Yung kapatid ko po kasi, bagong guro sa isang private school. Nagtataka siya kung bakit hindi siya nakatanggap ng regular holiday pay samantalang naka-summer break lang naman po sila. Tama kaya ‘yung pasahod nung school?” a member of the Mariteam asked.

Senator Alan Peter Cayetano gave a direct answer: "Yes."

“[During] semestral breaks, hindi kasama sa pagkwenta ng [sweldo ng] teachers ‘yung mga holidays do’n. Pero ‘yung Christmas break, kasama ‘yon,” he explained.

He further clarified that private schools are not required by law to provide holiday pay during breaks like summer and semestral breaks.

“Walang nagbabawal kung gusto nung private school [pero] marami sa kanila, challenged din sa finances so hindi sila obliged or hindi obligasyon under the law na bayaran nila ng holiday pay [ang teachers] during summer breaks or semestral breaks,” Kuya Alan elaborated.

Another issue raised was the probationary period for teachers, especially those teaching for over a year but are still considered probationary.

“The general rule [for employees] is that [after] six months, kailangan i-regular ka na,” said Kuya Alan.

However, he noted the exception for professors. “Ang batas mismo ang nagsasabi na pagka ikaw ay isang professor, three years.”

“Sa teachers kasi, hindi mo basta-basta ma-assess ‘yan ng one year na pagtuturo so ang binibigay ng batas, three years bago ma-regular,” he added.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.