Alan Peter Cayetano, nagdiwang ng kaarawan sa ‘CIA with BA,’ sinagot ang ‘hard’ questions
“Debate sa Senate o debate kay misis?”
Isa ito sa mga tanong na sinagot ni Alan Peter Cayetano sa episode ng CIA with BA noong Oktubre 27, sa isang espesyal na edisyon ng segment na Payong Kapatid bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Ang tanong ay mula kay Angelo Borlongan, isang pulis na minsang itinampok sa segment na Salamat.
“Mas madali sa Senate. Kahit papano may panalo ako do’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” biro ni Kuya Alan.
Isa pang tanong ang nagmula kay Mocha Uson: “Paano ba maging feeling young forever? Anong sikreto mo?”
Sa pagkakataong ito, seryosong sinagot ni Kuya Alan ang tanong: “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline [is] tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”
Nagbigay naman ng mas seryosong tanong ang musikero na si Jimmy Bondoc: “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”
“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” sagot ng Senador.
Bilang pagtatapos, sinabi ni Cayetano, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling din so I hope Ate [Pia], Kuya Boy, myself, the show, our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through ‘CIA with BA.’”
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Boy Abunda kay Kuya Alan habang binabati ito: “Nais kong magpasalamat kay Kuya Alan for all the things you do for us, this country at higit sa lahat, for showing us that you can be a Senator and be childlike at the same time.”
“Continue to be an inspiration to many people,” dagdag ni Pia, kapatid ni Alan at co-host ng programa.
No comments:
Post a Comment