Yes or No: Holiday pay para sa mga guro habang summer break?
Bilang pagdiwang ng World Teachers’ Day, tinalakay ng episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Setyembre 29, ang mga katanungan kaugnay sa karapatan at benepisyo ng mga guro.
Isa sa mga isyung inilabas ay ang tungkol sa pagtanggap ng holiday pay sa panahon ng summer break.
“‘Yung kapatid ko po kasi, bagong guro sa isang private school. Nagtataka siya kung bakit hindi siya nakatanggap ng regular holiday pay samantalang naka-summer break lang naman po sila. Tama kaya ‘yung pasahod nung school?” tanong ng isang miyembro ng Mariteam.
Diretsahang sinagot ito ni Senator Alan Peter Cayetano ng “Yes.”
“[During] semestral breaks, hindi kasama sa pagkwenta ng [sweldo ng] teachers ‘yung mga holidays do’n. Pero ‘yung Christmas break, kasama ‘yon,” paliwanag niya.
Nilinaw pa niya na hindi obligasyon ng mga private schools na magbigay ng holiday pay sa panahon ng mga bakasyon tulad ng summer at semestral breaks:
“Walang nagbabawal kung gusto nung private school [pero] marami sa kanila, challenged din sa finances so hindi sila obliged or hindi obligasyon under the law na bayaran nila ng holiday pay [ang teachers] during summer breaks or semestral breaks,” dagdag ni Kuya Alan.
Isa pang isyung binanggit ay tungkol sa pagiging probationary employee kahit na mahigit isang taon nang nagtuturo ang isang guro o college professor.
“Ang general rule [para sa mga empleyado] ay [pagkatapos ng] anim na buwan, kailangan i-regular ka na,” ani Kuya Alan.
Gayunpaman, ipinaliwanag niya ang exemption para sa mga professor: “Ang batas mismo ang nagsasabi na pagka ikaw ay isang professor, three years.”
“Sa teachers kasi, hindi mo basta-basta ma-assess ‘yan ng one year na pagtuturo so ang binibigay ng batas, three years bago ma-regular,” dagdag niya.
Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at umere tuwing Linggo ng alas 11:00 ng gabi sa GMA7, na may mga replays sa GTV sa sumunod na Sabado ng alas 10:30 ng gabi.
No comments:
Post a Comment