PROFESSIONALISM AT PAGMAMAHAL SA TRABAHO ANG PAYO NI ALLAN PAULE KAY SEAN DE GUZMAN

Naimbitahan ako sa 2nd presscon ng pelikulang Anak Ng Macho Dancer under Godfather Productions na pinagbibidahan ng baguhang aktor na si Sean De Guzman na idederehe naman ni Joel Lamangan to start filming ngayong month of November.

During the said presscon ay pinaalalahanan naman ni Allan Paule si Sean na huwag na pakawalan ang oportunidad na ito na bilang baguhan ay dapat laging makinig sa direktor at mahalin ang trabaho. Ayon kay Allan Paule na siyang orihinal na aktor ng pinilahang pelikula nito noong Macho Dancer ay naging motivation niya noon ang salitang professionalism kaya raw siya nakilala bilang isang mahusay na aktor at nagtagal sa showbiz. Excited na rin daw si Allan Paule sa mga gagawin niyang eksena sa pelikula bilang ama ni Sean De Guzman.

Biro pa ni Allan Paule, baka raw anak niya sa totoong buhay si Sean De Guzman dahil sa true to life ay Allan De Guzman si Allan Paule. Hindi naman kaya?

Anyways, wala pa ring kupas ang kaguwapuhan ni Allan Paule sa totoo lang. Still, napaka-yummy pa rin nito at ang lakas parin ng kanyang dating huh! 

But Allan exclaimed, no more nudity this time. Hindi na rin daw ganoon ka ganda ang kanyang katawan at pamilyado na siya.

Kunsabagay, tama nga naman siya. Happy naman siya sa kanyang career at pribadong buhay. Sabi nga nila, ibigay na ang pagpapakita ng katawan sa mas nakababata! Ha! Ha! Ha!

Maganda ang istoryang tatakbuhin ng pelikulang ito ni Lamangan lalo na't aabangan din ang katawan dito ni Sean De Guzman lalo na ang kanyang pag-arte! 

Bibida rin sa pelikula sina Jacklyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, Emilio Garcia at marami pang naglalakihang aktor natin sa showbizlandia! 

ANGELINE QUINTO UMALIS NA SA BAKURAN NG CORNERSTONE

Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit tuluyan ng umalis sa bakuran Cornerstone ni Erickson Raymundo ang pakahusay na female singer na si Angeline Quinto. Ito ay ayon na rin sa balitang nakarating sa akin nitong araw lang. Totoo bang umalis na siya sa kanyang dating management tanong ko naman sa aking kaibigan nang ibinalita niya ito sa akin. Si Angeline Quinto ay nagwaging grand champion noon sa isang patimpalak ng Kapamilya Network. Simula noon, years ago ay naging matagumpay na si Angge - kung tawagin namin sa kanyang showbiz career bilang isang in-demand singer. 

Well, hindi mo kayang kuwestiyunin ang kakayanan ni Angeline bilang isa sa pinakamahusay na singer natin sa local music scene dahil magaling sa magaling naman talaga ito. 

Mula din noon ay naging maganda na rin ang kanyang buhay kasama ang mga mahal nito tulad ng kanyang Mama Bob na mahal na mahal nito. 

Ayon sa aking napag-alaman, nasa pangangalaga na raw ngayon ni Ms. Kate Valenzuela si Angeline Quinto. 

Well, baka naman tapos na rin ang kanyang kontrata sa Cornerstone at gusto niya namang subukan ang ibang putahe when it comes to management kaya wala naman kaming nakikitang mali.

Unang-una ay may karapatan naman si Angge kung saan niya gusto mamahay at kung sino naman this time ang gusto niyang mag-patakbo ng kanyang singing career, hindi ba?

Totoo man o hindi, goodluck Angge! Pakahusay mo naman talaga! 

ASAP, NILAMPASO ANG ALL OUT SUNDAYS AT SUNDAY NOONTIME LIVE

Nagsalpukan last Sunday sa ere ang ASAP ng Channel 2, All Out Sunday ng Channel 7 at Sunday Noontime Live ng Channel 5! Siyempre, ang unang tanong ay kung sino ang mas pinanood? Siyempre, ang ASAP! Pangalawang tanong ay kung sino ang nag-rate? Siyempre ang ASAP! Pangatlong tanong ay kung sino sa tatlong ito ang may naga-gandahang production numbers? Siyempre ang ASAP parin! Alam niyo kung bakit? Kapag sinabi mo kasing ASAP, nandiyan lahat ng mga kilalang celebrities. Mga kilalang aktor at aktres sa showbiz lalo na ang mga kilalang singers sa music scene! Na kapag sinabi mong ASAP ay bukod-tanging world-class performances lang ang mapapanood mo! At kapag sinabi mong ASAP ng Kapamilya Network, well, pinapanood! Kapag ako ang magbigay ng ratings, number one last Sunday ang ASAP ng ABS at number two naman ang All Out Sundays ng GMA at pangatlo ang Sunday Noontime Live ng TV5. 

Pero in all fairness sa entablado ng Sunday Noontime Live, gayang-gaya ang ASAP huh! Bongga rin ang pagkaka-direk in all fairness ng Sunday Noontime Live. Well, no wonder why, ang direktor po nito ay mismong si Mr. Johnny Manahan na dating nasa ASAP at Kapamilya Network. Hindi ba lumipat na nga si Mr. Manahan sa TV5? 

Anyways, hindi rin naman pakakabog ang All Out Sundays ng GMA huh! Lalo na ang kanilang mga hatawero sa dance floor tulad ni Rayver Cruz na ang sarap talaga panoorin kapag sumasayaw! In all fairness din  naman sa Kapuso Network, kahit papano ay humahabol na rin sila huh! Hindi na rin nagpapahuli sa madaling salita.

Sa showbiz naman, ganyan lang! Palipat-lipat at paikot-ikot! Pero nahalata ko lang huh, bitbit din yata ni Mr. M ang buong Cornerstone Artists sa TV5? Hindi ba?

Isa pa, marami rin ang naloka dahil si Piolo Pascual ay nasa TV5 na rin? Wala naman yata siyang obligasyon sa ABS kaya okey lang yun! Tulad nga nung palagian kong sinasabi, kailangan din po nilang bumangon at maghanapbuhay just like us! 

Hay naku! Nakakaloka talaga ang life sa SHOW-BUSINESS!!!

SI CARLO MENDOZA MISMO ANG NAGSULAT AT KUMANTA NG KANYANG DEBUT SINGLE NA PASENSYA

Sa imbitasyon ni Nanay Jobert Sucaldito ng Frontdesk Entertainment Productions ay nakausap namin ang newbie male singer at composer na si Carlo Mendoza. Pino-promote kasi ngayon ni Carlo ang kanyang debut single na Pasensya na available napo sa lahat ng digital platforms worldwide at independent ito.

 In all fairness, tagos sa puso ang ang lyrics ng kanta ni Carlo. May saysay ang bawat litanya at mukhang malalim ang pinaghugutan ng bagets para mabuo niya ang isang napakagandang musika. 

Kung bakit? Well, heart-broken pala siya that time nung maisipan niyang isulat sa kanyang orange notebook ang ilan sa mga lyrics ng kanta kaya said sa hugot ang timpla.

Nasabi rin ni Carlo na bawat pagkakataong may naisip siyang linya o tunog, agad-agad ay isinusulat niya ito sa kanyang orange notebook na ayun sa kanya ay naging sumbungan na niya ng kanyang emosyong involved ang kabiguan at kasiyahan sa buhay.

Nabatid rin namin na inabot ng halos 5 taon bago niya tuluyang nabuo ang kantang Pasensya at tuluyang nalapatan ng tunog.

Actually, before the said pocket interview ay nabasa ko rin ang facebook post ng bagets at talaga namang pansin ko ang kanyang dedikasyon na buuin ang kanta at tuluyan na nga itong mai-release digitally. 

Honestly, may recall ang boses ni Carlo. Lalakeng-lalaki at bulakenyong-bulakenyo huh! Malalaman mo kaagad na boses ito ni Carlo. Obcourse, yan naman ang hiling at gusto niya. Ang magkaroon siya ng sariling tunog at tatak sa masa. Hindi yung na-identify siya dahil lang kaboses niya si ganito at ganoon. 

Plantsado na rin ang kasunod nitong single at busy ngayon si Carlo promoting his debut single at umaasang bigyan natin siya ng puwang sa loob ng music industry. 

Puwedeng-puwede napo natin ma-download ang kantang Pasensya ni Carlo Mendoza in all digital platforms worldwide. 

Congrats Carlo Mendoza!

APOLLO DIGITAL CONCERT NI DANIEL PADILLA NIYANIG NG PAPURI AT PALAKPAK

Talbog silang lahat! Yan mismo ang aking naging reaksiyon when i saw DJ's performance last sunday evening sa kanyang very successful na Apollo: The Daniel Padilla Digital Concert na ginanap sa isang studio inside Kapamilya Network. Napakarami kasing nag-concert online na chararat lang pero itong kay Daniel Padilla, as in napa-wow ako personally dahil feel na feel kong para akong nasa Araneta na nanonood talaga ng isang bonggang concert! Yung takbo ng camera mula sa loob ng studio, wow, as in pinaramdam talaga sayo na nasa harap lang ng telebisyon nanonood na you are inside the venue na rin! Galing! 

Siyempre, inspired na inspired si Daniel that night habang nagpi-perform dahil nandun mismo sa harap niya ang kanyang minamahal at sinisintang si Kathryn Bernardo kasama si Mommy Min Bernardo, Karla Estrada, Jam Ignacio kasama pa ang executives ng Kapamilya Network na after the said concert ay pinalakpakan naman talaga si DJ! 

Mahal pala ang tawagan nina Daniel at Kathryn sa isa't isa kaya naman bistado na at alam na! Ha! Ha! Ha! 

Anyways, pag-uwi naman ni DJ sa kanyang bahay ay sinalubong naman siya ng isang pa-sorpresang afterparty with some friends! 

Just wanna say this, maganda rin ang naging performance ng kapatid ni Daniel na si Jose Carlito kasama ang kanyang grupo huh! Pasabog din ang duet nina Daniel at Ian Veneracion that evening! 

Well, congrats DJ! Abangan na rin natin ang mini movie digi series nilang dalawa ni Kathryn na may titulong The House Arrest Of Us guys! Mabuhay ang KathNiel at KathNiels!

CHRISTI FIDER BUBBLY CHANTEUSE CHARMS WITH TEKA, TEKA, TEKA

Last wednesday, meryenda time ay nakausap namin ang newcomer recoding artist ng Star Music na si Christi Fider na nasa pangangalaga naman ng sikat na direktor, songwriter at hitmaker na si Direk Joven Tan. Bongga kaagad ang first impression ko sa pausbong na singer dahil sa mga pa-sample niyang kanta during our pocket and intimate interview with her ay may pitik ang boses niya. Pinaghalong Moira at Marion ang datingan ni Christi na kaysarap sa tenga. 

Sa unang tingin, you may think she is just the average millenial whose main preoccupation is the latest fashion, trendy gadgets and having all her YOLO moments enumerated and shared via her vlog. There is more to the pretty young Ms. Fider that meets the probervial eye.

The AB History graduate from University of Sto. Tomas was exposed to different sounds amd music growing up in a family whose love for anything and everything that has to do with music is deeply rooted. The early musical exposure, thanks to all the tapes and vinyl records played at home, watching concerts and listening to the radio made Christi realize that performing is what she loves and she thanks GOD for the gift of a good singing voice.

" When i take my shower, usually i sing pop songs. I also like broadway tunes as well. It depends on my mood, really. Sometimes i have the mood to like indie musicians the type that ordinary people would not care to listen too or something they are not familiar with. My music range is very wide. For now, i have a bit of struggle on what genre to specialize since it is dependent on my mood. If the song resonates with me, or  i like the artists singing it, i'd probably sing it too. " sez Christi Fider.

She loves the voice of Christina Aguilera which she thinks is Aguilera's strength. She also loves Britney Spears, the way she moves and carries herself. As a kid she was partial to Sarah Geronimo. Now she listens to Marion Aunor and Moira Dela Torre. 

What made her say yes to sing Teka, Teka, Teka?

" I really love the songs written by Direk Joven Tan. I know that am quite biased if he's the composer of a song. It has a good meaning and has good lyrics as well. What i noticed about today's songs, the music is different. It is not lyrics focused. Sometimes they give more emphasis to the sound. With the song Teka,Teka, i felt that many people can relate to it. Since it's my debut single, i want something that pleasant to listen too because many people today are lonely. If they listen to Teka, Teka it will give hope and bring joy to other people. " sez Christi again.

Teka, Teka, Teka is written by Joven Tan, interpreted by Christi Fider and released by Star Music. 

Now available in Spotify, Apple Music, Itunes, Youtube Music and Deezer.

AWARD-WINNING SONGWRITER JOVEN TAN GINAWAN NG BUBBLE GUM SONG SI CHRISTI FIDER

Ang kanta ni Maymay Entrata sa Star Music na I Love You 2 ang huling kantang ginawa ni Direk Joven Tan. Bago yan ay umariba na si Direk Joven bilang isang mahusay na composer nang sumikat ang kantang Anong Nangyari Sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra ganoon din ang Pare Mahal Mo Raw Ako naman ni Michael Pangilinan.

Sa kasalukuyan ay pino-promote naman ni Direk ang kanyang latest composition na ipinagkatiwala naman niya sa alaga nitong si Christi Fider via Teka, Teka, Teka ( Kaway-Kaway, Kindat-Kindat ) na mada-download na natin in all digital platforms na isang bubble gum song o pa-cute lang.

Paano niya nga ba nabuo ang naturang kanta ni Christi Fider?

" Nabuo ko ang kanta during lockdown. Noon pa dapat, kaya lang medyo busy, then, dahil sa lockdown, nabuo, kasi diba, bawal magkita, bawal lumabas kaya kaway-kaway lang." Paglalahad pa ni Direk Joven. 

Ano naman ang nakita niya kay Christi Fider para sugalan niya ito para sa isang album sa Star Music at gawan ng kanta?

" May potential siya. Hindi biritera pero may sariling style. Iba siya. " tsika pa ni Direk Joven.

Sa totoo lang ay napakasuwerte ni Christi Fider dahil isang award-winning songwriter at hitmaker na si Joven Tan ang magbigay ng tiwala sa kanya bilang isang baguhang singer. 

Hindi lang naglalakihang kanta ang tapos ng gawin ni Direk Joven kundi ganoon din sa pelikula! 

Kaabang-abang din ang kanyang pelikulang Suarez: The Healing Priest na maaring isasabay na sa parating na Semana Santa next year dahil apektado ngayon ang Philippine Cinema dahil sa pandemya. 

Mabuhay ka Direk Joven! More projects!

SEAN DE GUZMAN PERFECT CHOICE BILANG ANAK NG MACHO DANCER


Sean De Guzman
, a good-looking and gorgeous member of the boy band Clique V is the final choice to play the lead role as Lito, the son of Pol ( Allan Paule ) in the sequel of the movie Anak Ng Macho Dancer under the helm of award-winning movie director Joel Lamangan. This will be produced by mega-concert producer Joed Serrano for the Godfather Productions. Story and screenplay will be written by Henry King Quitain with Ms. Grace Ibuna as business consultant and Jobert Sucaldito as supervising producer.

Macho Dancer was a smash hit in 1988 na pinagbidahan noon nina Jacklyn Jose, Daniel Fernando, William Lorenzo at Allan Paule under the direction of the late icon Lino Brocka.

" Kaya grabe ang pressure sa akin dahil si Direk Lino Brocka ang nagdirek noon. Pero look at Sean De Guzman, marami siyang anggulong hawig kay Allan Paule and this boy can dance and act," sez Direk Joel Lamangan.

" Excited ako na medyo kinakabahan. Kasi maganda ang pagkagawa ni Lino ng original kaya dapat mapantayan ko man lang," Direk Joel Lamangan adds.

" Happy ako sa kinalabasan ng pa-audition namin dahil we found our perfect choice for the title role. Yung other boys naming napili will do very important parts in this movie. This is my first time to produce a movie kaya super excited ako dahil natitiyak kong maganda ang kalalabasan ng pelikula. The fact na pumayag ang ilang stars ng original cast ng Macho Dancer like Ms. Jacklyn Jose, William Lorenzo and Allan Paule plus Direk Joel Lamangan as our director-sobrang saya ko talaga," Joed sez.

Niyerbiyos din ang inabot ni Sean De Guzman nang malamang siya na nga ang naging final choice para sa role.

" Parang nasa alapaap po ako sa saya. Nininerbiyos po talaga ako. Parang hindi ako makapaniwalang heta na ang hinihintay kong break. Hindi po ako nakakatulog ng maayos lately dala po ng sobrang excitement. I promise to do my very best na magampanan ang napakahalagang role as Anak Ng Macho Dancer. Pinaghandaan na ng loob ko ang sexy scenes na ipapagawa sa akin ni Direk Joel Lamangan. Maraming salamat po Sir Joed Serrano sa tiwala," ang napaka-humble na turan ni Sean.

Kaya kaabang-abang na naman ang pelikulang ito kung saan isang preskong mukha na naman sa pinilakang tabing ang ating mapapanood soon sa silver screen. 

Ang cute, guwapo at gorgeous na si Sean De Guzman na miyembro ng Clique V under the management of 316 Events And Talent Management ni Len Carillo! 

DANIEL PADILLA IBIBIDA ANG EBOLUSYON BILANG ARTIST SA DIGITAL CONCERT NA " APOLLO "

Handa nang magpasaya at mangharana sa fans ngayong Linggo!

DANIEL, IBIBIDA ANG EBOLUSYON BILANG ARTIST SA DIGITAL CONCERT NA “APOLLO” 

  

Maghahatid ng kakaibang musical experience ang Box Office King na si Daniel Padilla sa kauna-unahan niyang virtual concert na pinamagatang "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience." 

  

Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusibong mapapanood ang "Apollo" sa KTX.ph sa darating na Linggo (Oktubre 11). 

 

  

Inamin ng homegrown ABS-CBN artist na nung una ay ayaw niyang gawin ang digital concert. “Pero pumayag na 'ko kasi na-realize ko na hindi naman 'to para sa 'kin, para sa mga kasama ko, 'yung supporters.” 

 

Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at performer sa “Apollo” sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang “Daniel: Live!” concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na “D4” concert na ginanap noong 2018.   

  

“Siyempre it's very different dahil unang-una wala 'yung fans na talagang tumatangkilik 'pag may concert tayo, pero siyempre gusto pa rin natin ibigay yung feeling na 'yun virtually,” paliwanag ni Daniel. 

 

Dagdag niya, sana ay magustuhan pa rin ng mga manonood ang mismong karanasan nila sa event. “I think it's a new gate to open. Kahit ako gumagamay-gamay pa. Gusto lang natin buksan 'yung bagong gates para sa mga susunod pang magco-concert, na it's possible.” 

 

Sasamahan ang “Mabagal” singer ng Jose Carlito band na pangungunahan ng front man nito at kanyang kapatid na si JC Padilla. 

  

Ang "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience" ang una sa mga parating na exclusive concerts na handog ng Star Events sa pagsisikap nitong maghatid sa mga Kapamilya ng malakihang musical shows online kasama ang mga paboritong performers kapalit ng live events. 

  

Ang nasabing concert ay bahagi ng bagong digital offerings ng ABS-CBN para sa mga Kapamilyang hinahanap-hanap ang libangan na hatid ng network. Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook para maabot ang mas marami Pilipino. 

  

Ilan naman sa mga naging matagumpay na KTX digital events ang "Hello Stranger: Finale Fancon,"  "New Normal" ni Jed Madela, "Tayo Hanggang Dulo" ng JaMill at K “20k20" ni K Brosas. 

  

Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets as inaabangang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.” Sa halagang P499 lamang, maari nang mapanood ng mga Kapamilya ang maagang pamaskong handog ng aktor. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH). 

   

KUMPIRMADO: KATHRYN BERNARDO DADALO SA APOLLO DIGITAL CONCERT NI DANIEL PADILLA NGAYONG OCTOBER 11 NA!

Naging matagumpay kagabi ang Virtual Media Conference na ipinatawag ng ABS-CBN Corporate Communications para kay Daniel Padilla. Ito ay ginawa para sa nalalapit nitong kauna-unahang Digital Concert titled Apollo: The Daniel Padilla Digital Concert ngayong October 11, 2020. Naging bukas si Daniel sa pagsagot sa lahat ng tanong na ibinato sa kanya mula sa iba't ibang miyembro ng Entertainment Media. In all fairness kay DJ, magaling na talaga itong sumagot at halatang natuto na talaga siya sa sistema ng showbiz. 

Sa aking tanong sa kanya kung bakit naisipan niyang gumawa ng concert sa panahon ng pandemya ay iisa lang naman daw ang layunin ni DJ. Ang makapagbigay saya at panahon sa lahat ng tao lalong-lalo na diumano sa mga fabs and followers nila ni Kathryn Bernardo. 

Naitanong ko rin sa aking anak-anakan kung napag-uusapan na nila ni Kathryn ang pagpapakasal na ayon kay Daniel ay sa puntong ito ay hindi pa at mukhang matagal-tagal pa. Pero sa isang tanong na ibinato sa kanya, gusto na talaga niyang mag-asawa sa edad na 30.

Naitanong ko rin kay Daniel ang balitang mukhang ikakasal naman ang kanyang Momshie Karls sa 2022. Ayon kay DJ, mahaba-habang usapan daw yun at hindi ito nakapagbigay ng kanyang kongkretong sagot patungkol sa usapin.

Sa Apollo Digital Concert ni Daniel, naging deretsahan si Daniel sa pagsasabing tatakbo ang naturang concert sa loob ng 2 oras kung saan naga-gandahang kanta mula noon hanggang ngayon ang kanyang gagawin.

Kinumpirma din nitong darating si Kathryn sa venue mismo ng kanyang concert, hindi para makasama niya para sa isang prod kundi manonood sa kanya ng live. 

Sa digi movie series nila ni Kathryn na The House Arrest Of Us ay nasabi nitong may kasalang magaganap at hindi sa totoong buhay.

Yun na! 

PPP 4 OFFERS PREMIUM FILMS, CLASSICS, OSCARS SUBMISSIONS, TRIBUTES AND MORE


FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino 4 Offers Premium Films, Classics, Oscars Submissions, Tributes, and More 


FDCP to reveal more titles featured in the PPP 4 lineup in the coming days


MANILA, PHILIPPINES, OCTOBER 6, 2020 — The Film Development Council of the Philippines (FDCP) will showcase over 100 films in the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) which will have its first online edition this year from October 31 to November 15 at the agency’s new FDCP Online Channel.


The PPP4 is an FDCP-led omnibus project featuring titles from local film festivals like the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, and Metro Manila Film Festival as well as from various producers and regional film festivals, a PPP Retrospective, the Lab portion of the Sine Kabataan Short Film Competition, and the CineMarya Women’s Film Festival.


“This year’s PPP is a solidarity event that aims to encourage support for Philippine Cinema in light of the devastating effects of the COVID-19 pandemic. It aims to propagate the love for Filipino films among audiences and help sustain the country’s film industry that is gravely affected by the COVID-19 crisis. The FDCP is glad to announce that all proceeds will be given to producers involved in the festival through revenue sharing,” said FDCP Chairperson and CEO Liza Diño. 

JOHN GABRIEL SINGER AT AKTOR

Released na via digital platforms ang debut single ng aspiring singer na si John Gabriel titled O Pilipina.

Labis na ikinatuwa ni John, who just turned 20 last September 8, ang paglabas ng kanyang awitin. Bata pa siya ay mahilig na si John sa pag-awit pero hip-hop ang kanyang genre. Pinag-aralan niya ang hip-hop para maging mahusay siya. Bagamat alam niya na may good singing siya, hindi niya naisipan na sumali sa mga singing contests. Pero intense ang interest niya sa music and singing.

Naging bokalista si John ng bandang The Jaywalkers ng Heart of Mary College. Three years din tumagal ang kanilang banda at nung panahon na iyon ay doon nabuo ang pangarap ni John na maging isang sikat na professional singer.

Idolo niya sina Justin Bieber at Daniel Padilla. “Ever since na napanood ko sila at napakinggan ko boses nila I want to be like them. They inspire me to pursue my dreams po,”wika ni John.

Ngayong pumasok na siya sa showbiz, ang unang gustong ma-achieve ni John ay maipakita ang kanyang talent sa mas maraming audience. Bukod sa pagkanta, he can also play musical instruments tulad ng gitara, bass guitar at drums. Gusto rin niyang subukin ang acting.

 “Im very happy po and overwhelmed po kasi po this is my first time po na pinagkatiwalaan po ako ng manager ko po. Kaya naman lahat po nang ipinapagawa niya sa akin ay ginagawa ko the best way I can. From being a nobody, I want to be somebody na kilala sa showbiz. Gusto ko na makilala ako bilang isang mahusay an singer at actor,” pahayag ni John who is being managed by Daddie Wowie Roxas.

“Gusto ko pa rin makagawa ng pangalan bilang isang hiphop artist. Alam kop o na marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang pangarap ko pero naniniwala po ako na time and patience is the key of success.”

John describes himself as a loving, caring and sweet person. Naniniwala siya na right timing ang pagpasok niya sa showbiz. Six years ago ay nagpadala siya ng larawan kay Daddie Wowie para mag-apply as talent pero di siya pinansin. Siguro ay dahil “pangit” pa siya that time. Pero last November, si Daddie Wowie mismo ang nagpahanap sa kanya matapos makita ang mga larawan niya. Binata na kasi siya.

And John considers himself fortunate that Daddie Wowie finally welcomed him.

“I am so grateful to him kaya I am doing my best sa lahat ng mga ipinagagawa niya sa akin kahit pa may lockdown o kahit na gaano pa kahirap ‘yung kailangan kong gawin to prepare myself for a career in showbi. I want to prove to Daddie Wowie that I am worth it and striving to be the best that I can be.”

Handa na si John sa magulong pero masayang mundo ng showbiz. “Naniwala po ako sa destiny. If it’s meant to happen, it will happen.”

“Pangarap ko ito and hindi ako hindi ako titigil hanggang I reach the top and fulfill my dream,” sabi ni John na kasali rin sa movie na My First and Forever under Heaven’s Best Entertainment featuring Rita Daniella and Ken Chan. Gumaganap siya bilang isa sa barkada ni Ken Chang.

Please follow him on fb page JOHN GABRIEL.


His song O PILIPINA is playing now on BARANGAY LS 97.1 FOREVER REQUEST PROGRAM 3 to 8pm daily.

 

YOU CAN BUY DOWNLOAD AVAILAVABLE NOW ON #spotify #itunes #appplemusic #amazon