SI CARLO MENDOZA MISMO ANG NAGSULAT AT KUMANTA NG KANYANG DEBUT SINGLE NA PASENSYA

Sa imbitasyon ni Nanay Jobert Sucaldito ng Frontdesk Entertainment Productions ay nakausap namin ang newbie male singer at composer na si Carlo Mendoza. Pino-promote kasi ngayon ni Carlo ang kanyang debut single na Pasensya na available napo sa lahat ng digital platforms worldwide at independent ito.

 In all fairness, tagos sa puso ang ang lyrics ng kanta ni Carlo. May saysay ang bawat litanya at mukhang malalim ang pinaghugutan ng bagets para mabuo niya ang isang napakagandang musika. 

Kung bakit? Well, heart-broken pala siya that time nung maisipan niyang isulat sa kanyang orange notebook ang ilan sa mga lyrics ng kanta kaya said sa hugot ang timpla.

Nasabi rin ni Carlo na bawat pagkakataong may naisip siyang linya o tunog, agad-agad ay isinusulat niya ito sa kanyang orange notebook na ayun sa kanya ay naging sumbungan na niya ng kanyang emosyong involved ang kabiguan at kasiyahan sa buhay.

Nabatid rin namin na inabot ng halos 5 taon bago niya tuluyang nabuo ang kantang Pasensya at tuluyang nalapatan ng tunog.

Actually, before the said pocket interview ay nabasa ko rin ang facebook post ng bagets at talaga namang pansin ko ang kanyang dedikasyon na buuin ang kanta at tuluyan na nga itong mai-release digitally. 

Honestly, may recall ang boses ni Carlo. Lalakeng-lalaki at bulakenyong-bulakenyo huh! Malalaman mo kaagad na boses ito ni Carlo. Obcourse, yan naman ang hiling at gusto niya. Ang magkaroon siya ng sariling tunog at tatak sa masa. Hindi yung na-identify siya dahil lang kaboses niya si ganito at ganoon. 

Plantsado na rin ang kasunod nitong single at busy ngayon si Carlo promoting his debut single at umaasang bigyan natin siya ng puwang sa loob ng music industry. 

Puwedeng-puwede napo natin ma-download ang kantang Pasensya ni Carlo Mendoza in all digital platforms worldwide. 

Congrats Carlo Mendoza!

No comments:

Post a Comment