Sa kasalukuyan ay pino-promote naman ni Direk ang kanyang latest composition na ipinagkatiwala naman niya sa alaga nitong si Christi Fider via Teka, Teka, Teka ( Kaway-Kaway, Kindat-Kindat ) na mada-download na natin in all digital platforms na isang bubble gum song o pa-cute lang.
Paano niya nga ba nabuo ang naturang kanta ni Christi Fider?
" Nabuo ko ang kanta during lockdown. Noon pa dapat, kaya lang medyo busy, then, dahil sa lockdown, nabuo, kasi diba, bawal magkita, bawal lumabas kaya kaway-kaway lang." Paglalahad pa ni Direk Joven.
Ano naman ang nakita niya kay Christi Fider para sugalan niya ito para sa isang album sa Star Music at gawan ng kanta?
" May potential siya. Hindi biritera pero may sariling style. Iba siya. " tsika pa ni Direk Joven.
Sa totoo lang ay napakasuwerte ni Christi Fider dahil isang award-winning songwriter at hitmaker na si Joven Tan ang magbigay ng tiwala sa kanya bilang isang baguhang singer.
Hindi lang naglalakihang kanta ang tapos ng gawin ni Direk Joven kundi ganoon din sa pelikula!
Kaabang-abang din ang kanyang pelikulang Suarez: The Healing Priest na maaring isasabay na sa parating na Semana Santa next year dahil apektado ngayon ang Philippine Cinema dahil sa pandemya.
Mabuhay ka Direk Joven! More projects!
No comments:
Post a Comment