Released na via digital platforms ang debut single ng aspiring singer na si John Gabriel titled O Pilipina.
Labis na ikinatuwa ni John, who just turned 20 last September 8, ang paglabas ng kanyang awitin. Bata pa siya ay mahilig na si John sa pag-awit pero hip-hop ang kanyang genre. Pinag-aralan niya ang hip-hop para maging mahusay siya. Bagamat alam niya na may good singing siya, hindi niya naisipan na sumali sa mga singing contests. Pero intense ang interest niya sa music and singing.
Naging bokalista si John ng bandang The Jaywalkers ng Heart of Mary College. Three years din tumagal ang kanilang banda at nung panahon na iyon ay doon nabuo ang pangarap ni John na maging isang sikat na professional singer.
Idolo niya sina Justin Bieber at Daniel Padilla. “Ever since na napanood ko sila at napakinggan ko boses nila I want to be like them. They inspire me to pursue my dreams po,”wika ni John.
Ngayong pumasok na siya sa showbiz, ang unang gustong ma-achieve ni John ay maipakita ang kanyang talent sa mas maraming audience. Bukod sa pagkanta, he can also play musical instruments tulad ng gitara, bass guitar at drums. Gusto rin niyang subukin ang acting.
“Im very happy po and overwhelmed po kasi po this is my first time po na pinagkatiwalaan po ako ng manager ko po. Kaya naman lahat po nang ipinapagawa niya sa akin ay ginagawa ko the best way I can. From being a nobody, I want to be somebody na kilala sa showbiz. Gusto ko na makilala ako bilang isang mahusay an singer at actor,” pahayag ni John who is being managed by Daddie Wowie Roxas.
“Gusto ko pa rin makagawa ng pangalan bilang isang hiphop artist. Alam kop o na marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang pangarap ko pero naniniwala po ako na time and patience is the key of success.”
John describes himself as a loving, caring and sweet person. Naniniwala siya na right timing ang pagpasok niya sa showbiz. Six years ago ay nagpadala siya ng larawan kay Daddie Wowie para mag-apply as talent pero di siya pinansin. Siguro ay dahil “pangit” pa siya that time. Pero last November, si Daddie Wowie mismo ang nagpahanap sa kanya matapos makita ang mga larawan niya. Binata na kasi siya.
And John considers himself fortunate that Daddie Wowie finally welcomed him.
“I am so grateful to him kaya I am doing my best sa lahat ng mga ipinagagawa niya sa akin kahit pa may lockdown o kahit na gaano pa kahirap ‘yung kailangan kong gawin to prepare myself for a career in showbi. I want to prove to Daddie Wowie that I am worth it and striving to be the best that I can be.”
Handa na si John sa magulong pero masayang mundo ng showbiz. “Naniwala po ako sa destiny. If it’s meant to happen, it will happen.”
“Pangarap ko ito and hindi ako hindi ako titigil hanggang I reach the top and fulfill my dream,” sabi ni John na kasali rin sa movie na My First and Forever under Heaven’s Best Entertainment featuring Rita Daniella and Ken Chan. Gumaganap siya bilang isa sa barkada ni Ken Chang.
Please follow him on fb page JOHN GABRIEL.
His song O PILIPINA is playing now on BARANGAY LS 97.1 FOREVER REQUEST PROGRAM 3 to 8pm daily.
YOU CAN BUY DOWNLOAD AVAILAVABLE NOW ON #spotify #itunes #appplemusic #amazon
No comments:
Post a Comment