Captured this sa instagram story ni Ion Perez @kuyaescort_official 10 hours ago! Yes! Sino tayo para husgahan siya sa anumang estado ng pagmamahal niya ngayon kay Vice o pagmamahalan nilang dalawa. Sino tayo para sabihing manggagamit siya o namemera. Sino tayo para sabihan siyang digger at kung anu-ano pa. Sa totoo lang, sa ginawa niyang pag-amin kamakailan lang ay napatunayan kong tunay siyang lalake at hindi takot kanino man upang ipakita sa buong mundo ang kanyang tunay na nararamdaman lalo na sa isang bakla! Para sa akin, pinatunayan lang ni Ion Perez na tunay siyang lalake at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil mas mahalaga sa kanya ang tinitibok ng kanyang puso langit ma'y humatol sa kanya! Saludo ako kay Ion sa totoo lang dahil ipinaglaban niya ang pagmamahal niya kay Vice Ganda. Tulad sa balitang binigyan daw siya ng kotse at bahay at pera ni Vice. Bilang isang bakla, saludo ako kay Vice dahil alam naman natin kung paano magmahal ang isang bakla. Saludo ako kay Vice dahil tama lang ang kanyang ginawa para sa isang lalakeng tunay at hindi siya ikinahiya! Deserving si Ion kung totoo man ito. Tama lang dahil meron namang maitutulong sa Vice. Sa lahat ng ito, love is everywhere talaga! That love moves in mysterious ways! Walang masama kung nagmamahalan man silang dalawa dahil walang puwedeng humadlang kapag puso na ang nagdikta laban sa ating isipan! Kung nahusgahan ka man ng ibang tao Ion, take it from me, katiting lang sila! Kakarampot lang sila. Mas mahalaga pa rin kaming sandosenang sumasaludo sa iyong tapang! Tama si Vice. Maraming lalakeng gustong magmahal ng bakla. Takotang silang mahusgahan. Pero si Ion, walang pakialam! I love you for that Ion Perez!
Security ni JK Labajo, dapat dagdagan
Security ni JK Labajo, dapat dagdagan: DAPAT sigurong dagdagan ng MCA Music ang security ni JK Labajo kapag nasa out of town shows ito. O di kaya ay gawing must ito sa mga producers na kumukuha kay JK to perform sa kani-kanilang lugar.Hindi na kasi biro ang isang pagbabantang papatayin daw ng isang fan si JK at babantayan at susundan ito kung saan man magso-show!Grabe! Malala na talaga ang utak ng ibang tao ngayon at nagagawa nang harapang bantaan ang buhay ng may buhay tulad na lamang nitong dinanas ni JK Labajo na kasalukuyang umaariba sa buong mundo ang kanyang kantang 'Buwan.'Milyon ang nahumaling sa kanta ng bagets kaya naman halos wala namang pahinga si JK sa trabaho kasama ang kanyang grupo!Nakakalungkot lang mabalitaang dinadanas ng binata ang ganitong pagbabanta sa kanyang buhay na wala naman siyang ibang hangarin kungdi ang magbigay saya lang sa tao!Kakaloka! Dapat na rin sigurong gawan ng aksiyon ng management ni JK ang mga ganitong banta dahil hindi na siya biro kundi nakakatakot na! (BISTADODAILYNEWS.NET / KYEMEHAN by DOMINIC REA)
JK LABAJO...DAPAT DAGDAGAN ANG SECURITY SA MGA OUT OF TOWN SHOWS!
Ratsada talaga sa out of town shows si JK Labajo. Super in-demand ang pinakasikat na singer ngayon kaya halos walang pahinga si JK sa trabaho. Sa lahat ng naging shows niya, satisfied at contented ang mga kumukuhang producers sa bagets kaya naman simula noong bumulusong ang kantang Buwan ni JK ay wala kaming narinig na reklamo laban sa kanya. Patunay lang na nakikisama ang sikat na singer kasama ang kanyang banda sa kung anumang obligasyon nila sa bawat performances nila. After that incident of pagmumura at dirty finger ay lalo pang dumami ang commitments ni JK at patunay lang ito that we cannot argue with success talaga at deserving naman ang binata sa kung anumang tagumpay ang kanyang tinatamasa ngayon! Natatakot lang kami sa bantang natanggap ni JK mula sa isang fan na babantayan daw nila ito at kapag nakatiyempo ay papatayin! This is worst! Kailangan na talaga itong maiparating sa kung kaninong kinauukulan dahil hindi na ito biro lalo na't napaka-visible ngayon ni JK sa tao! Dapat siguro manawagan na sa MCA Music who's handling JK's career na dagdagan ang security ng bagets kasama ang kanyang grupo in every commitment nito. Mahirap magtiwala lalo na sa mundong ginagalawan natin ngayon. Ibigay din dapat ng mga producers ang nararapat na proteksyon at seguridad sa sikat na singer kapag kinukuha nila ito. Grabe! Nakakatakot! Ano bang problema ng mga ito? Wala namang ginagawa si JK sa inyo at nais niya lang naman ay makapagbigay saya sa bawat lugar na naiimbitahan siya! Kung minahal natin ang kantang pinasikat niya, dapat mahalin din natin siya at bigyang respeto. Hindi yung bastusin siya habang nasa entablado at pagbantaan pa!
ARJO ATAYDE HINDI MATATAWARAN ANG GALING!
Nagsisimula palang noon si Arjo Atayde bilang baguhang aktor nang sabihan namin itong darating ang araw na aalagwa siya sa kanyang karera sa showbizlandia. Mula sa teleseryeng E-Boy kung saan tabain pa siya at totoy, nagpakitang gilas na ang sikat na sikat ngayong aktor ng kanyang henerasyon. Sinundan pa niya ito ng tamang pagpapapayat hanggang sa tuluyan na nga siyang nabigyang-pansin ng Kapamilya Network at nabigyan ng hindi matatawarang karakter sa naglalakihang teleserye ng Dreamscape. Umalagwa na nga ang aktor at nakatanggap ng parangal mula sa iba't ibang prestihiyosong award-giving bodies at patuloy na pinupuri magpahanggang ngayon. Sa latest IWant Original series ng Dreamscape Digital ay kakaibang karakter naman ang kanyang ginagampanan. Kakaibang Arjo Atayde ang ating mapapanood dahil kakaibang role naman ang bibigyang buhay niya rito. Isang socio-political action drama series ang BAGMAN kung saan isang barberong ordinaryong mamamayan ang ginagampanan ni Arjo bilang si Benjo. Isang madiskarteng anak na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Ayon pa mismo sa Dreamscape Digital, wala silang ibang nakitang pupuwedeng gumanap sa role kundi bukod-tanging si Arjo lamang. Labis naman ang pasalamat ni Arjo sa buong team ng BAGMAN na may 12 part-series na sinulat ni Shugo Praico at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King at Shugo. Ang unang 6 na episodes nito ay magiging available sa IWant nang libre simula March 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa March 27 at ang huling tatlong episodes naman ay sa April 3! Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Pilipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital na siya ring nasa likod ng trending movie na GLORIOUS kasama ang mga romantic drama na THE GIFT at APPLE OF MY EYE at ang edgy series na PROJECT FEB 14!
FDCP OPENS FILM LAB FOR MINDANAO FILMMAKERS
Isang bagong development platform para sa mga kuwentong Mindanao ang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Southern Voices Film Lab (SOVOLAB). Nakatuon itong tuklasin ang iba’t iba’t natatanging mga kuwento’t pananaw mula sa Katimugan ng bansa at magbigay ng pagkakataong mas maiayos ang mga ito at maging full-fledged projects.
Ang SOVOLAB, isang intensive script and development lab para sa Mindanaoan filmmakers, ay bukas para sa lahat ng filmmakers mula sa Mindanao na nag-dedevelop ng kanilang una, pangalawa, at pangatlong feature films. Ang deadline of submission ay sa April 12, 2019.
Anim (6) hanggang walong (8) projects sa advanced stage of development ang pipiliin. Sa loob ng walong (8) buwan, ang mapapabilang na filmmakers ay dadalo sa tatlong (3) workshop sessions sa Mindanao. Sasailalim din sila sa mentoring ng international at local experts para mas mapaganda ang kanilang screenplays.
Ang unang session ay gaganapin sa Mayo, ang pangalawang session ay sa Setyembre, at ang pangatlo naman ay sa Nobyembre. Kasama sa sessions ang script consulting at talks ng industry experts.
Ang pang-apat at huling session ay ang SOVOLAB Pitch Showcase. Ito ang final pitch ng participants sa Jury at Decision Makers na gaganapin sa Davao City sa Mindanao Film Festival sa Disyembre. Dalawang (2) projects ang tatanggap ng co-production grant na nagkakahalagang isang milyong piso.
" PANSAMANTAGAL " MARCH 20 NA IN CINEMAS NATIONWIDE!
Unang handog ng Horseshoe Studios ngayong 2019 ang dramady na PANSAMANTAGAL sa direksyon ni Joven Tan na pinagbibidahan ng kakaibang tandem nina Gelli De Belen at Bayani Agbayani. Ang pelikulang ito ay sasalamin sa kasalukuyang karaniwang sitwasyon na kinakasangkutan ng marami na hindi pinag-uusapan. Ang pagiging kuntento sa pagpasok sa isang pansamantalang pag-ibig para sa pansamantalang kaligayahan na madalas ay ipagdadasal mong magtagal kahit gaano pa ito kahirap at ka kumplikado. Kasama rin sa pelikula sina DJ ChaCha, Perla Bautista, John Vic De Guzman, Ronnie Lazaro at Edgar Allan Guzman. Ipapalabas na ngayong March 20 ang pelikula at distributed ng Reality Entertainment.
ABRA PROVINCIAL HOSPITAL OFFICIAL STATEMENT ON CHOKOLEIT'S DEATH
READ: Official Medical Statement of the Abra Provincial Hospital (APH) for the case of Comedian Chocoleit
Patient is a certain Jonathan Aguilar Garcia, 48 years old, male, complained of difficulty of breathing while in the venue of a show. Our medics from Health Emergency Management Services (HEMS) noticed the patient to be gasping for breath while performing. Hence, medics were immediately sent at the backstage expecting the worst.
Comedian Chocoleit was noted to have difficulty breathing. He was advised but refused to be brought to the hospital claiming that he was ok.
However, few minutes later, he collapsed and was eventually rushed to the Abra Provincial Hospital, where a team of 4 doctors was waiting for him. En route to the hospital, he was given oxygen and put on high back rest. Vital signs were as follows; BP 140/100 CR 110 RR 50 O2 sat 40%. He was noted to have cold clammy perspiration, cyanotic and had involuntary eye movements (seizure?).
After approximately 5 minutes, he was received by doctors TerredaƱo, Gonzales, Alameda and Seares, in severe cardio-respiratory distress. Initial BP was 200/100 CR 130 RR 50 O2 sat 36% RBS 159mg%. He was intubated upon arrival at the ER and hooked to manual ambubagging. ECG showed abnormal tracings (AV dissociation). Voluminous frotty secretion was noted to be coming out of his endotracheal tube and from the oral cavitiy necessitating frequent sactioning. Tropinin I was elevated at 0.346 ng/dl.
Soon he went into cardiac arrest and chest compression was initiated. Resuscitation went on for 44 minutes.
However despite our efforts to revive him, he eventually succumbed and pronounced dead at 11:38 PM. Immediate cause (of death was) acute pulmonary edema; Antecedent cause: cardiogenic shock; underlying cause: Acute Myocardial infarction; under contributory factors: Chronic Obstructive Pulmonary Disease in acute exacerbation.
Ma. Cristina Valera Cabrera, MD
PHO, Abra Provincial Hospital
Bangued, Abra
note: APH gave consent for this to be posted publicly.

SERBISYO PUBLIKO NASA PUSO NI YUL SERVO
Isang masipag at tapat sa lingkod bayan ng 3rd district ng Manila
Mula sa simpleng ambisyon na maging pulis at makapaglingkod sa bayan, naging premyado at award-winning actor si Yul Servo, tatlong beses humataw bilang mahusay at masipag na konsehal, at ngayon ay ipinagpatuloy niya ito bilang isang hardworking na Congressman ng 3rd district ng Manila.
Bumida si Yul sa pelikulanbg Batang Westside ni Direk Lav Diaz noong 2001 at mula rito ay nakarami na siya ng acting awards na hinakot. Ang ilan dito ay Naglalayag, Laman, Torotot, at Brutus. Kabilang sa natamo niyang acting awards ay dalawang Best Actor sa Brussels International Independent Film Festival.
Sa katatapos lang na birthday-thanksgiving ni Yul recently, nalaman namin na bukod sa madalas na pag-iikot sa kanyang distrito ay marami siyang ginagawang projects para sa kanyang constituents tulad ng free medical and dental services, nagpagawa rin siya ng mga day care centers, Operation Tuli, at marami pang ibang proyekto na nakikinabang nang husto ang kanyang constituents.
Kabilang din dito ang pagpapatayo niya ng bagong police precinct dahil dati raw ay nasa looban ito. “Five floors ito at nasa tapat lang ng SM San Lazaro. Nakapagpagawa rin ako ng hospital with six floors, 2l4 new classrooms, five state of the art basketball courts sa schools at 13 courts sa deadend streets. Bale ang susunod na project ko is a new barangay hall sa may San Sebastian church.
“Mayroon din akong 800 scholars sa college, plus 5,000 elementary at high school students. My program is Serbisyong Walang Katulad at Naglilingkod Anumang Panahon. I’m here not just to represent sila sa Kongreso kundi para rin tulungan sila, ipagtanggol at ipaglaban sila sa kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansa,” kuwento pa ni Yul.
Kitang-kita rin ang pagiging sincere ni Yul na naikuwento pa na sa loob ng isang buwan, humigit-kumulang sa 800 burol ng patay ang napupuntahan niya-na panahon man ng election o kampanya ay lagi niyang ginagawa talaga para makiramay sa kanyang constituents.
“Ginagawa ko po ito mula pa noong konsehal ako, and kapag pupunta ako sa patay-may mga nagpapa-picture at nahihiya po ako. Pero naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapa-picture nila, nababawasan kahit paano ang kanilang pighati,” aniya.
Idinagdag pa ni Yul na noong una ay P1000 ang madalas na ibinibigay niyang abuloy, ngunit dahil nga sa rami ng lamayan na pinupuntahan niya halos araw-araw, wala siyang choice kundi gawin na lang itong P200. Mas mahalaga nga naman kasi ang pakikiramay at presensiya niya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng karamay.
Sa darating na eleksiyon ay tatakbo ulit si Yul para sa kanyang second term. Kasama siya sa partidong Asensadong ManileƱo na ang mayor at vice mayor ay sina Isko Moreno at Honey Lacuna. Ang nakababatang kapatid niyang si Apple Nieto, na chief of staff ni Yul for 12 years ay sasabak na rin bilang Konsehal ng 3rd district ng Maynila. Kasama sa line up ng Konsehal nila sina Terrence Alibarbar, Joel Chua, Pamela “Fa” Fugoso, Jong Isip, at Letlet Zarcal.
Sa ngayon ay priority ni Congressman Yul ang kanyang pagiging public servant, ngunit kapag may time ay naisisingit pa rin ang pagiging alagad niya ng sining.
“Kasi, passion ko po talaga ang acting kaya basta may time at maganda ang role, I will consider it,” sambait pa ni Yuk na last Sunday ay muling nagpakita ng husay sa Ipaglaban Mo na lumabas bilang kontrabida.
Napapanood din siya sa Tokhang sa Cignal cable at isa sa tampok sa award-winning movie na Kiko Boksingero na naging entry sa Cinemalaya.
Ang kanyang mantor-manager na si Direk Maryo J. delos Reyes ang pinagkaka-utangan niya ng loob sa mga nangyayari sa kanya sa showbiz at politika. Kaya naman ayon kay Yul, hindi kinalilimutan ang mga pangaral sa kanya ng namayapang premyadong director na huwag mangurakot at alagaan ang kanyang pangalan. “Kaya po talagang kahit singkong duling, hindi ko kinukurakot, kung ano ang para sa constituents ko ay ibinibigay ko sa kanila,” wika pa ni Yul Servo.

JUAN KARLOS LABAJO PATULOY ANG PAGKINANG!
Totoo ang mga binitiwang litanya ni Juan Karlos Labajo sa kanyang instagram account. Walang hinanakit ang sikat ngayong singer sa kanyang post kundi pagpapaka-totoo lang sa mundong ito. Actually, totoo, marami o napakarami ang nagmamalinis sa mundong ito. May punto rin siya sa sinabi nitong hindi porket nagmumura ay masama na ang pag-uugali. Actually, sino nga naman tayo para husgahan siya sa kanyang naging asal? May punto rin siya sa binigkas nitong may mga tao talagang bastos at walang modo at papansin and being human ay ibinalik lang ni JK ang ibinato sa kanya ng mga bastos at walang modo. Hindi ko po kino-konsente ang ginawang pagdi-dirty finger at pagmumura ni JK. Unang-una ay nasa wastong edad naman na siya at alam niya naman ang kanyang ginagawa. Wait. Bakit ba kapag artist na ang nag-dirty finger at nagmura ay big deal na kaagad ito sa ating lipunan? Kung sasagutin ninyo ako ng kesyo public property siya at dapat maging ehemplo ng kagandahang asal, no way for me dahil tao ang din siyang nasaktan nang harapang garapalang bastusin ng mga totoong bastos, walang modo sa lipunan! Kahit ako, kung ako ang nasa entablado at pinakitaan ako ng ganoong treatment ng ilang bastos at walang modo, tao lang ako, baka mas malala pa doon ang ginawa ko. Tao siya. Hindi po natin pagma-may-ari ang damdamin niya. Huwag niyo rin sabihing kinakampihan ko si JK. Naintindihan ko siya at may punto siya! Kung masyadong liberated ang binata, kung masyadong naging mabilis ang pakiramdam niya, THAT'S JK! Ang maipapayo ko lang siguro sa kanya, learn from this incident but keep up the best thing that you already have! Hayaan mong manatiling nasa ilalim ng buwan ang mga detractors mo! Be good always Nak!
GELLI DE BELEN BILANG KABIT SA PANSAMANTAGAL
Paano nga ba ang buhay ng isang kabit? Paano nga ba nabubuhay ang isang kabit? Masaya ba siya o hindi? May hinahanap ba siyang kulang o sadyang kuntento na siya sa kung anumang buhay meron siya? May ordinaryong kabit at may espesyal na kabit. Paano kung kabit ka naman ng isang politician? Yan ang ginagampanang papel ni Gelli De Belen sa latest script ni Direk Joven Tan na " Pansamantagal " with Bayani Agbayani and DJ Cha Cha. Produced ito ng Horse Shoe Studios at ire-release naman ng Reality Entertainment.
" I Love it! Ibang klase ang character ko sa movie na ito. Nung matanggap ko ang script, honestly, sabi ko, wow, why not! Nagustuhan ko na kaagad ang story at agad-agad ay oo ang sinagot namin kay Direk Joven. " sez Gelli De Belen sa aming tsikahan sa kanya.
Ibang klase nga ang script na ito. Maaring yung iba ay magtaasan ang kilay dahil medyo naked ang linyahan sa pelikula. Papano siya napapayag to do the role?
" Hindi naman na ako pa-tweetums! I mean, it's about time and i like the story. Hindi ka lang doon sa mga ganoong lines like nung lumabas sa teaser namin na almost 6 million views na, it's the story itself. Maganda ang movie! Promise! " aniyang muli.
" Malalaki naman na mga anak ko. Jusko! Pero kung maliliit pa siguro sila, naku, di puwede! Alam ng asawa ko nung tanggapin ko ang script and may kuwento kasi siya. Basta! Beautiful ang film! " aniyang paglalahad pa sa amin.
In fairness, may chemistry sila ni Bayani Agbayani. Parehong nasa mundo rin ng comedy. Kaya naman wala silang naging problema sa batuhan ng lines sa movie.
" Firtst time naming magkatrabaho. Pero kilala ko na siya! Naku! Wala kaming ginawa sa set kundi ang tawanan ng tawanan lang. Kalog naman kasi lahat eh! " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.
Showing napo ngayong March 20 ang PANSAMANTAGAL.

Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...