SERBISYO PUBLIKO NASA PUSO NI YUL SERVO

Isang masipag at tapat sa  lingkod bayan ng 3rd district ng Manila
Mula sa simpleng ambisyon na maging pulis at makapaglingkod sa bayan, naging premyado at award-winning actor si Yul Servo, tatlong beses humataw bilang mahusay at masipag na konsehal, at ngayon ay ipinagpatuloy niya ito bilang isang hardworking na Congressman ng 3rd district ng Manila.
Bumida si Yul sa pelikulanbg Batang Westside ni Direk Lav Diaz noong 2001 at mula rito ay nakarami na siya ng acting awards na hinakot. Ang ilan dito ay Naglalayag, Laman, Torotot, at Brutus. Kabilang sa natamo niyang acting awards ay dalawang Best Actor sa Brussels International Independent Film Festival.
Sa katatapos lang na birthday-thanksgiving ni Yul recently, nalaman namin na bukod sa madalas na pag-iikot sa kanyang distrito ay marami siyang ginagawang projects para sa kanyang constituents tulad ng free medical and dental services, nagpagawa rin siya ng mga day care centers, Operation Tuli, at marami pang ibang proyekto na nakikinabang nang husto ang kanyang constituents.
Kabilang din dito ang pagpapatayo niya ng bagong police precinct dahil dati raw ay nasa looban ito. “Five floors ito at nasa tapat lang ng SM San Lazaro. Nakapagpagawa rin ako ng hospital with six floors, 2l4 new classrooms, five state of the art basketball courts sa schools at 13 courts sa deadend streets. Bale ang susunod na project ko is a new barangay hall sa may San Sebastian church.
“Mayroon din akong 800 scholars sa college, plus 5,000 elementary at high school students. My program is Serbisyong Walang Katulad at Naglilingkod Anumang Panahon. I’m here not just to represent sila sa Kongreso kundi para rin tulungan sila, ipagtanggol at ipaglaban sila sa kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansa,” kuwento pa ni Yul.
Kitang-kita rin ang pagiging sincere ni Yul na naikuwento pa na sa loob ng isang buwan, humigit-kumulang sa 800 burol ng patay ang napupuntahan niya-na panahon man ng election o kampanya ay lagi niyang ginagawa talaga para makiramay sa kanyang constituents.
“Ginagawa ko po ito mula pa noong konsehal ako, and kapag pupunta ako sa patay-may mga nagpapa-picture at nahihiya po ako. Pero naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapa-picture nila, nababawasan kahit paano ang kanilang pighati,” aniya.
Idinagdag pa ni Yul na noong una ay P1000 ang madalas na ibinibigay niyang abuloy, ngunit dahil nga sa rami ng lamayan na pinupuntahan niya halos araw-araw, wala siyang choice kundi gawin na lang itong P200. Mas mahalaga nga naman kasi ang pakikiramay at presensiya niya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng karamay.
Sa darating na eleksiyon ay tatakbo ulit si Yul para sa kanyang second term. Kasama siya sa partidong Asensadong Manileño na ang mayor at vice mayor ay sina Isko Moreno at Honey Lacuna. Ang nakababatang kapatid niyang si Apple Nieto, na chief of staff ni Yul for 12 years ay sasabak na rin bilang Konsehal ng 3rd district ng Maynila. Kasama sa line up ng Konsehal nila sina Terrence Alibarbar, Joel Chua, Pamela “Fa” Fugoso, Jong Isip, at Letlet Zarcal.
Sa ngayon ay priority ni Congressman Yul ang kanyang pagiging public servant, ngunit kapag may time ay naisisingit pa rin ang pagiging alagad niya ng sining.
 “Kasi, passion ko po talaga ang acting kaya basta may time at maganda ang role, I will consider it,” sambait pa ni Yuk na last Sunday ay muling nagpakita ng husay  sa Ipaglaban Mo na lumabas bilang kontrabida.
Napapanood din siya sa Tokhang sa Cignal cable at isa sa tampok sa award-winning movie na Kiko Boksingero na naging entry sa Cinemalaya.
Ang kanyang mantor-manager na si Direk Maryo J. delos Reyes ang pinagkaka-utangan niya ng loob sa mga nangyayari sa kanya sa showbiz at politika. Kaya naman ayon kay Yul, hindi kinalilimutan ang mga pangaral sa kanya ng namayapang premyadong director na huwag mangurakot at alagaan ang kanyang pangalan. “Kaya po talagang kahit singkong duling, hindi ko kinukurakot, kung ano ang para sa constituents ko ay ibinibigay ko sa kanila,” wika pa ni Yul Servo.

No comments:

Post a Comment