Security ni JK Labajo, dapat dagdagan

Security ni JK Labajo, dapat dagdagan: DAPAT  sigurong dagdagan ng MCA Music ang security ni JK Labajo kapag nasa out of town shows ito. O di kaya ay gawing must ito sa mga producers na kumukuha kay JK to perform sa kani-kanilang lugar.Hindi na kasi biro ang isang pagbabantang papatayin daw ng isang fan si JK at babantayan at susundan ito kung saan man magso-show!Grabe! Malala na talaga ang utak ng ibang tao ngayon at nagagawa nang harapang bantaan ang buhay ng may buhay tulad na lamang nitong dinanas ni JK Labajo na kasalukuyang umaariba sa buong mundo ang kanyang kantang 'Buwan.'Milyon ang nahumaling sa kanta ng bagets kaya naman halos wala namang pahinga si JK sa trabaho kasama ang kanyang grupo!Nakakalungkot lang mabalitaang dinadanas ng binata ang ganitong pagbabanta sa kanyang buhay na wala naman siyang ibang hangarin kungdi ang magbigay saya lang sa tao!Kakaloka! Dapat na rin sigurong gawan ng aksiyon ng management ni JK ang mga ganitong banta dahil hindi na siya biro kundi nakakatakot na! (BISTADODAILYNEWS.NET / KYEMEHAN by DOMINIC REA)

No comments:

Post a Comment